Pirate Sacred Land?
Nagkaroon ng kakaibang mga ekspresiyon si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader.
Ang pagiging pirata ang isa sa maraming trabaho sa limitless ocean. At si Zhao Feng ay nakakita ng iba't ibang mga barko ng pirata sa kaniyang paglalakbay noon, ngunit matapos makita ng mga barko ng pirata ang ghost ship at ang aura nito, wala sinuman ang nagtangkang lumapit dito.
Gayon pa man, para matawag na Sacred Land ang lugar na ito ay kamangha-mangha.
"Talaga? Ibig sabihin makakita tayo ng maraming pirata?" Hindi naiwasang dilaan ni Zhao Feng ang kainyang mga labi. Simula noong Demigod Forgotten Garden, ang lakas ni Zhao Feng ay tumaas ng tumaas at nakacultivate siya ng maraming secret technique, ngunit hindi siya nagkaroon ng tiyansa upang masubukan ang lahat ng ito.
Kasiyahan ang kumislap sa mga mata ng skeletal Division Leader. Dahil ang kontrol sa ghost-corpse array ay nasa kaniyang pamamahala, na mas malakas kaysa noon.
"Ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay hindi ganoong kahina. Bawat mga Pirate King dito ay mga Void God Realm King, at sila'y nakikipaglaban sa isa't isa hanggang sa mapagdesisyunan kung sino ang magiging Pirate Emperor," Sabi ng batang Demigod. Nang marinig ito, si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay binawi ang kanilang pangmamaliit.
"Siyempre, mayroon ding kakaibang inheritance dito – ang Pirate's Emperor's Inheritance," Tumigil dito sa pagsasalita ang batang Demigod.
Pirate Emperor Inheritance? Nakaramdam ng kakaiba si Zhao Feng.
Dose-dosenang milenya na ang nakakalipas, ay mayroong Pirate Emperor na ang battle-power ay sapat na upang sumira ng madaming two-star sect. Ang Floating Dream Sacred Land ang nakatalo dito, ngunit bago ito mamatay, siya ay gumawa ng inheritance na naglalaman ng lahat ng kaniyang mga kayamanan. Mula noon, ang trono g Pirate Emperor ay nagpatuloy," Sabi ng batang Demigod at saka bumuntong hininga. Tumingin siya kay Zhao Feng at sa skeletal Division Leader ng may mapaglarong ngiti nang maging seryoso ang kanilang mga ekspresiyon.
Ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay isang lugar kung saan ang mga pirata ay lumalakas, kaya ang tawag ay Sacred Land. Bawat Pirate King ay isang Void God Realm King, at sila'y naglalaban-laban hanggang sa mapagdesiyunan ang magiging Pirate Emperor.
Whoosh!
Habang mas lalo pang naiintindihan ni Zhao Feng ang tungkol sa Pirate Sacred Land, ang tunog ng paglipad ang lumitaw. Matapos nito, isang barko na may blood-colored mast ang lumipad sa lawak ng isandaang metro.
Ang barkong may blood-colored mast ay isang maalamat na barko, ito'y kasing bilis lamang ng barko ni Zhao Feng kahit na ito'y mas malaki.
"Para sa barkong nasa harap namin, tumigil kayo at maghanda para masuri," isang nangingibabaw na boses ang bumanda. Matapos tumunog ang mga salita nito, maraming half-step King Divine Senses ang lumapag sa ghost ship.
Weng~~
Ang bilis ng ghost ship ay unti-unting bumagal.
"Ang lahat ng mga nasa half-step King ay nagcocomprehend ng Heaven Earth Magnificent Power," si Zhao Feng ay bahagyang nagulat. Siya at ang batang Demigod ay hindi naapektuhan, ngunit ang skeletal Division Leader ay nakaramdam ng kaunting takot at nerbyos.
"Tila mayroon ding silang Ling-level Divine Sense," Kasuwal na sabi ng batang Demigod.
Sa parehong oras, sa barkong may blood-colored-mast:
"Hmm? Kakaiba…" isang payat na lalaki na may blood-colored na buhok ang naglabas ng kakaibang ekspresiyon nang umupo siya sa trono.
Ang mga mata niya ay kasing talim ng mata ng agila, ang kaniyang Divine Sense ay nagmasid sa ghost ship. Nakakita siya ng buto-buto, isang batang may malabong aura, at isang tatlong taong gulang bata. Ang boses ng batang iyon ay kasing tunog ng bata, ngunit siya'y mayroon ng Divine Sense.
"Siguradong hindi basta-basta ang barkong ito," binawi ng blood-colored-hair na King ang kaniyang pangmamaliit. Bilang isa sa mga Pirate King ng Eighteen Corner Canyons, siya ay sanay na sanay na at napakamaingat.
Boom!
