Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 686 - Ang Labanan sa Ancient Dream Realm

Chapter 686 - Ang Labanan sa Ancient Dream Realm

Matapos ang Demigod Forgotten Garden, ang state of existence, katawan, at ang kaluluwa ni Zhao Feng ay nakaabot na sa panibagong level, at naramdaman niyang mas madali na niyang mapupuntahan ang Ancient Dream Realm kaysa noon.

"Kung tatayo lamang ako, kayang kong manatili dito sa loob ng isa o dalawang araw ng walang kaguluhan."

Dahan-dahang naglakad ng paharap si Zhao Feng at maingat niyang pinagmasdan ang paligid gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Sa huling pagpunta niya rito, siya ay nakakita ng ancient bird na mas malakas pa kaysa sa isang King. Mahirap isipan kung gaaano ito kalakas ang malalaking mga halimaw; samakatuwid, si Zhao Feng ay napakamaingat at nagdahan-dahan.

Ta! Ta! Ta!

Ang mga hakbang ni Zhao Feng ay napakamatatag at napakatibay. Kung siya'y nakakaramdam ng pagod, siya'y umuupo at nagpapahinga.

Habang nilalanghap ang aura ng Ancient Dream Realm ay nalinisan ang kaniyang katawan, bloodlime, at kahit ang kaniyang kaluluwa, ngunit ang epwkto nito ay may mahina na. Kung tutuusin, ang state of existence at kaluluwa ni Zhao Feng ay nakaabot na sa level ng isang King.

Sa harap nito ay mayroong patse ng nga halaman. Sunod sa halamang iyon ay isang maliit na sanga. Ang patse ng halamang ito ay ang unang puntirya ni Zhao Feng.

"Kailangan ko munang makapunta sa patse ng halaman."

Tinansiya ni Zhao Feng na kakailanganin niya ng libo-libong mga hakbang para maabot ito.

Sa nakalipas na kalahating taon, ang libo-libong mga hakbang na iyon ay mahirap para kay Zhao Feng.

Sa oras na iyon, mas magandang kumuha ng sampu o dalampung mga hakbang, ngunit ngayong mas naging malakas na ang kaniyang kaluluwa at katawan at ang kaniyang pagkakaparehas sa Ancient Dream Realm ay tumaas, makakaya niyang maglakad ng daan-daang mga hakbang ng walang problema.

Sampung mga hakbang… daan-daang mga hakbang… isandaan at limampung mga hakbang….

Si Zhao Feng ay napakamaingat.

Sa 'di inaasahan, si Zhao Feng ay nakakita ng itim na tuldok na kumislap sa langit.

"Hmm? Isa ba iyang ibong maya?" Bahagyang napatigil si Zhao Feng.

Ang aura ng ibong maya ay hindi kasing lakas ng ibong nakita niya noon, ngunit ito'y nakaabot na sa Sovereign Lord Rank.

Sa sandaling iyon, si Zhao Feng ay tensiyonado, ngunit ang ibong maya ay hindi naman ginambala si Zhao Feng at basta-basta na lamang umalis.

"Mukhang ang Ancient Dream Realm ay pagkakatulad sa reyalidad; hindi lahat ng nabubuhay dito ay may abilidad na umatake ng walang dahilan," Huminga si Zhao Feng at nagsimulang maglakad ng mas mabilis.

Nagsimulang mapansin ng kaniyang God's Spiritual Eye ang maliliit na mga nilalang kagaya ng mga langgam at mga insekto. Ang aura ng lahat ng mga ito ay napakalakas, at ang pinakamahina ay maihahalintulad sa Sovereign level.

"Kahit na ang pinakamahinang mga nilalang sa Ancient Dream Realm ay napakalas kahit walang cultivation," Nagulat si Zhao Feng.

Siyempre, kahit na ang mga nilalang na ito ay hindi kasig lakas ni Zhao Feng, sila'y hindi napipigilan ng Ancient Dream Realm aura buhat na sila'y mga nanggaling dito.

