Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 706 - Demigod Intent

Chapter 706 - Demigod Intent

Sa loob ng Ten Thousand Abyssal Islands Zone, sa sentro ng Eighteen Corners, mayroong magulong labanan na nangyayari sa pagitan ng mga Kings, at ang alapaap ay tila ba nakulong ng isang dark read na hamog na humihiwalay mula sa mundo.

Boom! Bam~~~~

Patuloy na nataasan ni Emperor Mu Yun ang Cold moon King, ang Giant Shark King, at ang iba pang elite Kings.

"Arghh!"

Sa tuwing aatake siya, nakakapatay siya ng isang nalalapit na King sa pamamagitan ng kaniyang Imperial Power. Ang mga normal na Kings ay lumayo mula kay Emperor Mu Yun, samantalang ang Cold Moon King, ang Giant Shark King, at ang iba pang elite Kings ay nakapasok sa mahigpit na labanan.

Sa loob lamang ilang sandali, lahat silang anim ay napinsala, at isa sa mga Domain-level Kings ay labis na napinsala. Kung hindi para sa makapangyarihang opensa ng Cold Moon King at ang bloodline ng Giant Shark King, ang ilang mga Domain-level Kings ay napaslang na matagal na panahon na.

"Kung mananalo tayo o hindi, ito ay nakadepende sa panig ni Zhao Feng," kumislap ang Cold Moon King sa ere.

Binigyan siya ng bloodline ng Giant Shark King ng super-strength, at siya lamang ang tanging nakakasalag nang harapan kay Emperor Mu Yun. Subalit, pansamantala lamang ito. Ang dalawang Peak-tier Kings ay gumamit ng mga sikretong techniques upang mabilisang pataasin ang kanilang mga battle-power, na hindi maaaring mapanatili nang matagalan dahil sa malaking bilang ng enerhiyang ginagamit nito.

Ang tanging pagkakataon upang manalo ay ang nakakapanlulang bilang ng mga tauhan. Kung ang panig ni Zhao Feng ay mabilisang matatapos ang Dark Dragon King at ang iba pa, mayroon silang tsansang manalo kung ang lahat ng Kings ay aatakihin ang Emperor.

Alam din ni Zhao Feng na ang kritikal na punto ay nasa kaniyang panig. Sila ang nakakalamang sa bilang, at tiyak na kaya nilang pigilan ang Dark Dragon King at ang iba pa. Ang tanging problema ay kung gaano nila kabilis magagawa ito.

"Ang Dark Dragon King ay mayroon na lamang natitirang apat na Domain-level Kings," nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.

Para naman sa dalawang normal na Kings, ang isa ay napaslang na ni Zhao Feng samantalang ang iba ay namatay sa ibang lugar sa labanan.

Miao miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang array flag at hinigop ang essence ng mga Kings – parehas ng mga kaibigan at kalaban. Sa maikling sandali, ang Ghost Corpse Cursed Array ay nakahigop ng essence ng lima o anim na Kings at mas lumakas ito. Ang essence ng Kings ay napakalaki ang tulong para sa Ghost Corpse Cursed Array, at nang mapuno ng power of hatred ang kanilang mga kaluluwa, mas lumalakas pa ang mga ito.

Nitong mga nakaraang araw, ang lahat ng cursed ghost-corpses ay nakaabot ng middle-stage Small Origin Core Realm, at ang kanilang mga katawan ay napakalakas. Ngayon na ang array ay patuloy na nakakahigop ng lima o anim na mga Kings, ang mga auras ng cursed ghost-corpses ay nalalapit na sa pagiging late-stage Small Origin Core Realm.

"Illusion Maze Domain!" Pumasok si Zhao Feng sa laban sa domain-level Kings, at isang mahamog na maze ang tila ba sumanib sa ere, inaalog ang kanilang mga utak at pinipigilan ang kanilang mga pandala, nagdulot upang lumabas ang kanilang mga kahinaan.

"Arghh!" Isa sa mga Domain-level Kings ay mabilisang napatay ng ilang mga Kings, at isang Domain-level King ang napinsala at sinubukang tumakbo, subalit isang gintong palaso ang tumagos at nakapatay sa kaniya.