Sa isang iglap, isang blood-colored na ilaw ang nagsimulang pumuno sa himpapawid. Ang ghost ship ay nasa isandaang milyang layo pa ngunit nagawa paring pigilan ng Magnificent Power. Kahit na sinubukan nitong pumalag, natigil pa rin ito sa paggalaw.
Ito ang kapangyarihan ng Void God Realm. Ang lahat ng nasa ibaba ng mga King ay mga langgam lamang para sa kanila.
"Master, anong gagawin natin?" sabi ng skeletal Division Leader habang bumibilis ang tibok ng puso nito dahil sa sobrang kaba. Naisip nito na ang kabilang panig ay kumpol lamang ng mga normal na half-step King pirate. Gayon pa man, ito ay ang Pirate Sacred Land.
"Tunay ngang mapapalaban tayo dito," ang mga titig ni Zhao Feng ay lumapag sa batang Demigod, na ang huling binanggit ay biglang sininok.
"En, paano kung ganito? Little Kun Yun, ipapakilala kita bilang Captain of Defense ng ghost ship," Ngumiti si Zhao Feng at saka sinabi ito.
Captain of Defense? Ang batang Demigod ay sumuka ng dugo. Malinaw na gusto lamang ni Zhao Feng na gamitin siya bilang free bodyguard, ngunit wala siyang magawa. Siya ang alipin, kaya ang gagawin iya lamang ay ang sumunod.
"Kung alam niyo ang mas nakakabuti sa inyong mga pirata mas magandang tumigil na kayo!" tumayo ang batang Demigod sa kubyerta ng barko at saka sumigaw gamit ang kaniyang pambatang boses.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang isang half-step King ang namumuno sa grupo ng mga Sovereign Lords ay sumugod patungo sa ghost ship. Habang tumutingin sa sa nakakatakot na tatlong taong gulang bata, ang mga pirata ay napahinto bago umgong ang kanilang mga tawanan.
"Hahaha! Isang sanggol na hindi pa nga lumalaki."
"Awwwww, nakakatuwa siya! Sa tingin ko'y hindi ko siya kayang atakihin."
Ang mga babaeng pirata ay ay nagkaroon ng mapaglarong mga ekspresiyon, ngunit ang mga biro ay biro lamang. Masasabi nila na ang batang ito ay hindi basta-basta. Ang isang tatlong taong gulang na bata na narito, ang sinumang nasa ibaba ng True Spirit Realm ay mahihirapang makaligtas sa limitless ocean.
"Kuhain niyo muna ang barko," iniutos ng half-step King.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang pinakamahina sa dose-dosenang piratang ito ay ang Small Origin Core Realm, at silang lahat ay tumalon sa ghost ship.
"Ihanda niyo ang array."
Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang array flag, at isang maitim na abong usok ang lumitaw at saka naglabas ng nakakagulat na may sumpang kapangyarihan.
"Mag-iingat ka!" ang ekspresiyon ng blood-colored-hair King na nakasakay sa barko ay nagbago ng malaki.
"Arghh!" ang mga piratang sumugod ay biglang napasigaw nang mahawakan nila ang ghost-corpse smoke. Mabilis silang naging putik ng dugo at tubig nang lamunin sila ng array. Ang kahit sinong Sovereign ay mamatay nahawakan nila ang kahit na maliit na parte ng sumpa, at ang mga Sovereign Lord ay mawawalan ng parte ng balat kapag sila'y 'di direktang natamaan.
Hu~~
Lumakas ang loob ng skeletal Division Leader nang iwinagayway niya ang array flag, na nagbibigay ng abong usok patungo sa mga pirata at sila'y nagiging putik ng dugo at tubig.
"Kahit na ang aking kapangyarihan ay masasabugan ng sumpang iyan!" Hindi naiwasang mapasigaw ng blood-colored-hair King.
Ang kapangyarihan ng sumpang array na iyon ay nakaabot na sa nakakagulat na yugto. Wala itong katulad sa mga nasa ibaba ng Void God Realm, at makakaya pa nitong makatakot ng mga King.
Sa sandaling iyon, ang batang Demigod naman ang umatake. Isang gintong ilaw ang nagliwanag sa palibot ng kaniyang katawan.
Boom!
Ang batang Demigod ay nagbigay ng isang suntok at saka dinurog ang hangin ng may nangingibabaw na kulay gintong kamao.
"Arghhh!"
Tatlo o apat na mga pirata sa harap niya ang nadurog at mabilis na namatay. Ang lakas ng batang Demigod ay nanggaling sa Golden Kum Sacred Body, at siya ay nakaabot na sa kahanga-hangang level. Isang simple at prangkang suntok ang humati sa Magnificent Power ng isang King.
