"Matapos itong maayos, ang kapangyarihan ng lamig nito ay maaring tumaas ng walumpong porsyento at maaari itong maging yelong pananggang sandata, isang ice dragon at iba pang katayuan."
Pagkarinig sa sinabi ng panday, nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng at naghayag ng masayang ekspresyon.
Pakiramdam niya ay napinsala na ang Ice Imperial Spear matagal na panahon na ang nakalilipas ngunit hindi niya inaasahang matapos itong maayos, ang Ice Imperial Spear ay maaaring mag-iba ng anyo. Kung iyon ang kaso, ang depensa ni Zhao Feng ay magiging mas malakas.
"Palakasin ito," tiyak na nagbayad si Zhao Feng.
Mayroon siyang marami-raming materyales ng Ice element. Kung sabagay, nakakuha siya ng maraming pag-aaring yaman mula sa Purple Saint Ruins, Demigod Forgotten Garden at mga nasamsam ng giyera mula sa mga hari.
Ngumiti ang grandmaster nang kinuha nito ang malaking halaga ng Primal Crystal Stones. Bagaman nahirapan si Zhao Feng sa presyo, mas mura na ito dito kasya sa pagkuha ng panday sa labas ng kanilang mundo.
Nalampasan ng sibilisasyon ng Heaven's Legacy Race ang ekspektasyon ng mga tao at hindi mapigilang maalala ni Zhao Feng ang impormasyon na nabasa niya tungkol sa Heaven's Legacy Race.
Ang Heaven's Legacy Race ay isang lipi ng mga humanoid na hindi ganoon kalakas pati na rin ang kanilang bloodline. Kung sa pakikipaglaban, hindi nila kakayaning matalo ang isang normal na tao ngunit sila ang pinakamatatalino. Ang kanilang pagkamalikhain at talino ang nagging daan upang silang sila ay tingalain kasama na rin ang Ancient Race.
Ang siyudad ng Heaven's Legacy Race ay naglalaman ng hindi kapanipaniwalang mga bagay at napapabuntong hininga na lang ang ilan nang makita ang mga ito. Kung iisipin, sa tingin ni Zhao Feng na ang halaga ng pagpasok ay may saysay.
Makalipas ang isang oras:
Ding! Ding! Bam!
Ang automaton ng panday ay naglabas ng asul na sibat na sinlamig ng yelo mula sa misteryosong hurno.
Ngayon, ito ay mas mabilis kaysa sa isang maliit pusang magnanakaw ng isang bagay. Kinuha ni Zhao Feng ang ice-blue na sibat at kanyang naramdaman ang kapangyariahan ng talagnaw nito.
Weng~~
Ang ice-blue na sibat ay mistulang naging likido at humubog ng nagyeyelong pandepensa sa kanyang katawan.
Ang yelong kasuotang ito ay naglabas ng malamig na awra na maaaring makapagpayelo ng kahit anong nilalang sa loob ng ilang milya.
Hangga't suot ni Zhao Fen ang pandepensa, sinomang nasa ilalim ng Void God realm ay hindi maaaring makalapit sa kanya.
Ang pandepensang sinlamig ng yelo ay naging dalawang ice dragons na pinalibutan si Zhao Feng at nakakuha ng magandang katayuan sa pag-atake.
Sa kabutihan palad, ito ay ang sinaunang siyudad ng Heaven's Legacy Race at ang talagnaw ay hinihigop ng hindi malamang kapangyarihan.
"Hindi na masama," si Zhao Feng ay talagang nasiyahan nang pagsamahin niya ang sibat at ang kanyang bloodline.
Ang batang Demigod ay nanood nang may halong inggit ngunit ngayon, mayroon na lamang siyang limitadong dami ng Primal Crystal Stones at hindi kayang bumili ng kahit ano.
Ang tao, bata at pusa ay lumabas ng tindahan.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay naglabas ng mapa at nagsimulang siyasatin ito kasama nil Zhao Feng. Ang siyudad ay mayroon pa ring mga makapangyarihang bagay mula sa nakaraan at kailangan ni Zhao Feng ang kabuuan nito.
"Ang Ten Thousand Blood Palace ay maaaring matustusan at mapalakas sila?"
"Ang Balon ng Demonification ay kayang palakasin ang kapangyarihang-pandigma ng mga alaga?"
"The Array Tower supplies arrays and methods to make them better…"
"Ang Array Tower ay nagbibigay ng mga array sa pakikipaglaban at paraan para ito ay mas maging mainam."
"Ang Divine Techniques Palace ay nagbebenta ng mga pamamaraan at sumasagot ng katanungan ukol sa kalinangan."
Ang tingin ni Zhao Feng ay lumapag sa mga mas magagandang lugar. Sa paghahambing sa mga ito, ang tindahan ng panday ay isa lang normal na tindahan.
Ang magagandang lugar na ito ay may kamangha manghang mga abilidad. Ang Ten Thousand Blood Palace ay kayang magsuplay ng mga lahi.
