Bumalik si Zhao Feng sa gitnang isla ng Heaven's Legacy secret realm, sa loob ng Pirate Emperor's Inherited Sacred Land. Nang si Zhao Feng ay bumalik, ang lahat ng labing walong rurok ay mayroon nang kani-kaniyang Pirate King.
Ang paglilinang sa ilan sa mga Pirate Kings ay hindi maikakailang nadadagdagan. Sa gitna ng mga ito, tatlong half-step Kings ang nawasak dahil sa Void God Realm sa tulong ng kanilang mga pamana.
Ang gitnang bundok ay nababalutan ng pinaghalong kakaibang black-and-white na liwanag.
"Ang Cold Moon King's Inheritance ay hindi pa natatapos 'di ba?" Si Zhao Feng ay nakakita ng isang sulok at siya ay naupo rito habang sinusulyapan at pinagmamasdan ito.
Kadalasan, ang Pirate Emperor's Inheritance ay hindi nagtatagal nang mas mahaba pa sa kalahating buwan. Gayunpaman, siya ay hindi naman nagmamadali kung kaya't sinimulan niya munang ayusin ang kaniyang bagong bloodline.
Weng~~
Isang manipis na layer ng mapanganib na bughaw na kaliskis ang lumitaw sa katawan ni Zhao Feng. Ang bughaw na dugo sa kaniyang katawan ay patuloy pa ring dumadaloy. Nagsama rin ang Ice Imperial Spear at ang bagong Ten Thousand Ancient Races bloodline.
"Ang kapangyarihan ng bloodline… kahit ang Ice Imperial Spear ay mas naging malakas pa?"
Lubos na nasiyahan si Zhao Feng. Kahit pa hindi siya nakakuha ng mga pamana o ng mga top-tier resources sa Heaven's Legacy City, maituturing niya pa rin itong isang bihirang tagpo sa kaniyang buhay. Ang hindi lamang nagustuhan ni Zhao Feng ay ang hindi niya pagiging mayaman nang husto. Ang lahat ng yaman na nakuha niya mula sa Purple Saint Ruins, Demigod Forgotten Garden, at sa Pirate Sacred Land ay nagamit na.
Samakatuwid, kung ikukumpara ang lahat ng kaniyang mga nakuha, napakahalaga na rin ng mga ito. Hindi matutumbasan ang halaga ng bloodline ng Ten Thousand Ancient Race. Bukod doon, natanggap din ni Zhao Feng ang Five-Elemental Wind Lightning Technique at ang Golden Kun Sacred Lightning Body. Ang kaniyang cursed ghost-corpses at mga array nito ay kapwa mas pinalakas din.
Miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nakipaglaro sa Shadow Kill Imperial Dagger at tila ba lubos na nasiyahan.
"Munting pusang magnanakaw," lumitaw ang batang Demigod at nagsimulang makipag-usap sa munting pusang magnanakaw.
Miao miao!
Tumango ang ulo ng munting pusang magnanakaw at nagsimulang maglakad sa paligid ng gitnang isla kasama ang batang Demigod. Ang gitnang isla na kaninang kalmado ay nagsimulang magkaroon ng ganap na kaguluhan. Ang dalawa ay tumakbo sa paligid ng gitnang isla at nagnakaw ng mga kayamanan mula sa mga pirata.
Napasalubong ang kilay ni Zhao Feng, ngunit hindi niya ito pinigilan. Alam niyang kailangan ng batang Demigod ng mga kayamanan sa lalong madaling panahon, kung kaya ay nakipagtulungan siya sa munting pusang magnanakaw. Hangga't hindi sila nagpupunta sa tubig, hindi sila pinakikialaman ni Zhao Feng. Higit sa lahat, hindi rin naman mabubuting tao ang mga piratang ito.
Sa loob lamang ng kalahating araw, ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw ay nakalikom ng malaking kabuuan ng Primal Crystal Stones.
