Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 695 - Domain-level King

Chapter 695 - Domain-level King

Ang kamalayan at ang likas ng blood-colored-hair King ay ginulat si Zhao Feng.

Kung ang batang Demigod at ang skeletal Division Leader ay hindi nagawang makaya ito, ay saka naman lalabas si Zhao Feng upang ipagtanggol ang dalawa, ngunit gusto niyang maintindihan ang lakas ng batang Demigod.

Nagulat si Zhao Feng sa battle-power na ipinakita niya. Ang kaniyang cultivation ay halos nasa peak na ng Great Origin Core Realm, at ang kaniyang bloodline technique ay mas lalaong lumakas sa tulong ng karne mula sa Ancient Dream Realm. Kahit na walang gamit ng mga secret technique, nagawa pa rin ng batang Demigod na makipaglaban sa King.

Siyempre, malakas pa rin ang loob niya na may kontrol pa rin siya sa batang Demigod. Ang kaniyang soul-strength ay nakalampas na sa mga normal na King, at paniguradong mas malakas ito kaysa sa batang Demigod. Samakatuwid, ang Soul Sea ni Zhao Feng ay nakakuha ng kaunting God Tribulation Lightning at siya'y nalinis nito.

"Master, saan tayo pupunta sa susunod? Gusto mo bang pumunta tayo sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land?" Tanong ng skeletal Division Leader.

Pinadausdos ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at bumuo ng isang asul na mapa sa kaniyang kamay. Ang mapa ay nagpakita ng balangkas ng Ten Thousand Abyssal Zone at ng Eighteen Corners Pirate Sacred Land.

Ang lugar na iyon ay sobrang magulo at kakaiba. Ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay mayroong mga lugar na kaparehas sa Eight Desolate Mountain. Ang "Eighteen Coreners" ay nagrerepresenta sa labing-walong canyon-like na mga lugar, ang bawat isa ay may sukat na Eight Desolate Mountain.

Amg Eighteen Corners Pirate Sacred Land ang tanging paraan para makarating sa apat o limang malalapit na island zones. Maliban sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land, ang iba pang ruta papuntang Ten Thousand Abyssal Islands Zone ay mayroon namang masamang panahon at mga 'di mabilang na mga Abyssal Windstorm na nabuo ng kalikasan, at bawat isa sa kanila ay umaabot sa libo-libo hanggang dosenang libong milya.

Ang Abyssal Windstorm ay isang pitch-black storm na maaaring lumamon ng malalaking mga barko. Walang sinuman ang kayang makapag-paliwanag kung paano sila nabubuo. Kahit ang mga Sovereign Lord ay kailangan pa ring mag-ingat kapag sila'y lumilipad sa palibot ng Abyssal Windstorm.

"Kung tayo'y maglilibot, kakailanganin nating pumunta sa lima hanggang sampung beses na mas marami kaysa sa orihinal na distansiya nito," Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng.

Ang balangkas ng Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay sobrang kakaiba. Ito ang tanging paraan upang makapunta sa malapit na apat o limang island zones, ito'y napupuno ng mga natural barrier. Walang duda na ito'y isang Pirate Sacred Land.

"Hindi tayo puwedeng maglibot dito," Napagdesisyunan ni Zhao Feng. Kapag sila'y naglibot, uubos ito ng maraming oras, at marahil ang Pursuit of Death ay maaaring makaabot. Kumpara sa ibang mga Pirate King, si Zhao Feng ay mas nag-aalala sa Pursuit of Death.

Whoosh!

Ang ghost ship ay lumipad sa himpapawid, at ang bilis nito ay maikukumpara sa ibang maalamat na mga barko.

Ang batang Demigod at ang skeletal Division Leader ang nagbabantay sa barko, at ang ghostly aura mula sa barko ay sapat na para mapaalis ang normal na mga pirata.

Sa loob ng captain's cabin, si Zhao Feng ay nakaupo, ngunit hindi niya hinihigop ang God Tribulation Lightning. Ang tuloy-tuloy na paghigop ay nangangailangan ng maraming enerhiya, na hindi magandang bagay kapag sila'y dumadaan sa ganitong paligid.

Shua! Shua!

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kaniyang kamaya, at isang pulang kahoy na tasa at isang berdeng lalagyanan ng alak ang lumitaw. Ang dalawang alak ay ang Dragon Flame Wine at ang Lightning Cloud Wine.

"Ang Dragon Flame Wine at ang Lightning Cloud Wine ay nasa parehong level ng Illusion God Wine, at mayroon silang elements of Fire and Lightning. Hindi ko pa sila nagagamit lahat."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Sinadya niyang hindi tapusin ang lahat ng mga alak, kasama ang Illusion God Wine. Una, ang tuloy-tuloy na paggamit nito ay mapapahina ang epekto nito, at pangalawa, ang masiyadong pag-asa sa mga outside item ay nangangahulugang hindi niya ito sariling comprehension, kaya hindi mabebenipisyuhan ang kaniyang cultivation.