Miao miao!

Dali-daling hinigop ng munting pusang magnanakaw ang essence at kaluluwa ng dalawang Kings. Ang mga Domain-level Kings ay nagbigay pa ng mas malaking benepisyo para sa mga cursed ghost-corpses.

Sa pagkakataong ito, ang Ghost Corpse Cursed Array ay nagpakawala ng isang nakakasindak na aura na kahit ang mga normal na Kings ay kinakailangang iwasan. Dagdag pa rito, ang power of hatred at ang air of Death na kumakawala rito ay makakabuo ng isang kalasag na humaharang laban sa mga shockwaves ng mga normal na Kings.

"Hahahaha! Ayos 'to!"

"Tapusin natin ang Dark Dragon King!"

Napakaganda ng pakiramdam ng mga Kings ng pirate alliance. Ang Dark Dragon Kings ay mayroon lamang dalawang Domain-level Kings na natitira, at sila ay napinsala. Kung magpapatuloy ito, ang Dark Dragon King at ang iba pa ay hindi nakakatagal ng higit sa isang dosena o higit pang paghinga.

"Hindi maganda, ang batang iyon…!" Ang mga mata ng Dark Dragon King ay tumingin kay Zhao Feng nang mayroong pagkamuhi, subalit ang Wings of Wind ang Lightning ni Zhao Feng ay napakabilis. Kung nais niyang tumakbo, walang nasa mga Kings na naroroon ang makakahabol sa kaniya.

Ang biglang pagbabago ng sitwasyon ay nagdulot upang magbago ang ekspresyon ni Emperor Mu Yun. Masasabi niyang labis na naiimpluwensiyahan ni Zhao Feng ang sitwasyon ng labanan.

"Bata, mamatay ka na!" Inilabas ni Emperor Mu Yun ang kaniyang mga braso at nagpakawala ng isang dark red na ipo-ipo, na nagpaatras sa Cold Moon King, Giant Shark King, at ng iba pang mga Kings nang ilang milya. Sunod ay sumugod si Emperor Mu Yun at ipinadala ang kaniyang makapangyarihang intent.

Boom!

Naramdaman ni Zhao Feng ang pagyanig ng kaniyang kaluluwa. Kung isang normal na King ang nasa kaniyang puwesto, labis silang mapipinsala – kung hindi mapapatay – subalit ang kaluluwa ni Zhao Feng ay labis na mas lumakas kaysa sa isang normal na King matapos magbago ng kaniyang God's Spiritual Eye. Idagdag pa na ang tubig na ininom niya mula sa Ancient Dream Realm, ay nalinis ng God Tribulation Lightning, at cinultivate ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique, dahil dito ang kaniyang kaluluwa ay labis na lumakas. Matapos mahigop ang God Tribulation Lightning, ang kaluluwa ni Zhao Feng ngayon ay maikukumpara na sa isang Peak-tier King, subalit malayo pa rin ito ng kaunti mula sa isang Emperor.

Lightning Wings Wind Flash!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang Lightning Wings Secret Technique at siya ay naging isang arko ng kidlat.

Hindi siya nataranta sa harapan ng isang Emperor. Ang Cold Moon King, ang Giant Shark King, at ang iba pang elites ay ginawa ang lahat upang pigilan si Emperor Mu Yun, subalit kung ang isang Emperor ay nais nang umalis, walang makakapigil sa kaniya. Ang magagawa lamang nila ay limitahan ang kaniyang bilis.

"Ang isang Emperor ay personal na papatay ng isang junior na nasa Origin Core Realm?" Malamig na humagikhik ang Cold Moon King nang humiwa siya sa pamamagitan ng kaniyang blade at sword.

Malamig na tumawa si Emperor Mu Yun at nagpatuloy na habulin si Zhao Feng. Kahit na mabilis si Zhao Feng, malapit na sa kaniya si Emperor Mu Yun.