Takot at sindak ang lumaganap sa kabila ng isla, at ang lahat ng mga pirata ay nagalit. Kabilang sa kanila, may ilang mga Pirate Kings ang natumba at nanakawan ng kayamanan.
"Master, sa iyo ang kalahati," binigay ng batang Demigod ang kalahati ng mga kayamanan kay Zhao Feng at ang natitira ay hinati nang pantay sa munting pusang magnanakaw.
Ang dalawang ito ay marunong manuhol? Si Zhao Feng ay nagpakita ng kakaibang ekspresyon, ngunit makalipas ang ilang sandali, dumating ang Giant Shark King na may pinamumunuang apat o limang Pirate Kings at isang grupo ng mga pirata at sila ay naglakad.
"Zhao Feng, ang iyong alaga at alipin ay lumilibot at nagnanakaw sa iba, kasama na rin ang mula sa kapareho mo ng alyansa. Ang kanilang mga aksyon ay kakila-kilabot," ani ng Giant Shark King, at napatingin si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw at sa batang Demigod.
Ang dalawa ay hindi lamang nagnakaw sa mga nasasakupan ng Giant Shark King kundi pati na rin sa mga nasasakupan ng Cold Moon King. Kung sabagay, ang pwersa ng mga pirata ay mahirap unawain. Ang munting pusang magnanakaw at at ang batang Demigod ay walang makilala sa kanilang lahat.
"Kayong mga pirata ay dapat na makipaglaban para sa isla. Kung sino ang mas malakas ay siyang dapat hirangin na panalo. Ang aking alaga at alipin ay sasali sa larong ito," tuloy-tuloy itong sinabi ni Zhao Feng, at nanigas ang ekspresyon ng mga pirata.
Upang maipaglaban ang kayamanan at kapalaran, naglaban-laban ang mga pirata kahit na iisa lamang sila ng kinabibilangan. Ang kaibahan lamang ay hindi nila ito ginagawa nang sobrang lantaran.
"Hmph!" Napangisi ang batang Demigod, "mga t*ng*ng pirata. Kung hindi lamang ito para sa akin at sa aking master, sa tingin niyo ba ay mabubuksan niyo ang Pirate Emperor's Inheritance nang ganoon kadali?
Hindi nakapagsalita ang mga nakatatandang Pirate Kings. Sa laban kay Emperor Mu Yun, si Zhao Feng at ang batang Demigod ay parehong may ginampanang kritikal na papel.
"Ang Pirate Emperor's Inheritance ay nahati sa labing walong pamana, at wala akong kinuha na kahit alin doon. Binibigyan ko pa ng pagkakataon ang mga batang pirata," matuwid itong sinabi ni Zhao Feng.
Nang ito ay marinig nila, dalawa sa mga Pirate Kings ay wala nang masabi pa. Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay walang kahit na anong kinuha mula sa Pirate Emperor's Inheritance.
"Siyempre, kung may ilan sa inyo ang hindi sang-ayon, maaari pa tayong maglaban nang kaunti," nanatiling nakaupo si Zhao Feng. Ang aura ng kaniyang bloodline at kaluluwa ay nagpasindak sa grupo ng mga pirata.
Ang ekspresyon ng Giant Shark King ay nanatiling nangungutitap. Si Zhao Feng ay mas naging misteryoso, kasama ang batang may gintong balat at ang misteryosong pusa. Kailangan nilang malaman na ang tatlong ito ay masyadong may mapanghamak na tingin kahit pa sa Pirate Emperor's Inheritance.
"Zhao Feng, dahil handa mong tanggapin ang sisi para sa iyong alaga at alipin, tanggapin mo rin ang kamao ko. Tingnan natin kung mayroon kang kakayahan na protektahan sila o wala," sinabi ito ng Giant Shark King nang may malalim na tono.
"Hehe, Giant Shark King, kung gusto mong masukat ang aking lakas, hindi mo kailangang makisama sa bilog," natawa si Zhao Feng.
