Sa bodega ng Demigod sa ilalim ng lupa, si Chen Yilin, Jiang Fan, at mga kasama nito ay tumingin kay Zhao Feng nang may magulong pakiramdam.
Sa loob lang ng maiksing oras, nasakssihan nila si Zhao Feng na makabuo ng half-step King intent kahit na hindi pa siya nakaabot sa Great Origin Core Realm, at nagpakita na siya ng mga bakas ng pagbuo ng Magnificent Power of a King.
Dagdag pa rito, ang himala ng henyong ito mula sa nakalipas na isang libong taon ay naipapakita ni Zhao Feng.
Mula sa Purple Scaled Grass hanggang sa mga luha ng sirena, pagkatapos ay ang Immortal Springs Wine at ang Illusion God Wine, nakahawak si Zhao Feng sa bawat kayamanan ng Purple Smoke Lake.
Ang mahalaga, hindi siya umasa sa swerte.
Noon, ang henyo ay umasa sa swerte para makuha ang Illusion God Wine at ang Immortal Springs Wine. Gayunman, nagplano na si Zhao Feng sa lahat at kinontrol ito.
"Nagawa kong mpagtagumpayan ang Purple Smoke Lake."
Si Zhao Feng ay labis na natuwa.
Nabasa niya ang impormasyon ng Demigod Forgotten Garden noon, kayanalam niyang ang Purple Smoke Lake ang pinakaangkop para sa kaniya.
Masasabing ang higit sa 90% ang ng mga pinakamahalagang kayamanan ng lawa ay nakuha ni Zhao Feng.
Kung wala akong mga luha ng sirenang nagpapadalisay ng aking kaluluwa, hindi ko mauunawaan ang King intent nang mabilis.
Lihim na nagbuntong hininga si Zhao Feng. Maraming salik ang nakatulong sa kaniyang tagumpay: ang mga luha ng sirena, ang Illusion God Wine, ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, at ang God's Spiritual Eye.
Mula rito, makikitang ang pagkabuhay ng kahit na anong King ay umaasa sa kayamanan.
Sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang lawa ay lumaki at naging 96 na yarda, at papunta na sa ika100 marka.
"Hmm?"
Biglang napagtanto ni Zhao Feng na may malabong lila sa gitnan ng kaniyang kaliwang mata, at nagpagulat sa kaniya.
Sinabi sa kaniya ng kaniyang pakiramdam na hangga't lumaki ang lawa nang lagpas sa 100 yarda, ang God's Spiritual Eye ay magbabago ulit.
"Kapag nagbago na ang God's Spiritual Eye, maaari akong makatulog tulad ng dati."
Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagningning.
Ang ibig sabihin nito ay hindi mabuting palakasin niya ang kaniyang kaluluwa ngayon.
Ang Demigod Forgotten Garden ay puno ng panganib, at bukas lang ito ng kalahating buwan.
Ang pag-unawa sa King intent at pagpapanatili nito bilang karugtong ng Eye of Heaven ang nagpalakas sa kaniyang kaluluwa.
Habang iniisip ito, nagsimula na si Zhao Feng na palaganapin ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique.
Shua!
Ang Divine Sense ni Zhao Feng ay nahati sa 70 o 80 kaisipan. Nagsisimula na itong lumapit sa One Though papunta sa Hundred level.
Matapos umupo nang ilang sandali, biglang naalala ni Zhao Feng ang isang bagay. Isang sinaunang pana ang lumitaw sa kaniyang kamay.
Ang pana ay matingkad na pilak, at may misteryosong nakaukit na nagniningning sa malamig na metal na liwanag.
Pagkalitaw nito, isang nakakagulat na puwersa ang nanggaling dito na napuno nag hangin ng talim.
Nagulat ang mga Core disciple, at ang kanilang mga sandata ay nagsimulang manginig sa takot sa sandatang ito.
"Ang panang iyon...!"
Sila Chen Yilin ay hindi makatingin nang direkta sa pana, at nakaramdam sila na may malaking puwersa sa kanila.
Kahit si Zhao Feng ay naramdamang mabigat ang pana. Ang kaniyang half-step King intent ay bahagyang nayanig.
"Sky Locking Bow!" Hindi maiwasan ni Chen Yilin na simugaw. "Hindi ba iyan isa sa mga sacred weapon mula sa Ten Thousand Treasures Tower!?"
Sila Jiang Fan ay nagulat at walang masabi.
Ang Sky Locking Bow ay isang labis na kilalang inheritance sacred weapon kahit sa buong Cang Ocean.
Sa mundong ito, halos bawat inheritance sacred weapon ay pinadalisay ng Mystic Light Realm Sacred Lord.
"Ang mga normal na inheritance sacred weapon ay nasa peak Earth-Grade, at maaari pang umabot sa Heaven-Grade."
