Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 716 - Ang Muling Pagtitipon ng mga Death Guards

Chapter 716 - Ang Muling Pagtitipon ng mga Death Guards

"Isang pagbati, Pirate Emperor!" Ang lahat ng mga pirata ay yumuko.

Ang Cold Moon King ay lumabas mula sa Pirate Emperor's Inheritance, at ang langit ay napuno ng nagyeyelong kulay tansong liwanag ng buwan, na tila ba ito ay pumapasok sa kalawakan.

Ang liwanag ng buwan ang siyang pumuno sa buong lugar, at ang pakiramdam ng mga pirata ay wari'y hinihiwa ang kanilang mga katawan ng matatalim na kutsilyo. Ang cold Intent ay naglakbay sa kanilang mga kaluluwa. Kung kinakailangan, naisip nila na kaya nitong hatiin ang kahit na anong bagay upang maging sampung libong piraso.

"Napakabilis…!" Ang takot sa mga mata ng Giant Shark King ay napalitan ng paggalang.

Malinaw na nabanggit, ang Cold Moon King ay siya na ngayong Cold Moon Emperor.

"Peak Void God Realm. Naabot na ng kaniyang kaluluwa ang pinakamataas, mayroon na siyang hindi kapani-paniwalang pagkakatugma sa Langit at Lupa," nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pagbabago sa Cold Moon Emperor.

Ang kaniyang malapad na domain ay naging kaisa ng Langit at Lupa sa malapit. Walang pagkakamali rito. Bukod doon, ang misteryosong korona rin na kaniyang suot ay nakapukaw sa mata ni Zhao Feng. Ang misteryosong korona na ito ay maaaring konektado sa labing walong rurok at gitnang bundok.

Ang Cold Moon King ay hindi lamang naging Emperor, ang misteryosong korona rin ay binigyan siya ng isang uri ng proteksyon.

"Isang pagbati, Pirate Emperor!" Ang lahat ng mga pirata ay lumapit pasulong at ibinigay ang kanilang respeto at katapatan. Ang misteryosong korona na kaniyang pag-aaari ay maaaring magpatawag sa Pirate King Tokens.

"Binabati kita, Cold Moon Emperor. Ikaw ngayon ay isa nang kataas-taasang pinuno ng Pirate Sacred Land," ang Giant Shark King ay nagbigay ng isang ngiti at yumukod. Kahit siya pa ay nasa Peak-tier level na, kinakailangan niya pa ring yumuko sa Cold Moon Emperor. Ang Pirate Emperor ay maaaring tumawag sa iba pang Pirate Kings, at pinamumunuan nila ang Pirate Sacred Land. Ito ang batas ng Pirate Sacred Land.

Naabot na ng kalakasan at katayuan ng Cold Moon Emperor ang rurok.

"Zhao Feng, ito ay aking pasasalamat sa 'yo," ang Cold Moon King ay nagbigay ng kakaibang ngiti at pasasalamat.

Shua!

Sa isang hakbang lamang, siya ay dumating patungo kay Zhao Feng. Dumating ito na parang bigla na lamang sumulpot sa manipis na hangin.

Si Zhao Feng ay nagulat. Kahit ang mga Emperor ay walang kakayahang makapunta nang ilang libong milya sa isang hakbang lamang.

Ako ay naging isang panibagong Pirate Emperor, at ako ay pinoprotektahan at pinalalakas ng Pirate Emperor Sacred Land. Ito ay limitado lamang ng sampung taon, at sa loob ng panahong ito, hindi ako maaaring umalis sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land," paliwanag ng Cold Moon Emperor.

Kahit na ang mga tao na nakuha ang Pirate Emperor's Inheritance ay maaaring maging isang Emperor nang madalian, hindi lahat ng Pirate Emperor ay maaaring maging totoong Emperor nang mabilis. Ito ay sa kadahilanang ang Cold Moon King ay dating Peak-tier King at malapit nang maging Emperor kaya't naging mabilis ang kaniyang pagtatagumpay.

Ang sinumang maging Pirate Emperor ay poprotektahan ng Pirate Emperor Sacred Land. Ang proteksyon ng korona ng Pirate Emperor ay tinutulungan ang Cold Moon Emperor na hindi matakot sa kahit na sinong Emperor sa loob ng sampung tao.

Sa oras na ito:

Weng~~

Isang hindi nakikitang nanghihigop na puwersa ang lumitaw mula sa karagatan, at hindi nila makayanang pigilan ang kapangyarihang ito.

"Ang Pirate Emperor's Inheritance Sacred Land ay magsasara na" ang Cold Moon Emperor ay nagbigay ng kautusan at inakay ang mga pirata paalis. Inalis ni Zhao Feng ang ghost ship at umupo sa barko ng Cold Moon Emperor at sila ay naglayag sa pamamagitan ng malaking ipo-ipo.

Sa labas ng mundo, sa gitna ng Eighteen Corner's Canyon:

Boom!

