Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 718 - Hell Array Laban sa Ghost Corpse Array

Chapter 718 - Hell Array Laban sa Ghost Corpse Array

"Ito pala ang Death Spirit Hell Array?" Nagulat si Zhao Feng at ang batang Demigod nang tingnan nila ang libo-libong kulay dugong mga sinag.

Ang mas importante pa rito ay nasa dimensyon sila ng Impiyerno at maging ang kanilang mga kaluluwa ay hindi makatakas.

Ang usok ng Ghost Corpse Cursed Array ay nasaksak at puno ng mga butas dahil sa kulay dugong mga sinag na nakapinsala rin sa ilang mga ghost-corpses.

Kung ito lamang ay dosena o daang mga sinag, hindi nito mapagbabantaan ang Ghost Corpse Cursed Array.

Ang kapangyarihan ng mga kulay dugong mga sinag ay mababawasan sa paglampas nito sa ambon.

Gayunpaman, talagang napakarami nila.

Sampung libong mga sinag ang pinakawalan at maging ang mga normal na Hari ay hindi makatatagal sa dimensyon ng Impyerno nang ilang mga paghinga at hindi sila makatakas dahil ang kanilang Yuan Souls ay hindi makalalabas sa nagliliyab na kulay abong harang.

Habang ang Ghost Corpse Cursed Array ay mas naging mahina at nagsilabasan na ang mga butas:

"Skeletal Division Leader, paikliin ang array," utos ni Zhao Feng.

Shua!

Iwinagayway ng Skeletal Division ang watawat ng array at tinipon ang mga ito sa saklaw ng isang milya upang tumaas nang husto ang pagdepensa.

Sa kabutihang palad, ito ay napalakas sa Heaven's Legacy City kung hindi, mapipinsala ito sa loob ng ilang dosenang mga paghinga.

Bam! Bam! Bam!

Ang cursed ghost-corpse at tinamaan ng pulang sinag ngunit sa tulong ng Ten Thousand Withering Ghost Bone bloodline, nagawa pa nilang makabawi nang mabilis.

Ang kasanayan ng Ten Thousand Withering Ghost Bone bloodline ay ang pagbawi at pagdepensa.

Ang pagbabago sa opensa ay hindi gaanong nakita.

Samakatuwid, hindi lang ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ang lalong lumakas pati ang kakayahan nitong makaligtas ay tumaas.

"Hm? Kailan pa lumakas ang ghost-corpse array ng lintik na iyon?"

Ang tatlong Death Spirit Lords at ang Death Guards ay nagulat.

Ang Death Spirit Hell Array ay isa sa pinakamalalakas na killing arrays sa Ten Thousand Forest Sacred Land at kinayang harangan ng Ghost Corpse Cursed Array ang mahihirap na atake ng Death Spirit Hell Array?

"Wala nang dapat ipag-alala pa.

Ang ghost-corpse array ay makatatagal lamang gaya ng paggawa ng tsaa,"sabi ng Yin Yang Lord ngunit kahit na matapos ito, ang kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array ay naging dahilan upang hindi makapaniwala ang tatlong Death Spirit Lords.

Kung sa bagay, ang Ghost Corpse Cursed Array ay kinokontrol ng iisang tao lamang samantalang ang Death Spirit Hell Array ay kailangan ng mas marami.

"Kekeke… hahayaan kong matikman mo ang totoong kapangyarihan ng Ghost Corpse Cursed Array!" Nanlamig ang mukha ng Skeletal Division Leader nang iwinagayway nito ang array flag at daang mga pares ng nakatatakot na mga mata ang lumitaw sa usok at naglabas ng kasindak-sindak na alon ng mental na enerhiya.

"Arghh!" Halos mawasak ang malay ng Death Guards sa labas ng Death Spirit Hell Array ngunit sa kabutihang palad, ang mga kulay abong apoy sa paligid ng harang ay kinayang harangan ang ilan sa kapangyarihan kung hindi, maaaring mamatay ang mga Death Guards na ito.

Namutla ang mga mukha ng ilan sa mga Death Guards nang bahagya nilang mapatatag ang mga sarili at ang mga mabababang ranggo ay nasugatan na.

Simula pa lamang ito.

Ang usok ng ghost-corpse ay nagsimula na namang magbago.

Isang duguang kamay ang umabot sa Death Spirit Lords at mga Death Guards sa labas ng Death Spirit Hell Array,

Weng~~

Ang kulay abong apoy sa hangganan ng array ay nagsimula nang manginig.

"Hehehe, ang mga kamay ng galit na ito ay binuo mula sa paglamon ng mga kaluluwa ng halimaw at mga eksperto," tumawa ng skeletal Divison Leader.

Walang nakakaalam kung ilang mga eksperto o halimaw na ang napatay ng Ghost Corpse Cursed Array. Sa mga ito, mayroon pang mga Sovereign Lords at Void God Realm Kings.