"Zhao Feng, mag-ingat ka!" ang Cold Moon King, ang lalaking mayroong gintong buhok, at ang iba pa ay hindi mapigilang mapasigaw.

Subalit, sa kanilang paningin, ang batang mayroong pakpak ay kalmado.

"Munting Kun Yun, nakasalalay na sa'yo ang lahat ngayon," sambit ni Zhao Feng, at pagkatapos na pagkatapos ng kaniyang mga salita, isang nakakagulat na Intent ang kumawala sa buong alapaap. Kung bilang ang pag-uusapan, ang intent ay hindi kasinglakas gaya ng isang Emperor, subalit ang kabagayan nito sa Heaven and Earth ay labis na nakakataas sa isang Emperor.

"Iyon ang…!!!????" Naramdaman ni Emperor Mu Yun na yumanig ang kaniyang puso dahil sa kung anumang rason.

Shua!

Isang golden-skinned na bata na mukhang tatlong taong gulang ay napalibutan ng isang marangal na kapangyarihan nang lumitaw siya sa tabi ni Zhao Feng. Ito ay ang batang Demigod.

Bam!

Sumuntok ang batang Demigod, at ang intent na nilalaman nito ay lagpas pa sa isang Emperor. Ang gintong kamao ay parang isang nagbabagang araw, at tila ba sinakop nito ang Heaven and Earth.

"Arghh!" Isang napinsalang Domain-level King ang biglang napatay ng kamaong ito.

"Hahaha…! Gaya ng inaasahan, ang lahat ay nag-iba matapos sumanib sa Demigod intent," ang batang Demigod ay labis na nagalak.

"Ang batang 'yon!" Mapakaibigan man o mapakalaban ay mayroong mga nanlalamig na paghinga. Ang suntok ay hindi inaasahan, at ang kapangyarihang nilalaman nito ay walang hanggan.

Nagulat si Emperor Mu Yun. Kahit na hindi niya maayos na makita ang intent sa suntok na ito. Nangangahulugan ang lahat ng ito na ang Dark Dragon King ay mayroon na lamang natitirang isang Domain-level King, kaya't siya ay nasa panganib ngayon.

"Sky Sealing Palm!" Tumayo ang batang Demigod sa harapan ni Zhao Feng at marahang inilabas ang kaniyang mga palad.

Sa isang iglap na iyon, tila ba naroroon ang Heaven and Earth sa putikan. Tila ba ang oras mismo ay bumagal.

Boom!

Ilang mga sinag ng gintong liwanag ang pumihit sa ere at lumapag kay Emperor Mu Yun, nagdulot upang manigas ang kaniyang bilis at mga pagkilos. Kahit na hindi sapat ang battle-power ng batang Demigod upang direktang saktan siya, pakiramdam ni Emperor Mu Yun na ang kaniyang Intent at Imperial Power ay nalilimitahan.

"Ito ang mala-alamat na Sky Sealing Palm!"

Nabawi ng batang Demigod ang karamihan sa kaniyang mga alaala matapos isanib ang kaniyang Demigod Intent, at maaari siyang gumamit ng isang pinasimpleng bersyo ng Sky Sealing Palm. Dagdag pa rito, ang cultivation ng batang Demigod ay nakaabot na sa peak Great Origin Core Realm, isang hakbang na lamang mula sa Void God Realm.

"Mukhang hindi nasayang ang Demigod revival plan," tumango si Zhao Feng. Ang battle-power ng batang Demigod ay halos maikukumpara na sa isang Peak-tier King, at ang kaniyang intent ay mas mataas kumpara sa karamihan ng mga tao sa Void God Realm.

"Patayin!" Ang Cold Moon King, ang Giant Shark King, at ang iba pang elites ay nagagalak na sumugod kay Emperor Mu Yun, at ang bilis ng ikalawang nabanggit ay napipigilan ng Sky Sealing Palm.

"P*tangina!? Anong klaseng kaligiran mayroon ang batang iyon?" Natulala si Emperor Mu Yun. Kung ang cultivation ng batang Demigod ay nasa Emperor rank din, malamang ay mabilis na mapapaslang si Emperor Mu Yun.