Ang barko ay nagsimulang lumitaw mula sa gitna ng ipo-ipo, kasama ang auras ng Kings at Emperors. Ang kapangyarihan ng Pirate King ay lumakas matapos ang kanilang paglalakbay, at naramdaman ni Zhao Feng na ang konekyon ng kaniyang ghost ship at Pirate Emperor's Sacred Land ay naputol na. Ngayon, hindi na siya pinagbabawalan pa, at maaari na siyang umalis kahit saan kasama ang ghost ship.

Ilang libong milya ang layo sa kalaliman nang walang hanggang karagatan:

"Nag-uulat sa Death Spirit Lord, ang mga pirata ay lumabas," isang Death Guard ang lumuhod sa kubyerta.

"Lumabas na ba si Zhao Feng," ang mukha ni Wen Luoan ay nauubusan na ng pasensya.

Shua!

Isa pang Death Guard ang lumitaw sa oras na ito.

"Isang ulat! Isang masamang balita! Ang panibagong Pirate Emperor ay isa nang Voice God Realm Emperor," sabi ng Death Guard na ito.

Voice Guard Realm Emperor!

Ang ekspresyon ng Yin Yang Lord at ng iba pang Death Spirit Lord ay nag-iba. Ang alyansa ng pirata ay marami nang Kings, at ngayon ay mayroon nang Emperor. Hindi ito maganda.

"Ang panibagong Pirate Emperor ay pinoprotektahan ng Pirate Sacred Land at tiyak na mahirap itong taluhin," sabi ng isang babaeng nakasuot ng black robe. Mayroon siyang maputlang ekspresyon at pinaliligiran ng kakaibang kulay puting apoy. Ang lahat ng kaniyang balat ay namumutla't kulay puti na tila ba isang multo. Isa rin siyang Death Spirit Lord.

Ang isa pang Death Spirit Lord ay isang lalaking binabalot ng kadiliman at wari'y walang bigat. Ang pares ng kaniyang matitingkad na kulay berdeng mga mata ay mistulang lumulutang sa hangin.

"Witch King, Dark Soul King, sabihin niyo sa inyong mga nasasakupan na itago ang kanilang Tokens of Death, at sabihin sa mga Death Guards na sila ay kumalat," nag-utos ang Yin Yang Lord.

"Ang Emperor ay nagpakita…" Hindi pagkasabik ang lumitaw sa mukha ni Wen Luoan. Sa ngayon, sa halip na habulin si Zhao Feng ay tinataguan na nila ito.

"Ang kailangan lamang nating gawin ngayon ay bantayan si Zhao Feng. Nagpapahinga na si master at makakarating dito makalipas ang ilang araw. Ang lahat ay matatapos din," ang boses ng Yin Yang Lord ay garalgal at umalingawngaw sa hangin. Sa apat na Death Spirit Lords, si Yin Yang Lord ay isang Peak-tier King, at siya ang pinakamalakas sa kanila.

"Maghihiganti ako. Ang Black Hell Lord ay namatay para sa akin at hindi pa rin ito nabubuhay hanggang sa ngayon…." Kumuyom ang mga kamao ni Wen Luoan na para bang pagpatay ang pumuno sa kaniyang mga mata.

Nang sila ay pumasok sa Demigod Forgotten Garden, si Wen Luoan ay dinala ng Death Spirit Lord gamit ang sikretong kaparaanan, subalit ang batas ng Demigod Forgotten Garden ay masyadong mahigpit, at ang mga panlabas na puwersa ay hindi maaaring gamitin. Sa huli, nang wasakin ang kaniyang sarili, ang Black Hell Lord ay kinuha ang pinakamalakas na bahagi ng pampasabog paharap at nawasak.

Sa panahong iyon, ang paglinang kay Wen Luoan ay bumagsak at kahit pa ang Black Hell Lord ay mayroong natitirang parte ng kaniyang kaluluwa, hindi pa rin ito nabubuhay. Samakatuwid, tatlong Dead Spirit Lords lamang ang nakarating.

"Luoan maghintay ka pa nang kaunting panahon, kapag lumisan na si Zhao Feng sa Pirate Secret Land o di kaya ay dumating ang Emperor, matatapos din ang lahat," sabi ito ng maputi't maputlang Witch King.

Sa gitna ng Eighteen Corners Canyon:

"Zhao Feng, hindi ka talaga pupunta sa inihanda kong salo-salo? Mayroon pa rin akong utang sa iyong pabor," ngumiti ang Cold Moon King at ito ay sinabi.

Kapag ang kaniyang mga mata ay tumatama kay Zhao Feng, doon lamang napapalitan ang kaniyang kalamigan ng isang ngiti. Pakiramdam niya ay tumitingin siya sa kaniyang nakababatang kapatid.

"Kagalang-galang na Pirate Emperor, ang nasasakupan niyong ito ay mayroon pang mga madaliang asikasuhin at hindi maaaring magtagal. Inaasahan kong ito'y iyong mauunawaan," bahagyang pagbibiro ni Zhao Feng.

Kahit pa ang kaniyang mga salita ay magalang, ang kaniyang tono ay hindi. Matapos ang kanilang laban sa buhay at kamatayan, nanatili pa rin silang magkaibigan.