Pa!

Isa pang kamay ng galit ang lumabas.

Pagkatapos ay ang ikatlo at ikaapat.

Ang mga kamay ng galit na ito ay kakaibang uri ng sumpa at ang galit ay hindi naman talagang naapektuhan ng kulay dugong mga sinag ng Hell array.

Ang kulay abong apoy lamang sa hangganan ang makapagpapabawas sa kapangyarihan nito.

"Argh!"

"Ahhhhh!"

Narinig ang mga sigaw mula sa Death Guards sa labas ng Death Spirit Hell Array.

Kahit na kalahati lamang ng kapangyarihan ng hatred hands ang nakalampas, ito ay mapanganib pa rin sa mga nasa mabababang ranggo ng Hari.

Ang ekspresyon ng Yin Yang Lord at ni Wen Luoan ay nagbago nang husto.

Ang kaluluwa nito ay mas mahina pa rin nang kaunti kaysa sa isang Hari.

Ang parte ng kapangyarihan ng sumpa at galit ay naging dahilan upang hindi mapakali ang kanyang puso.

"Dark Soul Lord!" Ang Yin Yang Lord ay biglang nagsalita at tumingin sa lalaki sa dilim.

"Walang kwentang mga salamangka!" Hagikhik ng Dark Soul Lord nang ang isa sa kanyang mga kamay ay hawakan ang array flag at ang isang kamay ay kumislap nang may madilim at transparent na ilaw na nahati sa apat at itinutok sa apat na kamay ng galit.

Boom! Boom! Boom! Boom!

Ang apat na kamay ng galit ay tinamaan ng isang misteryosong dark light at sama-samang naitali.

"Sumpain ito…!" Iwinagayway ng Skeletal Division Leader ang array flag ngunit ang mga kamay ng galit ay hindi kinayang makatakas sa sikretong pamamaraan ng Dark Soul Lord

Ang Dark Soul King ay umiiral sa isang kakaibang anyo at may Soul body.

Ang kanyang estilo ng pag-atake ay kapareho at kaya niyang tapatan ang kapangyarihan ng sumpa at galit sa tiyak na bilang.

"Ako naman ngayon," isang tunog ng babae ang lumabas.

Nanggaling ito sa Witch King. Itinaas niya ang kanyang maputlang palad at isang madilim na butas ang nagsimulang mabuo.

Ang mga sumunod na nangyari ay nakapagpataas sa balahibo ng nakatayo sa malapit; kuyog ng mga berdeng insekto ang lumapit sa dimensyon ng Impyerno gaya ng tsunami ng mga insekto.

Ang kulay dugong mga sinag ay nagbigay-daan sa mga berdeng insekto. Sa puntong ito, ilog ng mga insekto ang lumapit sa Ghost Corpse Cursed Array

Bam!Bam!Bam!

Isang malaking butas ang biglang lumabas sa ibabaw ng Ghost Corpse

Cursed Array ngunit sa parehong oras, isang malaking alon ng mga insekto ay naging sanaw ng dugo at tubig.

"Hindi maganda, ang mga insekto na ito…!" Nagtatakang sabi ng skeletal Division Leader.

Talang napakarami ng mga ito at nagsimula sila kagatin at isumpa ang ghost-corpses matapos lumapit sa array habang ang parte sa mga ito ay inatake si Zhao Feng at ang batang Demigod.

Sirain! Dinurog ng batang Demigod ang mga berdeng insekto na ito gamit ang kanyang kamao at napatay ni Zhao Feng ang daan sa kanila gamit ang kanyang Scarlet Destruction Wind Lightning.

Gayunpaman, napagtanto ng dalawa na matatag ang mga insekto laban sa pisikal at kaluluwang atake.

Gayunpaman, ang kanilang kakayahan ay kakaiba at malakas; kung ito ay normal na Sovereign Lord o half-step King lamang sa kanilang lugar, ni isa sa kanilang mga suntok ay hindi kayang makapatay ng sampung insekto.

Kinaya ni Zhao Feng at ng batang Demigod ang mga insekto ngunit ang skeletal Division Leader at ang isinumpang ghost-corpses ay hindi.

Sa kabutihang palad, ang kapangyarihan ng galit ay kinaya pa ring mapinsala ang mga insekto na ito kung hindi, mas magiging kakila-kilabot ang sitwasyon.

"Little Kun Yun, harangan ang butas. Skeletal Division Leader, itutok ang array kay Wen Luoan," utos ni Zhao Feng.

Humugong si Little Kun Yun at pinakawalan ang malaking gintong kamao na nakapatay sa maraming insekto.

Shua!

Ang tatlong taong gold-skinned na bata ay hinarangan ang butas at hinarap ang dagat ng mga insekto nang mag-isa.

Ding! Ding! Ding!

Nang makagat ng mga insekto ang batang Demigod, tumilapon ang mga kislap kahit saan at sila ay dinurog ng Golden Kun Sacred Body.

