Ang Scarlet Destruction Eye Flame ay nagtagal sa buong tatlong paghinga bago ito mamatay.
Ang maputlang katawan ng Witch King ay puno ng mga paso na mahirap takpan.
Mayroon ding hindi masirang awra na natitira.
Ang aura na ito ay hindi lang nagtataglay ng kapangyarihan ng Destruction, mayroon ding Intent of the God Tribulation Lightning dahil pinagsama ni Zhao Feng ang God Tribulation Lightning atScarlet Destruction Wind Lightning.
Ang Scarlet Destruction Eye Flame ay ang kanyang pinakanakamamatay na kasanayan at kaya nitong lumampas sa pisikal at dimensyon ng mental na enerhiya.
Hindi makalkula ang pinsala.
"Sa kasamaang palad, ang barrier ng Death Spirit Hell Array…" Si Zhao Feng ay bahagyang nagsisi.
Ang kanyang Scarlet Destruction Eye Flame ay humina ng 30% lamang dahil si Wen Luoan ay wala nang kontrol sa array flag ngunit kung wala talaga array, ang atake ngayon lang ay maaaring makasugat sa Witch King at makapatay ng mga normal na Hari. Gayunpaman, ang Witch King ay Domain-level King at hindi dapat maliitin.
"Ang eye-bloodline na ito ni Zhao Feng ay talagang maaaring makulong sa aking kaluluwa? Ang depensa ng aking spatial domain ay napakahina laban dito," ang katawan at kaluluwa ng Witch King ay nananatiling masakit.
Ang kapangyarihan ng Destruction at ng Intent of the God Tribulation Lightning na naglalaman ng imortal na awra ay nakapagpatigil sa kanyang paghihilom.
"Witch King!" Tingnan mo !"
Sigaw ng Yin Yang Lord nang ang kanyang Peak-tier King Intent ay bumulusok kay Zhao Feng na nasa Ghost Corpse Cursed Array pa rin.
Siya ay nag-aalala na baka gumamit na naman ng eye-bloodline si Zhao Feng at alam nilang mayroon pa siya mag kahindik-hindik na kakayahan.
Ang kamay sa kalangitan ay bumaba at si Zhao Feng, ang batang Demigod at ang skeletal Division Leader ay kaya lang labanan ang Yin Yang Lord.
Ang skeletal Division Leader ay kayang kumontrol ng ilang mga hands of hatred at nagsimulang sirain ang array habang si Zhao Feng at ang batang Demigod ay ang nasa puwersa ng opensa.
Boom! Boom!
Ginamit ng batang Demigod ang kanyang Demigod Intent at nilabanan ang Peak-tier King Intent ng Yin Yang Lord na naging dahilan sa pagyanig ng soul-dimension.
Kung sa Intent, may adbentahe ang batang Demigod ngunit ang kanyang soul-strength ay hindi pa ganoon kalakas.
"Nandito rin ako!" Tumawa si Zhao Feng habang ang kanyang lilang buhok ay hinihipan ng hangin at isang kahindik-hindik na kapangyarihan ng alon ng soul-oriented eye-bloodline ang nanggaling sa kanyang kaliwang mata.
Bam!
Nayanig ang dimensyon ng kaluluwa nang isang lilang mata ang lumitaw at tila tinitingnan ang lahat.
Ang kanyang Eye Intent at lumabas sa isang walang pananalig na estado.
Wham! Boom! Boom!
Narinig ang kidlat kasabay ng paglitaw ng Eye Intent
Doom~~~~!
Isang malakas na pagsabog ang narinig sa soul-dimension at maging ang katawan ng Yin Yang Lord at nayanig nang siya ay gumalaw.
"Materializing Intent? Paano iyon naging posible…!?" Hindi makapaniwala ang Yin Yang Lord ; siya ay napuno ng pagkagulat.
Kung hindi lamang sa katotohanang ang kanyang kaluluwa at Intent ay napakalakas - mas malakas sa normal na Peak-tier Kings - maaari siyang mapinsala ni Zhao Feng at ng atake ng batang Demigod.
Ang pag-iisip ng isang normal na Hari ay lubhang mapipinsala at mababasag.
"Heaven Sealing Palm!" Nagpatuloy ang batang Demigod habang sila ay may adbentahe siya ay nagpakawala ng iilang mababagal na palad.
Sa sandaling iyon, ang paligid ay nagmistulang putik. Tila ba ang oras mismo ay bumagal.
Heaven Sealing Eighteen Palms!