Umalingawngaw ang mga ragasa sa puso nila Chen Yilin. Si Zhao Feng ay palaging nanatili sa bodega ng alak ng Demigod. Paano niya nakuha ang Sky Locking Bow?
Shua!
Kaagad na itinago ni Zhao Feng ang Sky Locking Bow.
Ang kaniyang kasalukuyang laakas ay siguradong hindi sapat para magamit ang Sky Locking Bow. Isa pa, hindi pa niya ganap na nakuha ang pagpayag ng Sky Locking Bow, o napadalisay ito.
"Brother Chen, mukhang alam mo ang panang ito?"
Si Zhao Feng ay tumingin.
Si Chen Yilin ay bahagyang nagbuntong hininga at sinubukang kumalma, "Ang Sky Locking Bow ay isang divine bow na may kakayahang makalagpas sa lugar at manatili sa isang kaluluwa. Sinasabi ng mga alamat na kapag nanatili ang Sky Locking Bow, ang pagsama nito sa Heaven and Earth o pagtatago sa lugar ay walang magagawa."
Nang marinig ito, hindi maiwasang manlamig ni Zhao Feng.
"Kapag nanatili ang Sky Locking Bow, hindi na ito maiiwasan?"
Mukhang labis na nakakatuwa ito.
...ngunit isa sa mga kailangan ay dapat na mayroong malakas na Soul talent ang gagamit nito at mahusay sa laws of Space o may isang kakaibang eye-bloodline."
Pagpapatuloy ni Chen Yilin.
Nang marinig ito, si Zhao Feng ay nagsimulang mag-isip.
Ang Sky Locking Bow ay kailangang may dahilan para piliin siya.
Ang eye-bloodline ni Zhao Feng halos base sa Soul, at may kakayahan itong tulad ng Spatial Movement at Eye of Heaven. Talagang angkop ito para sa Sky Locking Bow.
Syempre, magiging mahirap para kay Zhao Feng na kontrolin ang kaniyang inheritance sacred weapon kaagad. Kailangan niyang suriin pa ito matapos lumabas sa Demigod Forbidden Garden.
Sa kalahati ng oras na ginugugol para makagawa ng tsaa, ang soul power ni Zhao Feng ay mabagal na nanunumbalik.
Matapos maunawaan ang King intent, ang kaniyang soul power at bilis ng paghilom ay labis na mas mabilis.
"Lahat, aalis na ako sa Purple Smoke Lake ngayon."
Tumayo si Zhao Feng ay sinabi ito.
Ginamit niya ang Eye of Heaven kanina para makita ang buong Demigod Forgotten Garden, at marami na siyang naunawaan.
Ang sunod na pakay ay ang Heart Healing Palace.
Inisip ni Zhao Feng.
Ang dugo ng isang Demigod ay lumitaw sa Heart Healing Palace.
Kailangang malaman na ang nagmamay-ari ng Demigod Forgotten Garden ay bahagyang nakahakbang sa dominyo ng mga Diyos. Ang isang tulo ng dugo ng isang Demigod ay may hindi masukat na divine power, at mas magaling ito kaysa sa kahit anong resource. Kahit ang mga King at Emperor ay gugustuhin ito.
"Brother Zhao, bakit ka nagmamadaling umalis?'
Ang ekspresyon ni Chen Yilin at Jiang Fan ay nagbago.
Ayaw nilang iwan ang bodega ng Demigod sa ilalim ng lupa. Ang Illusion of God Wine ay labis na nakakaakit, at hindi nila maiwan si Zhao Feng.
Kinokontrol ni Zhao Feng ang Mermaid Princess. Kapag umalis siya, hindi rin kami magtatagal.
Ang kanilang mga puso ay malinaw.
"Brother Zhao, naunawaan mo na ang batayan ng King intent at nakagawa ng half-step King intent. Posible bang matulungan mo kaming makakuha ng ilang Illusion God Wine?"
Tanong ni Chen Yilin.
Ang mga kilay ni Zhao Feng ay nagtama nang magsimula siyang mag-isip.
Ang tasang may Illusion God Wine sa aparador ay nawala, ngunit minsan ay may kaunting Illusion God Wind na dadaloy sa iba.
Sa wakas ay nagsalita na si Zhao Feng at tumingin sila Chen Yilin sa kaniya nang may kaba, "Makaktulong ako, ngunit kailangan niyo ring tulungan ako."
"Brother Zhao, ano ito?"
Sumigla sila Chen Yilin. Natakot kasi silang baka hindi pumayag si Zhao Feng.
"Kailangan niyo akong tulungang makalaban ang isang malakas na kalaban nang magkasama pagkaalis ng Mermaid Divine Palace."
Sabi ni Zhao Feng.
Malakas na kalaban?
