Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 662 - Paglagpas sa Great Origin Core Realm

Chapter 662 - Paglagpas sa Great Origin Core Realm

Sa Hidden Book Room:

"Heaven Sun Battle Race, may ika-98 antas sa Ten Thousand Ancient Races. Isang maalamat na bloodline!"

Si Zhao Feng ay nagulat sa lakas ng nag-iinit na youth.

Nabasa niya ang Ten Thousand Ancient Races Ranking, kaya alam niya kung gaanong nakakasindak ang bawat isang nasa pinakamataas na isang daanng bloodline.

Sa puntong ito, karamihan sa kaniyang atensyon ay nakatuon sa Heart Healing Palace.

Ang nag-iinit na youth ay bumaba mula sa langit na tila isang golden war god na may battle-power na maikukumpara sa isang King.

Si Nan Gongsheng at Meng Xi ay nagtabla sa loob ng isang araw at parehong pagod na. Wala pa sila sa kanilang sukdulan. Dagdag pa rito, ang pagpigil ng dugo ng Demigod ay labis na mas mahina kaysa dati dahil sa salpukan ng dalawang henyo.

Sa kritikal na pagkaktaong ito, ang nag-iinit na youth ay nakisali na. Masasabing naghihintay lang siya ng pagkakataon.

Weng~

Ang dugo ng Demigod ay nayanig sa paghawak ng gintong palad. Naglabas ito ng ragasa ng kapangyarihan, ngunit hindi ito kasinglakas ng dati.

Si Wen Luoan ay hindi gumagalaw habang nagniningning nang ginto ang kaniyang balat at buhok.

Ang aura ng isang Ten Thousand Ancient Races bloodline ay gumulat sa mga henyo sa loob ng Heart Healing Palace.

"Lumapit ka!"

Ang kamay ni Wen Luoan ay tila isang pugon nang hawakan nito ang dugo ng Demigod at mabagal na gumalaw papunta sa kaniyang interspatial ring.

Gayunman, ang dugo ng Demigod ay mayroon pa ring sariling kamalayan, kaya lumaban ito.

Kung ang tulo na ito ng dugo ay madali lang makuha, dapat ay nagtagumpay na noon pa ang Spatial Movement ni Zhao Feng o ang spatial techinique ni Nan Gongsheng.

Gayunman, mas magaling ang ginawa ni Wen Luoan kaysa kay Nan Gongsheng at Meng Xi.

Nagawa niyang "mahawakan" ang dugo ng Demigod.

Ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para subukang dalhin anh dugo ng Demigod sa interspatial ring.

"Huwag mo nang tangkain pa!"

Paanong hinahayaan lang siya nila Nan Gongsheng at Meng Xi na gawin ang kaniyang gusto? Inilabas na nila ang kanilang mga atake.

Nang makita ito, kailangang pigilan ulit ni Wen Luoan ang atake ng beast King at ang paghiwa ni Nan Gongsheng.

Boom!

Ang kapangyarihan ng salpukan ay maikukumpara sa isang King nang isang napakalaking shockwave ang kumalat sa kalahating milya.

Wala nang ibang naroon sa paligid ng dalawampung yarda.

Ding!

Isang maliit na marka ang naiwan sa leeg ni Wen Luoan, at ngayon, may lumabas nang dugo mula rito.

Sii!

Ang nag-iinit na youth ay umangil nang isang gintong liwanag ang nanggaling sa kaniyang pisala at nag-umpisa itong maghilom. Ang bilis ng paghilom ng pinakamataas na isang daang bloodlines ay naka;agpasa sa iba.

"Atras!"

Ang nag-iinit na youth ay tinanggap ang atake mula kay Nan Gongsheng nang harapan, at lumipad sa hangin.

Kung makukuha niya ang dugo ng Demigod, mas mabuti ito kahit na may kabayaran pang kailangan.

"Bumali ka rito!"

Nang lumipad ang nag-iinit na youth sa loob ng pito o walong yarda, isang pilak na anyo ang lumitaw sa kasama ng isang pagkagulo sa lugar.

