Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 651 - Diyan Lang Sila sa Likod

Chapter 651 - Diyan Lang Sila sa Likod

Ang biglaang pagbabago sa itsura ni Tu Jiuseng at ng kanyang grupo ang siyang ikinagitla ng mga disipulo ng Mystic True Sacred Clan.

Nakipagtinginan si Chen Yilin kay Zhao Feng na tila nababahala siya.

Halata namang handa ang grupo ni Tu Jiuseng, at napakalakas nila, samantalang sina Chen Yilin at ang mga kasama nito ay medyo lasing. Dalawa o tatlong Core Disciples pa nga ang hindi makakita.

"Zhe zhe zhe, ang lahat ng andito ay makakuha ng kanilang bahagi sa Demigod's cellar."

Pagtawa ni Tu Jiuseng.

Kahit mas marami sila, hindi pa rin umatake si Tu Jiuseng.

Parehong sina Chen Yilin at Jiang Fan ay mga top tier geniuses ng Sacred Lan, at si Chen Yilin ay isa sa mga top ten prodigies.

Alam rin naman ni Tu Jiuseng kung gaano kanakakaabala si Zhao Feng.

Bukod pa roon, si Jiang Fan ay may bloodline ng isang Ten Thousand Ancient Races at malapit na siya sa antas ng mga henyo.

Nang makita ito, nagpakawala na lamang siya ng hininga. Mukhang walang intensyon si Tu Jiuseng na umatake.

Ang dalawang grupo ay pare-parehong may mga ikinakaangat, at ang paglalaban ng dalawang panig ay hindi naman makabubuti para sa kanila.

Kumalma nang bahagya ang ere.

Sina Tu Jiuseng at ang mga kasama nito ay nakakita ng isang mapa ng underground cellar at naghanda sila para makakuha ng alkohol.

"Teka."

Isang walang emosyong boses ang biglaang nagpabigat ng ere.

Ang nagsalita ay isang kabataang may asul na buhok at matatalas na mata.

"Zhao Feng, gusto mo ba akong pigilan?"

Bumagsak ang mukha ni Tu Jiuseng.

Nababahala talaga siya kay Zhao Feng. Higit sa isang dosenang tao na kasama niya ang natalo ni Zhao Feng gamit lamang ang isang kamay, at pati ang pinsala ni Tu Jiuseng ay kagagaling lamang.

Kahit na walang kasamang mga halimaw si Zhao Feng sa ngayon, ang kanyang lakas at kabihasaan sa Dao of the Soul ay nasa sukdulan.

"Diyan lang sila sa likod!"

Ang mukha ni Zhao Feng ay napuno ng malamig na layuning makapatay.

Ang anyo ng lalaking kulay asul ang buhok ay nagbuga ng isang bloodline na ancient at orihinal na aura.

"Anong lakas ng kanyang ancient aura!"

Nayanig ang puso ni Jiang Fan. Ang ancient aura mula sa bloodline ni Zhao Feng ay mas malakas pa kaysa sa kanyang nakita sa Void Ocean Spiritual Palace.

Isang malamig na Soul Pressure ang bumaba sa ilalim ng mundo ng tubig.

Bukod kay Tu Jiuseng, ang lahat ay nakaramdam ng presyon sa kanilang katawan at kaluluwa.

"Zhao Feng, iniisip mo ba talagang magsimula ng laban? O tinatakot mo lang si Tu Jiuseng?"

Nagulat si Chen Yilin at tinanong si Zhao Feng gamit ang Spiritual Sense.

Sa katotohanan, ayaw niyang labanan ang grupo nila Tu Jiuseng dahil hindi siya kampante. Pagkatapos ng lahat, ang kahit sino naman ay makakakuha naman ng alkohol kung may kakayahan sila.

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang mga galawa para tumugon kay Chen Yilin.

Shua!

Iwinagayaway niya ang kanyang kamay, at isang Sovereign Lord Golden Skeleton ang lumitaw sa ere.

