Sumugod si Tu Jiuseng kay Zhao Feng kahit sugatan ang katawan nito.
"Kapatid na Zhao, mag-ingat ka!"
Nagpawis nang malamig sina Chen Yilin.
Sa kanyang Demonic Sky Body State, ang battle-power ni Tu Jiuseng ay hindi mapapantayan ng kahit sinong nasa ilalim ng Void God Realm, at ito ang katotohanan kahit napahina na siya ng halos 30% ng Divine Light Destruction.
Dapat lamang aminin na bawat isa sa top ten geniuses ng Sacred Land ay mga prodigies na kayang tumayo sa tuktok ng buong island zone.
Tumayo lamang nang pirmi si Zhao Feng at hindi siya nataranta. Sa halip, isang mahinang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
Kahit napakalakas na ng battle-power ni Tu Jiuseng, hindi naman mahirap para kay Zhao Feng na protektahan ang kanyang sarili. Kung gagamitin niya ang kayang Void Space Eye Slash, mataas ang tsansa niyang mapatay si Tu Jiuseng, pero hindi naman siya ang tunay na kalaban ni Zhao Feng. Kailangang niyang gamitin nang maingat ang kanyang battle-strength para sa mga peligrong susunod rito.
Mga matitingkad na guhit ng lilang Wind Lightning ang nagpakita sa palibot ni Zhao Feng.
Shua! Shua! Shua~~~~
Ang mga guhit ng Purple Wind Lightning ay nahati sa dalawa, kung kaya naging apat ito.
Sa isang kisapmata, higit sa isang dosenang imahe ni Zhao Feng ang nakakalat sa entrada, na siyang bumalot sa 20 na yarda.
Whoosh!
Ang atake ni Tu Jiuseng ay hindi tumama.
Kamangha-mangha, hindi lamang dahil sa kayang umatake ng mga imahe ni Zhao Feng, parehas na parehas ang kanilang mga aura. Mahirap malaman kung alin ang totoo sa peke.
Pagkatapos macultivate ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, ang Wind Lightning Hundred Changes ni Zhao Feng ay umabot na bagong antas, at bawat imahe ay napakaliksi at napakatuso.
"Divine Light Destruction!"
Isang ikalawang sinag ng liwanag ang naglakbay sa ilalim ng tubig at nagningning nang may matalas na lamig.
Boom!
Ang Demonic Sky Body ni Tu Jiuseng ay humina na naman ng 20-30% at naging hindi maayos na.
"Wings of Wind and Lightning!"
Isang pares ng lilang Wind Lightning Wings ang lumaki sa likod ni Zhao Feng at naging dahilan para lalong tumaas ang kanyang Wind Lightning intent. Tila ba isa siyang ancient demon na napaplibutan ng wind and lightning.
Boom!
Isang nakasisindak na aura of Destruction ang bumaba sa lupa sa loob ng 20 na yarda.
"Break!"
Isang dragon of Destruction ang lumitaw sa loob ng palad ni Zhao Feng, at umatungal ito ng isang nakakapangwasak na delubyo.
Gamit ang Wings of Wind and Lightning, ang bilis, opensa, at Wind Lightning intent ni Zhao Feng ay nasa sukdulan. Sa kabilang banda, matapos matamaan ng dalawang sinag ng Divine Light Destruction, ang battle-power ni Tu Jiuseng ay humina na, at napakalaki na ng pinsala sa kanya.
Bam!
Ang dalawang nakapangwawasak na pwersa ay nagtama, na siyang nagpawala ng tubig sa malapit.
"Blade of Purple Destruction!"
Ang pakpak sa likod ni Zhao Feng ay pumagaspas sa isang manipis na maitim na lilang patalim na siyang namuo sa kanyang kamay.
Whoosh! Whoosh! Whoosh! Bam! Bam!
Ang dalawang anyo ay nagpalitan ng atake nang higit pa sa isang dosena sa may entrada.
Nang dumating sina Chen Yilin at Jiang Fan, marami ng galos sa katawan ni Tu Jiuseng.
"Takbo!"
Natakot na si Tu Jiuseng at nagsimula na siyang mataranta.
