Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 738 - Pursuit of Death (1)

Chapter 738 - Pursuit of Death (1)

Ang kapangyarihan ng Dao Entertainment na nasa barya ay hindi lang nakapagpapalakas ng Intent, nakatutulong din ito sa kaluluwa nang husto.

Maaari ding sabihin na naglalaman ito ng epekto ng Mermaid Tears at Illusion God Wine.

Ang mga bituin sa langit ay umikot sa isang napakalalim na paraan at tila ba naglalaman ng mga unibersal na mga batas.

Ang tunog ng Qin malapit sa kanyang tenga ay tila ba kayang lumusot sa oras at kayang makapagpasok nito sa isang malalim na anyo.

Sa ilang mga maiiksing paghinga, pakiramdam ni Zhao Feng siya'y tila ba naging santo.

Ang kanyang kaluluwa ay agad na naging dalisay at lumabas lahat ng karumihan.

Kailangang malaman ng isa na ang kaluluwa ni Zhao Feng ay halos kasing-lakas na ng sa isang Emperor at ngayon, ito ay lalo pang nalinis.

Syempre, ang pagpapalakas ng kaluluwa ay ang pinaka-interesado kay Zhao Feng.

Sa maikling panahon na iyon, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay tila kumpleto na.

Bawat Intent at batas ay tila ba malapit sa kanya.

"Ito ang kumpletong anyo na kayang maabot ng Void God Realm Emperor…"

Pagbubuntong-hininga ni Zhao Feng sa kanyang puso.

Gaya ng Illusion God Wine, ang epekto nito ay panandalian lamang.

Ang Illusion God Wine ay napaka-epektibo sa mga mas mababa sa Hari ngunit matapos umabot ang isa sa antas ng Hari, ang pagsulong ng kaluluwa ay mas mahirap.

Samakatuwid, kahit na sampung beses na mas malakas ang baryang ito sa Illusion God Wine, hindi ganoon kadaling makalulusot si Zhao Feng.

Shua!

Nagbalik sa realidad ang kamalayan ni Zhao Feng at ang pakiramdam ay nagsimula nang maglaho.

Ang lahat ay naging kasing-kalmado ng tubig ngunit ang barya sa kanyang kamay ay nagdilim nang husto.

"Master?" Ang batang Demigod ay puno ng surpresa at pagkamausisa.

Sa puntong ito, ang aura ni Zhao Feng ay bahagyang nagbago.

"Dalawang Seniors, ang aking layunin dito ay kumpleto na…" Ipinakita ni Zhao Feng ang kanyang pasasalamat sa mag-asawa sa Sky Sacred Qin Palace.

Halos kanyang nakumpirma kung si Liu Qinxin ay buhay pa o patay.

Ang mag-asawa sa Sky Sacred Qin Palace ay puno pa rin ng pagkagulat.

Hindi nila naintindihan kung ano ang nangyari sa Fan Lun Ancient Sound Palace.

"Brother Zhao, alam mo ba kung paano nakapasok si Liu Qinxin sa lugar na ito?" Tanong ng mag-asawa.

"Ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay galing sa Ancient Era of the Fan Universe at naglalaman ng mga batas ng Langit at Lupa, kasama na ang Dao of Life, Entertainment, Samsara at iba pa.

Ito'y hindi isang bagay na kayang kontrolin ng nag-iisang lakas," sabi ni Zhao Feng.

Ang mga ibinigay na alaala sa kanya ni Lin Qiuxin ay lumitaw sa kanyang isipan.

Unang-una, ang Fan Lun Ancient Sound Palace ay hindi ganap na nakokontrol ng Sky Sacred Qin Palace.

Kahit pa ang nagtatag nito ay hindi rin kaya.

Bukod pa rito, nauukol din dito ang mga batas ng Karma at Buhay pati na rin ang isa pang piangkukunan ng kapangyarihan - ang Sage.

Kaya… sinabi na sa akin ng Sage kung si Lin Qiuxin ba ay namatay sa Azure Flower Continent, maraming mga palaisipan ang nalutas sa puso ni Zhao Feng.

Sabi ng Sage "mas maraming kamalasan kaysa sa swerte" ngunit hindi tinukoy ang talagang kahulugan.

"Kung hindi lang para kay Qinxin, hindi ako makapapasok sa labas na mundo nang ganoon kabilis at siguradong malalampasan ko ang Demigod Forgotten Garden.

Ibig-sabihin, ang aking kapalaran ay magiging iba nang husto."

Pakiramdam ni Zhao Feng na ang kanyang kapalaran ay hindi maipaliwanag at makahulugan.

Noon, ang pagiging disipulo ni Lord Guanjun ay isang malaking pagbabago para sa kanya.

