Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 743 - Pursuit of Death (6)

Chapter 743 - Pursuit of Death (6)

"Emperor, patawarin mo kami!"

"Tanga kami at inistorbo ang pahinga ng Emperor!"

Ang lahat ng kalapit na mga eksperto ay takot, at ang kanilang mukha ay namumutla. Ang Emperor Projection sa himpapawid ay bahagyang tinaas lamang ang kanyang kamay at agad nang nagalusan ang lahat na naging dahilan upang hi di nila magamit ang kanilang kapangyarihan. Sa sandaling ito, ang mga eksperto ay umaktong mga langgam.

"Ang islang ito ay hawig sa Azure Flower Continent…" Bulong ni Zhao Feng habang inaalala ang kanyang bansa. Ilang taon na ang nakalilipas simula noong umalis siya sa Azure Flower Continent.

Tungkol namam sa Emperor Projection, nalaman niya ito kay Duanmu Qing. Hangang mayroon siyang Empwror Intent, magagamit niya ito.

"Put*ng in*!" tinaas ng Emperor Projection ang kanyang kamay at lahat ng mga eksperto ay tumilapon sa hangin.

Matapos ang ilang sandali, lahat sila ay ilang daang milya na ang layo nang tinalsik, at lahat sila ay gula-gulanit. Hindi nila maipakita ng kanilang gulat.

"Ang lakas ng Emperor ay katakot-takot!"

Lahat ay bumuntong-hininga. Bakit lilitaw ang maalamat na Emperor dito? Ang mga pinaka malakas dito ay mga Sovereign Lords, at tanging sila lamang ang nakakita sa Void God Realm. Gayunpaman, wala pang bagong Emperor sa islang ito sa nakaraang sampung libong taon.

Maging ang mga normal na two-star sect at two and a half star forces ay walang Emperor. Kadalasan, ang mga peak two star sect lamang ang may Emperors na nagbabantay sa kanila.

"Umalis kayong lahat!"

Agad na umatras ang mga eksperto. Kung magbabago ang isip ng Emperor, maari silang patayin nito sa isang iglap.

Sa loob ng isang libong yardang crater, naupo si Zhao Feng at ang batang Demigod ay nagsimulang maglaho.

Ang bloodline, talino at potensyal ni Zhao Feng ay lubhang katakot-takot, lalo na noong matagumpay niyang nakuha ang God Tribulation Lightning, nakaramdam ng malaking presyur ang batang Demingod. Kung magpapatuloy ito, ang mga nakaraang tagumpay ni Zhao Feng ay mahihigitan niya pa. Siyempre, mangyayari lamang iyon kung makaliligtas si Zhao Feng sa Pursuit of Death.

"Hmm? Hindi ito maganda!" May kung anong naramdaman si Zhao Feng at agad siyang lumingon sa isang direksyon. Sa sumunod na sandali, isang madilim na ilaw ang ang dumaan sa harang ng Bright Flower Area at naging dahilan upang magdilim ng kalangitan. Tila ba dumating na ang pagkagunaw ng mundo at magsisimula na ang dark era.

"Intent of Death! Ang Empror Intent!" ang mga ekspertong umatras ay naramdaman na tila nahulog sila sa kailaliman at hindi nila makontrol ang kanilang buhay. Ang Power of Death ay kumalat sa hangin at lahat ng nilalang na may buhay na kanyang madaraanan ay namatay.

"Sobrang bilis!" Nagtinginan si Zhao Feng at ang batang Demigod at inatake ang Emperor of Death nang walang pag-aalinlangan.

Lightning Wings Wind Flash!

Nabuo sa likod ni Zhao Feng ang pares ng scarlet-gold na pakpak na binalot sa Wind Lightning at naglabas siya ng scarlet-gold na bagyo na naglalaman ng magulong aura of Destruction.

Boom~~~~!

Lumipad si Zhao Feng sa langit at malakas na sumalpok laban sa Emperor of Death. Kumpara noong nasa Sky Sacred Quin Palace siya, tumaas sa kalahati ang lebel ni Zhao Feng.

"Death Forcefield!"

Ang ekspresyon ng Emperor of Death ay bahagyang nagbago kasabay nang paglitaw ng itim na kapatagan sa kanyang paligid, na naging repleksyon sa mga pinsala at sa nag hihingalo niyang buhay.

Boom! Boom! Boom~~~~!

Ang mga peak experts mula sa Bright Flowwr Area sa baba ay naramdaman na ang kalangitan ay nagyayanig at ang mundo ay nawawasak.

Ang labanang ito ng mga Emperors ay naging dahilan upang ang Langit at Mundo ay magyanig at bumuo ng silakbo mula sa Heaven Earth Yuan Qi.

