Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 684 - Ang Pagtatambal ng Kidlat (2)

Chapter 684 - Ang Pagtatambal ng Kidlat (2)

"Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique? 'Wag mo nang pag-isipan pa, bata!"

"Iyon ang pinaka nasa tuktok ng mga technique namin, at ang pinakamatandang divine technique sa Cang Ocean."

May matitibay na reaksyon ang tatlong Emperor dito. Isang malaking kalokohan ang kagustuhan ni Zhao Feng at umungol sila sa galit dahil dito.

"Zhao Feng, wala kang Lightning Spiritual Body, kaya hindi mo masyadong magagamit ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique," sabi ng babaeng may iba-ibang kulay na kidlat at sabay na ngumiti.

Alam rin ni Zhao Feng ang puntong iyon. Kahit ang Wind Lightning Emperor ay hindi kinayang i-cultivate ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique noong nasa Ten Thousand Lightning Sect pa siya, kaya kinailangan niyang lumipat sa ibang daan at nag-comprehend na lang ng Dao of Wind Lightning.

Kaya lamang ay sigurado si Zhao Feng sa isang bagay: mas maganda ang pundasyon ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning kaysa sa Wind Lightning Inheritance.

Ang tanging problema lamang ay masyadong maraming kinakailangan ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique sa body type. Kadalasan ay isang henyo lamang ang maaaring makagamit nito bawat sampung libong taon. Kaya lamang ay tataas nang sobra-sobra ang lakas ng kung sino mang makapag-cultivate ng Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique kasabay ng Lightning Spiritual Body, at kakayanin rin nilang tablahan ang lahat ng Lightning techniques.

Nakaakyat na si Lei Zhen sa huling yugto ng Great Origin Core Realm, at ang aura ng lightning na lumalabas sa kaniya ay unti-unting lumalabas.

"Base sa praktikal na paggamit, malalagpasan ng Wind Lightning Inheritance ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique. Iyon at ang ulo ng Demigod ang itataya ko," sabi ni Zhao Feng.

Naintindihan ito ng lahat; pagtatalo ito ng rason. Kailangang magbalik ng Ten Thousand Lightning Sect ng isang pambato na kasing lebel ng hinihingi nila kay Zhao Feng, kaya't ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ang hiningi niya, ang pundasyon ng Ten Thousand Lightning Sect.

Ang pundasyon ng Wind Lightning Inheritance niya ay hindi ganoon kalakas. Kung makukuha ko ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique…. Iyon at ang ulo ng Demigod, baka matulak noon ito sa bagong lebel, may sariling plano si Zhao Feng.

Kahit pa ang Wind Lightning Inheritance ay malakas, mayroon pa ring pagkakaiba ito sa Purple Saint Inheritance, sa Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique, at ilan sa ibang techniques ng Sacred Lords. Hahayaan lamang ng Wind Lightning Inheritance si Zhao Feng na maabot ang Emperor level, at baka madikit siya nang kaunti sa Mystic light Realm, samantalang ang Purple Saint Inheritance at ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ay maaring ma-cultivate sa lebel ng Demigod at kayang maabot ang Heavenly Divine Realm.

"Kung hindi tayo papayag, baka hindi lumaban ang batang iyon," nagsimulang mag-usap-usap ang tatlong Emperors. Sa lahat-lahat, tamang-tama lang ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique sa Wind Lightning Technique at sa ulo ng Demigod.

Matapos ang lahat, nagawag pabilisin ng Wind Lightning Inheritance ang Emperor, at kahit ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ay hindi kasing bilis noon, samantalang ang ulo ng Demigod naman ay sobrang halaga sa Ten Thousand Lightning Sect.

"Sige, suma-sang-ayon kami," seryosong tumango ang Dark lightning Emperor.

Para masigurong hindi mandaraya si Zhao Feng, lumapit ang Dark Lightning Emperor sa ibang Emperors para maging saksi. Para bang nasa kamay na nila ang ulo ng Demigod at ang Wind Lightning Inheritance.Ngumiti lamang si Zhao Efng at hindi na nagsalita pa.

Ilang sandali lamang ang nakalipas, sa True King Stage ng main Spiritual Peak, ay nagharap si Zhao Feng at si Lei Zhen.

Ilang neutral Emperors ang hurado. May iilang dosenang Kings at Emperors ang nanonood sa laban na siyang naging sentro ng atensyon para sa buong True Martial Sacred Lands.

"Zhao Feng, ayon sa pinag-usapan, kailangan mong gamitin ang Wind Lightning Inheritance mo. Kapag gumamit ka ng ibang metodolohiya tulad ng eye-bloodline mo ay matatalo ka agad," sabi ng ibang Emperor na hurado.

"Naiintindihan ko," tumango si Zhao Feng.

Kung hindi nila siya binigyan ng restriksyon, baka matalo agad ni Zhao Feng si Lei Zhen nang gamit lamang ang kaniyang Eye Intent. Nakita ng tatlong Emperors na umaabot sa King-level ang kaluluwa ni Zhao Feng.