Qiankun Sword!

Ang pilak na anyo ay tila si Nan Gongsheng, at nagdahilan ito para bahagyang yumanig ang langit at lupa nang

"Tulad ng inaasahan sa pinakamagaling nag henyo ng Sacred Land. Sa talento ni Nan Gongsheng, hindi niya hahayaan si Wen Luoan na makaalis nang walang pinsala."

Si Zhao Feng ay pinagtuunan ito ng pansin sa pamamagitan ng munting pusang magnanakaw.

Walang nakapansin sa isang mahina at malabong eye of Heaven na lumitaw at mabilis na nawala.

Bam!

Ang gintong kamao ng nag-iinit na youth ay tumama sa Qiankun Sword at ang kaniyang anyo ay nayanig, na halos mapabayaan na ang dugo ng Demigod na makawala.

Ang kapangyarihan ng Qiankun Sword ay labis na nakakasindak, kahit pa kaunti lang ng lakas na ito ang kayang gamitin ni Nan Gongsheng.

Boom!

Bago pa makatayo nang maayos ang nag-iinit na youth, isang mahabang buhok ang bumalot sa isang malabong liwanag ang pumalibot sa kaniyang kabilang kamay, na may hawak sa dugo ng Demigod.

Whoosh!

Ang dugo ng Demigod ay nakawala sa hawak ng nag-iinit na youth.

Weng~~

Matapos makawala ang dugo ng Demigod, lumutang ito sa hangin at nagsimulang humuni.

Bago pa mapansin ng mga henyo:

Whoosh!

Ang dugo ng Demigod ay lumipad sa hangin, na tila hindi na pumayag na mapahirapan pa ng tatlo.

"Sundan ito!"

Si Nan Gongsheng ang pinakamabilis na kumilos nang naging isang pilak na liwanag at hinabol ang dugo ng Demigod.

Ang nag-iinit na youth ay sumunod, ngunit hindi siya sumuko. Kanina lang, isang hakbang na lang ang kaniyang layo mula sa pagkuha ng dugo ng Demigod.

Kailangan niyang amining minaliit niya ang lakas ni Nan Gongsheng. Ang battle-power ni Nan Gongsheng ay maikukumpara rin sa isang King, at ang talento ng kaniyang Spatial Spiritual Body hindi masukat.

Dagdag pa rito, si Meng Xi ay mayroong isang beast King, at maikukumpara rin siya mismo sa isang beast King.

"Tatlong prodigy na nasa lebel ng isang King..."

Ang mga henyo sa Heart Healing Palace ay walang magawa kung hindi tignan ang tatlong anyo sa itaas, ang ilan ay sumunod sa kanila.

Miao!

Ang anyo ng munting pusang magnanakaw ay lumitaw at sumunod sa tatlong prodigy.

"Tama iyan, sundan mo si Meng Xi."

Pagpuri ni Zhao Feng.

Si Meng Xi ay umupo sa likuran ng beast King, at ang katangi-tangi nitong aura ay nagpahintulot sa lahat na madali itong maramdaman. Karamihan sa ibang iniisip ang dugo ng Demigod ay sumunod sa kaniya.

Shua!

Pagkatapos ay ibinalik na ni Zhao Feng sa Hidden Book Room ang kaniyang atensyon.

Ngayong lumipad na palayo ang dugo ng Demigod, ang salpukan sa pagitan ng tatlong King prodigy ay mas magiging magulo.

Hinulaan ni Zhao Feng na ang labanan para sa dugo ng Demigod ay hindi pa matatapos. Kapag may isang nakakuha ng dugo ng Demigod, ang dalawa ay magkakampi at kakalabanin ang nakakuha.

Sa loob ng Hidden Book Room, sabay na kumilos si Zhao Feng; nagcultivate siya habang nagbabasa ng mga aklat.

Ang Hidden Book Room ay may isang patakarang hanggang 50 aklat lang ang maaaring basahin sa isang araw.

Madaling tinapos ni Zhao Feng ang 50 aklat. Nang sinubukan niyang kumuha ng isa pa, may malakas na pagpigil dito.