"Ang Heaven's Legacy Race ay tila nagsaliksik sa pinagmulan ng lahi ng Ten Thousand Ancient Races at sinubukan pang gayahin ito," paghugong ng batang Demigod at ang alamat ng Heaven's Legacy Race ay napatunayan sa siyudad na ito.
"Kaya ring tustusan ng Heaven's Legacy Race ang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races?" hindi makapaniwala si Zhao Feng at naglakad ito sa Ten Thousand Blood Palace nang nagtataka.
Ang Ten Thousand Blood Palace ay talagang napakalaki; mayroon itong limampu o animnapung palapag. Bawat palapag ay mayroong maliit na lawa ng dugo at mayroong mga tubo na nakalagay kahit saan.
"Ginigiliw na mga panauhin, gusto niyo ba ng bloodline o gusto ninyong mapalakas ang inyo?" ngumiti ang isang eleganteng babae na balot sa kulay dugong ilaw nang siya ay tumingin kay Zhao Feng at mga kasama nito.
Tinignan siya ni Zhao Feng gamit ang kanyang God's Spiritual Eye at nakitang wala nang palatandaan ng buhay ang babae.
"Magkano ang magagastos upang magtamo ng bagong bloodline?" tanong ni Zhao Feng.
"Depende ito sa klase ng bloodline na iyong gusto," tinapik nang marahan ng eleganteng babae ang kanyang kamay at may lumabas na panabing na mayroon iba't ibang bloodline.
"Kaya ba ninyong tustusan ang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races?" tanong ni Zhao Feng.
"Ten Thousand Ancient Races bloodlines? Hehe,iyon ang mataas na uri ng bloodline sa mundo at talagang mahal ito. Nalikom namin ang bloodline ng tatlong daang iba't ibang lipi na maaaring ilipat sa iyo," ang eleganteng babae ay may inabot at nakita sa panabing ang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races.
"Kaya mo talaga?" nabigla si Zhao Feng at ang batang Demigod.
Siyempre, ang mga bloodline sa panabing ay nakaranggo sa daan o libo. Apat o limang lahi lamang ang nakaranggo sa itaas kasama na ang bloodline ng Heaven Sun Battle Race.
"Madalas ay kailangan ng pahintulot upang makakuha ng isa sa bloodline ng Ten Thousand Ancient Races ngunit ngayon na ang may-ari ng siyudad ay wala na rito at ang siyudad ay nangangailangan ng Primal Crystal Stones upang gumana, hindi kailangan ng pahintulot," paliwanag ng eleganteng babae.
Nagtinginan si Zhao Feng at ang batang Demigod. Ito na ang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races!
Gayon man, iginulong ni Zhao Fen gang kanyang mga mata nang makita ang mga presyo. Ang presyo ng bloodline ng Heaven Sun Battle Race ay higit pa sa lahat ng mayroon si Zhao Feng. Kung sabagay, ito ay nakaranggo sa nangungunang isang daan.
"Buntong hininga, ito na ang presyo matapos ng limampung porsyentong diskuwento. Kaninong kasalanan ba kung bakit nawalan ng pagkukunan ng enerhiya ang siyudad na ito?" ang babae ay nalumbay.
"Hindi ba maaaring babaan pa ang presyo?" talagang naapektohan si Zhao Feng ng bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. Ang kanyang eye-bloodline lang ang nagbigay ng kaunting halo ng kapangyarihan ng bloodline.
"Talagang mahal ang pagsasalin ng bloodline ngunit kung mayroon ka nang bloodline at nais itong palakasin sa lebel ng Ten Thousand Ancient Races, ang presyo ay maaaring saikatlo o kaya ay kalima ng pagsasalinlahi," sabi ng babae.
"Sige, subukan natin ito," tumango si Zhao Feng sa kanyang pagsang-ayon.
Kinailangan muna nilang suriin ang bloodline nito bago palakasin. Agad naman umupo si Zhao Feng sa harap ng isang mahiwagang makina na may maraming kamay at sinaksakan ng karayom ang katawan ni Zhao Feng.
"Inaalam ang hindi matukoy na bloodline, hindi kayang palakasin," tunog muna sa makinang multi-armed.
Tila lumundag ang puso ni Zhao Feng. Nakalimutang niyang ang kanyang eye-bloodline ay itinuturing na espesyal na bloodline,
"Inaalam ang bloodline ng inapo ng Ancient Ice Water, isang uri ng Dragon na bloodline at ng Ancient Race. Maaari itong mapalakas sa Mystic Ice Scaled Race, ika-89 na ranggo."
"Dahil mayroon kang malakas na pundasyon ng lahi at kaunting pundasyon mula sa Ancient Race, ang presyo ay isang ikasangpung bahagi na lamang ng ililipat na bloodline," nagsiwalat ng isang ekspresyon ang eleganteng babae habang sinasabi kay Zhao Feng ang buod. Hindi niya mapigilang magtaka kung ano ba talaga ang eye-bloodline ni Zhao Feng.