Ang mga iniisip ni Zhao Feng ay nahaluan ng kuryosidad? Kung ang kamalayan niya lamang ang pumapasok dito, bakit ang aura dito ay napapakinabangan ng kaniyang totoong katawan?

Naisip ni Zhao Feng na, kapag siya ay namatay dito, ay mamatay din siya sa reyalidad.

Ang Ancient Dream Realm ay masiyado ngang kakaiba. Anong klaseng lihim na relasiyon ang mayroon ito sa kaniyang God's Spiritual Eye?

Kahit si Zhao Feng ay walang maisagot.

"Hindi na dapat ako nag-aalala pa dito ngayon. Tignan nalang natin kung makakuha ako ng maganda," Binawi ni Zhao Feng ang kaniyang mga iniisip.

Kung ang isang kapiranggot na aura mula sa Ancient Dream Realm ay walang halaga, paano naman ang ibang mga bagay na nasa loob nito?

"Tignan natin kung makakakita ako ng ibang klase ng prutas o kahit ano," Malakas na pag-iisip ni Zhao Feng nang magsimulang magmasid sa paligid ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang mga prutas ay matatagpuan lamang sa mga kagubatan, ngunit ang tanawin sa kagubatan ay magiging mahirap, at maaaring makaharap ng mga atake ng malalakas na nilalang si Zhao Feng.

"Pupunta muna ako sa may batis."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tumingin sa batis na nasa kabilang parte ng mga halaman. Ang tubig kayaa dito ay kakaiba rin? Nang maisip niya ito, ang puso ni Zhao Feng ay lumukso sa tuwa.

Gayon pa man, upang maabot ang batis, kakailanganin niya munang makaabot sa mga halaman, na may halos libo-libong mga hakbang na layo.

"Dalawang daang mga hakbang… tatlong daang mga hakbang…"

Ang paghinga ni Zhao Feng ay biglang bumilis matapos niyang maglakad ng daan-daang mga hakbang. "Magpapahinga muna ako saglit."

Hindi naman nagmamadali si Zhao Feng, kaya siya ay umupo muna. Mayroon pa siyang pito o walong daang mga hakbang na natitira, at ang distansiya mula sa halaman papuntang batis ay nasa sampung beses na mas marami kaysa dito.

Ang enerhiya ni Zhao Feng ay nagsimula na namang bumuti.

Sa sandaling iyon:

Sii! Sii!

Nakarinig ng kakaibang tunog si Zhao Feng at saka tumalon sa takot ng makita niya ang nasa kaliwa niya.

Isang makulay na ahas na nasa metrong haba ang dahan-dahang gumagapang.

Ahas! Nasinok si Zhao Feng at mabilis na naging alerto.

Kung ang kapiranghot na aura sa loob ng Ancient Dream Realm ay malakas na, kung gayon ang mga nakatirang mga nilalang dito ay hindi magiging basta-basta, lalo na ang isang ahas.

Na parang may nadadamang kakaibang aura, ang makulay na ahas ay biglang naging tensiyonado at saka malamig na tumingin kay Zhao Feng.

Ang pagitan nila sa isa't isa ay sampung metrong layo lamang, at si Zhao Feng ay nakaramdam ng kapahamakan mula rito ng magtitigan silang dalawa.

Ang aurang mula sa ahas na ito ay mas malakas sa ibong maya ngunit mas mahina sa unang ibon na nakita ko, sa isip-isip ni Zhao Feng.

Weng~~

Isang Scarlet Destruction Wind Lightning na nakapalibot sa isang makapal na karayom ang nagsimulang mabuo sa palad ni Zhao Feng. Ang kaniyang kaoangyarihan ay masiyadong naging limitado sa Ancient Dream Realm, at agad niyang naisip na ang kaniyang Scarlet Destruction Wind Lightning ay mabilis na mawawala matapos niya itong ilabas sa kaniyang katawan.

"Hindi, kailangan ko ng sandata."

Isang Earth-Grade sword ang mabilis na lumitas na kamay ni Zhao Feng.