Ito ang unang beses na nalamangan si Emperor Mu Yun.

Ang Demigod Kun Yun ay isang mala-alamat na anyo na nabubuhay noong nakaraang dose-dosenang milenya pa, at mayroong siyang ibang hitsura noon. Kahit ang ilang mga Emperors mula sa True Martial Sacred Land ay hindi siya makikilala.

"Lightning Wings Flying Technique!" Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Wings of Wind and Lightning at dumating sa tabi ng Dark Dragon King, pinapakawalan ang kaniyang Wind Lightning Wings Slash na mayroong ilang God Tribulation Lightning na kasama.

"Takbo!" Ang Dark Dragon King ay napinsala na, at ang ibang Domain-level King ay napatay ng isang kumpol ng iba pang mga Kings.

Ang Dark Dragon King na lamang ang tanging King na natitira.

"Sky Locking Bow!"

Isang gintong palaso ang nabuo sa dark silver bow ni Zhao Feng at tumira sa ere. Sa sumunod na sandali, ang palasong nabalutan ng scarlet-colored Wind Lightning at kaunting God Tribulation Lightning ang tumagos patungo sa balikat ng Dark Dragon King.

Labis na napinsala ang Dark Dragon King at tumulo ang dugo mula sa kaniyang bibig, subalit buti na lamang, nakatakas siya mula sa nakapaligid na mga Kings. Subalit sa pagkakataong ito, isang maitim na usok ang lumitaw sa harapan niya.

"Ano?" Naramdaman ng Dark Dragon King na nagsimula nang lumitaw palayo ng kaniyang essence, at dulot sa katotohanang marami siyang mga pinsala, ang erosion force ng ghost-corpse power of hatred ay ilang beses na mas malakas kumpara sa karaniwan.

Miao miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang array flag at nagdulot upang gumawa ng smoke-snakes ang mga ghost-corpse na bumalot sa Dark Dragon King.

"T*nginang pusa, mamatay ka na!" Umatungal sa galit ang Dark Dragon King. Mula sa simula ng laban, palagi na siyang napapalibutan ng ibang mga Kings, at palagi siyang gumamit ng mga sikretong techniques upang magkaroon ng oras.

Miao!

Kumislap ang munting pusang magnanakaw sa Ghost Corpse Cursed Array. Hindi na makita ng Divine Sense ng Dark Dragon King ang pusa, at hinihigop pa rin ng Ghost Corpse Cursed Array ang kaniyang lifeforce. Namutla ang mukha ng Dark Dragon King, at hindi siya naglakas-loob na manatili pa. Sapilitan siyang umalis sa Ghost Corpse Cursed Array, subalit ang kaniyang mukha ay mas namutla pa kaysa kanina.

Sa mga oras na iyon, isang maitim na dagger ang tila lumitaw sa ere.

Whoosh!

Ang dagger ay tumagos patungo sa ulo ng Dark Dragon King at nagdulot upang kumalat ang dugo kung saan-saan. Tila ba sumugod siya mismo patungo sa misteryosong dagger.

"Shadow Kill Imperial Dagger…!" Namutla ang mukha ng Dark Dragon King sa gulat.

Hindi lamang tumagos sa kaniyang katawan ang Shadow Kill Imperial Dagger; tumagos din ito sa kaniyang kaluluwa.

Bilang isang sacred item Dao of Assassination, ang Shadow Kill Imperial Dagger ay mayroong mga misteryosong abilidad na maikukumpara sa Sky Locking Bow. Noon, ibinigay ng munting pusang magnanakaw ang lahat ng magagawa nito upang makuha ang pagkakakilala sa Shadow Kill Imperial Dagger.

"Imposibleng mapatay ako…!" Sinubukang magpumiglas ng Dark Dragon King.

Pah!

Sinampal ng munting pusang magnanakaw ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay at hinilo siya nito.

"Arghh!" Isang sigaw ang maririnig sa soul-dimension nang magsimulang matunaw ang kaluluwa at katawan ng Dark Dragon King sa Ghost Corpse Cursed Array.