Ngayong maraming oras na ang nakalipas, ay sinubukan din ni Zhao Feng na i-comprehend ang intent ng God Tribulation Lightning at ang kaniyang kaalaman sa Scarlet Destruction Wind Lightning ay nakaabot na sa mahigit 60%, naniniwala siya na kapag ginamit niya dalawang alak ay mabebenipisyuhan ang kaniyang Scarlet Destruction Wind Lightning.

Gulu!

Lumagok ng malaki si Zhao Feng.

Ang kaniyang state of existence at katawan niya ay mas malakas na kasysa noong nasa Sacred Land pa siya, dahil sa tubig ng Ancient Dream Realm. Malimit na umiinom si Zhao Feng ng malaking halaga nito, na nakatutulong sa kaniyang state of existence, katawan, cultivation, at kahit ang kaniyang kaluluwa.

Ang dominanteng kapangyarihan ng Dragon Flame Wine at ng Lightning Cloud Wine ay 'di kalaunang umagos sa loob ng katawan ni Zhao Feng.

Ito ang unang beses na siya'y uminom. Ang mga elemento ng dalawa ay apoy at kidlat, kaya kapag ginamit niya ito parehas, itovy mas magiging epektibo sa pagko-comprehend ng Scarlet Destruction Wind Lightning.

Ang buong araw ay lumipas hanggang si sa mahigop ni Zhao Feng ang karamihan ng dalawang kapangyarihan, ang Scarlet Destruction Wind Lightning na nasa loob ng katawan niya ay nagsimulang maging aktibo. At sa sandaling iyon, sa kahit na anong paghinga niya ay mayroong nakakasunog na sensasyon. Ang hangin at kidlat ay tila umuugong sa palibot nito.

"Nakapag-compremend ako ng 70%-80% ng Scarlet Destruction Wind Lightning, at ang aking cultivation ngayon ay hindi na nalalayo sa peak Great Origin Core Realm," Bahagyang tumango si Zhao Feng.

Mayroon pa siyang isang parte ng bawat Dragon Flame Wine at ng Lightning Cloud Wine na natitira, na pinaplano niyang gamitin matapos ang ilang buwan.

Ang kapangyarihan at kontrol ni Zhao Feng sa Scarlet Destruction Wind Lightning ay nakalampas na sa Wind Lightning Emperor ng siya'y nasa ganitong stage din.

Samakatuwid, ang Scarlet Destruction Wind Lightning ay mayroong kaunting God Tribulation Lightning aura na naglalaman sa loob nito, na nakapagbibigay ng immortal at undying feeling. Siyempre, ang aura na ito ay mahirap na maramdaman kung hindi titignan ng mabuti, ngunit naniniwala si Zhao Feng ang aura ng God Tribulation Lightning ay mayroon paring kakaibang epekto.

"Captain, mayroong maalamat na barkong sumusugod patungo sa atin," Biglang sabi ng skeletal Division Leader.

Sa limitless ocean, mayroong madilim na barkong pandigma na nababalutan ng mga ulap sa loob ng daan-daang milyang layo mula sa ghost ship. Ang momentum ng barkong ito ay mas malakas kaysa sa barko ng blood-colored-mast noon.

"Ang ghost ship na nasa harap namin! Binibigyan ko kayo ng tiyansa na maging mga tauhan ng Dark Dragon King," isang paos na boses ang bumanda mula sa madilim na barkong pandigma, at matapos iyon, isang Magnificent Power ang dumaan sa himpapawid at binalutan nito ang ghost ship. Ang hangin ay tila nagbago, at ang ghost ship ay biglang nakapasok sa dark dimension na puno ng nag-aalab na mga apoy.

"Anong nangyayari!?" Sigaw ng skeletal Division Leader nang mawala ito sa direksiyon. Ang ekspresiyon naman ng batang Demigod ay nagbago nang magsalita siya ng mahina, "Magiging isa itong gulo; ito ang Domain-level King."

Domain-level King. Tila nalaglag ang puso ni Zhao Feng nang mahuli ang ghost ship ng dark dimension of flame.

"Domain-level King" Ang mga tawag sa Void God Realm King na nakapag-comprehend ng spatial domain, at sila'y kakaiba kahit na sa True Martial Sacred Land.

Ang mga King ay nahahati sa tatlong klase:

Isang normal na King – ang lahat ng nasa early-stage o middle-stage Void God Realm, kagaya ni Nan Gongsheng o ng King na naka asul na roba.

Domain-level King – na kadalasang nasa middle o late-stage Void God Realm, at sila'y nagko-comprehend ng spatial domain. Ang kanilang pagkakaintindi sa Space ay nakalampas na sa normal na mga King.

Peak-tier- King – ang lahat ng nasa peak Void God Realm, at tanging nasa ibaba ng mga Emperor. Ang iba pa ay kayang makipag-laban sa isang Emperor.

"Tayo'y nasa opponent's spatial domain. Ang kaniyang control of Heaven and Earth ay mas malakas, at mas magiging mahirap na makalampas dito," ang ekspresiyon ng batang Demigod ay naging seryoso. Noong umaga, siya'y nakipaglaban na sa isang normal King at ito'y hindi nagkaroonng kahit na anong kalamangan.

