Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 670 - Lightning Wings Flying Technique

Chapter 670 - Lightning Wings Flying Technique

Ang pagsabog ay nagdulot upang manlamig ang mga puso ng mga henyo sa malapit.

Ang Hidden Book Room ay naging abo, at ang mga gintong apoy ay nagpatuloy sa pagliyab.

Walang nakakakita sa nag-iinit na bata o kay Zhao Feng. Walang kahit anong senyales ng katawan sa paligid.

Hindi mapigilang maawa at sumang-ayon ng mga henyo sa malapit. Parehas na makakapangyarihang itim na kabayo sina Zhao Feng at Wen Luoan.

"Parehas silang patay… Napakamalas…"

Tumingin si Nan Gongsheng sa gintong mga apoy na nagpaabo sa lahat ng bagay.

Kailangan niyang tanggapin na ang bloodlines ng Ten Thousand Ancient Races ay halimaw.

Nang magawang sumugod ni Wen Luoan sa lokasyon ni Zhao Feng at magpadala ng isang suicide attack kahit na labis na nabugbog ni Nan Gongsheng at ng Eye of Heaven.

Boom!

Ang dimensyon ng Demigod Forgotten Garden ay nagsimulang manginig, at nagsimulang kumislap ang mga liwanag.

Miao miao!

Ang beast King at ang munting pusang magnanakaw ay dali-daling lumipad papalapit. Si Meng Xi ay sumugod din.

"Parehas na silang patay?"

Si Meng Xi ay bahagyang tulala. Pagod na siya at sumuko na siya sa pakikipaglaban.

"Munting pusa, ngayon na patay na ang may-ari mo, bakit hindi ka maging spiritual pet ko?"

Ang mala-bituing mga mata ni Meng Xi ay tumingin sa munting pusang magnanakaw. Kahit na siya ay galit sa pusa, siya ay naudyok sa mga abilidad nito.

Miao!

Dinilaan ng munting pusang magnanakaw ang mga labi nito at tumingala sa alapaap. Sinundan ng lahat ng tao ang tingin nito at tumingala rin sila.

"Iyon ay…!!?"

Isang batang mayroong kulay asul na buhok na mayroong isang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat ang nakalutang sa alapaap. Siya ay napapalibutan ng isang kislap ng asul na enerhiya. Ang mukha ng batang mayroong kulay asul na buhok ay maputla at nanghihina.

"Zhao… Zhao Feng!"

Labis na nagbago ang mga ekspresyon nina Nan Gongsheng at Meng Xi.

Tama, ang batang mayroong kulay asul na buhok sa alapaap ay tiyak na si Zhao Feng.

Lightning Wings Flying Technique.

Pumagaspas ang mga pakpak sa likuran ni Zhao Feng.

Shua!

Tila ba nasira ang space, at sa sumunod na sandali, isang kislap ang lumitaw sa tabi ni Nan Gongsheng.

"Zhao Feng!"

Sigaw ni Nan Gongsheng nang tumingin siya sa batang may kulay asul na buhok sa gitna ng liwanag.

Bukod kay Nan Gongsheng, Meng Xi, at sa maliit na bilang ng iba pang mga henyo, walang nakakita kung paano gumalaw si Zhao Feng.

Isang kakaibang liwanag ang kumislap sa mga mata ng munting pusang magnanakaw.

Ang Lightning Wings Flying Technique ni Zhao Feng ay isang evolved na anyo ng Wings of Wing and Lightning. Ito ay isang profound secret technique. Subalit, hindi mahirap sabihin na ang parteng ito ng skill ay nakabase kay Nan Gongsheng at sa spatial techniques ng munting pusang magnanakaw.

Ang Lightning Wings Flying Technique ay halso nabuo na noong siya ay nasa Mermaid Divine Palace pa lamang. Matapos noon, nacomprehend na ni Zhao Feng ang King intent, at hindi kalaunan minanmanan na niya ang technique ni Nan Gongsheng, sunod ay nakumpleto na niya sa wakas ang Lightning Wings Flying Technique.

