Kahit na hindi pa alam ni Zhao Yufei ang halaga ng Illusion God Wine, imposible ito para kay Emperor Duanmu.
Alam niya ang sitwasyon ng Demigod Forgotten Garden nang malinaw.
Ang hirap para makuha ang Illusion God Wine ay hindi lang "mahirap".
Ang rason kung bakit nagtatagumpay ang henyo libong taon na ang nakakalipas ay dahil sa swerte.
"Zhao Feng, niloko mo ba ang Mermaid Princess para makuha ang Illusion God Wine?"
Tinignan ni Duanmu Qing mabuti.
Ang state of existence ni Zhao Feng ay maikukumpara sa King, at nabuo niya ang half-step King intent.
"Mermaid Princess?"
Kumunot ang mga kilay ni Zhao Yufei at hindi siya nasiyahan.
"Hindi, dinukot ko siya…"
Simpleng pinaliwanag ni Zhao Feng.
Nagulat si Duanmu Qing at si Zhao Yufei nang marinig ang sinabi ni Zhao Feng patungkol sa proseso, at kinakabahan lagi si Zhao Yufei.
Hindi lamang naghahamon si Zhao Feng. Ginamit niya ang proseso para labanan ang Void God Realm King at makuha ang Immortal Springs Wine at Illusion God Wine.
Punong-puno ng papuri at paghanga si Duanmu Qing.
Kwinento ni Zhao Feng ang storya ng kalmado. Halatang hindi lamang katapangan ang meron siya; mayroon din siyang katalinuhan at kalmadong pagiisip.
"Zhao Feng, salamat sa pagbigay kay Yufei ng mahal na alak."
Nagpahayag ang Purple Saint Partial Spirit.
Ngayong sumanib siya sa Little Heaven and Earth ni Zhao Yufei, siya ay malakas na pinagkukunan ng mental energy, at sa tulong ni Duanmu Qing, nakamit niya ang antas na maikukumpara sa King.
"Senior, tulungan mo ako sa Purple Saint Ruins. Maikukumpara dito, balewala ang Illusion God Wine."
Pagpapakumbabang sinabi ni Zhao Feng.
Kung babalikan ang pagpasok niya ng dalawang beses sa Purple Saint Ruins, ang lakas niya ay mabilis na tumaas.
Kung wala ang Purple Saint Ruins wala si Zhao Feng ngayon.
"Oh yeah, master, ano ang sabi mong bloodline ni Zhao Yufei?"
Biglang tinanong ni Zhao Feng.
"Spiritual Race."
Sumagot ang Purple Saint Partial Spirit.
Spiritual Race!
Nagulat si Zhao Feng habang naging malamig ang kaniyang hininga.
Nabasa niya ang Ten Thousand Ancient Races Ranking, kaya alam niya gano nakakatakot ang Spiritual Race.
Ang Spiritual Race ay rank 19th sa Ten Thousand Ancient Races.
Mahirap isipin na ang bloodline ni Zhao Yufei ay nakasama sa top twenty ng Ten Thousand Ancient Races.
Spiritual Race – isa sa mga ancient legendary races na may Natural Spiritual Source Body noong ipinanganak. Ito ang katawan na nakalagpas sa dugo at laman, at kinain nito ang Heaven Earth Essence Yuan Qi bilang pagkain.
Ang pagkapareha ng Heaven and Earth ay ang pinakamagaling sa ibang lahi. Ang Spiritual Race ay may lakas na maikumkumpara sa King kapag ito'y tumagal. Ang bilis ng kanilang cultivation ay walang kapantay.
Naalala ni Zhao Feng ang nilalaman ng Spiritual Race.
Ang Spiritual Race halos perpekto na lahi.
Ang katawan ay nakalagpas na sa hangganan ng normal na nilalang.
Halimbawa nito, ang Light Race, na nagrank 7th sa Ten Thousand Ancient Races, na maaring maging ilaw, at ang kinakain nito ay isang ilaw.
Ang Spirital Race ay ang lahi ng Heaven Earth Essence Yuan Qi, at kaisa nila ang Heaven and Earth.
"Nagising ni Yufei ang true bloodline ng Spiritual Race, at hindi siya mahihirapan na maging isang King. Kung ang kaniyang mental energy level ay mataas, siya ay magiging hari na."
Napabuntong hininga si Duanmu Qing.
Bawat isa sa top-one-hundred Ten Thousand Ancient Races ay bata ng Heaven, at ang Illusion God Wine na dinala ni Zhao Feng ay kailangan ni Zhao Yufei.
Dapat malaman ng isa na ang True Yuan na nasa katawan ni Zhao Feng ay nakalagpas na sa ibang cultivation at naabot ang antas ng King.
Sinabi ni Zhao Feng sa dalawa ang nangyari sa Demigod Forgotten Garden.