Ang ibig sabihin nito ay mas makakagamit si Zhao Feng ng mas maraming lakas para magcultivate at kontroli ang dalawang taong tutubi.

Ang battle-power ng dalawang taong tutubi ay halos maikukumpara na sa isang half-step King, at kayang umatras sa karamihan ng mga panganib.

Ang dalawang taong tutubi ay bumabalik tuwing dalawang araw para mag-abot ng mga resources at mga kayamanan na kanilang nakalap.

"Ang mga kayamanan sa Hundred Flower Garden ay mas masagana kaysa sa Purple Smoke Lake."

Inayos ni Zhao Feng ang mga gantimpala ng digmaan mula sa dalawang taong tutubi.

Ang mga taong tutubi ay isang kakaibang sanga ng uri ng sangkatuhan, na tila katulad ng mga sirena.

Kahit si Zhao Feng mismo ay walang ginawa, ang mga kayamanang nakalap ng dalawang taong tutubi ay masagana.

"Scarlet Fire Lotus... Sky Limit Ginseng...magaling!"

Si Zhao Feng ay labis na masaya nang tignan ang dalawang kayamanan.

Ang halaga ng dalawang halamang ito ay hindi bumababa sa Purple Scaled Grass.

Ang Scarlet Fire Lotus ay naglalaman ng isang purong apoy na kayang mapataas ang pang-unawa at cultivation ng Scarlet Fire.

Ang Scarlet Destruciton Purple Lightning ni Zhao Feng ay saktong kailangan ang Scarlet Fire power na ito.

Kung ang kapangyarihan ng Scarlet Fire ay naisama sa kaniyang Scarlet Destruction Wind Lightning, ang power of Destruction ay mas lalakas pa, at ang nagliliyab na epekto ay mas tatagal pa.

Sa kabilang banda, ang Sky Limit Ginseng ay isang kayamanang kayang magpataas ng True Yuan. Ito ay labis na angkop para sa mga mas mababa sa Void God Realm.

Gamit ang Sky Limit Ginseng, makakalagpas na ako sa Great Origin Core Realm, at ang Scarlet Fire Lotus ay kayang mapataas ang aking pang-unawa sa Scarlet Destruction Wind Lightning.

Inisip ni Zhao Feng.

Dahil nakakatulong ang Sky Limit Ginseng sa pagtaas ng cultivation kaagad, kailangan itong gamitin nang may pag-iingat. Gayunman, inisip ito ni Zhao Feng, dahil nakabuo na siya ng isang Crystal Core, naunawaan ang King intent, at ang kaniyang kalagayan ng pag-iral ay halos katapat ng isang King, ang Great Origin Core Realm ay wala nang maidudulot na problema sa kaniya.

Nang maisip ito, kinain niya ang Sky Limit Ginsing.

Ang enerhiya sa loob ng Sky Limit Ginseng at labis na malakas. Ang mga normal na Origin Core Realm ay kailangan pang gumawa ng spiritual pills o hatiin muna ito. Gayunman, kinain ito lahat ni Zhao Feng nang walang alinlangan.

Isang nangingibabaw na pinanggagalingan ng enerhiya ang rumagasa sa katawan ni Zhao Feng.

Ang mga normal na Sovereign ay maaaring sumabog, ngunti si Zhao Feng ay nakaramdam ng init.

Ipinalaganap niya ang kaniyang half-step King intent at madaling nakontrol ang enerhiya, at isinama ito sa kaniyang Crystal Core.

Makalipas ang kalahating araw, ang enerhiya ng Sky Limit Ginseng ay madaling napatatag ni Zhao Feng.

Ito ay isang bagong araw, kaya itinuloy niya ang sabay na paggawa sa pagababasa habang nagcucultivate.

Ang pagbabasa ay madali lang, at ang limampung aklat na limitasyon kada araw ay madaling natapos.

Sa kabilang banda, ang sitwasyon sa dugo ng Demigod ay nagbago.

Ang dugo ng Demigod ay tila nawala.

