Ang Void God intent ay pinagyelo ang Heaven Earth Yuan Qi sa malapit, at iilang mga Mystic True Sacred Clan Core Disciples ang nakaramdam na naninigas rin ang kanilang isip. Ni hindi nga nila maisip na lumaban pabalik.
Kahit sina Chen Yilin at Jiang Fan ay nangangamba.
Mahirap isipin na si Zhao Feng, na kaharap mismo ang Void God intent, ay kalmado pa.
"Tao, mukhang sinusuyo mo si kamatayan."
Ang pagyanig ay makikita sa soul-dimension habang isang Magnificent Power ang tila pumipiga sa espasyo na kinalalagyan ni Zhao Feng.
Bahagyang namumula ang mukha ni Zhao Feng, at ang kanyang katawan at buto ay napapahiyaw na. Ang kanyang mga tuhod ay baliko na rin at halos mapayuko na ito sa hari.
Subalit, pinigil ni Zhao Feng ang kanyang sarili.
Kung pag-uusapan lamang ang estado ng pag-iral, mas malapit siya sa isang tunay na hari, at ang kanyang katawan ay napatatag na ng Ancient Dream Realm aura, heart blood essence, at ng Purple Scaled Grass.
Bukod pa roon, nakayanan na rin ni Zhao Feng ang presyon mula sa Ancient Dream Realm ilang beses na, at ang kanyang katawan ay naglalaman rin ng ancient aura. Kahit ang bloodline aura ni Jiang Fan ay hindi kayang pangimbabawan ang kay Zhao Feng.
Sa isang palasyo mula sa malayo:
"Ang kaluluwa ng sutil na ito ay nalipon sa antas na mas malakas pa kaysa sa mga normal na Half-Step Kings…"
Naging taimtim ang ekspresyon ng Mermaid King.
Isang sakiting Small Origin Core Realm na langgam ang talagang nakaya ang kanyang King intent.
Ang kabihasaan ni Zhao Feng sa Dao of the Soul ay napakalakas rin.
Nacultivate na niya ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique, na siyang tumulong sa kanya para makabuo ng solidong pundasyon para maabot ang Void God Realm sa hinaharap.
"Lord Father, huwag niyo pong pigilan si Master."
Umiyak ang Mermaid Princess at nagmakaawa.
Sinusunod niya si Zhao Feng sa kaibuturan ng kanyang puso dahil sa Dark Heart Seal. Kahit na may mga emosyon pa siya, ang kanyang Master ay higit sa lahat ng bagay.
Ito ang pinakanakakatakot na bagay sa Dark Heart Seal – kaya nitong gawing alipin ang isang tao sa kanyang puso at isip.
"T*** i**** tao…!"
Napakuyom ang kamao ng Mermaid King at saka umatungal.
Bilang isang Void God Realm King, kailan pa siya sumunod sa mga utos ng isang taong langgam lamang sa kanyang paningin?
Ang lahat ng nasa ibaba ng mga hari ay langgam. Ang pangungusap na ito ay naitala sa mga ancient records.
Ang mga normal na Origin Core Realms ay hindi kayang salagin ang intent ng isang Void God Realm King.
"'Ang lahat ng nasa ibaba ng mga hari ay langgam…' ay walang kwenta sa akin."
Napangisi si Zhao Feng nang utusan niya ang Mermaid Princess na pangunahan ang daan.
Ang mga isip nila Chen Yilin at ng mga kasama nito ay nayanig, at sumunod na lamang sila na para bang mga buhay na patay.
"Ang Zhao Feng na ito ay wala ngang Ten Thousand Ancient Races Bloodline, per ganito siya kalakas. Paano ito naging posible?"
Naramdaman ni Jiang Fan na tila natalo siya. Ang imahe ng pagbaba ng Eye of Heaven ay muling gumuhit sa kanyang isip. Ang aura ng matang iyon ay ikinagitla ng kanyang Ten Thousand Ancient Races Bloodline.
"Tao, kung may nangyari sa aking anak, hindi kita mapapatawad!"