Kahit na si Duanmu Qing ay nagulat sa balita sa dugo ng Demigod, ngunit inilihim ni Zhao Feng na nakuha na niya ito.
Hindi lamang ito sa halaga ng dugo ng Demigod, talagang ang Demigod revival plan ay sadyang nakakagulat.
Kinuha ni Zhao Feng ang kamay ni Zhao Yufei at mabilis na umalis na parang duwende. Puno nang pagkaantok ang mukha ni Zhao Feng, at naabot na ang kaniyang limitasyon.
Sa mga oras na iyon, tumalikod si Zhao Yufei at tinignang mabuti, "Brother Zhao Feng, ano ang meron sa iyong nobya? Nakita mo ba siya?"
"Nobya?"
Naguluhan si Zhao Feng.
Isang imahe ng elegente at tahimik na anyo ang lumitaw sa kaniyang isip.
"Brother Zhao Feng, kailangan mong sumagot nang maayos."
Sabi ni Zhao Yufei.
Siya ay lubos na kinakabahan sa mga oras na ito. Hindi siya papayag na ang taong gusto niya ay magkagusto sa ibang babae ng saay, kahit normal sa makapangyarihang lalaki na magkaroon ng maraming asawa.
Nalito si Zhao Yufei habang hinihintay ang sagot ni Zhao Feng.
Nakagawa na siya ng desisyon. Kung magkagusto si Zhao Feng sa ibang tao, aalis siya at pagtutuunan ang kaniyang kapalaran.
Kasabay nito, hindi lamang si Zhao Yufei ang naghihintay sa sagot ni Zhao Feng.
Nandoon rin ang Purple Saint Partial Spirit na sumama sa Little Heaven and Earth. Ang Purple Saint Partial Spirit ay may importansya paukol dito.
Gayunpaman, sa mga sandaling iyon, ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mata at nakatulog"Brother Zhao Feng, anong nangyari?!"
Sinabi ni Zhao Yufei at yinakap ng mahigpit si Zhao Feng.
Napagtanto niya na marami pang malabong kulay lilang buhok ang lumitaw sa ulo ni Zhao Feng.
"Baka ang kaniyang God Eye ay nageevolve."
Sabi ng Purple Saint Partial Spirit.
Habang nagpapatuloy sa pagbuhay ang God Eye, naging bagay ito kay Zhao Feng at nagagamit ang iba pang kapangyarihan nito. Kung gayon, magiging mahirap para sa iba makuha ang eye.
Tinapak ni Zhao Yufei ang kaniyang paa sa lupa. Naghihinala siya kung iniuunawa ni Zhao Feng ang tanong o hindi,dahil pinili niyang matulog sa mga oras na iyon.
Miao miao!
Lumitaw ang munting pusang magnanakaw at tumalon papunta sa balikat ni Zhao Feng.
Sa mga oras na nageevolve ang God Eye ni Zhao Feng, naroon ito para protektahan siya.
Masasabing ang munting pusang magnanakaw ay matagal ng nasa tabi ni Zhao Feng.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nagbigay babala kay Zhao Yufei gamit ang mga paa nito.
Agad ring naintindihan ni Zhao Yufei ang sinasabi ng pusa at dinala sa secret hall si Zhao Feng.
Miao!
Sinara ng munting pusang magnanakaw ang pinto at umupo sa katawan ng kaniyang amo.
Malamang, ang batang Demigod sa metal ring ay nangangailangan ng pagkukuhanan. Dahil wala ang master, ang munting pusang magnanakaw ang pumalit dito.
"Mukhang nakapasok si Zhao Feng sa ibang estado."
Naramdaman ng batang Demigod ang kasalukuyang kalagayan ni Zhao Feng na nasa Dark Heart Seal at lubos na masaya. Baka makakakuha siya ng mapagkukuhanan mula sa munting pusang magnanakaw.
Kung nakatulog nang matagal si Zhao Feng at nagawa niyang maabot ang Peak Sovereign Lord rank, baka siya'y naging hari pagkatapos sumanib sa Demigod intent at makatakas sa Dark Heart Seal.
Pagkatapos ng lahat, tulog si Zhao Feng wala siyang magagawa sa Dark Heart Seal.
Gayunpaman, ang plano ng batang Demigod ay hindi gumana. Ang kaniyang mapagkukuhanan ay limitado sa munting pusang magnanakaw.
Halatang gusto gumanti ng batang Demigod. Pano makakatapak ang pusa sa ulo ng Demigod?
Miao!
Pa!
Kung nais tumutol ng batang Demigod, ang paa ng pusa ay kaya siyang hiluhin.
"Hindi kapani-paniwala!"
Ang batang Demigod ay walang laban sa pusa at siya ay nabugbog.
"Ano… anong uri ng pusa ito?"
Lubos na napahiya ang batang Demigod. Meron siyang partial memories at abilidad ng Demigod, ngunit hindi niya makita ang pusa.