Ang kanilang labanan ay maaring bumuo ng ilang daang yardang lawak na hukay sa lupa kahit ang labanan ni Zhao Feng at ng Emperor of Death ay sa himpapawid ginaganap malapit sa walang hanggang karagatan. Kung hindi pa ganito ang kaganapan, ang labanan sa pagitan ng mga Emperors ay magdudulot ng malaking pinsala sa buong lugar.

Hindi pa rin ako makaabot sa Death Forcefield, mabilis na wumagayway ang pakpak ni Zhao Feng kasabay nang pakikipagpalitan niya ng atake sa Emperor of Death.

Ang atake niya ngayon ay naglalaman nang pagsasanib ng tatlong spatial domains at mayroon siyang kalamangan sa bilis, kaya niyang makipaglaban ng harapan sa Emperor, ngunit ang Death Forcefield ng emperor ay masyadong malakas; kaya nito lamunin ang pinsala sa anumang atake.

Dahil sinanib na ni Zhao Feng ang God Tribulation Lightning sa Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning, ang Death Forcefield ay kaya lamang humigop ng 50-60% ng mga atake, ngunit sapat pa rin iyon upang mawalan ng pag-asa si Zhao Feng.

"Sacred Body Dominating Strength!"

Ang batang Demigod ay nagsimulang magliwanag ng ginto kasabay nang paglaki ng kanyang apat na taong katawan at bumuo ng gintong pigura sa himpapawid na tumama sa Emperor of Death.

Ang Sacred Body Dominating Strength ay nagbigay ng malaking oresyur sa katawan ng Emperor of Death, at ito ay lubhang malalim - ang Immortal Death Body ng Emperor of Death ay hindi isang body-strengthening technique.

"Heaven Sealing Eighteen Palms!"

Ang batang Demigod ay sunod-sunod na tumira ng mystic golden palms, at tila pinipilipit nito ang himpapawid na pumipigil sa Emperor of Death.

"Restricting Yuan Palm!" Isang wirdong ipo-ipo ang nabuo sa palad ng batang Demigod, at ang gray-golden na ilaw ay nagsimulang balutin ang Emperor of Death.

Hmm? Magdilim ang mukha ng Emperor of Death. Ang power of Death at lahat ng uri ng Yuan Qi sa kanyang paligid ay hindi na banayad na dumaloy. Siya ay isang peak Emperor na mahusay ang power of Death; kung ito ay normal na Hari sa kanyang lugar, karamihan sa lakas nito ay maninigas.

"Restricting Yuan Palm! Kahit na hindi pa ito kumpleto, alam mo ng lihim na technique na iyo…!!?" Nagsimulang mabago ang ekspresyon ng Emperor of Death habang tinitignan niya ang batang Demigod.

Kahit na ng batang Demigod ay hindi ang tumatayong pang opensa, ang kanyang suporta ay naging dahilan upang hindi tuluyang magamit ng Emperor of Death ang kanyang buong kalakasan. Kung hindi dahil doon, si Zhao Feng o ang ibang Emperor ay matagal nang napatay o nahuli.

"Scythe of Death!" Nagsimulang buuin ng Emperor of Death ang itim na a scythe sa kanyang kamay na pinalilibutan ng power of Death.

Whoosh! Whoosh! Shuu~~~!

Ang malaking scythe ay humiwa sa hangin na bumagay sa Death Forcefield, na naging dahilan upang mapaatras sina Zhao Feng at ng batang Demigod.

Wah!

Ang sikretong technique ng batang Demigod ay nawasak, na naging dahilan upang sumuk siya ng dugo.

Shua!

Nagkaroon ng madugo at malalim na hiwa si Zhao Feng sa katawan ngunit agad din naman itong gumaling.

Ang buong lugar ay binalot ng Scythe of Death. Ang mga normal na Hari ay namatay na sa ganitong sitwasyon.

Ang mga atake ni Zhao Feng at ng batang Demigod ay nagsimulang higupin ng Death Forcefield at ginamit ito upang palakasin ang Scythe of Death.

"Masyadonsiyng malakas," gulat na nakatayo ang batang Demigod habang kaharap ang Emperor of Death. Noong nagsanib si Zhao Feng at ng batang Demigod, ng kanilang battle power ay halos kapantay na sa battle power ni Dianmu Qing.

"Lightning Wings Spatial Flash!"

Angscarlet-goldna pakpak ni Zhao Feng ay nagningning nang nang maliwanag na ilaw kasabay nang pagsanib nito sa hangin.

Whoosh!

Malikita ang manipis na arko nang mabilis na kidlat na dumaan sa himpapawid.

Sa oras na ito, ginamit ni Zhao Feng ang Lightning Wings Spatial Flash, mas pamilyar na siya ngayon dito kaysa noon, at ang kanyang scarlet-gold Wind Lightning ay mas malakas sa golden Wind Lightningbl ng Emperor. Kayang lumipad ng ilang libong dosena ni Zhao Feng sa loob ng bansa at dosenang libon ng milya sa labas.