Boom! Boom! Boom!
Mga gintong palad ang sunud-sunod na pinakawlaan patungo sa itim at puting tabing sa langit.
"Ang aking Yin Yang Sky Seal…!" Pakiramdam ng Yin Yang Lord na ang kanyang sikretong pamamaraan ay tinatanggal sa kanya at ang kapangyarihang kaya niyang idagdag dito ay limitado.
"Scarlet Destruction Wind Lightning!" Ang mga pakpak sa likod ni Zhao Feng ay iwinagayway nang kanyang tawagin ang bagyo ng Destruction Wind Lightning na sumira sa tabing.
Craaack!
Isang malaking awang ang lumitaw sa itim at puting tabing.
Lightning Wings Wind Flash!
Si Zhao Feng ay naging arko ng kidlat na hindi gaanong makita.
Whoosh!
Ang arko ng kidlat ay agad na lumitaw malapit sa Witch King.
"Tingnan mo!" Pagbabanta ng Yin Yang Lord at ng Dark Soul Lord.
"Tangganpin mo ang suntok na ito!"
Ang Scarlet Destruction Lightning Wings ay mabilis na iwinagayway nang tawagin ni Zhao Feng ang malakas na bagyong umaabot sa ilang milya.
Kahit na anong pulang sinag na mapapalapit sa bagyo ay nagalalaho.
"Wag mo na itong isipin pa!" Pinakalma ng Witch King ang sarili mula sa Scarlet Destruction Eye Flame.
Hindi siya nangamba dahil mayroon pang harang ng Hell array sa kanyang harapan; maliban sa kanyang sariling depensa, mayroon pang isang patong ng depensa sa kanyang harapan.
"Ghost Protection Barrier!" Nagsama ang mapuputlang kamay ng Witch King at hindi mabilang na hiyaw ang lumitaw bilang harang sa kanyang harapan.
Ang barrier na ito ay dark orb at ang patong ng puting apoy ay nagliliyab sa paligi nito.
Ang atake ni Zhao Feng ay dumating sa puntong ito.
Crack!
Isang kamaong balot sa Scarlet Destruction Wind Lightning ang nagdala ng bayolenteng bagyo sa Witch King.
Ito ang kanyang pinakamalakas na suntok; naglalaman ito ng bilis at kahindik-hindik na bloodline ng Ten Thousand Ancient Races
Crack!
Ang kulay abong apoy ng Hell array at harang ay agad na nasira at nayanig ang natitira pang mga harang.
Peng!
Nayanig ang katawan ng Witch King at naramdaman ang pagsugpo sa kanyang bloodline.
Ang Ghost Protection Barrier ay nagsimula na ring magdilim habang ang puting apoy ay nagsimulang mamatay.
"Isang napakalakas na atake!" Nagulat ang tatlong DEath Spirit Lords.
Kung sila ay nasa mano-manong laban kay Zhao Feng, ang Death Spirit Lords maliban sa Yin Yang Lord ay hindi niya katapat.
"Tanggapin mo pa itong kamao ko!" Paghugong ni Zhao Feng nang ang kanyang kaliwang mata ay naglabas ng alon ng Eye Intent na tumama sa Witch King.
Mga maseselang patong ng kaliskis ang lumitaw sa kanyang balat at isang ice-cold na puwersa ang nagpayelo sa lahat nang nasa loob ng sampong milya.
Pinagyelo ng kapangyarihang ng Ten Thousand Ancient Races bloodline ang barrier at napahinto ito sa paghihilom.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang katawan ng Witch King ay nagsimulang magyelo at isang malamig na hangin ang nagmula sa Ghost Protection Barrier at puting apoy.
"Bilis! Iligtas ang Witch King!" Nagbago nang husto ang ekspresyon ng Dark Soul King nang ibinuka ang kanyang mga kamay.
Whoosh!
Ilang daang metrong lapad na kamay ang pinatama kay Zhao Feng sa loob ng soul-dimension.
Ang Hand of Darkness na ito ay lubhang kakaiba; ito at 70% na soul-based at 30-% na physical-based .
Ang 70% soul-based na parte ng atake ay naglalaman ng iba't ibang epekto gaya ng takot, pangamba at gulo.
Ang mga normal na Hari ay kailangang maging alerto o maaari silang mawala sa katinuan.
Gayunpaman, sa pagharap sa atake ng Dark Soul Lord, hindi nahirapang umilag si Zhao Feng.
Crack!