"Anong klaseng fist technique ito?" Naramdaman ng blood-colored-hair na King ang kaniyang kapangyarihan na naging pabago-bago.
"Lahat kayo, mamatay!" Ang kaniyang katapangan ang kumislap sa mga mata ng batang Demigod nang maging isang gintong sinag ang ilaw at saka sumugod patungo sa mga pirata.
Bam! Bam! Boom!
Sa isang iglap, ang mga gintong kamao nito ay nakawasak ng dose-dosenang mga pirata na parang mga piraso ng papel. Ang kaniyang bilis ay napakabilis. Kahit ang half-step King na namumuno sa kanila ay nasuntok ng batang Demigod, at walang nakakaalam kung ito'y buhay o patay na.
"Bastardo, mamatay ka!"
Isang alon ng Magnificent Power ang nagdulot upang bumagal ang anyo ng batang Demigod, ay isang Demigod, kung tutuusin, siya ay isang magaling na Demigod, habang ang Golden Kun Sacred Body ay isa sa pinakamagaling na teknik sa buon mundo.
Gumalaw siya sa isang kakaibang footwork nang ilabas niya ang kaniyang mga kamao, ang puwersa ng Magnificent Power laban sa kaniya ay bumaba ng 70%.
"Hinuhugasan ang mga kalangitan gamit ang dugo!" ang blood-colored-hair King ay inilabas ang kaniyang palad, at saka nagbigay ng aura of Destruction at bloodthirstiness. Sa isang iglap. Ang kalangitan ay naging blood-red, at ang lahat ng mga hayoo ay nagsimulang manginig. Tila ang kanilang mga iniisip ay nanigas.
Ang ghost ship at ang batang Demigod ay napalibutan ng atake. Sa kabilang banda, ang malapit na mga pirata ay hindi lamang nasugatan ng blood-colored na ilaw, sila'y napagaling pa nito.
"Golden Emperor's Fist!"
Ang batang Demigod ay nagbigay ng suntok na lumalaki habang palayo nang palayo, na parang sonwball. Ang hanging malapit dito ay tila nadurog ng isang bundok.
Boom!
Ang dalawang kapangyarihan ay nagsalpukan.
Sa isang pagsabog, ang batang Demigod ay napaayras sa loob ng kalahating milya, ngunit ang kaniyang gintong balat ay nagbigay ng ancient body-strengthening aura. Kahit na siya ay mas mahina sa King, ay hindi pa rin siya nasusugatan.
"Ang state of exiatence ng batang Demigod ay nakaabot na sa level of a King matapos niyang gamitin ang mga karne mula sa Ancient Dream Realm, ang kaniyang Golden Kun Sacred Body ay nakaabot pa sa peak fourth level," Hindi naiwasang patunugin ni Zhao Feng ang kaniyang dila. Ang kalahating tonelada ng karne ng ahas sa Ancient Dream Realm ang nagdulot sa bloodline at kapangyarihan ng batang Demigod upang lumakas, at ngayon ay nagbigay pa siya ng masaraming ancient at orihinal na aura.
"Arghhh!"
Ang malapit na mga pirata ay nadurog sa iba't ibang mga hugis at mga sukat mula sa nakakagulat na alon ng labanan, at ang puso ng blood-colored-hair King ay biglang nanlamig.
Hu~~
Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang array flag at nagsimulang lamunin ang essence of the pirates.
"Alis." Ang blood-colored-hair King ay biglang nakaramdam ng kakaibang pakiramdam at saka nag-utos na umalis na.
Ang batang Demigod at skeletal Division Leader ay parehong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam nang tumingin sila sa mga umaalis na mga pirata.
"Captain, sa ating lakas, hindi na natin kailangang matakot sa ghost ship na iyan," Nagugulahang sabi ng half-step King.
"Ang tricentennial Battle ng Pirate Emperor ay malapit ng magsimula. Kailangan nating tulungan ang Black Shark King upang makuha ang trono ng Pirate Emperor at saka makapasok sa inheritance. Ano man ang mangyari, ang isang bagong Pirate Emperor na naman ang kokoronahan," Sabi ng blood-colored-hair King, at ang kaniyang mga mata ay tumingin sa ghost ship na parang lawin.
"Ang ghost ship ay puno ng misteryo. Mayroong panibagong misteryosong bata dito, at wala man lang akong makita sa batang iyan. Ang pagpunta sa sandaling ito ay maaaring simbolo ng kalakasan ng ng ibang mga Pirate King."
Ang ekspresiyon ng blood-colored-hair King ay nagsimulang maging seryoso.
Sa parehong oras na iyon, ay nagkaroon ng panibagong tatlong maalamat na barko ng mga Pirate King sa loob ng sampung-libong milya, at ang kanilang puwersa ay kumalat sa bawat gilid, pinapanood ang sitwasiyon dito.