"Hindi ito mabuti!" Ang dalawa ay napasigaw nang hiwain ng Scythe of Death ang kanilang spatial domains at mga pandepensa. Ang dalawa ay napaatras ng ilang daang yarda, at kapwa sila napasuka ng maraming dugo habang ang kanilang mga mukha ay namumutla na.
Ito marahil ay dahil sa batang Demigod na ginamit ang kanyang Heaven Sealing Eighteen Palms at sila ay humina ng tatlumpung porsyento. Kung hindi rin dahil dito, siguro ay patay na silang dalawa ngayon.
Shua!
Nang natamaan at nasira ng cold scythe ang kanilang mga pandepensa, nanlumo ang ekspresyon ng dalawa. Isa kanila ang maaaring mamatay.
"Die Lian, magkita tayong muli sa kabilang buhay!" Ang matalinong lalaki ay sumigaw at ginamit ang kanyang katawan upang maharangan ang scythe. Dahil sa kanyang King-level na katawan, kaya niyang maligtas ang Palace Master sa pamamagitan ng pagharang sa ihip nito. Nang ito'y kanyang ginawa, pinikit na niya ang kanyang mga mata.
"Brother Xin~~~! Ang Palace Master ay napasigaw nang may hinagpis, ngunit wala siyang magawang kahit ano. Sa oras na ito, ang batang Demigod at si Zhao Feng ay malayo sa kanila.
Siguradong patay na ito. Pangkukutya ang nasa mukha ng Emperor of Death, ngunit makalipas ang ilang sandali, hindi inaasahan ang mga naging pangyayari.
"Spatial Movement"
Isang ipo-ipo ang lumitaw sa harapan ng lalaki.
Shu~~
Ilang parte ng talim ng scythe na kamuntik nang tumama sa katawan ng matalinong lalaki ay bigla na lamang naglaho. Tila ba ang gitnang bahagi ng sandata ay bigla na lamang naglaho at ito ay nahati sa ilang piraso nang kumiskis sa ulo at paa ng matalinong lalaki.
"Hindi ako namatay?" Napahinto sandali ang lalaki. Siya ay naliligo na sa malamig na pawis dahil malapit na siyang mapunta sa pintuan ng kamatayan.
"Spatial Movement? Ang ganitong klaseng paggamit ng Space…." Ang Emperor of Death ay napahinto, at biglang nagbago ang kanyang ekspresyon nang may maramdaman siyang kakaiba.
Shua!
Ang mga naglahong parte ng scythe ay tumarak sa ulo ng Emperor of Death at nagsimulang dumanak ang dugo.
"Lubos na katawa-tawa," bumulong ang Emperor of Death. Kahit na hindi lubos napinsala ng scythe ang kanyang Immortal Death Body, nakahihiya pa ring tamaan ka ng sarili mong teknik. Ito ang bagay na hindi pa nangyari sa loob ng ilang libong taon.
"Frost of Death!" Naging mabagsik ang ekspresyon ng Emperor of Death.
Nang kanyang kunin ang tumama sa kanya, nagpakawala rin siya ng madilim na sinag ng malamlam na liwanag na nagdulot ng pagyeyelo sa paligid, kabilang na ang espasyo.
"Tingnan mo ito!" Ang dalawa ay nakatakas na sa bingit ng kamatayan, at ngayon naman ay nararamdaman nila ang kritikal na lamig ng Intent if Death na patungo sa kanila.
Whoosh!
Ang matalinong lalaki ay nagtungo sa harapan, at ang malamlam na sinag ng Kamatayan ay madaling nagpayelo sa kanyang katawan. Ang kulay itim na yelo ay nagsimulang lumaganap sa kanyang katawan.
Siii~~~
Hindi lamang ang matalinong lalaki ang nabalot ng yelo at hindi na makagalaw, ang kapangyarihan ng Kamatayan ay sinakop din ang kanyang lifeforce.
"Brother Xin!" Sinubukan ng Palace Master na buwagin ang nalalabing mga atake nang ang puting apoy ay lumitaw sa kanyang mga kamay at ito'y inilagay niya sa likod ng matalinong lalaki upang mawala ang panlalamig nito.
Isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa mukha ng Emperor of Death, at ang ekspresyon ni Zhao Feng ay biglang nag-iba nang makita ng kanyang God's Spiritual Eye ang matalinong lalaki.
"Tigil!"
"Arghhh!" Ang matalinong lalaki ay napahiyaw nang ang Frost of Death sa kanyang katawan ay nagsimulang kumulo at balutin siya nito. Tila ba may isang lason na pumasok sa kanyang katawan.
Kahit na mukhang malamig sa pakiramdam ang manigas sa yelo, kapag sinubukan itong tunawin, kakalat ang lason. Ang Frost of Death ng Emperor of Death ay nagtataglay ng makapangyarihang lason, at sa isang kirap lamang ng mata, ang katawan ng matalinong lalaki ay mabubulok at magiging isang lusak ng itim na dugo.