Tumama ang kamay sa katawan ni Zhao Feng at isang malamig na kinang ang nakita mula sa kanyang kaliskis.
Siiii!
Ang kamay ay nagsimulang magyelo at mapinsala nang bahagya.
Sa natitirang 70% ng soul-based na atake, hindi man lang naapektuhan si Zhao Feng.
Halos hindi na tinatablan ng soul attacks ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
Ni kailanma'y hindi pa siya napunta sa disbentante sa pagharap sa mga soul attacks sa kanyang buhay.
Bukod dito, kahit na ang Dark Soul Lord ay may soul-based na katawan at may talento sa Dao of the Soul, ang kanyang soul-strength ay hindi ganoon kalakas kagaya ng kay Zhao Feng.
"Hahaha…!" Napabulalas si Zhao Feng nang siya ay nakatama ng head-on at ang malamig na kislap ng ilaw ay nagsimulang maglaho sa kanyang palad bago pa tumama sa Witch King.
Ang malamig na ilaw na ito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng bloodline ng Mystic Ice Scaled Race.
Mapatatalsik ng puwersa nito ang mga normal na Hari.
"Hindi~~!" Takot ang lumitaw sa mga mata ng Witch King
Ang kanyang isip at katawan ay bahagya nang napinsala ng Scarlet Destruction Eye Flame at ang Eye Intent ay naging dahilan upang hindi siya makahinga.
"Tigil!" narinig ang alingawngaw ng boses ng Yin Yang Lord.
"Yin Yang Sky Splitting Soword!" Isang higanteng itim at puting espada ang kuminang sa kalangitan at tumagpas patungo kay Zhao Feng.
"Golden Emperor's Fist!" Hagikhik ng batang Demigod nang kanyang ipadala ang golden fist upang harangan ang espada.
Bam~~!
Ang itim at puting espada ng Yin Yang ay kinayang iwasan ang atake ng batang Demigod at patuloy na tumungo kay Zhao Feng nang hindi nababawasan ang bilis ngunit ang ilan sa kapangyarihan nito ay nawala sa proseso.
Sa puntong iyon:
Boom!
Tumalsik ang Witch King dahil sa suntok. Tumulo ang dugo sa kanyang bibig ngunit agad ding nagyelo.
Isang kahindik-hindik na lamig ang nagpayelo sa kanyang bloodline at ang Ghost Protection Barrier ay naging bungkos ng yelo na nagsimulang mahulog
Maging ang kanyang spatial domain ay nagyelo.
"Mamatay ka na tampalasan!!" Lumapag ang higanteng espada ng Yin Yang Lord kay Zhao Feng mula sa likuran.
Kahit pa ito ay bahagyang humina dahil sa batang Demigod, ito ay makapangyarihan pa rin; ito ay sapat upang makapatay ng Domain-level na Hari.
"Ice Imperial Spear!" Walang hirap na pag-iwas ni Zhao Feng. Bagkus, isang ice-blue armor ang nabuo sa kanyang katawan sa ibabaw ng mga kaliskis.
Matapos na lumakas ng Ice Imperial Spear sa Heaven's Legacy City, kaya nitong magbago ng anyo at kasama na rito ang kasuotang pandigma.
Dang!
Nagsimulang pumutok ang ice armor ni Zhao Feng nang lumapag dito ang espada. Nagulat si Zhao Feng ngunit hindi napinsala.
Sa ilalim ng ice armor ay ang asul na kaliskis na tila ba nanggaling sa ice dragon. Ang mga ito ay pino at tumpak.
Isang maliit na madugong gash ang lumitaw sa asul na kaliskis ngunit ito ay agad din namang gumaling.
Kailangang aminin na mali ang atake ng Yin Yang Lord.
Kinaya nitong lumampas sa ice armor ng Ice Imperial Spear ni Zhao Feng kahit na pinahina ito ng kamao ng batang Demigod.
Gayunpaman, ang Yin Yang Lord, Dark Soul Lord at Death Guards ay napagod. Ang malahalimaw na depensa ni Zhao Feng ay ikinagulat ng kanyang mga kaibigan at maging mga kalaban.
Napinsala ni Zhao Feng ang Witch King at kinaya ang halos lahat ng head-on na atake ng Yin Yang Lord nang hindi napipinsala.
Sa puntong ito, habang napinsala ang Witch King ng suntok at patong ng yelo ni Zhao na bumalot sa at nagpabagal dito:
Miao miao!
Ang pilak na kulang abong blur ay lumampas sa likuran ng Witch King.