Kung hindi dahil doon, hindi siya makapapasok nang mabilis sa totoong mundo ng kalinangan.

Maaari itong maging dosenang taon bago pa niya maabot ang Ascended Realm.

Mayamaya, kung si Zhao Feng ay nakinig sa suhestyon ni Patriarch Hong at pumasok sa Sacred Alliance at ang two star sect, ang kanyang kasalukuyang kalinangan ay aabot sa pinakamataas na antas ng Small Origin Core Realm.

Ito rin ay kapareho ng sa skeletal Division Leader.

Nang dahil lang sa pagsunod kay Zhao Feng, nagkaroon ito ng kasalukuyang tagumpay.

Kailangang malaman ng isa na ang lakas ng skeletal Division Leader ay maaari nang maikumpara sa Scarlet Moon Religion Patriarch at kasama ng Ghost Corpse Cursed Array, ito ay mas malakas.

Ang mga grupo ng tao ay nagsimulang maglakad pababa mula sa ika-49 na palapag.

Kita pa rin ang palaisipan sa mga mata ng mag-asawa ngunit alam nilang hindi nila makokontrol nang buo ang Fan Lun Ancient Sound Palace.

"Senior Zhao, tila ba hindi namatay si Lady Liu nang payak dahil kinaya pa niyang maabot ang ika-49 na palapag," hindi napigilang magtaka ni Li Xueyi.

Ito ay talagang kahina-hinala.

Unang-una, ito'y masamang desisyon kung si Liu Qinxin ay tumigil sa ika-48 na palapag o nang mas maaga.

Ikalawa, tila ba hindi malungkot si Zhao Feng; salungat dito, siya ay talagang kalmado.

"Matagumpay na nabago ni Qinxin ang kanyang kapalaran, namatay sa kapayapaan at kasiyahan. Pinaplano niya ito buong buhay," bulong ni Zhao Feng. Matapos ang lahat, ang pagkamatay ang talagang nais ni Liu Qinxin.

Upang makarating si Zhao Feng dito, namatay siya nang walang pagsisisi.

Gumawa pa ito ng regalo para sa kanya kung siya man ay darating.

Mayroon pa ring mga detalye na kailangan kong itanong sa Sage, naisip ni Zhao Feng.

Pitong taon ang lumipas, naghihinala si Zhao Feng kung si Liu Qinxin ay "ipinanganak" na sa anim o pitong taon.

Matapos umalis sa Fan Lun Ancient Sound Palace, nagtulong-tulong si Zhao Feng at ang kanyang mga kasama upang isara itong muli.

Mayamaya rin sa araw na iyon, nakumbinsi ng mag-asawa na magpaiwan muna si Zhao Feng at maging panauhin ng Sky Sacred Qin Palace.

Hindi alam ng mag-asawa na dahil sa ginawang ito, nakaiwas sila sa sakuna.

Nais maintindihan ni Zhao Feng ang tansong barya, siya ay pumayag.

Sa loob ng eleganteng gusali, umupo si Zhao Feng at inayos ang sarili bago intindihin ang tansong barya.

Ang kanyang kamalayan ay pumasok sa isang malaking misteryosong mundo kung saan dumadaloy sa kanyang tenga ang musika.

Ito ay tila pumasok siya sa isang panaginip.

Matapos makapasok dito, ang kaluluwa at Intent ni Zhao Feng ay muling tumaas.

Dahil siya ay nasa kalmadong paligid, kayang pagtuunan ng pansin ni Zhao Feng ang pag-unawa at para gawin itong mas mahusay, binuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye at sinubukang gayahin ang Intent sa kanyang isipan.

Hindi palaging ginagamit ni Zhao Feng ang tansong barya.

Siya ay mananatili lang doon sa loob ng sampung paghinga bago gumamit ng ilang oras upang magpatatag at panatilihin ang kanyang Intent.

Matapos ang lahat, ang halaga ng kapangyarihan na nasa tansong barya ay limitado at nais niyang mas magamit pa ito.

Higit pa, ang barya ay iniwan ni Liu Qinxin.

Hindi nais gamitin ni Zhao Feng ang lahat ng kapangyarihan nito.

Nais niya itong itabi.

Sa paglipas ng oras, isang malalim na lakas ang nagsimulang lumitaw at maglaho sa paligid ng gusali kung saan naroon si Zhao Feng.

Ang Intent na nilalaman nito ay nalampasan na ang antas ng isang Hari.

Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang pagbabago sa sukat ng kulay lilang soul sea ay hindi ganoon kalaki ngunit mayroon itong pagkadalisay.

Nangyayari lang ito kung ang isang kaluluwa ay umabot sa antas ng isang Emperor.

Pakiramdam ni Zhao Feng, ang kanyang mental na enerhiya ay tila isang umuusbong na halaman at ang kapangyarihan ng kanyang Intent ay lalong lumalakas.