"Brother Xin, napatay kita~~~!" Lubos ang kalungkutan ng Palace Master na tila ba nasugatan ang kanyang puso.
Napalagpak ang puso ni Zhao Feng at ng batang Demigod. Ang Frost of Death ay maaaring magpayelo sa target, at kung sinuman ang sumubok na tumunaw rito, mas lalo pang pag-iigtingin ang kalakasan nito. Gayunpaman, kung hindi naman ito tutunawin, ang kapangyarihan ng Kamatayan ay babagbagin ang lifeforce ng target. Sa katotohanan, hindi naman talaga ito mamamatay; kailangan lamang nang kaunting panahon.
"Hindi mo kailangang malungot. Ihahatid ko siya sa iyo," ngumiti ang Emperor of Death at muling naglabas ng pangalawang malamlam na sinag ng Kamatayan patungo sa Palace Master.
"Master~~~~!" Si Li Xueyi na nasa loob ng protective array ay napatili. Kung wala nang inaasahang mangyayari, ang Palace Master ay mamamatay. Hindi niya kayang harangan ang mga atake ng Emperor of Death kahit pa pinahina na ito ng batang Demigod.
Sa kritikal na oras na ito:
Lightning Wings Flying Technique!
Isang kislap ng scarlet-colored na Wind Lightning ang humarang sa harapan ng Palace Master.
"Ikaw…!" Ang Palace Master ay nagpakita ng pagkabigla at hindi pagsang-ayon. Nakaramdam siya ng isang kabataang may kulay lilang buhok na ginamit ang kanyang katawan upang harangan ang ihip, gaya nang ginawa ng kanyang asawa. Ang batang ito ay si Zhao Feng.
Isang napakalakas na malamig na kapangyarihan ang sumingaw mula kay Zhao Feng dahil sa kanyang inilabas na Ten Thousand Ancient Races bloodline. Ang Palace Master ay nakaramdam nang matinding puwersa sa pagtayo nito malapit sa kanya.
Weng~~
Isang mapanganib at perpektong ice-blue na kaliskis ang lumitaw sa katawan ni Zhao Feng, at ang kalamigan na nanggagaling sa Frost of Death ay biglang naglaho.
Peng!
Ang natitirang kapangyarihan ay napunta kay Zhao Feng, ngunit ito ay humina ng apatnapu hanggang limampung porsyento, kaya't kitang-kita na hindi naman ito nasindak dito, na siyang mayroong Mystic Ice Scaled Race bloodline.
"Ten Thousand Ancient Races bloodline…." Bumulong ang Emperor of Death habang pumipikit-pikit abg kanyang mga mata. Ang unang isang daan at kahit ang unang isang libo sa Ten Thousand Ancient Races bloodline ay mga maalamat na bloodline sa buong Fan Universe. Ang bloodline ni Zhao Feng ay ang pang-walumpu't siyam. Ang kanyang panangga na Ice bloodline ay perpektong salungat sa Frost of Death ng Emperor of Death o kahit na saan pang Ice-related techniques.
"Palace Master, umalis ka na at protektahan ang buong sekta. Ako na ang bahalang gumulo sa Emperor of Death," ang boses ni Zhao Feng ay umukit sa isip ng Palace Master, at nakaramadam siya ng konsensya. Siya ang isa sa mga nagdala sa Emperor of Death dito. Masasabing siya ang responsable sa pagkamatay ng asawa ng Palace Master.
Pagkatapos niyang magsalita, isang mapagkukunan ng Magnificent Power na maikukumpara sa lebel ng Emperor ang naghatid sa Palace Master sa protective array.
"Kailangan mong maging mag-ingat," alam ng Palace Master na kaya niya itong hilain pababa.
"Mukhang mahirap nang pigilan si Zhao Feng sa pagbuo niya ng Emperor Intent…." Ang Emperor of Death ay bumulong at hindi siya nagmamadaling umatake. Ang pinagtutuunan niya ng pansin ay si Zhao Feng - ang Palace Master ay isa lamang malaking langgam sa kanyang mata.
"Scarlet Destruction Eye Flame!" Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay kumislap nang scarlet-gold.
Whoosh!
Isang half-transparent scarlet-colored Lightning na apoy ang kumulog sa Emperor of Death at tumama ito sa mental at pisikal na dimensyon. Kahit ang puso ng Emperor's Death ay napatalon, at hindi naging maayos ang kanyang pakiramdam. Kung titingnang mabuti, isang malabong kulay ginto ang nasa ibabaw nito- at ito ay ang higher-ranked Scarlet-Gold Destruction Eye Flame.
Ang eye-boodline flame na ito ay nagtataglay ng esensya ng Scarlet Destruction ni Zhao Feng, na maikukumpara sa Wind Lightning Emperor's Golden Destruction Wind Lightning matapos itong maisama sa God Tribulation Lightning.
