Binuksan ng munting pusang magnanakaw ang bibig nito at nilagok ang Illusion God Wine, kasama na ang baso nito.
Nagulantang sin Chen Yilin, Jiang Fan, at ang mga kasama nito.
Hindi makuha ng karamihan sa kanila ang Illusion God Wine pero nakuha ito ng isang pusa nang ganoon lamang kadali.
Miao miao!
Pagkatapos lagukin ang Illusion God Wine, ang pagkalasing ay makikita na sa mga mata nito. Sumunod, nilagok naman nito ang isang pulang kahoy na baso at isang berdeng tanso na prasko.
Pagkatapos gawin ang lahat ng iyon, nagsimula na itong umuyog, at ang kamalayan nito ay nanlalabo na.
"Ang alcohol tolerance ng pusang ito ay napakataas…"
Namangha ang Mermaid Princess.
Kahit sina Chen Yilin at ang mga kasama nito ay hindi nagtatagal sa ere ng alkohol.
Nang kukunin na sana ng munting pusang magnanakaw ang kanyang ikaapat na tutudlain:
"Spatial Movement!"
Isang kapiranggot ng eye-bloodline power ang lumunok sa munting pusang magnanakaw.
Napagpasyahan ni Zhao Feng na mas mabuti kung ligtas ang lahat.
Miao miao miao!
Ang lasing na munting pusang magnanakaw ay nagpakita balikat ni Zhao Feng at patalon-talon ito.
Nagulantang ang lahat, at tinignan nila ang munting pusang magnanakaw nang may nagngangalit na mga mata.
Hindi lamang sa basta-bastang may mataas na kapasidad ito para sa alkohol, kundi mabilis rin ito matalino. Kung tama sila, ang munting pusang magnanakaw ay may kakayahang magtago ng mga bagay sa loob ng kanyang katawan.
"Munting pusang magnanakaw."
Naglabas ang kaliwang mata ni Zhao Feng ng isang malamig na sensasyon upang mahimasmasan ang munting pusang magnanakaw.
Miao!
Nabawasan nang bahagya ang pagkalasing ng munting pusang magnanakaw.
"Ang Eye of Ice Soul ay may epektong kayang bawasan nang bahagya ang pagkalasing."
Palihim na tumango si Zhao Feng.
Dahil siya at ang munting pusang magnanakaw ay magkaugnay gamit ang kaluluwa, bahagyang apektado rin si Zhao Feng nang kaharapin ng pusang ito ang ere ng alkohol.
Hindi na pinansin nila Chen Yilin at ng mga kasama nito ang ganitong mga detalye.
Kahit na hinarap ni Zhao Feng ang ere ng alkohol na limitado lamang sa kaluluwa, walang kahit anong senyas ng pagkalasing sa kanyang mukha.
Napakatatag ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng lalo na sa mga mental energy, kasama na ang ere ng alokohol.
Syempre, ayaw namang subukan ni Zhao Feng gamit mismo ang kanyang katawan. Kahit ang estado ng kanyang pag-iral ay malapit na sa isang hari, ang kanyang katatagan sa alkohol ay hindi kasingtaas ng sa God's Spiritual Eye.
Ang aura of Death ay nasa Purple Smoke Lake, at kung tama si Zhao Feng, ang nag-iinit na bata ay naroon.
"Kapatid na Zhao, nakuha mo na ba ang Illusion God Wine?"
Hindi na makapaghintay pa ang mga tingin nila Chen Yilin at ng mga kasama nito.
Napatingin rin si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw.
Miao miao!
Binuksan ng munting pusang magnanakaw ang bibig nito at naglabas ito ng isang kulay lilang baso na 70% na puno. Isang malapanaginip na alak ang naglabas ng isang nakakahilong drunken aura.
"Tama iyan, ito ang Illusion God Wine."
Kampanteng sabi ni Zhao Feng nang ilagay niya ito sa kanyang metal ring.
Miao miao!
Tumalon na rin ang munting pusang magnanakaw sa loob ng ancient metal ring.
"Labas!"
Tumawa si Zhao Feng at dinampot ang munting pusang magnanakaw gamit ang buntot nito.
Miao!
Inilabas ng munting pusang magnanakaw nang labag sa kanyang loob ang isang pulang kahoy na baso at isang berdeng tanso na prasko.
Anong tindi ng mainit na enerhiyang ito!
Naramdaman ng lahat na tila ba nasusunog ang kanilang mga kaluluwa.
"Dragon Flame Wine!"
Napabulalas ang Mermaid Princess.
Ang aura at kapangyarihan ng Dragon Flame Wine ay mas malakas pa sa Illusion God Wine. Syempre, ito lamang ang raw energy na nilalaman nito.
Sa kabilang banda, ang berdeng tansong prasko ay nagbigay naman ng bahagyang nakakamanhid na sensasyon.
"Lightning Cloud Wine!"
Nagsimula nang manging ang boses ng Mermaid Princess.
Shua! Shua!
Sa isang kumpas ng kamay, itinabi na ni Zhao Feng ang Dragon Flame Wine at ang Lightning Cloud Wine.
Ang Dragon Flame Wine ay isang elemento ng apoy, kung kaya hindi ito masyadong magagamit ni Zhao Feng, pero ang Lightning Cloud Wine ay may kaugnayan sa kidlat kung kaya magkakaroon siya ng maraming benepisyo rito.
Subalit, ang mga aura mula sa dalawang alak ay napakalaks, kung kaya hindi muna iyon susubukan ni Zhao Feng sa ganoong klaseng paligid.
"Ang rankings ng Dragon Flame Wine at Lightning Cloud Wine ay hindi siguro bababa sa Illusion God Wine."