Gamit ang Wings of Wind and Lightning, mas mabilis si Zhao Feng sa karamihan. Bukod pa roon, ang kanyang depensa ay malakas. Hindi siya matatalo sa kailalimang mundo ng tubig.
"Habulin siya!"
Huminga nang malalim si Zhao Feng at sinundan si Tu Jiuseng sa unang palapag ng Mermaid Divine Palace.
Sa isang pagkakataon:
Whoosh!
Ang Wings of Wind and Lightning ni Zhao Feng ay pumagaspas na para bang sinisira niya ang espasyo. Sa isang guhit, nakalapit na si Zhao Feng kay Tu Jiuseng.
Shuu~~~~
Ang Blade of Purple Destruction ang siyang pumutol sa isa sa mga braso ni Tu Jiuseng.
"Arghh!"
Napahiyaw si Tu Jiuseng, at nagsimula na siyang sunugin ang kanyang True Yuan, kung kaya naging isang nagliliyab na malademonyong liwanag siya na agad na kumripas palayo sa Mermaid Divine Palace.
"Ang aking Wings of Wind and Lightning ay tila ba halos hindi mahawakan ang hangganan ng espasyo."
Nagsimula nang unawain ni Zhao Feng ang pakiramdam ng pakikihalubilo sa espasyo ngayon.
Sa huli, hindi niya pa rin naunawaan ang esensya ng Wings of Wind and Lightning. Ang tunay na Wings of Wind and Lightning ay may makapangyarihang wing-based Wind Lightning battle techniques at iba pang kakaibang kapangyarihan, gaya ng paglalakbay ng 10,000 na milya sa isang pitik.
"Tu Jiuseng, hindi ka muna magiging isang banta sa loob ng sampung araw."
Inihatid na lamang ng tingin ni Zhao Feng si Tu Jiuseng.
Wala naman siyang kahit sinong mapagkakatiwalaang kaibigan sa Demigod Forgotten Garden, at kailangan niya pang ireserba ang kanyang lakas.
Whoosh!
Sinunog ni Tu Jiuseng ang kanyang True Yuan at kumaripas palayo sa Mermaid Kingdom.
"Napakabilis!"
Nagulat ang Mermaid King.
Ang kayang King-level na Divine Sense ay hindi kayang makapasok sa Mermaid Divine Palace, pero mula sa nakikita niya, ang grupo ni Tu Jiuseng ay halos naubos. Ang patakas na Tu Jiuseng ay lubhang napinsalaan at nawalan ng isang braso.
Ang Zhao Feng na iyon ay talagang nakasisindak. Mukhang kailangan kong humingi ng tulong kay Meng Xi, pero nasa Hundred Flower Garden siya ngayon, kumukuha ng maraming resources at kayamanan.
Pag-iisip ni Tu Jiuseng.
Napakaarogante ni Meng Xi at may bloodline ito ng Ten Thousand Ancient Races. Ang kanyang master ay isa ring Mystic Light Realm Sacred Lord.
"Kapatid na Tu."
Isang mainit na boses ang maririnig sa itaas.
__
Sino ang nariyan!?
Napatalon sa takot si Tu Jiuseng, pero bago pa man siya makakilos, isang maputing kamay ang humawak sa kanyang balikat.
"Ikaw nga…!"
Isang nag-iinit na bata na puno ng ngiti ang nagpakita sa tabi ni Tu Jiuseng.
Sii!
Ang katawan ni Tu Jiuseng ay pumilipit sa ilalim ng kapangyarihan nito, kasama na ang kanyang bloodline at True Yuan na napigil rin.
"Paano… Paano ito naging posible!?"
Hindi makapaniwala si Tu Jiuseng. Pareho silang nasa huling yugto ng Great Origin Core Realm, pero ang nag-iinit na bata ay naselyo siya sa isang kamay lamang.
Walang siyang magawa na kahit ano.
Ang kaluluwa at bloodline ni Tu Jiuseng ay nanginig sa takot.
"Kapatid na Wen, ito ang nangyari…"
Magalang na sinabi ni Tu Jiuseng sa kanya kung ano nangyari sa Mermaid Divine Palace.