Ang abilidad ng pusa ay kasindak-sindak at kaya niyang makita ang nais nilang gawin. Halata sa Demigod ang memorya sa unknown methods, ngunit nawala iyon sa munting pusang magnanakaw.
Habang pinaglalaruan siya ng pusa, nagbibigay ito ng mapaglarong tingin, para bang wala siyang pake na siya ay Demigod.
"Hintayin mong gumaling ako. Papatayin kita."
Naalala ng batang Demigod ang mga sandaling ito, ngunit ang kaniyang dapat gawin ay lumaking malakas, ibig sabihin hindi niya kayang talunin ang pusa.
Mabagal ngunit patuloy, sinubukan niyang purihin ang pusa at minasa-masahe ito.
Yumuko ang munting pusang magnanakaw sa kaaliwan. Gaya nito, ang batang Demigod ay naging tagapagsilbi ng munting pusang magnanakaw.
Mabilis na tumakbo ang oras, dalawang buwan ang lumipas gaya nang pagpikit ng mata.
Nagtago ang batang Demigod sa ancient metal ring at hindi sinubukang lumabas.
Sa loob ng dalawang buwan, ang kaniyang cultivation ay naabot ang Sovereign Lord rank.
"Hmph, ang aking cultivation ay nahuli kay Zhao Feng."
Ang batang Demigod ay mayabang. Habang tumataas ang kaniyang cultivation, nagising niya ang ibang memorya.
Kung lakas ang paguusapan, naniniwala ang batang Demigod na siya ang top young generation na henyo ng sacred land, hindi kasama ang malalakas gaya ni Nan Gongsheng, Zhao Feng, at iba pa.
Ang tanging problema na nagpabigo sa batang Demigod ay ang kaniyang katawan ay kasing laki parin ng dalawa o tatlong taon at mabagal itong lumalaki.
Nabuhay siyang muli sa dugo, hindi binuhay.
Sa tulong ng dugo ng Demigod, dapat siya ay maging matanda ng mabilis.
"Bakit ganito ito?"
Halos mabaliw ang batang Demigod.
Miao miao!
Mapaglarong iwinagayway ng pusa ang kaniyang mga paa.
"Ano? Immortal Springs Wine? At ang Everlasting Appearance Grass!?"
Sumigaw ang batang Demigod sa ancient metal ring at halos mabaliw na.
Wala itong problema kung Immortal Springs Wine lamang iyon dahil nagpapahaba ito ng buhay.
Gayunpaman, lahat ay nagbago ng nadagdag ang Everlasting Appearance Grass.
Ang Everlasting Appearance Grass ay ang iminungkahing pangalan – napapanatili nito ang itsura at ang katawan ninuman magpakailanman.
Kung ang isang labing walong taong gulang ay kumain ng Everlasting Appearance Grass, pagkatapos, hangga't hindi tumatanda ang kaniyang katawan, magiging itsura niya parin ang isang labing walong taong gulang.
Ang epekto ng Everlasting Appearance Grass ay pinalakas ng maraming beses nang gamitin sa Immortal Springs Wine.
Ang Immortal Springs Wine at Everlasting Appearance Grass ay parehong legendary items.
Kayang dagdagan ng isang libong taon ang isang sinauna; ang ikalawa ay kayang panatilihin ang itsura.
Ito ang kombinasyon na pinapangarap ng kababaihan.
Gayunpaman, ang batang Demigod ay nakatagpo ng maling tao (pusa) ng maling oras at sabay na ginamit ang dalawang items.
"Ang Immortal Springs Wine at Everlasting Appearance Grass ay parehong heaven-defying items sa mundong panlabas. Mahirap alisin ang epekto nito bago ako maging Sacred Lord."
Kumislap ang mata ng batang Demigod habang gumagawa ng pagsusuri. Ang resulta ay nagpabaliw sa kaniyang muli . Kinamumuhian niya ang munting pusang magnanakaw hanggang sa buto nito.
Ang Everlasting Appearance Grass ay ang pinagkukuhaan na binigay sakaniya ng munting magnanakaw. Hindi alam ni Zhao Feng ang abilidad nito ng makuha niya ito sa Demigod Forgotten Garden.
"Hindi ko na ito kaya…!"
Sumigaw ang batang Demigod at tumalon sa ancient metal ring. Mayroon siyang abilidad na tumagos sa kalawakan.
Pa!
Isang paa ng pusa ang sumampal sa kaniya at nahilo siya, ngunit ang bloodline ng batang Demigod ay napakalakas, kaya harap-harapan niyang tinanggap ang atake bago sumugod patungo sa pusa.
Habang nagsisimulang magaway ang dalawa:
Hu~~
Ang natutulog na si Zhao Feng ay gumulong, at ang kaniyang malabong kulay lilang buhok ay gumalaw.