Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 680 - Continent Zone

Chapter 680 - Continent Zone

Madaling nasira ng Eye Intent ni Zhao Feng ang half-step King intent ni Zhao Yufei.

Sa loob ng soul-dimension, malamig ang malay ni Zhao Yufei, at nanginginig ito nang hindi mapakali. Namula ang mukha niya nang siya'y mapatigil.

Kahit pa ito sa mayroon siyang Little Heaven and Earth sa likod niya.

Naglalaman ng katakot-takot na lakas ang Eye Intent ni Zhao Feng na siyang tumagos sa kaluluwa at kaya nitong mapatigil ang normal Void God Realm Kings.

"Soul Chains!"

May mga malalabong lilang kadena na gawa sa kidlat ang bumalot kay Zhao Yufei.

Binibitag ng Soul Chains ang kaluluwa ng isang tao, at kapag nabiitag ang kaluluwa ng isang tao ay mawawalan ng saysay ang battle-power.

"Ang katawan ko…"

Nahirapan si Zhao Yufei habang naglalabas ng liwanag na kulay lila. Nagsimulang kuminang ang kaniyang balat, at para ba siyang nagiging isang diyosang kristal.

Kaya lamang, hindi naapektuhan ng pisikal na lakas ang soul-dimension.

Namuo ang Eye Intent ni Zhao Feng sa soul-power niya sa pinakatodong lakas, at para ba itong Magnificent Power ng isang King.

"Limitless Maze!"

Naging mala-panaginip na lila ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

"Yufei, 'wag kang tumingin sa mata niya!"

Babala ng Purple Saint Partial Spirit, kaya lamang ay nahuli na siya.

Shua!

Biglang naging maulap na labirinto ang tanawing nasa harapan niya.

Kahit pa hindi masyadong malaki ang labirinto ay hindi niya pa rin nahanap ang labasan kahit gaano pa siya katagal naglakad.

Unang palapag, pangalawang palapag, pangatlong palapag… tuloy-tuloy na humaba ang labrinto.

"Mas malakas na bersyon ng Illusion City Maze ang Limitless Maze. Ginagawa nitong malagay ang malay ng isang tao sa isang walang katapusang labirinto."

Ngumiti si Zhao Feng.

Matapos ang ebolusyon ng God's Spiritual Eye, kinaya nang tumawag ng hangin at ng ulan ang kaniyang Soul eye-bloodline techniques.

Sa sariling dimensyon sa kaliwang mata ni Zhao Feng, umabot na ng ilang libong yarda ang lilang Soul Sea, at nire-representa na nito ang malaking pwersa. Isa sa sampung laki na lamang ng lugar ang kinalalagyan ng orihinal na asul na lawa.

Tumaas pa nang malala ang eye-bloodline ni Zhao Feng.

"Yufei, kumalma ka. Sirain mo ang ilusyon gamit ang intent mo."

Sabi ng Purple Saint Partial Spirit, at may isang malakas na alon ng kaunting intent ang pumasok sa puso ni Zhao Yufei mula sa Little Heaven and Earth. Naramdaman niyang lumakas ang kaniyang mga pakiramdam, at nagsimulang medyo lumabo ang Limitless Maze.

Tulad ng inaasahan sa Purple Saint Partial Spirit.

Humanga si Zhao Feng sa loob-looban niya.

Crack!

Nabasag ang Limitless Maze bigla sa harap ni Zhao Yufei. Kaya lamang ay bago pa siya tumauli:

"Mental Energy Spike!"

May isang malamig na malabong Mental Energy Spike ang lumabas sa kaliwang mata ni Zhao Feng na siyang tumungo kay Zhao Yufei.

Pinaka-simple at pinaka-elementaryang basic Soul attack ang Mental Energy Spike.

Sa tulong ng Eye Intent ni Zhao Feng, umingay ang Mental energy Spike niya sa soul-dimension at gumawa ito ng mga pagsabog na kayang bumasag ng normal partial souls bago pa dumating ang atake.

Boom!

Nagulat si Zhao Yufei at ang Purple Saint Partial Spirit, at may naramdaman siyang masakit sa pinaka-kailalilaliman ng kaniyang kaluluwa.

Sampung beses na mas malakas na ang Mental Energy Spike niya kumpara sa paggamit niya noon sa laban kay Tu Jiuseng sa Demigod Forgotten Garden.

Kumunot ang noo ni Zhao Yufei. Dumaloy ang matulis na sakit sa katawan niya, at naramdaman niyang medyo nasaktan ang kaniyang kaluluwa kahit pa may tulong siya ng Purple Saint Partial Spirit.

"Demonic Eye Erosion!"

Tumira papunta kay Zhao Yufei ang kulay lila niyang mata na puno ng intent.