Sa kasalukuyang Zhao Feng, ang isang normal na Earth-Grade na sword ay walang masiyadong halaga. Ang kaniyang yaman ay maikukumpara na sa Void God Realm King at hindi na masusukat sa normal na batayan.

Ang Earth-Grade sword ay nasa isa sa limang metrong haba, at masiyadong mahaba. Gamit ang espadang ito, mas lumakas ang loob ni Zhao Feng, at hindi siya magdadalawang-isip na gamitin ang kaniyang kamao para lumaban sa kahit na sino, lalong-lalo naang isang makamandag na ahas.

Sa parehing sandali, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nanatili sa makulay na ahas.

Isang malamig na kislap ng ilaw ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng, habang ang kaniyang Earth-Grade sword sa kamay ay kumukuti-kutitap ng isang scarlet na ilaw nang hatiin niya ang makulay na ahas.

Ang reaksiyon ng ahas ay hindi mabagal.

Sou!

Mabilis itong pumunta sa himpapawid at saka kumagat patungo kay Zhao Feng.

Pagdating sa bilis at liksi, nalalampasan niya si Zhao Feng. Kung tutuusin, nakatira ito sa Ancient Dream Realm, kaya hindi nito kailangang mahirapan sa puwersa dito.

Ang kalamangan ni Zhao Feng ay siya ang unang umatake, at ang God's Spiritual Eye niya ay nakikita kung paano gumalaw ang ahas. Samakatuwid, kahit na si Zhao Feng ay mas mabagal at hindi maliksi, ang kaniyang Earth-Grade sword ay nagawa pa ring mahati ang ulo ng makulay na ahas.

Ding!

Isang kakaibang tunog ang nanggaling mula sa espada ang malakas na pagpigil na nagdulot sa katawan ni Zhao Feng na mag-urong-sulong.

"Napakalas na katawan!"

Hiniwa ito ni Zhao Feng sa lahat ng makakaya niya dahil ang dimensiyon na ito ay pinipigilan siya at pinupuwersa siyang gumamit ng mas maraming kapangyarihan.

Sou!

Ang makulay na ahas ay sumugod patungo kay Zhao Feng, na ginamit ang kaniyang God's Spiritual Eye ay nanatiling tumingin sa ahas habang ang scarlet-colored na ilaw ay nabubuo sa paligid ng espada.

Boom!

Ang espada ay tumagos sa himpapawid patungo sa ahas at saka sa bibig nito. Bahagyang nagulat si Zhao Feng, ngunit ang kaniyang espada ay pumasok na sa bibig ng ahas at sa laman loob nito, kung saan ang nasusunog ang kaniyang Scarlet Destruction Wind Lightning.

Siii!

Ang ahas ay nahirapan habang ito'y galit na galit. Sa Ancient Dream Realm, ang lakas ni Zhao Feng ay nalilimitahan, at ang kaniyang kapangyarihan ay hindi sapat para makapatay ng isang ahas.

"Scarlet Destruction Eye Flame!"

Sa isang iglap, si Zhao Feng ay nagbigay ng isang scarlet-colored thumb-sized na apoy patungo sa ulo ng makulay na ahas, kung saan ito sumabog. Ang mga ahas ay takot sa apoy, at ang Eye Flame ni Zhao Feng ay madaling nasusunog sa metal at sa pisikal na mga dimensiyon.

Matapos ang ilang saglit, ang ahas ay natigil na sa paghihirap nang masunog na ang kalahati ng katawan nito. Lumapit si Zhao Feng at pinatay ang apoy, at saka kinuha ang nasusunog na katawan ng ahas.

"Ano kaya ang mga epekto ng laman ng ahas na ito?" Mahinang sabi ni Zhao Feng.

Ang katawan ng ahas ay napakalakas, at ito'y nasa Ancient Dream Realm simula pagkakapanganak; paniguradong hindi ito basta-basta.

Shua!

Sa isang iglap, si Zhao Feng ay naglaho mula sa Ancient Dream Realm.