Sa pagkukumpara, ang liwanag mula sa tansong barya ay unti-unting naglalaho.

"Halos nagawa ko ang Emperor Intent…!" Nasasabik at umaasa si Zhao Feng.

Matapos mag-ensayo kasama ng God Tribulation Lightning, Ancient Dream Realm at iba pang kadahilanan, ang kanyang kaluluwa ay malapit na sa isang Emeperador at natupad na niya ang mga kinakailangan upang magawa ang Emperor Intent.

Hangga't sa tumaas ng kalahating antas ang kanyang Intent, lahat ay magiging kumpleto.

Sa isang kisap-mata, isa o dalawang araw ang lumipas at ang kapangyarihan ng Langit at Lupa sa ibabaw ni Zhao Feng ay nagsimulang bumuo ng kidlat at hangin.

"Oras na…" Ang mental na enerhiya ni Zhao Feng ay tila isang perlas na lalong nagiging dalisay hangga't sa ito ay naglabas ng makinang na liwanag.

Sa puntong ito, pakiramdam niya'y siya ang sentro ng hangin, kidlat at apoy.

Ang mga elemento ay tila lumuluhod sa kanya.

Kung siya ay handa, kayang limitahan ni Zhao Feng ang buong kalawakan sa isang tiyak na lugar sa isang pag-iisip lamang, hindi lang ang Heaven Earth Yuan Qi.

Ang mga normal na Emperor ay naabot na ang tiyak na pag-unawa sa kalawakan at sa Langit at Lupa kaya naman kinaya nilang magamit ang kanilang domains at mula sa kanilang Munting Mundo.

Gayunpaman, ang mga Munting Mundo ay ginawa sa dimensyon ng True Yuan.

Sa isang tiyak na punto, kumirot ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, tila ba binibigyan siya ng babala.

Kagulat-gulat na Intent ng Kamatayan ang lumampas sa hangin at tumama sa lokayon ng Sky Sacred Qin Palace.

Makalipas ang isang oras, ang Magnificent Power of Death ay nagsimulang sumara sa Sky Sacred Qin Palace.

"Ito ay Intent ng Emperor at ito ay isang kakaibang Intent ng Kamatayan!" Ang mga puso ng mag-asawa mula sa Sky Sacred Qin Palace ay bumilis.

"Maging alerto!"

Ang Sky Sacred Qin Palace ay agad na binuksan ang protection array.

"Nandito na siya?" Tumayo ang batang Demigod sa harap ng gusali at tumingin sa isang direksyon.

Ang Emperor Intent na ito ay lubhang malakas at hindi ito magiging mas mahina kaysa sa ilang Mystic Light Realms kung dalisay na kapangyarihan ang pagbabatayan.

Ang Mystic Light Realm ay isang napakalaking pagbabago sa True Yuan maging sa pag-iisa ng kaluluwa.

Nang makalapit ang Magnificent Power of Death, lahat ng nasa sakop ng ilang libong milya ay nanginig sa takot.

Mula sa mga langgam hanggang sa mga Sovereign at mga Hari, lahat sila ay hindi mapakali dahil sa takot.

Maging ang batang Demigod ay hindi mapakali.

"Emperor of Death, bakit ka pumunta sa Sky Sacred Qin Palace?" Tinakpan ng dalawang Magnificent Powers ng mag-asawa mula sa Sky Sacred Qin ang bundok.

Ang dalawa ay parehong humawak ng qin at espada habang sila ay nakatayo sa gilid ng isa't isa.

Ang kanilang domains ay akma sa isa't isa.

Dahil sila ay mag-asawang dual-cultivated, sila ang pinakamalakas na kombinasyon sa loob ng sona ng isla.

Sa pinagsamang lakas ng kanilang qin at espada, minsan na nilang natalo ang Peak-tier King.

Gayunpaman, sa puntong ito, ang pagharap sa kapangyarihan ng kamatayan na tila kayang balutin lahat ng nasa landas nito, ang ekspreyon ng dalawa ay namuti na parang kandilang mamamatay na sa gitna ng bagyo.

Ang Langit at Lupa ay tila babagsak sa kadiliman nang isang marilag na imahe na may suot na madilim at gintong korona ay sumara gaya ng Diyos ng Kamatayan.

"Emperor of Death!"

Ang buong Sky Sacred Qin Palace ay natahimik at kilalang-kilala ng mag-asawa ang Emperor of Death.

Ang nakaraang Sect Master ay lumahok sa pagtugis sa Emperor of Death ngunit wala rin itong masyadong nagawa.

Ngayong ang Emperor of Death ay narito, ang Sacred Qin Palace ay hindi na makatatakas kahit anong mangyari.