Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 659 - Pag-atras Muna sa Ngayon

Chapter 659 - Pag-atras Muna sa Ngayon

Ang halimaw na may sungay ay may lilang kaliskis, at napapalibutan ito ng lilang kidlat at apoy. Naglalabas ito ng isang Magnificent Power habang bumababa.

Gamit ang proteksyon ng Magnificent power ng isang King, si Meng Xi ay isang yarda lang ang layo mula sa dugo ng Demigod.

Sa paligid ng ilog, maraming mga henyo ang pinigilan ang kanilang hininga sa gulat.

Siya ay labis nang malapit, at may tulong pa ng isang King beast. Wala nang makakapigil sa kaniya ngayon.

"Ang dugo ba ng Demigod ay mapupunta sa mga kamay ni Meng Xi?"

Si Brother Nan at Lei Zhen ay nagtinginan, at tumingin kay Zhao Feng. Si Zhao Feng ay nakabuo na ng half-step King intent, pati na ang aura ng Magnificent Power. Maaari niyang pigilan si Meng Xi.

Para kay Mo Tianyu, nagmula rin siya sa Thousand Darkness Sacred Clan, kaya hindi niya lalabanan si Meng Xi.

"Kung ang dugo ng Demigod ay madali niyang makukuha, wala na akong masasabi."

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakatuon kay Meng Xi at sa dugo ng Demigod.

Alam niyang hindi siya katapat ni Meng Xi o ng beast King.

Hindi lang nagtataglay na malakas na kapangyarihan ang dugo ng Demigod, may sarili rin itong katalinuhan. Kung walang sariling kamalayan ang dugo ng Demigod, madali lang itong makukuha ni Zhao Feng gamit ang kaniyang Spatial Movement noon pa.

Habang nanonood ang mga henyo, mabagal na lumapit si Meng Xi sa dugo ng Demigod.

Bahagyang namula ang kaniyang magandang mukha, at bumilis ang kaniyang paghinga.

"Blood essence ng Demigod. Nagtataglay ito ng malaking kapangyariham..."

Ang mga kilay ni Meng Xi ay nagtama. Labis siyang nahirapan kahit namay tulong ng isang King. Ang puwersang pumipigil mula sa dugo ng Demigod ay mas malakas sa bawat hakbang.

Weng~

Ang dugo ng Demigod ay nagningning nang may gintong liwanag at nagpadala ng puwersa sa bawat direksyon.

Ang mga buhangin at bato ay tinangay sa buong Heart Healing Palace habang isang ipo-ipo ang nabuo.

Bam! Bam! Bam!

Ang mga henyo sa paligid ay napalipad.

Wah! Wah!

Ang mga mas malapit ay dumura ng dugo.

May lumabas na dugo mula s bibig ni Lei Xhen nang umatras siya ng ilang yarda. Si Brother Nan at Mo Tianyi ay parehong naitulak palayo ng ilang yarda.

Tulad ng aking inaasahan.

Ang katawan ni Zhao Feng ay bahagyang gumalaw.

Si Meng Xi ay dumura ng dugo kahit namay proteksyon na siya ng isang King, at labis na namula ang kaniyang mukha.

Ang bloodling ni Meng Xi ay mag kaugnayan sa Dao of the Soul, kaya ang kaniyang katawan ay hindi malakas. Kung ako iyon, malamang ay nagtagumpay na ako.

Zhao Feng thought.

Inisip ni Zhao Feng.

Pinatunayan ng realidad na kahit ang isang normal na King ay hindi madaling makakakuha ng dugo ng Demigod.

Ang ilan sa mga henyo ay nakahinga na nang maluwag, ngunit hindi sumuko si Meng Xi. SA lahat, siya ang may pinakamataas na posibilidad na makakuha ng dugo ng Demigod.

"Kunin!"

Sa tulong ng isang King, si Meng Xi ay gumamit ng humihigop na puwersa sa dugo ng Demigod.

Isang mahinang liwanag ang bumalot sa dugo ng Demigod.

Weng~~

Ang dugo ng Demigod ay mukhang may buhay nang gumalaw ito.

Hu~

Ang unicorn beast ay sumigaw nang lamunin ng lilang kidlat at apoy ang hangin.

Ang dalawa ay nagsama para kalabanin ang dugo ng Demigod.

Boom~~~~~~~~

Ang dugo ng Demigod ay nagpadala ng mga shockwave sa buong dimensyon. Ang mga henyo sa paligid ay inatake muli, at umatras sila sa malayo.

"Aatras muna ako sa ngayon."

Nilabanan ni Zhao Feng ang puwersa ng dugo ng Demigod habang mabagal na naglakad pabalik.

Kasabay nito, tumingin siya sa nag-iinit na youth sa bubong mula sa gilid ng kaniyang mata nang may pag-iingat. Gayunman, ang mga mata ni Wen Luoan ay nakatuon sas dugo ng Demigod, at mukhang hindi pinansin si Zhao Feng.

"Hahayaan ko muna ang babaeng pagurin ang parte ng kapangyarihan ng dugo ng Demigod."

Ang nag-iinit na youth ay tumayo nang nasa likuran ang kaniyang mga kamay, at ang mga shockwave na napunta sa kaniyang direksyon ay walang epekto sa kaniya.

Sa sandaling ito, karamihan sa mga henyo ay umatras palayo sa sampung yardang zone, at walang nangahas na lumaban kay Meng Xi para sa dugo ng Demigod.

Si Meng Xi ang naging bida malapit sa ilog.

