Sa loob ng maikling panahon, ang mabilisang pagbabago ay nagdulot upang hindi makakibo ang nag-iinit na bata at si Meng Xi. Ang beast King, ang Eye of Heaven, at si Nan Gongsheng ay umatake halos sabay-sabay patungo kay Wen Luoan.
Nakaraang isang segundo pa lamang, si Wen Luoan at si Meng Xi ay naguusap-usap kung paano papatayin si Zhao Feng.
"Hmph!"
Ang Eye of Heaven sa alapaap ay nagpakita ng isang kislap ng pang-iinsulto. Paanong hindi alam ni Zhao Feng ang pagkamuhi mula sa nag-iinit na bata at kay Meng Xi?
Hindi pag-uugali ni Zhao Feng na dumepensa. Ang pinakamalaking kalamangan ng God's Spiritual Eye ay ang kontrol nito.
Ang Eye of Heaven ay ang nag-iingat kay Zhao Feng habang siya ay nananatili pa ring mas mataas ng isang level kaysa sa tatlong King prodigies.
Mas mainam na maunang umatake kaysa maghintay na maatake. Hindi mangmang si Zhao Feng para hayaang makaabot sa kaniya si Meng Xi at ang nag-iinit na bata.
Nakumbinsi na ni Zhao Feng si Nan Gongsheng na tulungan siya bago pa man sila umalis sa libingan.
Kahit parang marami ang nangyari, ang lahat ng ito ay mabilsang nagawa. Ang mga atake ni Nan Gongsheng at ng beast King ay sabay na tumatama.
Crack!
Ang Mystic Spatial Split mula kay Nan Gongsheng ay lumapag sa leeg ng nag-iinit na bata.
Isang bitak ang lumitaw sa gintong balat ng nag-iinit na bata at nagsimulang tumulo ang dugo.
Boom!
Subalit, ang beast King ay napigilan ni Meng xi, kaya't isang shockwave lamang ang tumama sa nag-iinit na bata.
Nagawang makaligtas ng nag-iinit na bata na mayroon lamang maliit na mga pinsala mula sa unang round ng mga atake. Subalit, hindi pa siya tuluyang nakakatakas sa panganib.
Si Nan Gongsheng pa lamang ay sapat na upang guluhin siya, hindi pa kasama ang dahilang ang Eye of Heaven na nasa alapaap ay nagpapadala ng isang King intent at pinipigilan ang kaniyang kaluluwa.
Ding!
Isang madilim na kislap ang humiwa sa mukha ng nag-init na bata at nag-iwan ito ng madugong hiwa.
Bilang isa sa mga top-one-hundred bloodlines, ang opensa at depensa ng Heaven Sun Battle Race ay perpekto na. Sa pamamagitan ng proteksyon ng Heaven Sun Battle Race, ang Shadow Kill Imperial Dagger at ang atake ni Nan Gongsheng ay hindi nagdulot ng kritikal na pinsala.
"Nightmare Dimension!"
Isang mala-panaginip na hamog ang bumalot kay Meng Xi at napalibutan ang lahat sa labanan.
Ang lahat ng nababalutan ng mala-panaginip na liwanag ay parang nakalubog sa karagatan at sila ay napipigilan ng mga alon sa malapit.
Ang mga atake ni Nan Gongsheng at ng beast King ay bumagal. Ang eksena sa loob ng Nightmare realm ay nakakaapekto sa reyalidad.
Para bang sinasabi na ang nakadepensang panig sa karagatan ang mayroong kalamangan.
"Gaya ng inaasahan sa isang Ten Thousand Ancient Races bloodline. Napakahirap na makapatay ng isa sa kanila kapag nagtutulungan ang dalawang iyon."
Hindi mapigilang bumuntong-hininga ni Zhao Feng nang tumingin sa baba ang kaniyang Eye of Heaven. Ang lahat ng kaniyang enerhiya ay kinunsumo sa pagpipigil kay Wen Luoan.
"Qiankun Sword!"
