Tiningnan ni Zhao Feng ang Death Guard nang may halong pang-aalipusta.
Ang Emperor of Death ay mayroong apat na Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Death Guards.
Kung ito ay dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas, ito'y magiging bangungot para kay Zhao Feng.
Noon, kahit na ang nasa pinakamababang ranggo na Death Guard ay mahirap na kalaban para kay Zhao Feng.
Ni hindi siya makatakas noon sa isang maliit na Death Guard ngunit ngayon, ang mga mata ng Death Gurad na ito ang puno ng takot at pagkasindak nang maisip ang impormasyon ukol sa kanilang balak.
Wala ni isa sa tatlumpu't anim na Death Guards ang katumbas niya.
Ang ipinakita niyang bilis ay naging dahilan upang tuluyang walang magawa ang Death Guard.
"Walang mahihingan ng tulong sa ating paligid. Hindi ko kakayaning makaligtas," ang Death Guard ay talagang mayroong karanasan at patuloy na naging kalmado.
"Demonic Bat Wing Shadows!"
Nanggigitil ang Death Guard nang sinimulan niyang sunugin ang True Yuan at naging nagniningas na paniki na may dose-dosenang lapad.
Ang awra ng paniki ay napakagulo at nagbibigay ito ng malakas na hiyaw sa mental na enerhiya na kayang manatili sa isang kaluluwa.
Sa lahat ng ito, ang paniki ay talaga namang napakabilis; kahit na ang mga normal na Hari ay hindi ito kayang tamaan.
"Hmph!" Hagikhik ni Zhao Feng at inunat ang kanyang mga kamay.
Boom!
Isang Magnificent Power ang nagpakita sa hangin at pinalibutan ang paniki, agad na nabawasan ang bilis nito.
Ito ang pagkakaiba ng mayroong King Intent at sa mga wala nito.
Pa!
Malalaking pulang kuko ang bumaba mula sa kalangitan at kinuha ang paniki.
"Ni wala nga akong kakayahan upang lumaban." Ang puso ng Death Guard ay nayanig.
Naramdaman niyang ang kanyang ulirat at katawan ay pinipigilan sa hangin.
Kanyang napagtanto na hindi lang suwerte na kayang pumatay ni Zhao Feng ng Domain-level King.
"Kung hindi ako makaliligtas, puwes!" Pagkabaliw mula sa kawalang pag-asa ang nakita sa mga mata ng Death Guard nang ang kanyang kaluluwa at ang True Yuan ay nagsimulang mamaga, gaya ng isang lobong nilalagyan ng hangin sa loob.
"Hehe, nais mo nang magself-destruct?" Nanghihinang ngumiti si Zhao Feng sabay ng pagkabihasa ng kaliwang mata sa liwanag.
Sa isang iglap, isang malakas na alon ng Eye Intent ang nakapagpayelo sa katawan ng Death Guard sa hangin.
"Ano!?" Halos mawalan ng kontrol ang Death Guard sa kanyang katawan, ni hindi niya nga magawang makapag-isip. Kailanma'y hindi pa siya nakakita ng isang taong may napakalakas na Eye Intent maliban sa Emperor of Death.
"Soul Search!" Isang masamang alon ng soul-power ay nanggaling sa kaliwang mata ni Zhao Feng at ipinasa sa kaluluwa ng Death Guard.
Sa kasalukuyang kakayahan ni Zhao Feng higit sa Dao of the Soul, ang paghahanap ng kaluluwa ay madali na para sa kanya. Sa katunayan, kaya ng isang taong gumamit ng pamamaraan ng mental na enerhiya o Soul techniques kahit na wala silang eye-bloodline.
Lalakas lamang ang kapangyarihan ng kasanayan kung mayroong eye-bloodline, habang ang bilis ng pagpapakawala at paggamit ng enerhiya ay mababawasan.
Matapos ang isa o dalawang hininga, iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay at isang alon ng Scarlet Destruction Wind Lightning ang nakapagpaabo sa katawan ng Death Guard.
Ang katawan at kaluluwa ng Death Guard ay parehong nawasak, hindi kagaya noon nang si Zhao Feng ay matagumpay na natalo ang Death Guard ngunit siya ay pinoprotektahan ng Token of Death at hindi tuluyang napatay.
"Ganoon pala iyon," kinaya pa ni Zhao Feng na makapagtira ng ilang impormasyon mula sa kanyang Soul Search kasama na kung paano nila siya natunton.
Nang hininaan ni Zhao Feng ang Death Intent sa napakababang antas at sinanay ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, na nagsara sa awra ng kanyang kaluluwa, ang mga Death Guards at Death Spirit Lords ay nahirapan itong mahanap sa kanya.