"Ang lakas ng batang iyon ay kamangha-mangha."

Gulat na nagkatinginan ang tatlong Death Spirit Lords.

Kamakailan lamang nila nakilala ang batang ito ngunit wala pang masyadong alam tungkol dito.

Hu~~

Ang skeletal Division Leader ay iwinagayway ang array flag at nagsimulang itutok sa direksyon ni Wen Luoan

"Sa apat na 'Hari,' si Wen Luoan ang pinakamahina," nagningning ang mga mata ni Zhao Feng at ang kanyang intensyon ay malinaw.

Ang apat na cores ng Death Spirit Hell Array ay dapat apat na Hari.

Hangga't sa kaya nilang patayin si Wen Luoan, ang kapangyarihan ng array ay mababawasan ng dalawampu't limang porsyento at maipakikita nito ang ilang mga bahid.

Matapos ang lahat, ang iba pang tatlong Death Spirit Lords ay Domain-level Kings na kahit paano.

Ang Yin Yang Lord ay Peak-tier King ngunit hindi pa gumagawa ng kahit anong aksyon.

Ang Dark Soul King at Witch King ay sapat na upang pahirapan si Zhao Feng.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Habang ang usok ng ghost-corpse ay gumalaw, ang kulay dugong mga sinag ay patuloy na lumilipad na nakapagpapabagal sa galaw nito.

"Master, kung hindi natin kakayaning makatakas sa Death Spirit Hell Array gaya ng bilis ng paggawa ng tsaa, mapipinsala ang Ghost Corpse Cursed Array at kakaharapin natin ang buong puwersa ng Impyerno," pinanonood din ng batang Demigod ang sitwasyon.

"Zhao Feng, wag ka nang gumawa ng walang saysay na pagtutol," ang boses ng Yin Yang Lord ay umalingawngaw.

Kasabay pa nito, nagsimula nang umikot ang apat na array flag holders at ang kulay dugong ipo-ipo ang biglang lumitaw sa gitna.

Ang kulay dugong ipo-ipo ay bigla nakabuo ng malakas na paghigop.

Habang ang apat ay patuloy na gumagalaw, nawalan ng direksyon ang Ghost Corpse Cursed Array at mas naging mahirap ang paghuli kay Wen Luoan.

Sa lahat ng ito, ang kulay dugong mga beams ay talagang may mabigat na pagpigil at isang malakas na puwersa ang lumitaw sa ipu-ipo na sapat na upang mapagpira-piraso ang Void God Realm Kings.

Si Zhao Feng at ang mga kasamahan ay nahirapang gumawa ng desisyon. Hindi nila alam kung sila ba ay aatake o uurong.

Sa puntong ito, ang pinakamalakas na Yin Yang Lord ay umatake.

"Yin Yang Heaven Seal!" Ang katawan ng Yin Yang Lord ay naging kalahating puti at kalahating itim.

Sa puntong itinaas niya ang kanyang kamay, para bang ang langit ay bumaliktad at isang malaking sinag ng itim at puti ang lumitaw sa kalangitan.

Tila ba ang langit ay nag-iba ng anyo at naging hugis ng kanyang kamay at ang Intent nito ay malapit sa isang Emperador.

Boom!

Ang Yin Yang Heaven Seal ay bumaba mula sa langit at binasag papunta sa Ghost Corpse Cursed Array.

Mas sigurado, ang butas kung saan nakaharang ang batang Demigod.

Bam~~~!

Isang malakas na pagsabog ang narinig nang higit sa kalahati ng Ghost Corpse Cursed Array ay nawasak at marami sa cursed ghost-corpses ay nasira.

Wah!

Ang batang Demigod ay napalipad at tumulo ang dugo sa kanyang bibig; "Ang lakas ng taong ito ay mas malakas nang kaunti sa Giant Shark King!"

Ang battle-power ng Yin Yang Lord ay sobrang lapit sa isang Emperador. Wala siyang kapantay sa mga mas mahihina sa Emperador.

Ang pag-atakeng ito ay naging dahilan upang mapalipad ang batang Demigod, si Zhao Feng at ang Ghost Corpse Cursed Array.

"Inaasahan sa Yin Yang Lord. Naharangan nito at napatigil ang mga Emperador nang maraming beses noon," ang Dark Soul king at ang Witch King ay napuno ng respeto.

"Ito na ang katapusan," ang panlalamig ng Yin Yang Lord ay humalo sa Yin Yang Heaven Seal nang siya ay nagpadala pa ng isa pang palad patungo sa Ghost Corpse Cursed Array.

"Hindi ito maganda!" Ang skeletal Division Leader ay napasigaw sa taranta nang ang buong Ghost Corpse Cursed Array, si Zhao Feng at ang batang Demigod ay nahila sa gitna ng Death Spirit Hella Array - patungo sa kulay dugong ipo-ipo.