Sumigaw si Nan Gongsheng at iwinagayway ang inheritance sacred weapon, nagdulot upang yumanig ang Heaven at Earth. Kahit ang Nightmare Dimension ay apektado.
Ang Qiankun Sword ay naging isang masilaw na linya ng liwanag na tumama sa nag-iinit na bata.
Wam!
Nanginig ang katawan ni Wen Luoan, at tumulo ang dugo mula sa kaniyang bibig nang mas maging madilim ang gintong liwanag na nakapalibot sa kaniyang katawan.
"Magaling!"
Labis na nagagalak si Zhao Feng. Si Nan Gongsheng ay talagang karapat-dapat na maging ang pinakamalakas na prodigy sa Sacred Land.
Walang duda, ang battle-power ni Nan Gongsheng ang pinakamalakas sa lahat ng naririto.
Nagagawa lamang siyang pigilan nina Meng Xi at Wen Luoan.
"Blood Sun Battling Sun!"
Nagpakawala ng isang malalim na atungal si Wen Luoan nang magsimulang masunog ang kaniyang Heaven Sun Battle Bloodline.
Sa sumunod na iglap, ang mental energy intent ni Wen Luoan at ang kaniyang True Yuan ay tumaas sa isang panibagong level.
Weng~~
Isang kulay dugong araw ang lumitaw sa itaas ng ulo ni Wen Luoan at nagpakawala ng isang gintong liwanag dahil ang walang hanggang kapangyarihan ng Heaven at Earth ay napakasakamay na niya.
"Hindi maganda!"
Kahit ang spiritual eye-bloodline technique ni Zhao Feng ay nakaramdam ng matinding kaba.
Sa isang iglap, ang battle-power ni Wen Luoan ay dumoble.
Ang araw sa itaas ng kaniyang ulo ay nagpataas ng kaniyang battle-power sa level ng isang tunay na King.
Kahit ang mga totoong Kings ay matutula sa kanilang makikita.
Sa kabutihang palad, napalakas lamang ng bloodline ang kaniyang battle-power; wala itong masiyadong epekto sa kaniyang kaluluwa. Subalit, gayunpaman, ang Soul Restriction ni Zhao Feng ay nabalisa.
Boom!
Ang Qiankun Sowrd at ang kamao ni Wen Luoan ay nagsagupaan at nagdulot ng isang shockwave na sumabog hanggang kalahating milya.
"Diyos ko…!"
Ang mga puso ng kalapit na mga henyong nakakita nito ay nanginig.
Whoosh!
Umatras ng isa o dalawang yarda si Nan Gongsheng, at ang kaniyang mukha ay naging taimtim. Ang Nightmare Dimension ni Meng Xi ang pumipigil sa kaliksihan ng kaniyang mga atake.
"Zhao Feng, ang dalawang ito ay parehas na mayroong Ten Thousand Ancient Races bloodline. Labis na mahirap patayin si Wen Luoan."
Mensahe ni Nan Gongsheng.
Ang battle-power at depensa ni Wen Luoan ay nakaabot sa kalabisan.
"Ang kaniyang bloodline secret technique ay hindi masiyadong magtatagal. Basta'y pigilan mo siya."
Sambit ni Zhao Feng na hindi nawawala ang pagiging pagkakalmado.
"Bukas!"
Ang araw sa itaas ni Wen Luoan ay nagpakawala ng isang malaking bilang ng kapangyarihan na nagpataas ng kaniyang mental energy intent at lakas.
Ang dark purple chains of lightning na pumipigil sa kaniya ay naging labis na mahina.
"Maghanda na kayo para sa susunod kong kritikal na tira."
Sambit ng Eye of Heaven ni Zhao Feng.
Sa sumunod na sandali:
Crack!
Ang purple chains of lightning sa palibot ni Wen Luoan ay nagsimulang mabaklas. Siya ay puno ng kaligayahan at aatake na sana, subalit nang gumalaw siya, nagsimulang sumakit ang kaniyang ulo.
"Void Space Eye Slash!"
