Natutulog lamang si Zhao Feng sa nakalipas na dalawang buwan.
Naging maputlang lila ang asul na buhok ni Zhao Feng at nagkaroon ito ng parang buktot. Sobra pa ito para kainggitan siya ng maraming babae.
Hu~~
Sabay na umihip ang buhok niya sa hangin at naglabas ito ng invisible Soul aura.
Hindi masusukat ang Soul aura na ito. Sabay na suminok ang batang demigod at ang munting pusang magnanakaw.
"Napakalakas na Soul aura!"
Nanginig ang dibdib ng batang Demigod at hindi siya mapakali.
Sobra siyang nagulat. Natutulog lamang si Zhao Feng at naglabas na agad siya ng katakot-takot na Soul aura.
Medyo mas malakas pa ang Soul aura niya sa normal Kings.
Miao!
Kinamot ng munting pusang magnanakaw ang baba nito at nagsimula itong mag-isip.
Hindi gumalaw kahit kaunti si Zhao Feng sa nakalipas na dalawang buwan, ang ibig sabihin lamang nito ay nasa malalim siya na pagtulog.
Ngayong biglang gumalaw si Zhao Feng, at hindi rin ito pagkakataon lamang. Malamang sa malamang ay natapos na ang ebolusyon ng kaniyang God's Spiritual Eyes, at unti-unti na rin siyang manunumbalik sa dati niyang lakas.
Tulad ng inaasahan, sa sunod na mga araw ay minsang kumikibot-kibot ang katawan ni Zhao Feng.
Unti-unti ring lumalakas ang kaniyang Soul aura.
Sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, nagsisimula na ring bumuti ang kaniyang malay, at ang asul na tubig sa lawa na iyon ay nagbabago na rin.
Sa simula, nagkaroon ng mga alon na kulay lila sa tubig, pero habang lumilipas ang oras ay nagkaroon na rin ng maputlang lilang ulap sa taas ng katawan ng tubig na ito.
Nararamdaman ni Zhao Feng ang lilang ulap na ito ay Soul power na nabuo mula sa tubig.
Nagsimula na ring mamuo ang lilang ulap.
"Ang ulap na ito ay parang ulap lang sa walang hanggang karagatan."
Bulong ni Zhao Feng.
Nagsimula na ring lumaki ito papunta sa gitna ng tubigan.
"100 yarda… 200 yarda… 300 yarda…"
Napanood ni Zhao Feng ang pagkalat ng ulap na ito.
Habang lumalaki ng ilang daang milya ang ulap na ito ay lumalakas rin ang soul-strength niya.
Naramdaman ni Zhao Feng ang paglawak ng ulap na ito.
Mahirap masabi kung gaano kahabang oras ang lumipas, pero ang lilang usok na ito ay mas lumaki pa sa 800 na yarda at umaabot na rin ito sa marka ng 900 na yarda.
Hindi nawala ang tubig sa katawan ng tubig na ito. Ang tubig at ang ulap dito ay kayang makipag-ugnayan at pati na rin makipagpalitan.
Nasa pinaka-gitna ng dagim ang lawang iyon, pero hindi pa rin natatapos ang ebolusyon ng kaliwa niyang mata.
Sa dimensyon ng kaliwa niyang mata, umabot na ng 900 na yarda at umaabot pa ito ng isang libong yarda.
Ang espasyo sa loob ng dagat ng ulap ay para bang hiwalay pang soul-dimension.
"Soul Sea."
May naramdamang pagtawag si Zhao Feng.
Ito ang kaniyang Soul Sea. Mas malakas pa ito kaysa sa karamihang eksperto.
Ang mga tauhang nasa lebel lamang ng King ang maaring makakamit nito.
Ang paligid ng Soul Sea ay ang purple mist. Sa ilalim nito ay ang asul na lawa, ang pinaka-gitna ng Soul Sea.
Di! Da!
Ilang malalakas na aura ang namuo sa asul na tubig.
Hu~
May mga asul na hangin na lumitaw sa ibabaw ng Soul Sea. Isa itong uri ng Soul eye-bloodline power.
"Ang power of Wind!"
Napagtanto ni Zhao Feng na ito ang elementong lumitaw nang naging asul ang kaniyang mata, at ngayon, lumitaw muli ang kapangyarihang ito sa Soul Sea.
Gumawa ng Wind ang Soul Sea.
Sunod agad noon ay nagkaroon ng mga guhit ng scarlet-purple lightning clouds.
"Hmm? Eye-bloodline power ng Lightning!?"
Nagpakita ng kakaibang ekspresyon si Zhao Feng.
Noon ay wala siyang lakas ng Lightning sa dimensyon ng kaliwa niyang mata. Nabuo ito sa Wind Lightning Dan Flame sa katawan niya, pero ngayon ay lumitaw na rin ito sa Soul Sea.
"Wind… Water… Lightning…"
Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang sarili niyang mag-isip.
May kaugnayan ang scarlet-purple lightning clouds sa Purple at sa Scarlet Destruction Wind Lightning na siyang na-cultivate niya.
