Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 685 - Lightning Wings Battle Techniques

Chapter 685 - Lightning Wings Battle Techniques

Plop!

Nalaglag si Lei Zhen sa lapag, at may malabong patong ng pulang Wind Lightning ang nagliliyab pa rin sa katawan niya. Sobrang lakas ng pagkakasugat sa kaniya ni Zhao Feng.

"Napakabilis!"

"Nalagpasan na ng Scarlet Destruction Wind Lightning ng batang iyon ang sa Wind Lightning Emperor noong nasa ganitong lebel siya."

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga manonood sa True King Stage.

Nagulat ang mga Kings at Emperors. Nalagpasan na nga talaga ni Zhao Feng ang kaniyang martial ancestors.

Nalagpasan na ng Wind Lightning Emperor talaga ang Ten Thousand Lightning Sect at naging pinakamabilis na Emperor, ang pagkabihasa ni Zhao Feng sa Wind Lightning ay nalagpasan ang Emperor sa lebel niya noon.

"Minaliit natin ang buwisit na ito," ang ekspresyon ng Dark Lightning Emperor at ng mga kasama niya ay taimtim.

Una, sumobra pa sa inasahan nila ang kabihasaan ni Zhao Feng sa Scarlet Destruction Wind Lightning. Kadalasan, lahat ng nasa ilalim ng Void God Realm ay kaya lamang i-comprehend ang gilid-gilid ng Scarlet Destruction Wind Lightning, pero na-comprehend na ang kalahati nito ni Zhao Feng.

Pangalawa, naresolba ni Zhao Feng ang problema sa pagtatalo ng mga elemento. Hindi lamang sa mayroon siyang Scarlet Destruction Wind Lightning na nagawa niyang mas matatag, mas may kontrol pa siya doon.

"Tulad ng inaasahan kay Zhao Feng. Sa loob lamang ng isang buwan o dalawa, lumakas na siya nang sobra pa," lumitaw si Zhao Yufei malapit sa True King Stage.

Mas mahina ang laban nila ngayon kaysa noong laban nila ni Nan Gongsheng. Noong nakaraan, umabot sa lebel ng Kings ang battle power nilang dalawa.

"Lei Zhen, walang-wala ka kahit pa hindi ko gamitin ang eye-bloodline ko," lumulutang si Zhao Feng sa himpapawid, at sobrang liksi ng Wings of Wind and Lightning sa likod niya. Nagmukha silang totoong balahibo. Para bang totoo na ang Wings of Wind and Lightning niya.

Nakatingin si Zhao Feng kay Lei Zhen, pati na rin ang Dark Lightning Emperor at iba pa.

"Hindi… hindi pa ako natatalo!" umungol si Lei Zhen habang lumitaw ang Water Lightning sa paligid ng katawan niya at tinanggal into ang Scarlet Destruction Wind Lightning.

Ang dahilan kung bakit siya natalo ay ang bilis.

Weng~~

Ang momentum ni Lei Zhen ay nagsimulang umangat at naglabas ng ancient Lightning aura.

May isang ancient na anyo ng Lightning ang nagsimulang mamuo sa likod ni Lei Zhen. May bitbit na mga martilyo ang anyong ito at may umiilaw itong mga mata. Para bang nanggaling sa makalumang panahon ang kaniyang aura, at may dala-dala itong katakot-takot na lakas ng Lightning.

"Shadow of the Lightning Spirit!"

"Tinawag niya ang Shadow of the Lightning Spirit!? 'Di ba siya takot sa plegaryang malalagay sa kaniya nito?"

Nagbago ang mga ekspresyon ng maalam na mga eksperto ng Void God Realm na malapit sa True King Stage matapos makita ito.

Bago pa mabuo ang Shadow of the Lightning Spirit sa likod ni Lei Zhen at maabot ang power ng isang King:

"Wings of Lightning Wings Slash!" may isang liwanag ng ilaw ang kumupas sa himpapawid at nag-iwan ng mga labing-imahe.

Sunod nito agad:

Shua!

Para bang sinira ng anyo ng Scarlet Destruction Wind Lightning ang mga dimensyon ng space habang lumipad ito patungo kay Lei Zhen.

"Argghhh!" nalaglag si Lei Zhen sa lapag habang sumisigaw. Kasabay nito ang pagkawala ng Shadow of the Lightning Spirit sa likod niya.

Wala sa ilalim ng Void God Realm ang nakaintindi ng pangyayari. Ilan lamang sa mga Emperors ang nakatingin sa hita ni Lei Zhen.

Plop!

Nahati bigla ang binti ni Lei Zhen pagkatapos niyang bumagsak. Ang kakaibang bagay matapos matanggal ang mga binti niya, wala man lang mantsa ng dugo sa paligid, at nasunog muli ang katawan niya sa Scarlet Destruction Wind Lightning.