Naramdaman na ni Zhao Feng na ang nag-iinit na bata ay gagamit ng isang suicide-attack. Nakita ng kaniyang God's Spiritual Eye ang mga pagbabago sa dugo ni Wen Luoan at sa kaniyang True Yuan. Kaya naman, sa kritikal na pagkakataon, gumamit si Zhao Feng ng Lightning Wings Flying Technique at nagawa niyang makatakas.

Subalit, si Zhao Feng ay tinamaan pa rin ng shockwave ng pagsabog ni Wen Luoan.

Bo~~

Ang alon ng tubig sa paligid ni Zhao Feng ay gumulong nang gumaling ang kaniyang mga pinsala.

"Brother Nan Gongsheng, ito ang para sa tulong mo."

Naglabas si Zhao Feng ng sampung piraso ng Purple Scaled Grass at isang mermaid teardrop, sunod ay iniabot ito kay Nan Gongsheng.

Ang mga mata ng mga taong nakakita nito ay halos mahulog, at biglang naintindihan ni Meng Xi kung bakit tinulungan ni Nan Gongsheng si Zhao Feng upang mapatay si Wen Luoan.

Bago pa man matapos nina Meng Xi at Wen Luoan ang kanilang pagpaplano, sina Zhao Feng at si Nan Gongsheng ay umatake na at nahuli silang hindi nakadepensa.

"Napakalakas mo."

Kinuha ni Nan Gongsheng ang Purple Scaled Grass at ang mermaid tear bago mariing tinitigan si Zhao Feng. Nakikita niya na ang Lightning Wings Flying Technique ni Zhao Feng ay bahagyang nakabase sa kaniyang sariling spatial techniques.

Ang unang beses na binigyang-pansin niya si Zhao Feng ay noon sa Ten Thousand Treasures Tower nang kinuha ng eye-bloodline ni Zhao Feng ang Sky Locking Bow. Sa pagkakataong iyon, nagsimula na niyang tunay na bigyang-pansin ang kaniyang Junior Martial Brother.

"Masiyadong mabait si Senior Martial Brother Nan Gongsheng. Ikaw ang numero unong henyo ng Sacred Land."

Mapagkumbabang sinabi ni Zhao Feng.

Kung wala ang tulong ni Nan Gongsheng, malamang ay hindi niya kayang tapatan ang nag-iinit na bata.

Sa kabilang banda, ang mukha ni Meng Xi ay nahaluan ng pag-aalinlangan at pag-aalala.

Hindi inatake nina Zhao Feng at Nan Gongsheng si Meng Xi. Ang kaniyang master ay isang Mystic Light Realm Sacred Lord, kaya't walang nais na masiyado siyang alipustahin.

Miao miao!

Ibinato ng munting pusang magnanakaw ang kulay lilang sungay sa kamay ni Meng Xi. Ang Forgotten Garden ay magsasarado na, kaya't ang kulay lilang sungay ay wala ng halaga hanggang sa susunod na pagbukas sa paglipas ng limang daang taon.

"Hmph!"

Nasalo ni Meng Xi ang kulay lilang sungay at tumitig siya kay Zhao Feng, tila ba nais niyang kabisaduhin ang mukha ng bastardong ito. Si Zhao Feng ay nanatiling hindi gumagalaw.

"Wen Luoan," marahang winika ni Zhao Feng,"isang araw, magpapalitan tayo ng perspektibo. Sinong nakakaalam kung sino ang papatay at sino ang magiging biktima?"

Sa pagkarinig nito, nanginig ang puso ng maraming tao. Sa wakas ay napagtanto na nila, na kahit kumalma na ang gintong mga apoy, hindi pa ito tuluyang naglalaho.

Weng~~

Ang gintong mga apoy ay nagsimulang mabuo at maging isang bola ng apoy, nagpapakita ng imahe ng isang nasusunog na bata.

"Ano!!!?"

Sigaw ng mga henyong mula sa Sacred Land.

"Rebirth from flames?"

Tumingin si Meng Xi sa katawan ng nag-iinit na bata na nagsisimulang mabuo.