"Master."

Iwinawagwag ng Mermaid Princess ang kanyang buntot nang lumangoy ito sa tabi ni Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay may dalawang Sovereign Lords ngayon sa tabi niya, at ang Mermaid Princess ay malaki ang laban sa ilalim ng tubig.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita rin habang may hawak ito na itim na watawat, nang ikinumpas niya ito, isang nakakagulantang na kapangyarihan ng Ghost Corpse Energy ang bumalot sa buong lugar sa loob ng 30 yarda.

"Maghanda kayo para lumaban!"

Nagbago ang mukha ni Tu Jiuseng. Ang mga kaparaanan ni Zhao Feng ay lagpas pa sa kanyang inaakala.

Sa pagkakataong iyon, marami ang nalito. Bakit ba ipinipilit ni Zhao Feng na magkalaban sila ni Tu Jiuseng?

"Kapatid na Zhao, sigurado ka bang gusto mo itong gawin? Ang isang labanan hanggang kamatayan ay hindi magbibigay benepisyo sa atin."

Taimtim na wika ni Chen Yilin.

"Sampung piraso ng Purple Scaled Grass. Kahit hindi ka tumulong, aatake pa rin ako."

Walang emosyon na sabi ni Zhao Feng nang hindi nagpapaliwanag.

Sa ngayon, si Tu Jiuseng ay hindi naman talaga isang banta, pero may mas matindi pa siyang kakaharapin na kasalukuyang nsa hangganan ng Mermaid Kingdom. Kung makikipagtulungan si Tu Jiuseng sa nag-iinit na bata na si Wen Luoan, ang banta ay lalong lalaki para sa kanya.

Sa kabutihang palad, si Wen Luoan, isang disipulo ng Emperor of Death, ay hindi pa pumapasok sa Mermaid Divine Palace.

"Sige."

Hindi na makatanggi pa si Chen Yilin.

Kung gustong umatake ni Zhao Feng, kailangan niyang tumulong. Mas mabuting piliin ang sampung piraso ng Purple Scaled Grass at makipagtulungan kay Zhao Feng.

"Zhao Feng, gaano ka kakampante?"

Pagtatanong ni Jiang Fan.

"Kung ako lang mag-isa, 90%, pero kung kasama kayo, 100%."

Nang marinig iyon, halos mabulunan sina Chen Yilin at Jiang Fan.

Whoosh!

Pagkatapos niyang sabihin iyon, ang anyo ni Zhao Feng ay gumuhit na parang isang isda sa ilalim ng tubig.

Sa mundong ito, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Water Bloodline.

Sa parehong pagkakataon, ang Ghost Corpse Cursed Array ay bumalot sa anyo ni Zhao Feng at dinurog ang grupo ni Tu Jiuseng.

Sumugod na rin ang Mermaid Princess at ang golden skeleton.

"Sinusuyo mo ang kamatayan!"

Ang malamig na atungal ni Tu Jiuseng ay umalingawngaw sa underground cellar. Dalawang malademonyong nagliliyab na dragon ang nagsimulang mabuo sa kanyang likod at siyang lumaban sa ghost-corpse aura.

Sa ngayon, hindi na minaliit ni Tu Jiuseng si Zhao Feng at agad niyang ginamit ang kanyang battle skill mula sa Thousand Dakrness Sacred Clan.

Shu!

May mga maiitim na lilang kaliskis ang lumitaw sa balat ni Zhao Feng. Sa Purple Smoke Lake, ang kanyang Water Bloodline at defensive bloodline ay mas malakas.

Dalawang henyo ang nagkasagupaan nang may buong lakas.

Bam!

Napaatras si Tu Jiuseng nang ilang yarda sa isang suntok, at kumulo ang kanyang dugo.

Ang maliit na alon sa palibot ni Zhao Feng ay pumusyaw nang bahagya habang ang kanyang anyo ay naging isang asul na liwanag na kumparipas bigla.