Ang ekspresyon nila Chen Yilin ay kumislap, at isa sa mga lasing na Core Disciples ay napatingin kay Zhao Feng na tila may masamang balak, pero sa huli, pinigil lamang nilang lahat ang kanilang sarili na atakihin si Zhao Feng.
Alam nila kung gaano ito kanakasisindak. Nariyan pa ang Mermaid Princess, at ang pusang hindi matukoy ang mga kakayahan, samantalang ang mga Core Disciples sa panig ni Chen Yilin ay mga lasing na at kakaunti na lamang ang battle-power.
Tanging si Jiang Fan at Chen Yilin na lamang ang may malinaw na pag-iisip sa ngayon.
Kumuha si Jiang Fan ng isang tulo ng Immortal Springs Winr at umupo habang pinapadaloy niya ang kanyang True Yuan at dinadama niya ang kanyang aura of life.
"Gaya ng inaasahan sa isang Immortal Springs Wine."
Tumingin nang malapit si Zhao Feng at napag-alaman niyang ang estado ng pag-iral, katawan, at cultivation nito ay naging mas malakas.
Kapag nagpatuloy ang lahat at palaging gagamitin ni Jiang Fan ang Immortal Springs Wine, posible para sa kanya na makaabot ng ibang antas pagkatapos ng ilang araw.
"Master, hindi naman siguro mahirap para sa iyo na makakuha ng Immortal Springs Wine sa lakas na mayroon ka."
Puno ng paghanga ang mga mata ng Mermaid Princess.
Miao miao!
Humingi ng tulong ang munting pusang magnanakaw.
Tumango si Zhao Feng at kumuha ng isang lubid, at itinali ito sa munting pusang magnanakaw bago niya ito itapon sa kristal na balon.
Ang kanyang kontrol sa kanyang kapangyarihan ay mas mabuti kaysa kay Jiang Fan, at ang munting pusang magnanakaw ay naitapon niya nang direkta sa ibabang bahagi ng estatwa.
Miao!
Binuksan ng munting pusang magnanakaw ang bibig nito at sa loob ng tatlong hininga ay lumagok ng alak mula rito.
Ang Immortal Springs Wine na nakuha ng munting pusang magnanakaw ay sampung beses na mas marami kaysa sa nakuha nila Chen Yilin at ng mga kasama nito.
"Bumalik ka na!"
Hinila na pabalik ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw, at ang ekspresyon nila Chen Yilin at ng mga kasama nito ay bahagyang pumangit. Napagpasyahan nila dati na ang mga pabuya na makukuha nila sa loob ng palasyo ay nakadepende sa kanilang kakayahan, at mas nakakaangat sana sila sa bilang nila, pero ang mga pabuya ni Zhao Feng ay mas marami pa rin kaysa sa kanilang lahat.
Biglaan:
"Ang Zhao Feng na ito… Ay walang kahit anong bakas ng pagkalasing!"
Napagtanto ni Chen Yilin, at nanginig ang kanyang puso.
Dahil si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay konektado sa kanilang mga kaluluwa, ang ere ng alkohol ay maaapektuhan rin dapat ang may-ari, at dalawang beses na sumubok na ang pusa, pero hindi pa rin nagpapakita ng kahit anong senyas si Zhao Feng na nalalasing siya. Ano ang kahulugan nito?
"Hindi niya pa ginagamit ang tunay niyang lakas."
Paglalagom ni Chen Yilin at nagulat siya sa kanyang naisip.
Mayroon pa palang nakareserbang lakas si Zhao Feng.
Bakit? Nababahala ba siya sa amin?
Napabuntong hininga si Chen Yilin sa kanyang puso. Hind niya inaasahang nababahala pala si Zhao Feng.
Syemrpre, hindi niya alam na hindi naman sa kanila nababahala si Zhao Feng.
Nakapasok na sila Tu Jiuseng at ang mga kasama nito sa Mermaid Divine Palace, at ang nag-iinit na bata na si Wen Luoan ay malapit rin sa Mermaid Kingdom.
Ang mga iniisip ni Zhao Feng ay nasa malayo ngayon. Pagkatapos ng lahat, marami pa naman siyang mga hukbo na nakakalat sa palibot ng Mermaid Kingdom.
Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang tunog ng umaagos na tubig ay nagmula sa mga yapak.
"Hahaha…! Nahanap na natin!"
Dumating sina Tu Jiuseng at higit pa sa sampu ang kaniyang kasama sa underground cellar.
Paano ito naging posible!?
Hindi pagkapaniwala ang makikita sa mga mukha ng disipulo sa Mystic True Sacred Clan.
Ang tanging dahilan kung bakit sila nakapasok ng Mermaid Divine Palace ay dahil sa bihag nila ang Mermaid Princess. Paano naman nakapasok sila Tu Jiuseng?
Isa lamang ang posibilidad.
Napangisi nang malamig si Zhao Feng sa kanyang puso.
Kung hindi sila hinayaan ng Mermaid King, hindi naman agad na makakapasok sina Tu Jiuseng nang ganoon lamang kadali.
Ang ere sa underground cellar ay agad na bumigat.
Ang panig nila Tu Jiuseng ay mas marami, at ilang mga disipulo pa sa Mystic True Sacred Clan ang lasing, kung kaya ang kanilang battle-power ay nabawasan ng 20-30%. Dagdag pa roon, may mga dalang Sovereign Lords, beast tamers, at cultivators si Tu Jiuseng na may espesyalisasyon sa Soul Dao, Sword Dao at Ghost Corpse Dao.
Ang kombinasyon ng pangkat na ito ay talagang napakalakas.