Ang mukha ni Wen Luoan ay kasingputi ng papel habang siya ay bahagyang nakaluhod sa sahig.

Napagtanto ni Zhao Feng na ang cultivation ni Wen Luoan ay bumagsak mula sa pagiging late-stage Great Origin Core Realm hanggang sa early-stage Great Origin Core Realm. Halos mahulog na ito hanggang sa Small Origin Core Realm.

Subalit, sa pagkakataong ito, hindi maatake ni Zhao Feng ang nag-iinit na bata. Halos lahat ng kaniyang eye-bloodline power ay nagamit na.

"Zhao Feng, kasisimula pa lamang ng ating laban. Kung hindi para kay Nan Gongsheng, malamang matagal ka nang namatay sa mga kamay ko."

Ang maputlang mukha ni Wen Luoan ay puno ng pag-aalinlangan.

Sa mismong pagkakataon na ito, ang espasyo ng Demigod Forgotten Garden ay nabalutan ng isang maraming kulay na liwanag.

Shua! Shua! Shua!

Ang mga anyo ng mga henyo ay nagsimulang lumabo at maglaho mula sa Forgotten Garden.

Naramdaman ni Zhao Feng at ng iba pa ang Magnificent Power mula sa Demigod intent.

"Sa kasamaang palad, ang intent ng Demigod ay sumanib sa Forgotten Garden, at susundan lamang nito ang mga patakarang nailaan noong nabubuhay pa ang Demigod."

Bulong ng Kun Yun Partial Thought.

Ang Demigod intent ay napakapatas gaya ng Heavenly Dao. Wala itong kahit anong kamalayan o kaisipan; sumusunod lamang ito sa mga patakaran.

Alam ni Zhao Feng, na kung kayang makuha ng Kun Yun Partial Thought ang Demigod intent, ang kaniyang lakas matapos mabuhay muli ay labis na tataas.

Shua!

Nagsimulang maging malinaw ang anyo ni Zhao Feng, subalit bago ito tuluyang maglaho mula sa Forgotten Garden, isang nakakagulat na Demigod intent ang rumagasa, at ang anyo ni Zhao Feng ay parang biglang nanigas sa ere.

"Hindi maganda!"

Labis na nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Alam niya na ang Demigod intent ay isang diyos sa Forgotten Garden at ito ang namumuno sa lahat ng bagay. Kung nais pumatay ng Demigod intent, kahit ang mga Void God Realm Kings ay hindi makakapalag.

Sa sandaling ito, nanginig ang Kun Yun Partial Thought at ang dugo ng Demigod sa Green Spiritual Gourd, subalit buti na lamang, pinatigil lamang sa loob ng kalahating paghinga ng Magnificent Power si Zhao Feng.

Makalipas ang isang paghinga:

Shua!

Ang malinaw na anyo ni Zhao Feng ay naglaho mula sa Forgotten Garden.

Sa True Martial Sacred Land, sa Ten Thousand Sacred Peak:

Shua! Shua! Shua!

Sunod-sunod na henyo ang lumitaw.

"Sa wakas ay nagbabalik na ako. Ang mga gantimpala mula sa Forgotten Garden ay hindi na masama."

Mayroong mga boses na maririnig sa lipon ng mga tao.

Shua!

Ang anyo ni Zhao Feng ay lumitaw din sa pagitan nilang lahat, subalit walang nakapagtanto na ang anyo ni Zhao Feng ay lumitaw na halos kasunod nila.

Mayroon pa ring nananatiling malamig na pawis sa kaniyang noo. Bahagya siyang natakot ng pagbaba ng Demigod intent.

"Junior Martial Brother Zhao, ikaw ang pinakamalaking itim na kabayo ngayong panahon." Sila Chen Yilin, Jiang Fan, at ang iba ay nagpapasalamat na tumingin sa kaniya.

"Malaki ang naitulong mo ngayon Junior Martial Brother Zhao."

"Tama, kung wala si Junior Martial Brother Zhao, hindi kami namin magagawang makapasok at sakupin ang Mermaid Kingdom."