Ito ay napakaliit at napakabilis. Labis na mahirap hanapin ang isang tulo ng dugo sa Demigod Forgotten Garden.

Ang tatlong King prodigies at ng iba pang mga henyo ay siguradong hindi pa sumusuko. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mahanap ito.

Kahit na ang dugo ng Demigod ay nawala, ang tatlong King prodigies ay kayang tantyahin ang tinatayang lokasyon nito.

Ang mga henyong pumasok sa Demigod Forgotten Garden ay may hindi mabilang na bloodline inheritance at secret technique, at nahanap na nila ang dugo ng Demigod.

Whoosh!

Ang dugo ng Demigod lumitaw sa isang dahon.

"Sundan ito!"

Matapos malaman ang ulat, ang tatlong King prodigies ay sinundan ito.

Sa oras na ito, ang dugo ng Demigod ay matagal na lumipad bago pumasok sa isang malamig na sementeryo.

Ang sementeryong ito ay nasa sulok ng Demigod Forgotten Garden, at napakatahimik dito. Walang may buhay rito, tanging mga lapida at puntod.

"Ang Messy Graveyard!"

Ang ilan sa mga henyo ay sumigaw.

Si Zhao Feng ay itinuon din ang kaniyang pansin dito.

"Ang Messy Graveyard ay isang ipinagbabawal na lugar sa Demigod Forgotten Garden."

Maraming mga henyo ang nakakaalam kung anong mga lugaw ng ipinagbabawal sa Demigod Forgotten Garden.

Alam din ni Zhao Feng kung gaanong nakakasindak ang Messy Graveyard.

Kaunti lang ang nais na pasukin ito.

Una, ang Messy Graveyard ay labis na mapanganib, at maraming mga makapangyarihang ghost-corpses at spirits of hatred dito. Higit pa rito, ang ilan sa kanila ay mga King.

Ikalawa, ang Messy Graveyard ay literal na isang sementeryo. Wala namang makukuha rito.

Higit sa lahat, may mga sumpa pa ring nanantili sa sementeryo. Kung hindi maingat ang isang tao, ni hindi nila malalaman kung paano sila namatay.

Sa madaling salita, ang Messy Graveyard ay katulad ng Forbidden Ground of a Hundred Graves, isang libong beses lang na mas mapanganib.

Whoosh!

Ang dugo ng Demigod ay lumipad paputa sa Messy Graveyard.

Ang ilang sa mga henyo ay nag-alinlangan, ngunit ang tatlong King prodigies ay lumipad nang hindi man lang tumitigil.

Sa puntong ito, ito ang ikalimang araw ni Zhao Feng simula nang pumasok siya sa Hidden Book Room.

Sa nakaraang limang araw na ito, nabasa na ni Zhao Feng ang kalahati ng mga aklat, at ganap nang nahigop ang enerhiya ng Sky Limit Ginseng at ang mga natirang bahagi ng Immortal Springs Wine.

"Early-stage Great Origin Core Realm!"

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang half-step King intent pa kontrolin ang kaniyang True Yuan.

Ang Crystal Core ay naging mas kumapal ng isang bilog.

Tulad ng inaasahan, ang Great Origin Core Realm ay hindi nagpahirap kay Zhao Feng. Nakalagpas na siya nang makuha ang kailangang dami.

"Dahil nabuo ko na ang aking Crystal Core, ang paglagpas sa Great Origin Core Realm ay hindi naman malaki ang naidagdag sa aking lakas."

Bulong ni Zhao Feng.

Sa kabilang banda, mas inaasahan niya ang Scarlet Fire Lotus, na makakatulong sa kaniyang maunawaan ang Scarlet Destruction Wind Lightning.

Habang siya ay nagkucultivate, nagbabasa pa rin siya ng mga aklat.

"Hmm?"

Inilipat niya ang pabalat ng aklat sa kaniyang kamay ay ang kaniyang puso ay tila tumigil ang pagtibok, "Ang Eight Great God Eyes?"

Ang aklat na ito ay inilagay sa sulok ng silid at hindi nakakuha ng atensyon.