Isang matalim na blade na mayroong kumikinang na Purple Destruction Wind Lightning at sagitsit ng scarlet ay tumuhog sa ulo ni Wen Luoan.
Shu~~~
Ang hiwa ay dumeretso sa sentro ng kaniyang ulo, nagdulot upang kumalat ang dugo kung saan-saan.
"Ano!?"
Nawalan ng kulay ang mukha ni Meng Xi.
Wu~~
Nanigas ang katawan ni Wen Luoan nang magsimulang mabalutan ng gintong liwanag ang pinsala niya. Subalit, ang Void Space Eye Slash ngayon ay naglalaman ng intent ng Scarlet Destruction, na mayroong tuloy-tuloy na epekto ng pagkasunog.
"Mystic Spatial Slice!"
Panandaliang huminto si Nan Gongsheng bago nagpadala ng bagong silver streak sa ulo ni Wen Luoan.
Boom!
Mas marami pang dugo ang tumalsik mula sa ulo ni Wen Luoan nang lumubok pa lalo ang silver streak.
Ang lahat ng ito ay dulot ng katotohanan na ang Void Space Eye Slash ni Zhao Feng ay natuhog ito mula sa loob.
Perpekto ang kombinasyon ng mga atake, subalit hindi pa ito natatapos.
Whoosh!
Isang kulay itim na dagger ang tumusok sa likuran ng ulo ni Wen Luoan.
Ito ang Shadow Kill Imperial Dagger ng munting pusang magnanakaw.
Nangangahulugan ito na ang pinsala sa ulo ni Wen Luoan ay nagmula sa isang panig diretso sa kabila.
"Arghh~~~!"
Sumigaw ang nag-iinit na bata at nagsimulang manginig.
Si Meng Xi ay natulala dahil sa eksenang ito, at ang kaniyang mala-bituing mga mata ay puno ng takot.
Kung sakaniya tumama ang atakeng iyon, malamang ay mamamatay siya.
Bam!
Ang gintong liwanag sa alapaap ay nahati, nag-iiwan ng isang yardang lawak na bangin sa sahig.
Mahirap isipin kung gaano kalakas ang puwersa upang makagawa ng ganito kalaking lugar ng pinsala sa Demigod Forgotten Garden.
Si Nan Gongsheng at ang munting pusang magnanakaw ay tumingala at tinugis ang gintong guhit ng liwanag.
"Zhao Feng, hahatiin ko sa sampung libong piraso ang katawan mo!"
Kumulubot ang mukha ng nag-iinit na bata na mayroong paglalayong pumaslang nang sumugod siya sa lokasyon ni Zhao Feng.
Dahil sa intent ng Eye of Death, nararamdaman niya kung nasaan si Zhao Feng.
Shua!
Isang mata ang lumitaw sa mga ulap.
Sa pamamagitan ng Eye of Heaven, napagtanto ni Zhao Feng na ang pinsala sa ulo ng nag-iinit na bata ay hindi pa tuluyang gumagaling.
"Ang ganoong kalaking pinsala ay kaya nang makapatay ng sampung half-step Kings."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Ang mga mayroong top-one-hundred Ten Thousand Ancient Races Bloodline ay hindi basta-bastang masusukat.
"Ice Soul Shooting Line!"
Isang malamig na sinag ng liwanag ang bumaba mula sa mata at patungo sa katawan ng nag-iinit na bata.
Nanginig ang nag-iinit na bata. Bago pa siya makakibo:
"Divine Light of Destruction!"
Isang matingkad, matalim na berdeng silaw ng liwanag ang tumama sa araw sa taas ng ulo ng nag-iinit na bata.
Boom!
Naging magulo ang araw sa taas ng ulo ni Wen Luoan nang mawala ang kaunti nito at naging mas madilim ito.
Gamit ang Divine Light of Destuction, napahina ni Zhao Feng ang secret technique ni Wen Luoan.
Sa pagkakataong ito, ginamit ni Nan Gongsheng ang kaniyang spatial skills at kumislap siya sa ere, sunod ay hiniwa niya ang pinsala sa ulo ni Wen Luoan gamit ang kaniyang Qiankun Sword.