"Maaari bang may kaugnayan ang eye-bloodline powers sa Soul Sea ko sa mga techniques na mayroon ako?"
Hula ni Zhao Feng.
Ang unang elementong nakuha niya sa God's Spiritual Eye ay ang elemeto ng Wind. Kaya lamang ay hindi pa ito masyadong lumitaw noon.
Naalala ni Zhao Feng na ang Lightly Floating Ferry technique na una niyang natutunan ay may kaugnayan sa Wind.
Siyempre, ang God's Spiritual Eye ay mahirap kontrolin kapag ito ay nasa ilalim ng ebolusyon.
Puno ng malabong malapanaginip na lila ang Soul Sea.
Ang asul na lawa na iyon ay nagre-represinta sa Water at Ice. Ang scarlet-purple lightning clouds naman ay nagpapakita ng Lightning, at ang asul na hangin naman ay Winds.
Sa Soul Sea, ang asul na hangin at ang scarlet-purple lightning clouds ay nakikipag-ugnayan sa isa't isa.
Ang asul na lawa na ito ay sobrang lalim, at may misteryosong puyo ng tubig sa gitna nito na naka-konekta sa Dream Realm.
Sa wakas ay natapos na ang ebolusyon ng God's Spiritual Eye.
Sa oras na iyon, kinailangan na lamang ni Zhao Feng na kumalma ang Soul Sea.
Unti-unti siyang nagising. Bahagyang nararamdaman na niya ang nangyayari sa panlabas na mundo.
Sa loob ng sikretong bulwagan, ang batang Demigod ay mas nagpakabait pa mula noong tumaas ang peligro sa nangyaring paglakas ng Dark Heart Seed.
Lumakas pa lalo ang kaluluwa ni Zhao Feng, at pati na rin ang kaniyang Soul eye-bloodline.
Sa ilalim ng normal na mga pangyayari, tanging ang mga nakalampas pa lamang ng Void God Realm ang magbabago. Pero tinalunan ng God's Spiritual Eye ang lahat ng prosesong ito.
Sa Emperor's Palace ay mabilis na lumalakas sina Zhao Feng at ang batang Demigod. Kahit pa ang munting pusang magnanakaw ay kumakain ng napadaming resources – mas marami pa sa kinokonsumo ng batang Demigod.
Kaya lamang, mahirap malaman kung gaano talaga kalakas ang munting pusang magnanakaw.
Sa kaparehas na oras na iyon ay tahimik na nag-cultivate si Zhao Yufei sa True Martial Sacred Land.
Mayroon siyang bloodline ng Spiritual Race, at mayroon din siyang lakas ng Purple Saint Partial Spirit sa kaniyang Little Heaven and Earth. Sa kabila pa noon ay tinuruan pa siya ni Emperor Duanmu.
Ininom niya rin ang Illusion God Wine noong nakaraang buwan at nakabuo na rin siya ng half-step King intent. Ito ang siyang higit na nakapagbaba ng kanyang kahinaan.
Para malinang pa si Zhao Yufei, sadyang pinaglaban siya ni Emperor Duanmu sa ibang mga henyo ng Sacred Land.
Sa loob ng Mystic True Sacred Clan, sina Chen Yilin, Jiang Fan, Kapatid na Nan, at may ilan pang Core disciples ang nakipaglaban kay Zhao Yufei.
Ang resulta nito ay ang tatlo sa limang nasa nangungunang lima ng Mystic True Sacred Clan ay natalo kay Zhao Yufei.
Bumuo na rin siya ng half-step King intent, at ang True Yuan niya ay maikukumpara sa King.
Kahit pa si Jiang Fan na may bloodline ng Ten Thousand Ancient Races ay nagtagal lamang ng dalawa o tatlong sandali laban kay Zhao Yufei.
Nasa isang daan ang rank ng bloodline ni Jiang Fan habang ang kay Zhao Yufei naman ay nasa nangungunang 20.
"Yufei, gamit ang lakas mo, ang mga taong nasa henerasyon mo na makakapantay sa'yo ay sina Nan Gongshang, Meng Xi, at si Zhao Feng lamang."
Sabi ni Emperor Duanmu at sabay na ngumiti.
Sa nakalipas na ilang araw,madali niya lamang natalo ang ilang disciples ng mga ka-henerasyon niya.
Ang tanging dalawang tao pa lamang na hindi niya pa nakakalaban ay sina Zhao Feng at si Nan Gongsheng na isa na ngayong King.
"Master, kukumpletuhin ko na ang iyong mga hangad at saka babalik sa continent zone at muling bubuin ang Duanmu Family."
Kinuyom ni Zhao Yufei ang kaniyang mga kamao na may mapagpasyang tingin.
Ang Purple Saint Partial Spirit sa loob ng kaniyang Little Heaven and Earth ay pumuri, "Bilang isang alamat na bloodline na umabot sa nangungunang 20 ng Ten Thousand Ancient Races, naniniwala akong ang True Martial Sacred Land ay magiging pansamantalang hadlang lamang sa'yo."
Sa pangalawang araw ay agad na hinamon ni Zhao Yufei si Nan Gongsheng, ang nangungunang henyo ng Sacred Land.