"Mga bata, bibigyan kita ng kalahating oras upang magdesisyon. Ang Dark Dragon King ay isa sa tatlong pinakamalakas na figureheads sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land. Ito'y iyong magiging karangalan na maging tauhan ng susunod na Pirate Emperor," Pang-aakit ng paos na boses na ito.

Zhao Feng, na kasalukuyang nasa ghost ship pa rin, ay hindi nagawang itago mula sa senses ng mga kalaban dahil siya'y nasa opponent's spatial domain.

Dark Dragon King… tatlong pinakamalakas… Pirate Emperor…. Mabilis na lumipas ang oras sa isip ni Zhao Feng, at bigla niyang napagtanto na siya'y kasama na sa laban para sa posisyong ng Pirate Emperor.

"Ang Pirate Emperor's Inheritance ay isang peak Emperor Inheritance, ngunit hindi ito kasing ganda ng sa Demigod Forgotten Realm," Hindi masiyadong interesado si Zhao Feng sa inheritance na ito. Samakatuwid, tanging sa pagiging totoong pirata lamang ang makakatanggap ng inheritance.

Gayon pa man, ang balangkas ng island zone na ito ay napakataksil, at ayaw naman ni Zhao Feng na pumunta sa Pirate Sacred Land.

Sa madilim na barkong nasa unahan, ang isang elder na may pulang nunal sa kaniyang noo ang may hawak-hawak na tauhan at nababalutan ng magnificent dark light. Siya ay nakabihis ng abong roba, at ang kaniyang mga mata ay parang nakakalasong mga ahas nang tumitig siya sa ghost ship na nasa harap.

"Lord Dark Snake, ang ghost ship bang ito ay karapa't dapat para puntahan pa natin upang gawing kaanib ang mga ito? Paniguradong wala silang masiyadong magagawa sa laban para sa Pirate Emperor," Magalang na sabi ng piratang may berdeng mga mata.

Ang Elder na naka-abong roba ay si Lord Dark Snake, ang kanang-kamay na lalaki ng Dark Dragon King.

"Ang ghost ship na iyan ay napakabilis, at mayroon itong kakaibang ghost-corpse array. Ang battle-power nito ay paniguradong maikukumpara sa normal legendary pirate ship" Ang mga mata ng Elder na naka-abong damit ay sobrang init. Maaari silang magnakaw ng barko o gawing kaanib ang mga ito, alinmang paraan ay magkakaroon pa rin ng mga benepisyo. Kahit ang mga Normal Pirate King ay walang karapatang pabagsakin ang ghost ship, ngunit si Lord Dark Snake ay isang Domain-level King, at ang kaniyang pirate ship ay kasama sa top tep.

Sa loob ng captain's cabin, si Zhao Feng ay tahimik. Tumingin siya sa batang Demigod, at nagsimula silang mag-usap gamit ang Dark Heart Seed.

"Little Kun Yun, nagawa mo bang makalampas sa domain of a King?" Tanong ni Zhao Feng. Ang kaniyang Eye Intent ay mas malakas na sa mga normal na King, at kung gagamitin niya ang kaniyang eye-bloodline, malakas ang loob niyang makakalampas siya, ngunit hindi niya magamit ito ng hindi naaakit ang atensiyon ng Pursuit of Death.

"Sa kasalukuyang level ng aking Golden Kun Sacred Body at Fist Intent, magagawa kong makagawa ng pagitan, ngunit hindi ko kayang talunin ang isang Domain-level King maliban lang kung hahayaan ako ni Master na pagsamahin ako sa Demigod Intent," Umaasang sabi ng batang Demigod. Kung magagawa niyang mapagsama ang Demigod Intent, ang kaniyang lakas ay malaki ang magbabago.

"Sapat na ang pagitan," Ngumiti si Zhao Feng. Pinipigilan niya ang paglakas ng Demigod, upang hindi niya mapagsama ang Demigod Intent ng ganoong kaaga.

"Juniors, ano ang inyong sagot?" Ang paos na boses ni Lord Dark Snake ay bumanda sa buong dim dimension.

"Hangga't sa kaya mo kaming matalo mo, kami ay magiging mga alipin ng Dark Dragon King." Matibay na sabi ni Zhao Feng.

"Talunin ka? Zhe zhe, kung hindi mo gagawin ang sasabihin ko, ang tanging landas mo ay kamatayan" Ang boses ni Lord Dark Snake ay naging malamig. Sa mga sumunod na sandali, isang nakakatakot at nakamamatay na nakalalasong hangin ang nagsimulang kumain sa ghost ship. Ang kapangyarihan ng spatial domain ang pumigil sa barko mula sa paggalaw, at ang paghinga ni Zhao Feng ay biglang bumilis.

"Heaven Shattering Golden Fist!" umatake ang batang Demigod at nagpabigay ng isang beam of dominating light na pumunit ng isang butas sa dim dimension.

Wings of Wind at Lightning!

Isang pares ng kulay-iskarlata na mga pakpak ang nabuo sa likod ni Zhao Feng.