"Walang kwenta ang Wind Lightning Inheritance mo sa akin, Zhao Feng," dinilaan ni Lei Zhen ang labi niya.

Nagkaroon na sila ng kaunting laban noon sa Demigod Forgotten Garden. Ginamit ni Zhao Feng ang half-step King Intent niya pero nalamangan pa rin siya nang kaunti ni Lei Zhen kahit hindi niya pa ginagamit ang lakas niya.

"Makikita natin," wala pa ring pinakitang emosyon si Zhao Feng.

"Simula na!"

Nang tumunog ang mga salitang iyon, may dalawang anyo ang sabay na gumalaw agad.

Whoosh!

Isang pulang anyo at isang anyo na may limang kulay ang mabilis na gumalaw sa True King Stage.

Umabot na sa peak ang bilis nila. Lahat ng nag-cucultivate ng Dao of Lightning ay nagbibihasa ng bilis, at halos wala sa ilalim ng Void God Realm ang nakakakakita sa nangyayari.

"Mas mabilis pa rin nang kaunti si Zhao Feng," nakikita ng lahat ng Divine Senses ang mga nangyayari.

Naghalo na ang Wind Lightning Inheritance sa Dao of Wind at sa Dao of Lightning, kaya hindi mapapantayan ang bilis nito.

Bam!

Naglabas si Zhao Feng ng unang scarlet-and-purple na atake. Isang claw ng Wind Lightning ang lumipad papunta sa kalaban. Ilang daang yarda ang laki nila at naglabas ito ng aura of Destruction.

"Nakakaawang salamangka!" hindi nagpakita ng pag-ilag si Lei Zhen. May isang maliwanag na dilaw na kidlat ang bumalot sa kaniya na bumuo ng lightning armor.

Crackle!

Ang claw of Wind Lightning ay gumawa ng ilang pagsabog nang bumagsak ito kay Lei Zhen. Ang dilaw na baluting gawa sa kidlat ay medyo lumagutok.

"Hahaha, walang kwenta! Ang Lightning Spiritual Body at ang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique ay kayang labanan ang lahat ng kidlat sa mundo!" nakatayo lamang doon si Lei Zhen nang walang bakas ng sugat.

Hmm? Naintindihan ni Zhao Feng na ang parte ng lakas ng Lightning sa atake niya ay nasipsip ni Lei Zhen. Ang ibig sabihin noon, imbis na saktan si Lei Zhen, ang atake niya ay maaaring palakasin pa ang kalaban niya.

"Ten Thousand Thunderous Lightning!" ungol ni Lei Zhen habang binukas niya ang kaniyang mga braso, at may mga guhit ng iba-ibang kidlat ang bumagsak mula sa langit na nagpayanig sa Heaven and Earth.

Boom! Boom! Boom!

Libo-libong guhit ng kidlat ang bumagsak kay Zhao Feng.

"Kayang tumawag ng Lightning Spiritual Body ng kidlat! Napakalakas!" ilan sa mga Mystic True Sacred Clan ay napahinto. Paano malalabanan ng kahit sinong nasa ilalim ng Void God Realm ang ganitong sagupaan?

"Wind Lightning Hundred Change!" naglabas si Zhao Feng ng maliwanang na bola ng kidlat.

Shua! Shua! Shua~~~~!

Sa isang iglap lang, ilang daang anyo ni Zhao Feng ang kumalat sa paligid ng entablado. Hindi na nahabol ng Ten Thousand Thunsderous Lightning ang totoong katawan ni Zhao Feng.

Kahit pa wide-range attack ito ay kaya pa rin nitong takutin ang mga Kings kapag magkakasama sila, isa o dalawang guhit ng kidlat ay hindi kayang masaktan si Zhao Feng.

Bam! Bam! Bam!

Nasira ang mga anyo sa True King Stage, pero ang isang technique tulad ng Ten Thousand Thunderous Lightning ay kumakain ng maraming enerhiya, kaya hindi ito maaaring gamitin nang tuloy-tuloy.

Shua! Shua! Shua!

Sampung anyo ni Zhao Feng ang sumugod patungo kay Lei Zhen.

"Parating na!" umikot ang labi ni Lei Zhen. Hindi na mahalaga kung nakatago ang totoong katawan ni Zhao Feng sa sampung ito.

"Maiiwan kayong lahat dito!" may ilaw na kumidlap sa mata ni Lei Zhen at bigla niyang inabot ang malaki niyang ispada.

Booooom!

Ilang libong arko ng kidlat ang bumagsak sa malaking ispadang ito at bumuo ito ng nakakatakot na lakas.

"Lightning Summoning Sword Technique!"

"Isa ba iyong ipinagbabawal na sword technique!?"

Sigaw ng ilang Void God Realm Kings sa paligid ng True King Stage. Ang Lightning Summoning Sword Technique ay yoon mismo ang sinasabi ng pangalan – nagpalitaw ito ng walang hanggang lakas ng Lightning mula sa Heaven at Earth, at nabuo ito lahat sa ispada niya. Kaya nitong maglabas ng sampung beses sa totoong lakas ng gumagamit nito.