Kahit na ang makinang multi-armed ay hindi ito makita? Bukod dito, mayroon din siyang pundasyon ng bloodline ng Ancient Race.
"Kung papayag kang tustusan ang pagkukunan ng eye-bloodline, kaya kong palakasin ang bloodline mo nang libre," isang mabangis na tingin ang nakita sa mga mata ng eleganteng babae.
"Hindi na, salamat," agad tumanggi si Zhe Feng. Bakit niya ibibigay ang sikreto ng kanyang God's Spiritual Eye bloodline sa iba?
"Gusto mo bang palakasin ang iyong bloodline hanggang sa Mystic Ice Scaled Race? Ang bloodline na ito ay kayang doblehin ang iyong lakas at triplehin ang depensa," sabi ng eleganteng babae.
"Oo," sang-ayon ni Zhao Feng habang ang batang Demigod ay nanonood sa inggit.
Maaaring hindi kayanin ni Zhao Feng ang presyo ng pagsasalin ng buong bloodline ngunit dahil ang pundasyon ng kanyang bloodline ay malapit na sa Ten Thousand Ancient Races, ang presyo ay isang ikasangpu na lang. Gayunpaman, kahit ito ay malaking halaga pa rin para kay Zhao Feng.
Sa wakas, ginamit na ni Zhao Fen gang halos kalahati ng kanyang yaman sa loob ng kanyang metal na singsing at talagang nahirapan sa presyo.
Matapos magbayad, dinala si Zhao Feng sa isang kabaong sa ika-45 na palapag.
" Ang kailangan mo lang gawin ay matulog ng isang araw at isang gabi," sabi ng eleganteng babae at isang nakamamanghang asul na dugo ang bumalot sa bloodline ni Zhao Feng. Kasabay nito, dosenang mga karayom ang isinaksak sa katawan ni Zhao Feng at sa kanyang acupuncture points.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nakipaglaro sa balaraw ng Shadow Kill Imperial at naghintay kasama ang batang Demigod.
"Ang pagsasalinlahi ng Ten Thousand Ancient Races. Ito ay heaven-defying- isang kapalarang hindi maaaring mahanap sa dosenang milenya," nagbuntong hininga ang batang Demigod.
Sa kanyang pananaw, ang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races ay hindi kayang bayaran.
Kung hindi lang nila pinasok ang sikretong kaharian ng Heaven's Legacy Race, hindi nila makukuha o mapalalakas ang kanilang bloodline sa lebel ng Ten Thousand Ancient Races kahit na gaano pa sila kayaman.
Sa itaas nito, ang bloodline ni Zhao Feng ay lumalakas hanggang sa bloodline ng Mystic Ice Scaled Race na nasa ika-89 na ranggo! Ang ranggo ng mga lahing ito a di hamak na mas mataas kaysa sa Heaven Sun Battle Race. Sa mga bloodlines na maaaring mapili dito, ang Mystic Ice Scaled Race ay kasama sa tatlong nangunguna.
"Maaaring ko bang malaman kung ang Heaven's Legacy Race's Ancient Race Revival Plan ay nagtagumpay o hindi?" ang batang Demigod ay nagtatakang nagtanong.
Ang Heaven's Legacy Race ay ang pinakamatalino at malikhaing lahi sa mundo. Sinasabi ng mga lumang tala na ang lahing ito ay may hindi mabilang na mga plano at ilan sa mga sikat ay ang Time Machine Plan at ang Ancient Race Revival Plan.
Ang mga planong ito ay puno ng mga ambisyon. Ang hangad ng Time Machine ay maglakbay sa oras at baguhin ang nakaraan pati na rin ang walang hanggang mga pagkukunan. Upang magawa ito, ang Heaven's Legacy Race ay sinubukang hulihin ang Light Race, mga pagwasak na maaaring makasira ng buong sibilisasyon.
Ang Ancient Race Revival Plan ay sinubukang matamo ang bloodline ng Ancient Race.
"Hmm?" ang eleganteng babae ay nagulat. "Talagang may alam ka tungkol sa planong ito? Sa kabila nito, ito ay sikreto ng Heaven Defying Faction of the Heaven's Legacy Race kaya wala akong alam na kahit ano tungkol ditto."
"Heaven Defying Faction! Gaya ng aking naisip!" ang puso ng batang Demigod ay nayanig at siya ay talagang nasabik. Halos nahawakan na niya ang sikreto ng mga alamat.
Kahit na ang Heaven's Legacy Race ay isang uri, mayroon pang dalawang pangkat. Ang isa ay Heaven Defying Faction at ang isa ay Sage Faction.
Ang Heaven Defying Faction ay kilala rin bilang isang mapaghangad na pangkat na sumalungat sa langit. Ninais nila kopyahin at kontrolin ang halos lahat ng makapangyarihang lahi sa mundo samantalang ang Sage Faction ay gustong sundin ang langit at suportahan ito pati na ang mundo.
"Kung ako ay tama, ito ay sikretong siyudad na napag-iwananan ng Heaven Defying Faction," nagningning ang mga mata ng batang Demigod.