Pagbalik sa reyalidad, ang munting magnanakaw na pusa ay nakaupo sa kaniyang katawan habang hinihigop ang natitirang Ancient Dream Realm aura.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay tumingin sa kalahating sunog na laman ng ahas ng may katuwaan at kagutuman.

"Munting Kun Yun," Hindi ibinigay ni Zhao Feng ang laman ng ahas sa munting magnanakaw na pusa at sa halip ay tinawag niya ang batang Demigod.

Ang batang Demigod ay kasing sukat ng dalawa o tatlong taong gulang sa bata, at siya ay nababalutan pa rin ng kaunting gintong liwanag.

Alam ni Zhao Feng na ang Demigod Kun Yun ay isang body cultivator, kung kaya't ang kaniyang orihinal na bangkay ay hindi na mananatili sa loob ng matagal na panahon.

"Anong klaseng laman ng ahas ito?" tumitig ang batang Demigod sa kalahating sunog na laman at nakaramdam ng kakaibang aura na nanggagaling dito.

"Para sayo 'to," Ibinigay ni Zhao Feng ang laman ng ahas sa Demigod Kun Yun at inutusan siyang kainin ito sa harap nila.

Kahit na mukhang dalawa o tatlong taong gulang pa lamang ang batang Demigod, siya ay isa nang body cultivator, at ang katawan nito ay mas malakas pa kaysa sa skeletal Division Leader.

"Subukan natin ito," ang batang Demigod ay hindi nagtangkang sumuway kay Zhao Feng kahit na alam niyang tinatrato siya nitong munting puting daga.

Sa kabilang banda, ang munting magnanakaw na pusa ay naiinggit na tumingin sa laman ng ahas. Ant batang Demigod ay mayabang na tumingin dito, at saka kumuha ng matalas na patalim bago hiwain ang laman ng ahas.

"Napakahirap," kumunot ang mga kilay ng batang Demigod, at nagawa niya lang hatiin ang laman ng ahas gamit ang halos kapangyarihan niya. At saka kumuha ang batang Demigod ng piraso ng laman ng ahas at inihaw ito gamit ang kaniyang Dan Fire at saka maingat na kinagat ang maliit na parte nito.

Nang pumasok ang laman ng ahas sa kaniyang katawan, ang ekpresiyon ng batang Demigod ay nagbago ng malaki. Mabilis siyang umupo at pinaikot ang kaniyang True Yuan.

"Ang Origin Heaven Earth aura na nasa loob ng laman ng ahas ay mas makapangyarihan pa kaysa sa heart blood essence," Sobrang natuwa ang batang Demigod.

Sa isang kagat sa laman ng ahas ay maaari nang mapalakas ang kaniyang True Yuan, ang kaniyang dugo, at ang kaniyang katawan.

Miao miao!

Hindi na kinaya ng munting magnanakaw na pusa at saka nagmadaling pumunta sa laman ng ahas.

"Sa akin ito!" Galit na sigaw ng batang Demigod at nakipaglaban sa munting magnanakaw na pusa para sa natitirang laman ng ahas.

Sa huli, ang munting magnanakaw na pusa ay may kalamangan, at kinuha nito ang dalawa sa tatlong parte ng laman ng ahas. Ang batang Demigod naman ay nagkaroon ng maraming marka ng kalmot ng pusa sa kaniyang mukha, ngunit wala itong pake nang kainin niya ang natitirang laman ng ahas.

Tumingin si Zhao Feng ng kakaiba sa Demigod at sa munting magnanakaw na pusa.

"Master, saan mo nakuha ang laman ng ahas na ito? Mayroon pa bang iba?" Dinilaan ng batang Demigod ang kaniyang mga labi. Napagtanto niya na ang aura sa loob ng laman ng ahas ay pinatataas ang pagpapabuti ng bilis ng kaniyang Demigod bloodline.

Miao miao!

Inikot ng munting pusang magnanakaw ang itim niyang mga mata.