Ito ay talagang totoo matapos niyang mahigop ang God Tribulation Lightning at lalong pinahina ang Intent of Death sa kanyang kaluluwa.
Maliban na lamang kung sila ay napakalapit, hindi nila maaaring maramdaman si Zhao Feng.
Ang nag-iisang rason lamang upang mahanap nila si Zhao Feng ay dahil kay Emperor Mu Yun.
Ang Void Space Eye Slash ni Zhao Feng ay umalis sa awra ng Death Intent sa katawan ni Mu Yun at napagtanto ito ng Yin Yang Lord.
"Kinuha ng Emperor of Death ang kaluluwa ni Emperor Mu Yun mula sa iilang mga sona ng isla sa pamamagitan ng Gaze of Death?" Nagulat si Zhao Feng.
Ang paggamit ng ipinagbabawal na pamamaraan mula sa iilang mga sona ng isla ay gugugol ng dosena o di kaya'y daan-daang enerhiya.
Sa lahat ng ito, ang nais niya ang ang kaluluwa ng Emperador!
"Sa kabutihang palad, ang soul-power ng Emperor of Death ay hindi pa nakababawi," nakaramdam ng kauting suwerte si Zhao Feng.
Kung si Emperor Mu Yun ay isa lamang normal na pirata, ang Emperor of Death ay hindi kinakailangang magbayad ng malaking halaga kahit pa gamitin niya ang Gaze of Death mula iilang mga sona ng isla at maaari pa siyang makapunta pagkatapos.
Siyempre, ang mga normal na pirata ay hindi na oobligahin si Zhao Feng na gamitin ang Void Space Eye Slash.
"Sky Locking Bow!"
Binuksan ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eye at siniyasat ang paligid ng karagatan habang hawak pa rin ang pana.
Weng~~
Mga misteryosong ukit ang lumitaw sa madilim na pilak na pana, at tila ba ito'y buhay.
Hinila ni Zhao Feng ang pisi ng pana habang ang kanyang lilang buhok ay hinihipan ng hangin.
Woosh!
Isang gintong pana na nakakapukaw ng atensyon ang lumampas sa langit.
Sa sandaling iyon, maging ang kalawakan ay tinamaan nito.
Kasabay nito, ang katawan ng Death Guard ay nagyelo at siya'y humagulgol.
Isang maliksing awra na tila kayang lumampas sa kahit ano ay nakulong sa kanyang kaluluwa at maging ang kalapit na kalawakan ay bumigat.
Bam!
Isang gintong pana ang lumabas sa hindi malamang direksiyon at tumama sa kanyang katawan.
"Arghh!" Ang Death Guard ay napasigaw nang ang kanyang katawan ay naging abo sa harap ng gintong pana at Scarlet Destruction Wind Lightning.
Ang magkasunod na kamatayan ng dalawang Death Guards ay talagang nakapukaw sa atensyon ng iba pang Death Guards at sa tatlong Death Spirit Lords.
Naglayag ang Ship of Death:
"Nahanap niya ang ating landas," ang boses ng Yin Yang Lord ay pormal.
Ayon sa kanilang plano, dapat nilang pagtuunan ng pansin si Zhao Feng at hintayin ang pagdating ng Emperor of Death.
Saka lang ito magiging ligtas at perpekto ngunit nahanap sila ni Zhao Feng nang mas maaga sa inaasahan.
"Lahat ng Death Guards, makinig! Atakihin ninyo ang Target of Death!" Isang umaalingawngaw na boses ang narinig hanggang sa Tokens of Death at kumalat sa walang hanggang karagatan.
Matapos ang ilang mga paghinga:
"Sugod!" Nakuha ng dalawa pang Death Spirit Lords at Death Guards ang balita.
Boom! Boom!
Dalawang alon ng King Intent ang lumabas sa hangin at ang bilis ng ghost ship ay nabawasan nang husto dahil sa puwersa na tila ba ito ay nasa putik.
Kasabay pa nito, ang mga Death Guards ay lumipad at pinalibutan ang ghost ship.
Ang bilis ng mga Death Guards na may matataas na ranggo ay nalalapit sa isang Hari at nakakahabol na rin ang Death Spirit Lords.
Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Zhao Feng at agad na nagsalita nang malumanay, "Little Kun Yun, munting pusang magnanakaw, skeletal Division Leader."
Kung mag-isa lamang si Zhao Feng, malamang ay tumakbo na ito papalayo.
Kahit gaano pa siya kalakas, hindi siya ganoon kayabang upang hamunin ang tatlong Death Spirit Lords kasabay pa nito, kahit hindi banggitin ang pagkakadagdag ni Wen Luoan na may lakas na maihahalintulad sa isang Hari, pati na rin ang kumpol ng half-step King Death Guards.