Halata namang ang bloodline power ni Zhao Feng ang mas nakakaangat.

"Ako ang kalaban mo!"

May mga sinag ng pilak-puti na liwanag ang tumama kay Tu Jiuseng nang sinusubukan niyang ayusin ang sarili.

Chen Yilin!

Hindi niya rin ito minamaliit. Nakipagsagupaan siya kay Chen Yilin habang lumalaki naman ang mga anyo ng kanyang malademonyong nagliliyab na dragon.

Sa pagkakataong iyon:

"Arghh!"

"Argh!"

May mga paghiyaw mula sa malademonyong pangkat habang winawalis sila ng Ghost Corpse Cursed Array.

Sina Zhao Feng, Mermaid Princess, at ang golden skeleton ay gumamit ng Ghost Corpse Cursed Array para itago ang kanilang sarili.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay iwinagayway ang itim na watawat, at may mga maiitim na ulap ang nakabuo ng mga ahas na siyang umasinta sa mga kalaban.

"Hehe."

Umatras ng ilang yapak si Zhao Feng pagkatapos niyang pumatay ng isa o dalawang tao.

Ang puso nila Tu Jiuseng at ng mga kasama nito ay nanlamig nang makita nila sa sulok ng kanilang mata ang nangyari.

Tila ba gusto silang tapusin ni Zhao Feng lahat sa isang ganap lamang.

"Hahaha… Tu Jiuseng, tanggapin mo ang suntok na ito!"

Naibuga ang ancient bloodline ni Jiang Fan nang sumugod ito sa kabilang panig.

Boom! Boom! Boom!

May mga dugong tumulo mula sa bibig ni Tu Jiuseng nang labanan niya ang dalawa.

Ang Ten Thousand Ancient Races Bloodline ay halatang nagpapakita ng mga senyas ng pangingimbabaw sa kanyang Demonic Dao Bloodline.

Dalawa o tatlong tao ang nagtungo para asikasuhin si Jiang Fan, pero hindi sila nito kapantay.

Ang ikinabahala ni Tu Jiuseng sa lahat ay si Zhao Feng, at kung ano pa ang maaaring mangyari.

"Eye of Illusion – Maze City!"

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tila ba naglalaman ng isang kritikal na pang-aakit.

Shua!

Ang mga puso ng mga taong naroon ay nakaramdam na nayanig ang kanilang puso.

Sa sumunod na bigla, ang underground cellar ay naging isang malamig at mapanglaw na siyudad.

Ang lumang siyudad ay nababalutan ng puting dagim, at ang anyong lupa nito ay napakakomplikado katulad ng isang labirinto.

"Hindi ito maganda! Isang ilusyon!"

Isang Soul Dao Genius mula sa Demonic Dao Group ang napabulalas.

Subalit, naunawaan na ni Zhao Feng ang Dark Eye Secret Manual at ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, at kaya nang balutin ng kanyang Maze City Illusion ang kamalayan ng kanyang mga kalaban.

Sa parehong pagkakataon, ang tunog ng isang misteryoso at ancient mermaid song ang siyang maririnig, kung kaya silang lahat ay nawala sa ganda ng musika nito.

Ang Mermaid Princess ay nakipagtulungan kay Zhao Feng upang magamit niya ang kanyang Soul Talent Skill – ang Song of Mermaids.

Ang Song of Mermaids ay isang maalamat na uri ng skill sa Soul Entertainment Dao.

Ang mga babaeng sirena ay may espesyalisasyon sa pang-aakit.

"Ang kabihasaan ng Mermaid Princess pagdating sa Illusion Soul Techniques ay hindi hihina sa akin. Ang kapangyarihan ng pang-aakit na nilalaman nito ay napakadalisay."

Nagulat nang palihim si Zhao Feng.

Ang kombinasyon ng Maze City Illusion at ng Song of Mermaids ay nasa rurok ng katagumpayan.

Kahit sinong nasa ibaba ng Half-Step King Level ay hindi makakatakas,

"Arghhh!"