Si Meng Xi ay panandaliang napigilan ng munting pusang magnnakaw at ng beast King.
"Magaling, malamang ay napaghiwalay na sina Meng Xi at Wen Luoan."
Labis na nagagalak si Zhao Feng.
Suwerte siya na mayroon siyang isang kakamping kasinglakas ni Nan Gongsheng.
Sa himpapawid sa taas ng Demigod Forgotten Garden, ang labanan ay nagdulot upang matulala ang mga henyo sa baba.
Kahit gaano pa umiwas o tumakbo si Wen Luoan, hindi niya matatakasan ang Eye of Heaven o kaya'y si Nan Gongsheng.
Ang spatial talent ni Nan Gongsheng ay mayroong spatial movement techniques, kaya't madali niyang nasusundan ang nag-iinit na bata.
Ang Eye of Heaven ay tumingin sa ibaba mula sa alapaap at mayroon itong malawak na paningin.
Sa mga oras na ito, si Wen Luoan ay parang binugbog.
"Si Nan Gongsheng at ang higanteng mata na iyon ay magkakampihan."
"Bakit kamukha ng matang iyon ang mga nata ni Brother Zhao?"
Mas mayroong napansin ang mga henyo ng Mystic True Sacred Clan kaysa sa iba.
Bam! Bam! Bam!
Tumanggap ng maraming tira ang nag-iinit na bata, at siya ay puno ng pinsala, subalit sumugod pa rin siya sa direksyon ng Hiddne Book Room na mayrooong paglalayong pumaslang.
Makalipas ang apat na oras, ang nag-iinit na bata sa wakas ay nakarating na sa Hidden Book Room. Mayroon na lamang isang yardag sa pagitan nina Zhao Feng at ni Wen Luoan.
"Void Space Eye Slash!"
Isa na namang blade ang tumuhog sa utak ni Wen Luoan at tumagos ito sa pinsala.
Shu~~~
Muli n namang nasira ang gintong balat ni Wen Luoan. Dahil kumakalat ang dugo, ang gintong liwanag sa paligid ng kaniyang katawan.
"Zhao… Zhao Feng!"
Nanginig ang duguang katawan ni Wen Luoan patungo sa Hidden Book Room.
Nakikita ng lahat ng malapit na ang nag-iinit na bata ay nasa bingit na ng kamatayan.
Kumunot ang mga kilay ni Nan Gongsheng, at tumigil siya sa pag-atake. Siya y labis na natutuwa, kaya't ayaw niyang atakihin ang isang henyo ng iisang era na mamamatay na."
"Zhao Feng, kahit na mamatay ako, isasama kita sa pagbaba ko!"
Nagsimulang masunog ang True Yuan ni Wen Luoan, at isang gintong araw ang lumitaw sa kaniyang likuran.
Hindi maganda!
Labis na nagbago ang ekspresyon ni Nan Gongsheng.
Shua!
Dali-daling ginamit ni Nan Gonsheng ang kaniyang spatial skills upang umatras. Sa oras na umatras siya, nakakita siya ng isang gintong araw ay sumanib si Wen Luoan bago gumawa ng isang pagsabog na bumalot sa buong Hidden Book Room.
Boooom!
Ang Hidden Book Room ay nabalutan ng ginintuang apoy.
Kahit ang mga Kings ay magiging mga alikabok sa harap ng mukhang ito. Ang buong Hidden Book Room ay naging isang tuwid na lugar sa sahig.
Ito ang unang beses sa kasakysayan na may nasirang isang gusali sa Forgotten Garden.
Wah!
Si Nan Gongsheng ay natamaan ng isang shockwave at dumura siya ng maraming dugo bago lumapag sa sahig.
Mahirap isipin kung gaano kalaking puwersa si Zhao Feng, na nasa gitna ng pagsabog ay nawala."
Sa iisang iglap, ang space of the Demigod Forgotten Garden ay nagsimulang dumaloy..
Magsasara na ang Demigod Forgotten Garden."