Hindi siya nangahas na kalabanin ang nag-iinit na bata. Sinunod niya lamang ito mula sa kanyang puso. Pagkatapos ng lahat, ang pagkakaiba sa kanilang lakas ay napakalaki.
Sa parehong pagkakataon, sinuri ng Divine Sense ng Mermaid King ang ere at nagulat siya.
Ang inosenteng nag-iinit na batang iyon ay ganyan pala kalakas?
Biglaan, ang nag-iinit na bata ay tumingin sa itaas, "Mahal na Hari, kanina ka pa yata nanonood. Ano ang ibig sabihin nito?"
Weng~
Naglabas ang Divine Sense ng King ng isang Magnificent Power.
"King…!? Hindi kaya…?"
Napabulalas si Tu Jiuseng habang ang nag-iinit na bata ay napatingin sa itaas nang walang ekspresyon.
"Mortal, mukhang may tsansa tayo para magtulungan…"
ng boses ng Mermaid King ay maririnig sa tainga ng nag-iinit na bata.
"Ano naman ang hindi kayang gawin ng isang hari? At bakit ako maniniwala sa iyo?"
Pagtatanong ng nag-iinit na bata.
Sa underground cellar ng Mermaid Divine Palace, sina Chen Yilin, Jiang Fan, at ang mga kasama nito ay sinusubukan pa ring makakuha ng Immortal Springs Wine at ng iba pang alak sa aparador.
"Nakuha ko na ang Immortal Springs Wine, Illusion God Wine, Dragon Flame Wine, at Lightning Cloud Wine."
Huminto na si Zhao Feng. Kailangan niya pang magtabi ng enerhiyan para kaharapin ang Pursuit of Death. Ang pakiramdam na tila nasa peligro siya ay hindi nawawala.
akahanp ng isang sulok si Zhao Feng at doon naupo, habang ang Mermaid Princess at ang golden skeleton naman ay nakatayo sa kanyang kaliwa at kanan.
Ang bahagyang lasing na munting pusang magnanakaw ay nakaupo sa kanyang balikat at okasyonal na napapasinok dahil sa alak.
Sumisipsip muna si Zhao Feng nang kaunti sa Immortal Spings Wine, na agad namang umanib sa kanyang laman-laman at dugo.
ng True Yuan ni Zhao Feng ay agad na dumaloy, at humaba ang kanyang lifespan. Ang mas nakamamangha pa, ang enerhiya na ito ay napakakalmado, na tila ba ito ang ina ng buhay.
Pwede rin namang uminom nang kaunti ang isang mortal ng Immortal Springs Wine, at magkakaroon sila ng isang libong taon ng buhay.
Agad na naramdaman ni Zhao Feng na tumaas ang kanyang cultivation.
"Kung iinom ang isang mortal, hindi lamang madaragdagan ang kanilang buhay ng isang libong taon, agad nilang maaabot ang True Spirit Realm."
Alam ni Zhao Feng kung gaano kanalalabag sa kalangitan ang Immortal Springs Wine.
Sa mundo ng cultivation, ang bawat rank ay napakahirap maabot, pero para sa mga Demigods ng sa tuktok ng Fan Universe, napakadali lamang nito. Subalit, naniniwala si Zhao Feng na ang pagkuha ng kapangyarihan sa iyong sarili ang pinakamaaashahan at ang may pinakamataas na potensyal.
Sa isang sandali, nakasipsip na ng tatlo si Zhao Feng mula sa Immortal Springs Wine.
Ang kanyang True Yuan at cultivation ay tumaas nang ilang beses, at papalapit na siya sa Peak Small Origin Core Realm. Pagkatapos ng lahat, nakabuo naman na si Zhao Feng ng Crystal Core, kung kaya nahihigop niya na ang lahat ng enerhiya ng Immortal Springs Wine at nasa rurok na rin ang epekto nito sa kanya.
"Pagkatapos makumpleto ang paghigop sa Immortal Springs Wine, ang estado ng aking pag-iral ay kapantay na ng isang hari, at ang cultivation ko ay malapit na sa Great Origin Core Realm."
Ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at nakaramdam ng pagbabago sa estado ng kanyang pag-iral.