"Master, mas mabilis ka na ngayon. Malapit mo nang abutang ang Wind Lightning Emperor'a peak speed," saad ng batang Demigod.

"Lightning Wings Spatial Flash!"

Muling gumalaw si Zhao Feng sa ibabaw ng karagatan at pinalayo ang distansya nila ng Emperor.

"Ang ating pinagsamang battle power ay halos nasa lebel na ng peak Emperor, ngunit hindi pa rin natin kayang talunin ang kanyang Death Forcefield o ang kanyang Immortal Death Body. Ang Emperor of Death ay mayroon ding Eye of Death, ngunit hindi pa siya gumagamit ng mga ipinagbabawal na techniques," bulong ni Zhao Feng.

Matapos siyang makalaban nang dalawang beses, alam na ni Zhao Feng na lubhang malakas ang Emperor of Death. Gayunpaman, hindi niya napagtanto na ang Emperor of Death ay hindi nais na gamutin ang sariling Eye of Death dahil nag-iingat ito sa "Ninth God's Eye."

Una, alam ng Emperor of Death na ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay lubhang mahusay laban sa mga soul attacks, kung saan mahusay ang kanyang Death of Eye. Ikalawa, natatakot ang Emperor of Death na ang atake mula sa Eye of Death ay maging dahilan upang mag alab ang potensyal ng Ninth God's Eye. Habang mas aktibo ang Ninth God's Eye, mas maliit ang tsansa na manakaw niya ito.

Dahil sa mga rason na ito, hindi magawa ng Emperor of Death na ilabas ang kanyang buong kalakasan. Kung ito ay ibang mga peak tier King or Emperor ang nasa posisyon ni Zhao Feng, ilang beses na silang namatay. Maging ng ilan sa mga nangununang Emperors ay marahil ay natalo na.

Sa mga sumunod na araw, muling nakaalis si Zhao Feng mula sa Emperor of Death.

Matapos ang isang buwan, nadaanan ni Zhao Feng ang ilang mga island zones at pumasok sa Void Ocean Spiritual Palace.

Ang Void Ocean Spiritual Palace ay walang kinakampihan, at sinusuportahan sila ng Sacred Lands, iyon ang naisip ni Zhao Feng.

Ang layunin niya sa lugar na iyon ay magpahinga ay makakuha ng mgabreaources, kabilang n ang recovery spiritual pills na maaring makapagbigay ng enerhiya sa Hari; tanging ang Void Ocean Spiritual Palace lamang ang may bagay na nais ni Zhao Feng at ng batang Demigod.

Ang isa niya pang layunin ay mag cultivate dito gamit ang estado ng Void Ocean Spiritual Palace upang protektahan siya. Gayunpaman, sa sampung araw bago sila dumating, lumitaw ang Emperor of Death at agad siyang inatake.

Hindi kayang isipin ng isang tao kung anong klaseng pinsala ang maidudulot sa paglalaban ng dalawang Emperors sa Void Ocean Spiritual Palace.

"Ang labanan sa pagitan ng dalawang Emperors!"

"Ito ang maalamat na Emperor of Death!"

Kaguluhan ang naganap sa Void Ocean Spiritual Palace. Lubha ang galit ng Palace Lord, ngunit wala itong magawa upang pigilan sila. Ang mga Normal Palace Lords ay mga half-step Kings o Kings. Bihira sa kanila ang Emperor.

"Emperor of Death, ang lakas ng loob mo na atakihin ang Void Ocean Spiritual Palace. Hindi ka ba natatakot na habulin ng Floating Dream Sacred Island?" Malakas na gumawa si Zhao Feng at ginamit ang kanyang Lightning Wings Spatial Flash upang maglaho sa Void Ocean Spiritual Palace.

Nanatiling walang ekspresyon ang Emperor of Death at ginamit lamang ang Death Instant Shadow upang sundan ito. Upang makuha ang Ninth God's Eye, gagawin niya ng lahat, kahit na ang galitin pa ang lahat ng pwersa sa Sacred Lands. Isa pa, hindi naman nagkakaisa ang lahat ng isla sa Sacred Lands, habang ang Mystic Light Realm Sacred Lords ay ginugugol ng karamihan ng kanilang oras sa seklusyon upang maging Diyos, at ang Emperor of Death ay hindi takot sa ibang Emperors.

Sa isang kisap-mata, dalawang buwan na ng nakalipas. Sa araw na ito, pumasok si Zhao Feng sa isang pamilyar na island zone - ang Ten Thousand Abyssal Island Z9ne. Ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay isa sa mga sikat na lugar sa Ten Thousand Abyssal Sacred Land.

"Malapit na akong umabot sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land, at ang Cold Moon Emperor ay may utang na loob sa akin," kumislap ang mata ni Zhao Feng, at napagtanto niya na ang kanyang sunod na destinasyon ay isang mahalagang punto.