"Dali, iligtas niyo si Zhen'er!" sigaw ng babaeng may iba-ibang kulay ng kidlat nang bigla siyang lumitaw sa tabi ni Lei Zhen kasama ang dalawa pang Emperors.

Sa Sacred Land, walang epekto masyado ang mga sugat-sugat, pero ang kay Lei Zhen ay hindi normal. Naglalaman ng intent of Destruction ang Scarlet Destruction Wind Lightning sa burning lightning nito. Kung hindi sila agad kumilos ay malamang magiging lumpo agad sila.

Hu~~

Huminga si Zhao Feng, at ginamit niya ang Lightning Wings Flying Technique para iwan ang True King Stage nang dahil baka saktan siya ng tatlong Emperors sa galit.

Ang oras ngayon ay sobrang delikado. Kung nabuo nang matagumpay ang Shadow of the Lightning Spirit, kakailanganing harapin ni Zhao Feng ang eksperto sa King-level; kaya, hindi na siya nagpigil at ginamit niya agad ang kaniyang Wind Lightning Wings Slash.

Malalim na battle technique ang Wind Lightning Wings na ginagamit ang Dao of Space. Masasabing nilalaman nito ang core essence ng Wind Lightning Inheritance -- absolute speed at absolute power.

"Ang kapangyarihan niya ay kayang manakot ng mga Kings!" nag-iingat ang lahat ng mga Void God Realm Kings.

Nagdatingan sina Zhao Yufei at Nan Gongsheng nang magkasunod. Sa oras na umalis na sila, nakita niya si Zhao Feng gamit ang kaniyang Wind Lightning Wings battle technique na tanggalin ang mga binti ni Lei Zhen.

"Kung ginamit niya ang battle technique na iyon at inatake ang isang King, baka maging sobrang matagumpay siya," taimtim ang ekspresyon ni Nan Gongsheng. Hindi man lang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline o ang kaluluwa niya sa labanan.

"Hehe, may sasabihin pa ba kayong tatlong Emperors? Nakita ng lahat ng nandito na ginamit ni Zhao Feng ang Wind Lightning Inheritance at natalo ang numero unong henyo ng sect niyo," tawa ni Duanmu Qing. Sa totoo lang, nag-alangan siya dahil sa napigilan ang forte ni Zhao Feng, at maaari niya lamang gamitin ang Wind Lightning Inheritance para talunin si Lei Zhen, na may katawan at technique na kayang labanan ang lahat ng kidlat.

Madilim ang ekspresyon ng tatlong Emperors habang sinusubukan nilang tulungan si Lei Zhen.

"En, siguradong napanalo ni Zhao Feng ang labang ito. Walang duda."

"Ang dahilan kung bakit nanalo si Zhao Feng ay dahil sa bilis niya. Ito ang pinakamalaking lamang ng Wind Lightning Inheritance sa Ten Thousand Lightning Sect."

Tumango ang lahat ng neutral Emperors.

Nakuha agad ni Zhao Feng ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique nang ganoon lamang. Hindi ito nagustuhan ng tatlong Emperors, pero wala rin silang magawa dito. Walang duda kung sino ang nanalo at kung sino ang natalo.

Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique, kinuha ni Zhao Feng ang sacred technique na ito ng Lightning Dao at pinagmasdan ito gamit ang God's Spiritual Eye niya, at kinopya niya agad ang lahat ng nilalaman nito sa isang tingin lamang.

Lumitaw agad ang kopya ng technique na ito sa isip ni Zhao Efng. Hindi lamang mga salita ang nakopya sa isip niya, kundi ang buong libro.

"Wala kang Lightning Spiritual Body Technique, Zhao Feng. Walang kwenta sa iyo ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique," malamig na ngumisi ang Dark Lightning Emperor.

Kaya lamang, naitalo nila ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique kay Zhao Feng, at pinilit ng tatlong Emperor na mangakong hindi ito pagkakalat ni Zhao Feng.

Whoosh!

Sinunog agad ni Zhao Feng ang kopya ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique.

Natigil ang tatlong Emperors. Para bang hindi pa nga binabasa ni Zhao Feng ang technique.

"Kahit pa ang mga Emperors ay hindi kayang basahin ito nang ganoon kabilis," nahilo ang lahat ng mga ekspertong naroroon. Sinunog lang ba ni Zhao Feng ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique para ipahiya ang Ten Thousand Lightning Sect dahil alam nilang hindi niya kayang i-cultivate ito?

"Ang batang ito…" kumikisap ang ekspresyon ng tatlong Emperors.

Hindi na sila pinansin ni Zhao Feng. Naging guhit na lang siya ng liwanag at bumalik sa pwesto niya.

"Zhao Feng, gagamitin namin ang Spiritual Zone Teleportation Array para umalis matapos ang isang buwan," babala ni Duanmu Qing.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng, at agad siyang sumang-ayon.

Wala siyang kwalipikasyon para gamitin ang Spiritual Zone Teleportation Array nang mag-isa. Kahit pa si Duanmu Qing ay kailangang mag-bayad para gamitin ito.