Ang sensasyon ay hindi naman ganoon kalakas. Ang estado ng kanyang pag-iral ay matagal nang napalakas ng Ancient Dream Realm aura, heart blood essence, at ng Purple Scaled Grass, kung kaya malapit na ito sa isang hari.
Ang Immortal Springs Wine ay magagamit lamang ng mga nasa ilalim ng Void God Realm. Wala naman itong gaanong halaga sa isang tunay na hari.
Dagdag pa roon, ang abilidad ng Immortal Springs Wine na magdagdag ng isang libong taon sa buhay ng isang tao ay magagamit lamang ng isang beses.
Uminom si Zhao Feng ng iilan pang sipsip at hinintay na mahigop ito ng kanyang katawan. Ang pag-inom lang ay wala namang magagawa.
Parehas naman kaming gumagamit ng Immortal Springs Wine; bakit mas mabuti ang epekto nito kay Zhao Feng kaysa sa akin?
Tinignan ni Jiang Fan ang mga pagbabago kay Zhao Feng, pero halata namang hindi niya alam na may Crystal Core na si Zhao Feng.
Wala namang limitasyon kay Zhao Feng sa Great Origin Core Realm. Ang kailangan niya lamang ay mag-ipon ng enerhiya at maghintay, at dahil sa Immortal Springs Wine, ang paghihintay na ito ay bumilis ng ilang libong beses.
"Subukan naman natin ang Illusion God Wine."
solemnNapatingin si Zhao Feng kay nila Chen Yilin. Nagsisimula na silang magpahinga at maging taimtim.
Wala muna silang intensyon na umalis. Binihag nila ang Mermaid Princess para makapasok sa cellar ng Demigod. Isang napakabihirang pagkakataon ito.
Sa halip na lumaban sa labas gaya ng ibang mga henyo, mas mabuti na lamang na manatili rito.
Gulu~
Uminom si Zhao Feng ng isang sipsip ng Illusion God Wine.
Sa isang bigla, isang malakas na pakiramdam ng pagkalasing ang kumalat sa kaluluwa at kamalayan ni Zhao Feng.
Ang Illusion God Wine ay naiiba sa ibang mga alkohol – naaapektuhan lamang nito ang kaluluwa.
Kahit na mukhang "ininom" ni Zhao Feng ang Illusion God Wine, hinigop lang talaga ito ng kanyang kaluluwa.
Isang hininga ang makalipas, ang kamalayan at isip ni Zhao Feng ay pumasok na sa isang malalim na estado.
Naramdaman niyang ang kanyang kamalayan ay tila umaalis sa kanyang pisikal na katawan at pumapasok sa isang malaking mundo sa labas.
Peng! Peng! Peng! Peng!
Nagsimulang tumibok ang God's Spiritual Eye, at naglabas ito ng isang malamig na sensasyon na siyang nagpahintulot kay Zhao Feng na mapanatili ang kanyang pagiging kalmado habang inuunawa ang estadong ito. Nangangahulugan ito na ang epekto ng Illusion God Wine kay Zhao Feng ay mas nakabubuti.
May mga alon ng pagkalasing ang siyang bumalot sa kaluluwa ni Zhao Feng.
Naramdaman niyang ang kanyang kaluluwa at kamalayan ay nagiging mas magaan, na tila ba kaya na itong liparin ng hangin.
Kaya lamang ng God's Spiritual Eye na maging malinaw ang kanyang isip ng 50%.
Tatlong hininga ang makalipas, ang epekto ng Illusion God Wine ay naging lubusan na.
Shua!
Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang kamalayan ay lumabas na sa kanyang katawan at nakianib sa kalikasan.
Sa ganitong estado, naramdaman niyang ang bawat kilos at pag-iisip niya ay kumakatawan sa kalangitan at kalupaan. Tila ba kaisa siya ng mundo.
Sa Demigod underground wine cellar, ang tubig na pumapalibot kay Zhao Feng ay biglang naitulak ng isang Magnificent Power habang isang invisible intent naman ang kumonekta sa kalangitan at kalupaan.
"King intent…!"
Napabulalas si Chen Yilin. Ang kanyang puso ay nanginig nang tignan niya sa sulok ang kabataang may kulay asul na buhok na kasalukuyang nakapikit ang mga mata.