Sila Chen Yilin, Jiang Fan, at ang iba pa ay labis na nagpapasalamat sa kaniya, at hinangaan pa nga nila siya.

Nakakuha ng malaking atensyon si Zhao Feng mula sa panig ng Mystic True Sacred Clan.

Sa ilalim ng paggabay ni Zhao Feng, si Chen Yilin at ang mga kasamahan niya ay nagawang makapasok sa Mermaid Kingdom at makakuha ng mermaid tears, Illusion God Wine, at ng iba pang kagamita, nagawa nilang muling buuhin ang tagumpay mula noong ilang libong taon pang nakalipas. Nagdulot ito upang tumindi ang inggit ng ibang tao.

"Junior Martial Brother Zhao, salamat para sa Purple Scaled Grass at sa mermaid tears."

Ngumiti si Nan Gonsheng at binanggit ito.

Kayang labis na pababain ng Purple Scaled Grass ang pagkakaiba sa pagitan ng kaniyang bloodline ability at kay Meng Xi at sa nag-iinit na bata. Dahil dito nagawa niyang magkaroon ng defensive bloodline, dahil kayang makapagpalinis ng kaniyang kaluluwa ang mermaid tears, malaki rin ang nagagamit nito dahil kabubuo pa lamang ni Nan Gongsheng sa King intent.

Tumango bilang pagtugon si Zhao Feng. Nahulaan na niya na hindi kalaunan si Nan Gongsheng ay magiging isang Void God Realm King.

Sa itaas ng Sacred Peak, si Zhao Feng ang naging sentro ng atensyon, at walang kahit anong pagkukulang sa mga babaeng nagbibigay ng motibo sa kaniya.

Bahagyang pumangit ang mga ekspresyon nina Brother Nan at Dong Wenjian. Sa umpisa, noong hindi pa sumasali sa grupo nila si Zhao Feng, kinukutsa siya nila Brother Nan at ng iba pa, subalit ngayon, hindi mapigilang magsisi ng mga tao sa grupo niya.

Naging berde sa pagsisisi ang mga ugat ni Dong Wnejian. Siya at si Zhao Feng ay mayroong iisang master, kaya't kung pinili niyang sundan si Zhao Feng sa mga oras na iyon, malamang ay makakakuha siya kahit ng maliit na gantimpalang nakuha mula sa Mermaid Kingdom.

Shua! Shua! Shua!

Sa itaas ng Sacred Peak, mayroong lumitaw na mga elders ng ibang dibisyon, kabilang na ang maraming Kings. Nag-aalala sila sa kaligtasan ng kanilang mga juniors at nagtataka rin sila tungkol sa mga gantimpala nila.

Sila Zhao Feng, Nan Gongsheng, Chen Yilin, at ang iba pa ay hindi lamang ang pinakamalalaking kampeon mula sa Mystic True Sacred Clan, sila ang pinakamalaking kampeon sa buong True Martial Sacred Land.

Nagulat ang mga Kings at Emperors sa pagpapakitang-gilas ni Zhao Feng.

Kung gantimpala ang pag-uusapan, kapantay ni Zhao Feng si Nan Gongsheng, maaaring mas mataas pa ng kaunti. Siyempre, walang nakakaalam na nakuha rin niya ang dugo ng Demigod.

Makalipas ang isang oras, sinundan ni Zhao Feng ang grupo mula sa Mystic True Sacred Clan at bumalik sa kanilang pangunahing Spiritual Peak.

"Master…"

Kakapasok pa lamang niya sa kaniyang silid, nang marinig niya ang boses ng Kun Yun Partial Thought. Ito ay puno ng kagalakan.

"Ano?"

Inilagay ni Zhao Feng ang kaniyang Divine Sense sa loob ng Green Spiritual Gourd sa sinaunang metal na singsing, at siya ay napatalon sa kaniyang nakita.

Mayroong isa pang source of mental energy power sa Green Spiritual Gourd bukod sa Kun Yun Partial Thought at sa dugo ng Demigod.

"Ang Demigod intent!"