Gustong sisihin ng Giant Shark King ito ngunit hindi niya alam ang totoong lakas ni Zhao Feng, at noong mga nakaraang araw, bigla na lamang itong nawala kung saan.
"Magaling, magaling, magaling. Tulad ng inaasahan ko sa 'yo. Gusto kong sukatin ang iyong totoong lakas," tumawa nang malakas ang Giant Shark King, at ilang sandali pa, ang dalawa ay nakatayo sa isang walang laman na kapirasong lupa at walang sinuman ang malapit sa kanila.
"Ancient Strength!" sumigaw nang malakas ang Giant Shark King habang ang kaniyang shell-like skin ay lumalapad. Ang kaniyang katawan ay lumaki at biglang naging kalahating tao at kalahating pating. Ang kaniyang laki ay dalawang beses na mas malaki sa normal na tao.
Pa!
Ang kaniyang suntok ay tila ba makapagpapayanig ng hangin. Ang kaniyang antigong shark bloodline aura at nakatatakot na pisikal na lakas ay nagsanhi ng takot sa mga puso at bloodline ng mga piratang nanonood sa kanila.
"Ang suntok ng Giant Shark King ay isa lamang pagsubok. Hindi man lamang niya ginamit ang kapangyarihan ng kaniyang lupaing-bayan," ang ekspresyon ni Zhao Feng ay normal lamang.
Ang bakal na kamao ay kumislap nang may kasamang kulay abong liwanag, at ang kapangyarihan na mayroon ito ay sapat na upang makapatay ng isang normal King.
"Ngayon ay subukan natin ito…" tumayo si Zhao Feng at patuloy pa ring dumadaloy ang kaniyang bughaw na dugo. Isang mapananib na pulutong ng mga kaliskis na tila ba isang dragon ang lumitaw sa kaniyang katawan. Sa sandaling iyon, bumagbag ang daluyong ng yelo sa sampung milya ng paikot na sukat sa kaniyang paligid, at ang mahihinang mga pirata ay madaling tinangay ng yelo.
Hu~~
May lumitaw na yelo sa kamao ng Giant Shark King bago pa man ang atake, at isang antigong cold aura ang nagbigay sa kaniya nang kaunting takot. Ang shark bloodline ng Giant Shark King ay natalo at nakaramdam ng panginginig.
"Ang bloodline na 'to, maaaring maging…!?" napasigaw ang Giant Shark King.
Boom!
Ang may kaliskis at nagyeyelong palad ni Zhao Feng ay perpektong naharangan ang suntok ng Giant Shark King. Nagtama ang kamao at ang palad, at isang nakatatakot na pwersa ang lumaganap at nakapagpabiyak sa lupa. Kung ito ay sa labas ng mundo at hindi sa Pirate Emperor's Sacred Land, ito ay sapat na upang makapagwasak ng isang normal na isla.
Bam!
Si Zhao Feng at ang Giant Shark King ay kapwa napaatras, at wala man lamang sa kanila ang nasugatan, ngunit ang kamay ng Giant Shark King ay bahagyang nanigas at nabalutan ng yelo.
"Ten Thousand Ancient Races bloodline… ikaw...!!?" Ang Giant Shark King ay nasindak. Sa ilang sandali lamang ngayon, ang bloodline ni Zhao Feng ay natalo rin ang kaniyang sariling bloodline, at maaari na lamang niyang gamitin ang limampu hanggang animnapung porsyento ng lakas ng kaniyang bloodline strength. Ang pisikal na katawan ni Zhao Feng ay hindi mas mahina ng sa kaniya.
Kung hindi lamang dahil sa katotohanan na ang paglinang ay tumaas at nagising ang kaniyang bloodline sa mas malayong yugto, maaari siyang matalo ngayon.
"Ang Zhao Feng na ito ay mayroong Ten Thousand Ancient Races bloodline? Sobra niyang tinago ang kaniyang sarili!"