Si Chen Yilin at Jiang Fan ay nagtinginan nang may gulat. Sino itong tinawag na malakas na kalaban ng isang na nakaunawa na sa King intent na si Zhao Feng?
Ito kaya ang Mermaid King?
"Hindi ito ang Mermaid King."
Kaagad na sinabi ni Zhao Feng.
Shua!
Sa isang pag-iisip lang, napalitaw ni Zhao Feng ang isang malabong anyo ng isang youth.
"Siya iyon."
Sila Chen Yilin ay may bahagyang impresyon ni Wen Luoan. Nakaabot na siya sa Great Origin Core Realm, at may hinuha na ang mga taong ang kaniyang lakas ay nasa lebel ng mga top genius bago magbukas ang Demigod Forgotten Garden.
"Nanggaling kami sa iisang clan; ang paglaban sa isang malakas na kalaban ay ang aming katungkulan."
"Tama, gagawin namin ang lahat."
Tumango ang lahat.
"Mabuti."
Bahagyang ngumiti si Zhao Feng. Kung sila Chen Yilin ay payag na tumulong, ang pagbigay sa kanila ng kaunting Illusion God Wine na magpapataas sa kanilang lakas ay makatuwiran.
Sa tulong ni Zhao Feng, ang grupo ay nakakuha ng tatlo pang tasa ng Illusion God Wine. Nag-iwan si Zhao Feng ng isang tasa para sa kaniyang sarili at ibinigay ang dalawa sa iba.
Ang bodega ng Demigod ay kayang makagawa ngpartikular na dami ng Illusion God Wine bawat araw, at kapag naabot na ang limitasyon, kailangang maghintay ulit ng isang araw.
"Salamat, Brother Zhao."
Si Chen Yilin at Jiang Fan ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat, at sila ay labis na natuwa.
Ang dalawa ay nagbuntong hinigna nang maisip ang nakaraan. Kung aalalahanin noong una nilang nakilala si Zhao Feng, akala nila ay hindi sila makakapag-ugnayan sa hinaharap, at ngayon ay tinutulungan na sila ni Zhao Feng na makakuha ng Illusion God Wine.
Sa isang partikular na paraan, maaaring mabago ng Illusion God Winr ang kanilang hinaharap sa loob ng isang daang taon.
Si Chen Yilin at Jiang Fan ay nagsalo sa isang tasa habang ang iba ay nagsalo sa isa pa.
Ang isang tasa ay aabot sa tatlo o apat na paghigop.
Si Zhao Feng ay nanood habang iniinom nila ang Illusion God Wine. Gusto niyang makita kung gaani eepekto ang Illusion God Wine sa kanila.
Hinulaan ni Zhao Feng na, dahil ang kaluluwa ni Chen Yilin at intent ay mas malakas, ang kaniyang pagkakataong maunawaan ang King intent ay mataas. Si Chen Yilin din ang may pinakamataas na cultivation.
Tulad ng inaasahan, ang isang King intent ay rumagasa kaagad kay Chen Yilin.
Syempre, ang epekto ng Illusion God Wine ay mas mahina kaysa sa paggamit ni Zhao Feng. Si Chen Yilin ay nakainom ng dalawang higop para maunawaan ang King intent.
Ang isang half-step King intent ay nagsimulang maipon sa katawan ni Chen Yilin, ngunit hinfi ito kasinglakas ng kalahati ng kay Zhao Feng.
"Binabati kita, Brother Chen."
Si Zhao Feng ay nagulat nang siya ay bumati.
"Halos hindi ko mahawakan ang King intent sa loob ng isang taon. Hindi ko inaasahang makagawa ng isang half-step King intent ngayon."
Ang mukha ni Chen Yilin ay napuno ng tuwa at pasasalamat.
Kung wala siyang Illusion God Wine, magtatagal pa siya ng sampung taon para makagawa ng half-step King intent. Gayunman, matapos gamitin ang mga luha ng sirena at Illusion God Wine sa kaniyang pundasyon, maswerte siyang nakaipon ng half-step King intent.
Bukod kay Chen Yilin, lahat ng natirang mga Core disciple ay malapit nang makaunawa ng King intent, ngunit hindi pa nila magawa.
Sa kanilang lahat, ang mental energy level ni Jiang Fan ay umabot na sa Great Origin Core Realm, ngunit malayo pa rin siya sa half-step King intent.
Ang kanilang mga katangian ay tumaas, at tumango si Zhao Feng. Ang lakas ng grupong ito ay tumaas.
Ang lakas ni Jiang Fan ay siguradong sapat na para makasama siya sa listahan ng mga top genius, at ang antas ni Chen Yilin sa top ten ay siguradong aangat nang bahagya.
"Brother Zhao, susundan namin kayo."
Seryosong sinabi ni Chen Yilin.