Gayunpaman, ang ngayon ay iba sa nakaraan. Hindi na nag-iisa si Zhao Feng; mayroon siyang makapangyarihang alipin at alaga.
"Skeletal Division Leader, ayusin ang kasuotang pandigma. Pati ang mga Death Guards ay mayroon nito," utos ni Zhao Feng.
Matapos niyang magsalita:
Hu~~~~
Isang makapal na usok ang bumalot sa buong paligid sa loob ng sampung milya at marami-raming pula, nakakatakot na mga mata ang lumabas.
Ang pagkakaiba nito at ang kasuotan ng nakaraan ay mayroon itong half-transparent, dark red chains of lightning sa mga usok.
Ang Ghost Corpse Cursed Array ay pinalakas sa Heaven's Legacy City.
"Munting pusang magnanakaw." Bago pa niya matapos magbigay ng mga utos, ang munting pusang magnanakaw ay agad na lumitaw sa kanyang balikat.
Miao miao!
Isang faint silver-gray streak ang nawala nang mabilis.
Alam ni Zhao Feng na ang munting pusang magnanakaw ay mayroon nang sariling mga plano at nagtatago upang maghanda.
Sa oras na ito, ang tatlong Death Spirit Lords ay nagdala pa ng higit sa dalawampung Death Guards.
Lahat ng nilalang sa loob ng libo-libong milya ay natahimik.
Si Zhao Feng at ang ghost ship ay napalilibutan.
Hinarang ng tatlong Death Spirit Lords at Wen Luoan si Zhao Feng sa lahat ng direksiyon.
Sa likod nila ay may halos apat o limang Death Guards.
"Kekeke…. Kahit pa wala ang Black Hell King dito, sapat nang gamitin ang Death Spirit Hell Array," hindi mapigilang dilaan ng Dark Spirit Lord ang kanyang mga labi.
Nang matapos siyang magsalita, kulay dugong array flag ang nakita sa kamay ng apat.
Ang apat na watawat na ito ay nagningas nang may kulay abong apoy at ang tunog ng mga multo ay narinig. Ito ay sapat na upang mapatayo ang mga balahibo ng lahat.
Hu~
Sa sandaling iyon, ang apat na watawat ay lumawak sa ilang daang metro ang taas na tila ba ang mga ito ay apat na malalaking poste.
Weng~~
Isang dark red haze ang pumuno sa lugar sa loob ng ilang dosenang milya at ang nagliliyab na harang ay makikita sa hangganan.
Si Zhao Feng at ang ghost ship ay nasa dimensyon na ng impyerno.
Ang Death Spirit Hell Array ay may malalim kaysa sa Ghost Corpse Cursed Array sa ilang mga paraan at makakapaghubog ito ng spatial domain.
"Nabuo na ang Death Spirit Hell Domain. Hindi makatatakas ang hangal na iyon kahit pa tubuan siya ng pakpak," ang Witch King ay napalilibutan ng kakaibang puting apoy, tila ba siya ang hari ng mga multo.
Ang Yin Yang Lord, Wen Luoan at ang iba pa ay nagpakita ng masayang ekspresyon.
Ang Death Spirit Hell Array ay ginawa ng Emperor of Death at kinailangan nito ng apat na Death Spirit Lords na makapagpoprotekta sa apat na cores.
Maliban pa dito, may iilan pang mga Death Guards sa bawat gilid upang suportahan ang mga ito.
Ang lakas ng array na ito sa pinakamalakas na anyo ay kayang hamunin ang mga Emperador at kahit na papalitan ni Wen Luoan ang Death Spirit Lord at wala silang kumpletong tatlumpu't anim na Death guards, ang kapangyarihan ng array na ito ay pitumpung porsyento pa rin sa buo nitong lakas.
"Buksan ang killing array!" Sigaw ng Yin Yang Lord
Ang tatlong Death Spirit Lords at si Wen Luoan ay gumamit ng espesyal na pamamaraan at itinulak ang kanilang mga kamay patungo sa mga naglalakihang watawat.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Libo-libong kulay dugong sinag ang tumama sa paligid ng Impyerno.
Bawat isa mga kulay-dugong sinag na ito ay kayang tumagos sa half-step Kings at lamunin ang kanilang kabuuan.
Libo-libo sa mga ito ang tumama at lumampas sa mga dimensyon.
Maging ang mga Hari ay maaaring matamaan at maging sanaw ng tubig. Lahat ay pinaghigpitan sa dimensyon ng Impyerno.
Ang mga harang sa paligid ng hangganan ay natabunan ng kulay abong apoy na kayang sumunog ng kaluluwa.