Huminto ang katawan ni Zhao Yufei. Hindi pa rin siya nakakabawi mula sa sakit. Pero may isang malakas na naghaharing lakas ang bumalot sa kaniya at napahinto ang malay niya at isip niya nang pumasok ito sa kanyang katawan.

"Anong nangyayari?"

Napahinto ng Eye Intent ang kaniyang malay, at hindi niya ma-kontrol ang katawan niya. Kasabay pa noon ang mga ilusyon at mga bangungot na lumitaw sa isip niya.

"Demonic Eye Erosion? Parang kaparehas nito ang technique na Heaven Demon Erosion, pero ginagamit ito bilang Soul technique!"

Medyo nagulat si Duanmu Qing.

Mako-konsiderang napaka-high class forbidden Soul technique ang Demonic Eye Erosion. Naunawaan ni Zhao Feng ang skill na ito mula sa Dark Eye Secret Manual, at naging bihasa siya dito gamit ang God's Spiritual Eye.

Natambalan ng atakeng ito ang sakit mula sa Mental Energy Spike at ginulo nito ang isip ni Zhao Yufei.

Naging matagumpay ang Demonic Eye Erosion gamit ang pagkakataong iyon.

Magulo ang isipan ni Zhao Yufei, at ang katawan niya ay halos nasa ilalim na ng kontrol ni Zhao Feng. Kung sinobrahan pa ito ni Zhao Feng ay malamang makukumpleto niya na ang pagkontrol sa katawan niya.

"Yufei, kahit pa may tulong ka ng Purple Saint Partial Spirit, ang mental energy level mo pa rin ang kahinaan mo."

Bulong ni Zhao Feng.

Kinontrol niya ang Demonic Eye Erosion gamit ang iba-ibang tanawin para maapektuhan niya ang isipan ni Zhao Yufei. Sobrang bilis na nakapasok sa bagong estado si Zhao Yufei at para bang magkakamali na rin ang kaniyang cultivation technique.

Ginawa ng Demonic Eye Erosion na para bang may maraming demonyo ang pumapasok sa loob ng katawan at isipan niya para kontrolin siya.

"Umabot na sa bagong lebel ang kabihasaan sa Dao of the Soul ng Zhao Feng na ito!?"

Hindi mapigilan ni Duanmu Qing at ng Purple Saint Partial Spirit na bumuntong-hininga.

Hindi nila pinigilan si Zhao Feng. Nakalagay sa isang antas ang Demonic Eye Erosion na para bang ilalagay nito sa isang pagsusubok si Zhao Yufei.

Makalipas ang isang oras, nagawa ni Zhao Yufei na tanggalin ang heart demon sa katawan niya, pero basang-basa na siya ng pawis.

Muntik na niyang gamitin ang lahat ng enerhiya niya para gawin ang bagay na iyon, at sobrang putla na rin niya.

"Natapos na ang tatlong moves. Ito na ang pagtatapos ng laban natin."

Sabi ni Zhao Feng habang nakangiti.

Ang laban sa soul-dimension ay masyadong mapeligro, hindi ito bagay sa normal na labanan. Kaya lamang, kung normal na labanan ito, agad niyang wawasakin si Zhao Yufei.

"Ang eye-bloodline ni Zhao Feng ay may posibilidad na maging pang-siyam na God's Eye."

Bumuntong-hininga si Zhao Yufei.

Hindi naman sa sikreto na posibleng may pang siyam na God's Eye si Zhao Feng. Hindi ito masyadong pinaniwalaan ni Duanmu Qing, pero matapos makita ang katakot-takot na battle-power ni Zhao Feng ay medyo pinaniniwalaan niya ito.

Kung ang eye-bloodline nga talaga ni Zhao Feng ay ang ninth God's Eye, ang talento niya ay maikukumpara sa isa sa mga top ten ng Ten Thousand Ancient Races.

Mula sa laban na ito ay makikita ang Spiritual Race bloodline weakness ni Zhao Yufei.

"Kinokonsiderang perpekto ang Spiritual Race. Kung may kahinaan ito ay malamang ay ang soul nga iyon. Kaya lamang ay hindi sapat ang lakas niya, pero mas malakas pa rin ito sa mga normal na henyo."

Napabuntong hininga ang Purple Saint Partial Spirit. Sa totoo lang ay hindi ganoon kasama ang soul-strength ni Zhao Feng, pero mas mabagal lamang ito kumpara sa True Yuan talent at cultivation niya.

"Sobrang bihasa ng talento ni Zhao Feng sa soul. Kung magiging magkasintahan ang dalawa, hindi sila mapapantayan 'pag magkasama."

Sabi ni Duanmu Qing sa Purple Saint Partial Spirit.

May lamang ang bloodlines nila Zhao Feng at Zhao Yufei na akma sa isa't isa.

"Tama 'yon. Kung magiging magkasintahan ang dalawa ay siguradong walang makakatalo sa Duanmu Family."