"Bakit wala riot si Senior Martial Brother Nan Gongshen?"

Biglang naalala ni Zhao Feng ang isang bagay at tinanaon si Dong Wenjian.

Si Nan Gongsheng ay may unang antsa sa top ten genius ng Sacred Land. Kung nandito siya, maaari siyang makipagkompitensya kay Meng Xi.

"Si Brother Nan Gongsheng ay patuloy pa rin sa pagkuha ng Qiankun Sword. Nabalitaan na niya siguro ngayon."

Sabi ni Dong Wenjian.

Ang mga tao ay pumunta para sabihin kay Nan Gongsheng sa Ten Thousand Treasures Tower noon pa.

Sa kasalukuyan, tanging si Meng Xi ang nasa tabi ng ilog habang sinusubukan niyang makuha ang dugo ng Demigod. Ginawa niya ang lahat, ngunit ang nangyari lang ay kaunting pagbawasa sa distansya sa pagitan niya at ng dugo.

"Ang sitwasyon ay naging mas gugulo kung darating si Nan Gongsheng."

Hindi na makapaghintay so Meng Xi.

Mabagal na lumipas ang oras, at ang dugo ng Demigod ay lumalaban pa rin.

Ang mga tao ay may kinakabahang ekspresyon. Ang dugo ng Demigod ay mas lumalapit sa mga kamay ni Meng Xi.

Anong uri ng paraan ang ginagamit ni Meng Xi para kontrolin ang beast King?"

Mabagal na umatras si Zhao Feng, at ang kaniyang tingin ay napunta sa sungay na may lilang kaliskis sa isa pang kamay ni Meng Xi.

Ganoon pala.

Kaagad na naintindihan ni Zhao Feng. Kung walang panlabas na tulong, mahihirapan si Meng Xi na kontrolin ang isang beast King kahit na may bloodline siya ng Ten Thousand Ancient Races.

Gayunman, hindi naintindihan ni Zhao Feng kung paano nakontrol ng sungay na may lilang kaliskis ang isang King sa Demigod Forgotten Garden. Matapos mag-isip ng matagal, may isang posibilidad lang – ang sungay ay nanggaling sa Demigod Forbidden Garden sa umpisa pa lang, at pinadalisay ito sa kakaibang paraan para makontrol ang halimaw.

"Brother Zhao, hindi ka na makikipaglaban?"

Hindi naintindihan ni Brother Nan at Dong Wenjian kung bakit umaatras pa rin Zhao Feng palayo.

Sa mga henyo, si Zhao Feng lang ang nakabuo ng half-step King inyent, kaya siya ang may pinakamalaking pagkakataon makapigil kay Meng Xi.

"Isinusuko ko na ang dugo ng Demigod."

Sagot ni Zhao Feng nang umatras pa palayo.

Kahit na nakakuha ako ng dugo ng Demigod sa swerte, hindi ako makakaatras mula sa mga atake ni Meng Xi, beast King, nag-iinit na youth, at lahat ng mga ibang eksperto.

Inisip ni Zhao Feng.

Samakatuwid, ang kaniyang unang hakbang ay isuko ang kompetisyon para sa dugo ng Demigod.

Hindi niya ito pinepeke – totoong iniwan ni Zhao Feng ang Heart Healing Palace.

Miao miao!

Kinuha ni Zhao Feng ang munting pusong magnanakaw sa palabas ng singsing.

Ang munting pusang magnanakaw ay dumidighay, at kumilos na lasing nang tumingin kay Zhao Feng nang dismayado.

Ang hangin ng alak ay nagdahilan para magtama ang mga kilay ni Zhao Feng.

Eye of Ice Soul.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging ice-blue, at isang malamig na pakiramdam ang dumaan sa kaluluwa ng munting pusang magnanakaw.

Miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay suminok nang mahimasmasan ito.

"Munting pusang magnanakaw, manatili ka sa Heart Healing Palace."

Utos ni Zhao Feng.

Ang munting pusang magnanakaw ay tumingin sa direksyon ni Meng Xi at beast King at umiling. Isa itong maliksing uri ng spiritual pet, at ang katawan nito ay hindi malakas. Paano nito matatagalan ang puwersa mula sa dugo ng Demigod.

Isang dighay lang mula sa unicorn ay maaari nang makatanggal ng isang suson ng balat.

"Manatili ka rito at magmanman."

Halatang si Zhao Feng ay hindi dedepende sa munting pusang magnanakaw para kalabanin ang dugo ng Demigod. Siguradong hindi rin nito kayang makalapit sa ilang yarda ng dugo ng Demigod.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay tumango, at ang mga mata nito ay nagsimulang umikot nang senyasan si Zhao Feng.

"Hm? Mabuting naintindihan mo ako."

Bahagyang napatigil si Zhao Feng. Ang munting pusang magnanakaw at parang isang kakaibang lobo, kaya alam nito ang iniisip ni Zhao Feng.

Shua!

Ang katawan ng munting pusang magnanakaw ay nawala. Nagtago ito sa isang sulok ng Heart Healing Palace habang si Zhao Feng ay nakaupo sa nagliliyab na kabayo habang nasa likuran niya ang dalawang taong tutubi.

"Walang silbi ang pagpunta ko sa Heart Healing Palace kung may isang taong kasinglakas ni Meng Xi ang nandito. Tanging ang kalagayan ng Eye of Heaven ang magkakaroon ng kumpletong King intent.

Inisip ni Zhao Feng nang umalis sa Heart Healing Palace nang hindi man lang lumilingon.