Ngayon na ang kaluluwa ni Zhao Feng ay nagtataglay ng isang dosenang mas maraming God Tribulation Lightning kumpara nang siya ay nasa Pirate Sacred Land, ang kapangyarihan ng kanyang kaluluwa ay mas naging malakas pa. Dahil sa Emperor-level soul-strength at paggamit ng teknik na ito, sapat na ito upang mabago ang ekspresyon ng mga normal Emperors.
Boom~~~~!
Ang katawan ng Emperor of Death ay yumanig. Tila may isang kidlat ang tumama sa kanya, at ang God Tribulation Lightning at ang walang kamatayang Intent nito ay kayang masaktan ang Immortal Death Body nito sa isang tiyak na antas. Kahit na ang Eye of Death nito ay bahagyang napinsala na. Kung isang normal na Emperor lamang ito, malaki ang kawalan nila sa puntong ito.
"Scarlet-colored Wind Lightning, at nagtataglay ito ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning sa itaas ng aura ng Destruction. Maaari ba ito...!? Nayanig ang puso ng Emperor of Death.
Ang Scarlet Destruction Eye Flame ay napakahalaga at pinaka-makapangyarihan sa kanyang mga eye-bloodline na teknik. Ang pagsama ng God Tribulation Lightning dito ay maihahalintulad sa isang tigreng nagkaroon ng pakpak.
"Magkasamang pag-atake!" Ang pakpak sa likod ni Zhao Feng ay tila nagliyab at kumintab na mayroong malabong kulay ginto nang ito'y papalapit sa Emperor of Death. Ang batang Demigod din ay mistulang naging gintong bomba- ang kanyang Sacred Body ay nabuo at naging makinang na gintong kamao na nagtataglay ng malalakas at matataas na Intent.
"Scarlet Destruction Exploding Fist!"
Ang pag-atake ni Zhao Feng at ng batang Demigod ay sabay dumating, at ang kay Zhao Feng ang mas naging malakas na puwersa.
Ang Scarlet Destruction Exploding Fist ay naglabas ng kapangyarihan ng Destruction at kaguluhan ng Fire at Lightning na pinakalamakas. Sa itaas nito, ay ang kanyang tatlong domains na isinama rin sa atakeng ito. Ang Illusion Maze Domain, Mystic Ice Domain, at ang Wind Lightning Domain ay nagsama-sama sa isang suntok lamang.
Sa kabilang banda, ang batang Demigod naman ay ginamit ang kanyang Fist Intent at lakas ng kanyang Sacred Body upang malamangan ang pisikal na katawan ng Emperor of Death at ang Intent nito. Sa totoo lamang, ang batang Demigod ang palaging nakapaglilimita sa kalakasan ng Emperor of Death, kaya't nahihirapan siyang harapin si Zhao Feng.
Tatlong spatial domains? Ano…!? At ang Golden Kun Sacred Body. Ano ang relasyon ng batang ito at ng Demigod Kun Yun? Ang Emperor of Death ay nasindak.
Boom~~~~!
Ang kombinasyong atake ni Zhao Feng at ng batang Demigod ay parehong tumama sa Emperor of Death. Naging mabigat ang katawan ng Emperor of Death, hindi siya nataranta kahit pa ang kombinasyong puwersa ni Zhao Feng at ng batang Demigod ay maaaring manakot sa maraming Void God Realm Emperors.
"Death Forcefield!" Ang hanging nakapalibot sa Emperor of Death ay napaligiran ng kadiliman at nagsimulang umikot-ikot, sinira ang lahat ng bagay sa loob, kabilang na rin ang Heaven Earth Yuan Qi.
Bam!
Nasagap ng forcefield ang makapangyarihang atake at naging isang makapangyarihang paurong na puwersa.
"Urong!" Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay kapwa nakaramdam ng panganib. Ang Death Forcefield na ito ay sumasagap ng mga atake at ibinibalik rin ang parehong puwersa sa umatake nito.
Nag-iba ang ekspresyon ni Zhao Feng dahil bumilis ang tibok ng kanyang puso, at dumaloy ang kanyang mental na enerhiya nang pinakamataas habang ang kanyang Scarlet Destruction Wind Lightning ay mabilis na wumagayway.
Shua!
Isang malakas na daluyong ng Intent ang nagtulak kay Zhao Feng at sa batang Demigod upang makatakas nang mabilis, at naiwasan nila ang lahat ng atake mula sa Death Forcefield.
Peng! Peng! Peng! Peng!
Kumalabog ang puso ni Zhao Feng. Sa oras na ito ay ramdam talaga ang isang panganib.
"Hmm?" Naramdaman niya na mayroong kakaiba. Ang kanyang Intent ay mararamdaman nang puro at buo. Ang iba't ibang Intents na nakapaligid sa kanya ay mistulang umaagos sa kanya.
Boom!
Isang daluyong ng Emperor Intent ang dumaloy sa kalangitan at nagsanhi ng pagkulog at pagkidlat.
"Emperor Intent!"