Tumango ang Purple Saint Partial Spirit.

Hindi pa rin umalis sina Zhao Feng at mga kasama niya mula sa loob ng dimensyon ng Emperor.

"May sasabihin pa ako, kapatid na Zhao Feng."

May seryosong ekspresyon si Zhao Yufei, at tumango si Zhao Feng.

"Namana ko ang will ng master kong Purple Saint, at tatapusin ko iyon para sa kaniya – para muling buuin ang Duanmu Family."

Huminga nang malalim si Zhao Yufei.

Matapos marinig yoon ay nanginig ang dibdib ni Zhao Feng. Ang Duanmu Family… hindi ba yoon ang pamilyang pinagmulan nina Duanmu Qing at Purple Saint Partial Spirit?

"Aalis na ako kasama ang Senior Martial Brother Duanmu papunta sa continent zones."

Paliwanag ni Zhao Yufei.

Duanmu family? Continent zones?

Medyo nalito si Zhao Feng. Hindi niya naisip na ganito kabilis magbago ang lahat.

Mas mataas ang ranggo ng continent zones kaysa sa mga island zones. Isang halimbawa nito ay ang Azure Flower "Continent" kung saan dating nakatira si Zhao Feng na isang small island zone.

Matapos masira ang Ancient Era, bawat piraso ng alikabok ay bumuo ng mga lugar na tinatawag na island zone. Pero maliban sa mga alikabok ay may mga mas malalaking mga piraso na tinatawag na mga kontinente.

Ito ay mga totoong kontinente.

Kinailangang matutunan ni Zhao Feng ang mga alamat na ito noong unang pumasok siya sa Purple Saint Ruins.

Matagumpay na namana ni Zhao Yufei ang Purple Saint Ruins at nilinang niya ito para maging sarili niyang mundo. Isa itong kagulat-gulat na swerte, pero may kailangan pa rin siyang gawin tungkol dito.

Naintindihan ito ni Zhao Feng. Kailangang gumawa ng isang tao ng isang bagay para may makuha pabalik.

Kinailangang gawin ni Zhao Yufei ang nakatadhana sa kaniya.

Pero hindi pa rin mapigilan ni Zhao Feng kundi mag-isip. Gugustuhin rin ba siyang gumawa ng isang bagay ng may-ari ng God's Eye?

"Gusto kong gawin ito."

Malinaw at desidido ang mga mata ni Zhao Yufei.

"Makikilala lamang ang mga talento ni Yufei sa continent zones. Tutulungan namin siyang maging eksperto na maghahari sa Heaven and Earth."

May lumabas na battle-intent sa mga mata ni Duanmu Qing.

"Anong klseng lugar ang continent zone?"

Medyo naging interesado si Zhao Feng. Parehas na nanggaling sina Duanmu Qing at Duanmu Purple Night sa isang continent zone.

"May four-star superpowers doon. Ang Cang Ocean at ang Southern Descending Ocean, na sa teorya, ang teritoryo ng dynasty."

Ngumiti si Duanmu Qing.

Ano!?

Hindi makapaniwala si Zhao Feng sa narinig niya. Hindi ba ang ibig sabihin noon ay ang True Martial Sacred Land, ang Floating Dream Sacred Land, at ang Ten Thousand Forest Sacred Land, at ang iba pang mga island zones ay teritoryo ng dynasty? Para lang ba itong malaking kasinungalingan.

"Noong nasa tuktok pa ng kagalingan ang dynasty ay umaabot pa rito ang kapangyarihan nila, pero ngayon..."

Nagbuntong hininga si Duanmu Qing at hindi na tinuloy ang sasabihin.

Dynasty. Continent.

Umikot ang mga iniisip ni Zhao Feng, at bigla niyang naalala ang mga alamat tungkol sa mga dynasty.

Noong nakaraan, sa Azure Flower Continent, ay pinagbabawal ang mga dynasty. Ang tanging "dynasty" lamang noon ay nasira ng isang gabi.

Kaya may mga small countries, strong countries, at great countries – pero walang dynasties.

Matapos niyang pag-isipan ito, ngayon niya lang naisip kung bakit bawal ang mga dynasty.

Ang Azure Flower Continent, ang Tianlu Islands Zone, at pati na rin ang buong Cang Ocean ay nasa teritoryo ng isang dynasty.

Yoon pala, ang lakas ng isang dynasty ay hindi kasing lakas tulad dati, pero kahit pa sa ganoon, makikita pa rin kung gaano ito kalakas.

"Zhao Feng, nakikita namin ng tita ko ang pagkakaugnayan niyo ni Zhao Yufei."

Taimtim na nakatinging si Duanmu Qing kay Zhao Feng.

"Master, ang ibig sabihin mo ba…?"

May sariling mga hula si Zhao Feng.

"Gusto mo bang sumama sa amin sa continent zone?"