"Mainam, hindi na kita pipilitin pa, ngunit kung mayroon kang mga problema, hanapin mo lamang ako. Hindi ko lilisanin ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land sa loob ng dalawampung taon," nadidismayang sabi ni Cold Moon Enperor.

Nang ang Pirate Emperor ay maging Voice God Realm Emperors, hindi na nila ninais sa kanilang buhay ang maging Pirate Emperor. Ang nais ng Emperors ay ang rurok ng Great Dao - ang katotohanan sa likod ng imortalidad. Ang Heavenly Divine Realm ang kanilang target, at ang gantimpala mula sa pagiging pirata ay hindi kaakit-akit sa paningin ng Emperor.

Siyempre, dahil sa utos ng Pirate Crown, ang Cold Moon Emperor ay kailangang manatili rito nang hindi bababa ng sampung taon, at dahil napamahal na rin siya sa lugar na ito, maglalagi pa siya ng panibagong sampung taon o sa kabuuan ay dalawampung taon bago umalis upang mapagtagumpayan ang higher realms.

"Paalam," si Zhao Feng ay hindi na magtatagal pa.

Whoosh!

Ang ghost ship ay lumipad sa hangin at biglang nawala sa paningin ng mga Pirate Kings.

"Si Zhao Feng ay sobrang misteryoso. Mula simula hanggang wakas, kahit kailan ay hindi man lamang niya ninais maging Pirate King o Pirate Emperor," sinabi ito ng lalaking may gintong buhok at isang lalaking may mahabang balbas ang tumingin sa direksyon ng ghost ship.

"Tama ba ang nakikita ko.sa kaniya? Ang batang may gintong balat at ang pusa ay kapwa misteryoso rin," bulong ng Cold Moon Emperor.

Ang pagdating ni Zhao Feng ay hindi nangangahulugang sila ay lumaban nang magkasama. Mula sa isang tiyak na antas, iniba niya ang kaniyang destinasyon. Matapos maging Void God Realm Emperor at maging bagong Pirate Emperor, ay kaniyang buhay ay talagang nag-iba.

Makalipas ang isang araw, ang ghost ship ay lumipad sa langit at nakarating sa gilid ng Eighteen Corners Canyon Pirate Sacred Land.

"Master, ang bagong Ghost Corpse Cursed Array ay matagumpay nang nabuo," pag-uulat ng skeletal Division leader.

Naupo si Zhao Feng sa loob ng kubo ng kapitan, ngunit ang kaniyang ekspresyon ay seryoso at ang kaniyang mga kilay ay nagsalubong.

"Little Kun Yun, naramdaman mo ba 'yon?" Si Zhao Feng ay biglang nagsalita.

"Walang duda, mayroong nagmamanman sa atin. Akala ko ay mga pirata lamang, ngunit nakaalis na tayo sa Pirate Sacred Land," tumango ang ulo ng batang Demigod.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw pusang ay biglang lumitaw at naghagis ng tansong barya sa hangin.

Ang batang Demigod ay napatingin sa munting magnanakaw pusang. Sa underwater city, tinawag nila ang munting magnanakaw pusang na Heaven's Legacy Cat, ngunit walang karera sa Ten Thousand Ancient Races o ang kanilang mga inapo.

"Ang Heaven's Legacy Race ay nahati sa Heaven Defying Faction at sa Sage Faction. Ang kakayahan ba ng pusang ito sa panghuhula ay maiuugnay sa Sage Faction," sabi ng batang Demigod nang may mababang tono.

Sa oras na ito, si Zhao Feng ay humagikhik at biglang nawala sa ghost ship.

Shua!

Si Zhao Feng ay tumayo sa kubyerta habang nakatingin sa kalaliman ng karagatan na ilang libong milya ang layo.

Kaagad:

"Natagpuan na ako!"

Isang madilim na anino ang kumislap sa karagatan.

Whoosh!

Dahil nakita niyang ang kaniyang tracks ay hindi pa nakikita, ang Death Guard ay biglang naging isang madilim na guhit ng liwanag at lumipad sa walang hanggang karagatan.

"Gamit ang aking napakabilis na kakayahan, ako ay maikukumpara sa Kings. Mayroon akong pag-asa na ako ay magtatagal hanggang sa dumating ang dagdag na mga kagamitan," ang Death Guard na ito ay nakaranggo sa unang sampu mula sa tatlumpu't anim na mga Death Guards.

Siya ay naghatid ng mensahe kasama ang kaniyang Token of Death sa kaniyang paglipad. Siya ay napahingang-malalim matapos lumipad ng sampung libong milya.

"Sa wakas ay nakatakas na rin ako. Sa totoo lang, ang ating target ay nakapatay na noon ng Domain-level Kings at nasugatan niya nang matindi ang Emperor sa pamamagitan ng ambush…." ang Death Guard ay napabuntong-hininga at bumulong, at sa oras na ito, isang kabataan na may pakpak na may nakapandadayang ekspresyon ang lumitaw sa kaniyang harapan.

"Paano naging ikaw 'yan…!?" Ang ekspresyon ng Death Guard ay biglang nag-iba.

Anong klaseng bilis mayroon ang Target of Death na ito? Tila ba naghintay ito nang napakahabang panahon.