Aalis na si Zhao Feng sa Sacred Land kasama si Duanmu Qing at si Zhao Yufei. Kung aalis na ang master niya ay mawawalan siya ng aasahan, kaya hindi na lamang siya magpapaiwan dito.

Alam din iyon ng Ten Thousand Lightning Sect, kaya sila pumunta. Kaya lamang ay hindi naging matagumpay ang plano nila, at natalo pa sila sa paraang hindi nila inaasahan.

Matapos bumalik sa pwesto niya, kumurap muli ang mga mata ni Zhao Feng. May proteksyon siya ngayon ni Duanmu Qing, kaya hindi siya takot sa pursuit ng Emperor of Death, pero sa pag-alis niya sa Sacred Land at sa paghiwalay sa kaniyang master ay baka makaharap na naman niya ang bagong pursuit.

Hu~~

Huminga nang malalim si Zhao Feng at saka pumikit.

Nagsimula siyang magpadaloy ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique sa kaniyang Soul Sea at nagsimulang mag-grind down ng Death Intent.

"Bumaba na ng 60-70% ang Intent ng Eye of Death," bulong ni Zhao Feng.

Kung hininto niya ang paggamit ng God's Spiritual Eye at tinago ang kaniyang aura, ang pagramdam sa Intent of Eye of Death ay magiging 10% na lamang sa orihinal nitong pwersa. Kaya lamang, naramdaman pa rin niyang hindi ito sapat.

"Noong nakaraan, tagasunod lamang ng Emperor of Death ang pumupunta sa kaniya. Sa puntong ito, ang Emperor of Death mismo ang pupunta sa kaniya at siguradong mas malakas siya sa mga Death Guards."

Hindi mapakali si Zhao Feng, at kalahati na ng enerhiya niya ang nagagamit niya para pahinain ang Intent of Death. Maliban pa roon, ginamit rin ni Zhao Feng ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique para makapaghanap ng bagong mga paraan para makahanap ng aura.

Nagtuloy rin siya ng pag-cultivate, pero napakabagal ng pag-comprehend niya sa God Tribulation Lightning.

Hindi rin niya ma-cultivate ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique.Pinaghalo ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ang Metal, Wood, Fire, Water, at Earth elemental Lightnings. Kapag wala ang Lightning Spiritual Body, sobra talagang imposibleng i-cultivate ito.

Ang rason lamang na gustong kuhanin ito ni Zhao Feng ay para aralin ang essence nito at taasan niya ang comprehension niya sa God Tribulation Lightning. Matapos ang lahat, nilalaman ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ang intent ng ten thousand types of lightning.

Isang linggo ang makalipas, huminga muli nang malalim si Zhao Feng.Naabot niya na ang limitasyon ng pag-comprehend ng God Tribulation Lightning.

Desidido siyang hindi gamitin ang natitirang Lightning Cloud Wind at Dragon Flaming Wine.

Una, bababa ang epekto nito sa tuloy-tuloy na paggamit nito.

Pangalawa, hindi matatag ang paggamit ng outside products.

Habang iniisip ang sitwasyong ito, huminto nang sandali si Zhao Feng sa pagpokus sa Wind Lightning Inheritance.

"Illusion God Wine!"

May maliit na lilang baso ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng. Kalahati na lamang ang natitira sa kaniya.

Mas malakas na ang kaluluwa niya sa normal Kings, at nakabuo na rin siya ng Eye Intent. Ma-co-comprehend niya na nang buo ang King Intent kahit pa hindi siya gumamit ng Illusion God Wine."Hindi ko iinumin ang natitirang Illusion God Wine matapos ako maging King."

May mga pangmatagalang layunin si Zhao Feng.

Sobrang malaki ang naitulong ng Illusion God Wine sa Kings, pero hindi ganoon kalakas ang epekto noon.

Shua!

Tinago ni Zhao Feng ang Illusion God Wine.

"Oras na para magmatiyag sa Ancient Dream Realm."

Pumikit muli si Zhao Feng, at ang malay niya ay pumasok sa Soul Sea at pumunta siya sa gitna ng lawa. Sa sunod na pangyayari, nakapasok si Zhao Feng sa isang ancient dimension, at bumaba bigla ang aura ng Ancient Dream Realm.

Ang presyon dito ay ilang beses na mas malakas sa Demigod Forgotten Garden. Sa Demigod Forgotten Garden, kayang lumipad ng mga Kings, pero ang kaya lang nilang gawin dito ay maglakad.

Sa oras na iyon, kaya pang tiiisin ni Zhao Feng ang presyon nito.

Ta! Ta!

Nagsimulang maglakad si Zhao Feng. Kahit malakas ang presyon dito, naramdaman niyang mas kaya niya na ngayon ito.

Sa wakas, may abilidad na siyang gumalaw ngayon sa Ancient Dream Realm.