Ang ekspresyon ng mga pirata ay naging madrama. Ang maalamat na bloodline na Ten Thousand Races ay lumitaw sa isang kabataan.
"Sa inaasahan sa Mystic Ice Scaled Race, ito ay kabilang sa ranggo sa top one hundred. Pinapayagan si Zhao Feng na makipaglaban sa Peak-tier King, isang tao na ang ilan sa mga maliit na ranggo ay mas mataas sa kaniya. Dahil ipinagkaloob, hindi ginamit ng Giant Shark King ang kaniyang Domain o ang kaniyang True Yuan," napabuntong hininga ang batang Demigod dahil sa pagkamangha.
Ang paglinang ni Zhao Feng ay muntik nang maging rurok ng Great Origin Core Realm. Sa gitna niya at ng Giant Shark King ay ang half-step King, unang yugto, gitnang yugto at huling yugto na hari, at ang pinakahuli ay ang Peak-Tier King.
"Ang Mystic Ice Scaled Race ay ang pang-walumpu't siyam na ranggo mula sa Ten Thousand Ancient Races…." ang Giant Shark King ay kumuha nang malamig na paghinga at hindi siya makakalma. Kailangang may makaalam na ang kaniyang bloodline ay kakaiba at malapit na sa lakas ng Ten Thousand Ancient Races bloodline. Siya lang ang kaisa-isang may kakayahang makipaglaban kay Emperor Mu Yun nang paharap, kahit na pansamantala lamang.
Gayunpaman, ang Ten Thousand Ancient Races ay nakaranggo. Marami sa mga maalamat na bloodlines na ito ay wala na. Kahit na ang tawag dito ay Ten Thousand Ancient Races, nasa isang libo na lamang ang nakatala. Ang mga nakaranggo at pasok sa unang isang daan ay mayroong kani-kaniyang heaven-defying abilities.
"Inheritance bloodline," napaupo si Zhao Feng at ipinikit ang kaniyang mga mata. Ang mga impormasyon kung paano gamitin ang kaniyang bloodline ay lumitaw sa kaniyang isipan, at kahit na maliit lamang ang bilang nito, ito ay mas malalim kumpara sa Wind Lightning Inheritance.
"Zhao Feng, ikaw ay minaliit namin," humingang malalim ang Giant Shark King at naiwan kasama ang iilang mga pirata.
Kailangan nilang aminin na si Zhao Feng ay mayroon nang battle-power na maihahalintulad sa Peak-tier King. Higit sa lahat, mayroon siyang napakahusay na bilis at misteryosong eye-bloodline.
Ang Ten Thousand Ancient Races bloodline's lifeforce at recovery speed ay hindi mabilang na mas malakas kumpara sa mga normal na bloodlines. Bukod doon, ang batang Demigod at munting pusang magnanakaw ay kapwa misteryoso rin. Habang tumatagal ang panahon, mas lalong kumakalat ang pangalan ni Zhao Feng sa buong isla.
Sa ilang sandali pa:
Weng~~
Ang black-and-white na liwanag sa gitnang bundok ay nagsimulang magsama-sama, at isang makapangyarihang soul aura ang lumaganap sa hangin sa tabi ng Imperial Power.
"Ang aura na iyon…!"
Ang katawan ng mga pirata ay nanigas, at isang liwanag ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng.
"Ang Pirate Emperor's Inheritance ay hindi dapat minamaliit. Lalo pa at kaya nitong makalikha ng mga Emperor nang sobrang bilis. Parang ito'y totoo…." ang batang Demigod ay tumingin sa bundok nang may hindi maipaliwanag na ekspresyon.
Isang babae na may patalim at espada sa kaniyang likod ang tumingin pababa sa kanila nang malamig habang nababalutan ito ng liwanag ng buwan. May suot itong korona at ang kaniyang ekspresyon ay tila ba nagyeyelo.