Ang mga paghiyaw ng Demonic Dao Geniuses ay maririnig mula sa Ghost Corpse Cursed Array.

"Bilis, bilis, bilis! Takas!"

Napabulalas si Tu Jiuseng at huminga siya nang malamig.

Ang mga puso nila Chen Yilin at ni Jiang Fan ay nanginig.

Ang sinabi ni Zhao Feng kanina ay hindi isang kasinungalinga. Kahit wala ang tulong nila, 90% na matatalo ni Zhao Feng sina Tu Jiuseng.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?"

Nagtulungan sina Chen Yilin at Jiang Fan at saka hinabol si Tu Jiuseng.

Bukod pa roon, nakangiti pa rin naman si Zhao Feng habang naghihintay sa entrada.

"Demonic Sky Body!"

Sa ganitong desperadong sitwasyon, umatungal si Tu Jiuseng, at ang kanyang katawan ay nagsimulang lumaki hanggang sa maging isang malademonyong anyo ito na siyang kumokonekta sa kalangitan at kalupaan.

Sina Chen Yilin at Jiang Fan ay agad na naitulak ng dominanteng malademonyong aura na ito.

Pagkatapos gamitin ang technique na ito, ang battle-power ni Tu Jiuseng ay dumoble.

Kahit ang mga normal na Half-Step Kings ay hindi niya kapantay.

"Lahat kayo, mamatay!"

Ang aura ni Tu Jiuseng ang siyang bumalot sa buong lugar na pinaglalabanan.

Sa pagkakataong iyon, sina Chen Yilin, Jiang Fan at kahit si Zhao Feng ay hindi siya makasagupaan nang direktahan. Ang tanging magagawa lamang nila ay iligtas ang kanilang mga sarili.

"Mamatay na kayo!"

Tmawa si Tu Jiuseng nang napakapangit nang sumugod siya kay Zhao Feng.

Kinamumuhian niya sa lahat si Zhao Feng, at ito pa ang siyang nakaharang sa entrada.

"Divine Light Destruction!"

Isang sinag ng nagliliwanag na ilaw ang tumama sa mundong iyon at nagningning sa isang matalas na liwanag.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay tila naging isang buwan.

Boom!

Ang mga malademonyong apoy sa katawan ni Tu Jiuseng at ang kanyang malademonyong anyo ay nagsimulang maglaho.

Ang Divine Light Destruction ay may kakayahan raw kuno na sirain ang bawat technique at paglahuin ito.

Ang Divine Light Destruction ni Zhao Feng ay kinopya niya mula sa Golden Sun Family, at kahit hindi ito ang pinakadalisay, ang kanyang kabihasaan sa Soul Dao Eye-Bloodline Techniques ay napakataas na kumpara sa dati.

"Kahit si Zhao Feng ay may alam na dispersal eye-bloodline technique?"

Nagulantang sina Chen Yilin at ang mga kasama nito,

Isang sinag lamang ng Divine Light Destruction ay naging sapat na para pahinain ang Demonic Sky Body ni Tu Jiuseng ng halos 20-30%.

Bilang isa sa top ten geniuses ng Sacred Land, ang kanyang bloodline battle techniques ay lagpas pa sa kung ano ang kaya ng panlabas na mundo.

Napabuntong hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Kung isang normal na sikretong technique ito, napawala na sana ito ni Zhao Feng gamit ang kanyang Divine Light Destruction sa isang atake lamang.

"Ice Soul Shooting Line!"

Ang katawan ni Tu Jiuseng ay nanginig nang bahagya at bumagal ito.

Sa parehong pagkakataon, sina Chen Yilin at Jiang Fan ay parehong gumamit ng kanilang pamatay na atake, at umasinta sa likod ni Tu Jiuseng.

Wah!

Napadura ng dugo si Tu Jiuseng habang umaatungal at agad na kumaripas patungo kay Zhao Feng na nasa entrada.