Sobrang delikado ng sword technique na ito, maaari itong magresulta sa pagsabog at pagiging pira-piraso ng gumagamit dahil sa kidlat.

Bam! Boom! Boom!

May nabuong kidlat sa himpapawid sa taas ng True King Stage, at may aura of doom sa paligid habang namumuo ang lahat ng kidlat sa espada.

"Ang lakas ng ispadang iyon ay maikukumpara sa lahat-lahat ng atake ng isang King."

"Hindi – mas malakas pa ito sa normal Kings."

Nakabuo ng bagyo ang limitless power of Lightning na biglang bumalot sa kalahati ng True King Stage.

Boom! Boom! Bam!

Lahat ng nakikita ay agad na napalitan ng isang napaka-liwanag na ilaw, at ilan sa mga manonood na disciples ay hindi na makita o marinig ang kahit ano.

"Natamaan rin nito ang true body ni Zhao Feng," ang Divine Senses ng ilan sa mga Emperor ay nakikita pa rin ang mga nangyayari. Lahat ng sampung anyong papalapit ay peke, pero ang true body ni Zhao Feng ay nasa isang gilid lamang, naghihintay.

Bam! Whoosh!

Agad na nasira ang sampung anyo ni Zhao Feng, at ang totoong katawan niya ay nabalot ng atake.

"Hmm!?" ilan sa mga Void God Realm Kings ay napasigaw. Ganoon lamang napatay si Zhao Feng?

"Nasa himpapawid siya!" sigaw ng ilan sa mga Emperor.

Lightning Wings Flying Technique!

Shua!

May isang mala-panaginip at malabong ilaw ang lumipad sa harap nila, at para bang may abilidad itong makatagos sa espasyo habang lumilipad ito sa himpapawid. Hindi na lamang ito Wind and Lightning, nasangkot na rin ito sa laws of Space.

Ang batang may lilang buhok na may pakpak ng Wind and Lightning sa likod niya ay lumutang sa taas ni Lei Zhen.

"Paano nangyari ito…!?" sigaw ni Lei Zhen. Kakatapos lamang ng atake niya at mahina ang katawan niya dahil dito. Dagdag pa roon, matapos masipsip ng ispada niya ang kidlat sa kalangitan ay may naiwan siyang pagkakamali doon, at doon rin mismo lumitaw si Zhao Feng.

"Scarlet Destruction Wind Lightning!"

Pumagaspas ang pakpak ni Zhao Feng.

Boom!

Isang galit na alon ng pulang Wind Lightning ang namuo bilang isang suntok na tumama kay Lei Zhen.

Peng!

Sumigaw si Lei Zhen nang siya'y napalipad nito. Nabasag na ang kaniyang baluting kidlat, at ang scarlet flames of Wind Lightning ay sumusunog sa katawan niya.

Nilaman ng Scarlet Destruction Wind Lightning ang epekto ng pagkasunog nito.

Wah!

Dumura ng dugo si Lei Zhen, at umupo siya sa lapag habang umaalon ang Scarlet Destruction Wind Lightning sa katawan niya.

Nangitim na ang katawan niya. Kung hindi dahil sa mayroon siyang Lightning Spiritual Body at na-cultivate niyang Five-Elemental Ten Thousand Lightning Technique…. kahit sinong half-step King ay baka naging abo na.

"Scarlet Destruction Wind Lightning!"

"Na-cultivate ng batang 'yon ang Scarlet Destruction Wind Lightning sa lebel na iyon!? At nagawa niyang maresolba ang paglalaban ng mga elemento?"

Nagbago ang ekspresyon ng mga Ten Thousand Lightning Sect Emperors.

Hindi nila inasahang ganoon kalakas ang Scarlet Destruction Wind Lightning. Sobra pang nalagpasan ng lebel niya nang siya pa'y nasa Demigod Forgotten Garden. Hindi nila alam na nakuha ni Zhao Feng ang Dragon Flaming Wine at ang Lightning Cloud Wine mula sa Demigod's wine cellar.

Dagdag pa roon na perpekto ang kontrol niya sa Scarlet Destruction Wind Lightning. Kahit pa ang Wind Lightning Emperor ay hindi kayang gawin 'yon noong nasa label pa niya siya.

Hmph, nalagpasan na ng Scarlet Destruction Wind Lightning ko ang sa Wind Lightning Emperor noong nasa cultivation level ko pa lang siya, may tusong ngiti ang lumabas sa mukha ni Zhao Feng.

May Ancient Dream Realm na nakahalo sa Scarlet Destruction Wind Lightning doon, at ang nagliliyab na Destruction power ay mas malapit sa original essence. Hindi lamang ito matatag, kundi malakas rin ito.

Ang pinakamalaking pagkakamali lamang ng Ten Thousand Lightning Sect ay sinukat nila si Zhao Feng base sa pamantayan ng Wind Lightning Emperor.

Tulad nga ng sinabi niya, nalagpasan na niya ang kaniyang mga martial ancestors.