Napaungol ang Mermaid King.
"Mermaid King," nagsalit si Zhao Feng, "basta ba makuha ko ang gusto ko, tatanggalin ko ang restriksyon sa kanyang kaluluwa, pero kapag may gagawin ka, hindi ko masisiguro iyon."
Ang Divine Sense ng Mermaid King ay sinuri muna ang palasyo nang matagal bago ito huminto.
"Ang eye-bloodline ng sutil na iyon ay hindi simple. Kahit ang isang tao na may Ten Thousand Ancient Races Bloodline ay nakikinig sa kanya."
Naging kalmado na ulit ang Mermaid King.
Mula sa simula hanggang dulo, hindi man lang nataranta si Zhao Feng. Halata namang handa talaga ang kabataang ito.
Hindi na siya nangahas na pigilan sila. Pinanood na lamang niya habang dilat sina Zhao Feng at ang mga kasama nito na pumasok sa Mermaid Divine Palace.
Ang Mermaid Divine Palace ay isang ipinagbabawal na lugar para sa mga sirena.
Sa nakaraan, tanging ang Mermaid Princess lamang na nakatanggap ng Divine Palace's Inheritance ang makakapasok, kung hindi, mapapatay sila ng intent ng Demigod Forgotten Garden.
Kahit ang mga hari ay mamamatay dahil ang intent na ito ang hari ng realm na iyon, diyos ito ng lahat roon.
"Mukhang may mga senyales pa yata ng ibang tao malapit sa kaharian."
Pag-uulat ng isang ekspertong sirena.
__
Hmm?
Ang mukha ng Mermaid King ay naging madilim habang sinuri ng kanyang Divine Sense ang buong Mermaid Kingdom.
Gaya ng inaasahan, nakita niya ang isang grupo ng mga tao na may karumal-dumal na auras.
"Tigil."
Biglaang iwinagayway ni Tu Jiuseng ang kanyang kamay.
Matapos matalo, hindi pa rin sumuko si Tu Jiuseng sa Purple Smoke lake, lalo na nang maisip niya na baka kukuha ng kayamanan si Zhao Feng sa Mermaid Kingdom.
Kung kaya, kumuha ng maraming henyo si Tu Jiuseng, kasama na ang ilang pulutong ng beast tamers.
Ang isa sa kanila ay isang Sovereign Lord Rank na henyo na may espesyalisasyon sa Dao of the Soul, at pagkatapos kumontrol ng ilang isda, nakahanap sila ng bakas ni Zhao Feng at ng mga kasama nito, ganoon na rin sa kung ano ang naganap sa Mermaid Kingdom.
"Kapatid na Tu, ano ang nangyari?"
"Ang Zhao Feng na iyon ay binubuksan na ang daan para sa ito. Hindi ba ito maganda?"
Natuwa ang lahat.
Pagkatapos ng lahat, si Zhao Feng ang humaharap ng lahat ng pahamak sa pagkuha ng mga kayamanan samantalang nakaantabay lamang sila sa likod. Mas mababa ang peligro.
Syempre, hindi pa nila alam na nakalabas na ng seklusyon ang Mermaid King. Pagkatapos ng lahat, ginamit lang naman ng Mermaid King ang kanyang Void God intent para makipagsagupaan kila Zhao Feng at hindi siya nagpakita nang pisikal.
"Baka ako lang iyon. Tara na."
Tumango si Tu Jiuseng.
Kani-kanina lang, may naramdamang presyon ang kanyang bloodline. Tila ba may nag-eespiya sa kanya, pero agad rin namang naglaho ang sensasyong iyon.
"Ang mga henyong ito ay hindi simple."
Kumislap ang mga mata ng Mermaid King.
Mula sa kanilang pag-uusap, hindi naman mahirap malaman na wala sila sa panig ni Zhao Feng. Magkalaban pa nga sila.
Isang plano ang biglang nabuo sa kanyang isip. Bakit hindi na lang kaya hayaang maglaban ang dalawang grupo sa loob ng Divine Palace?
Hindi naman niya kailangang mag-alala sa kaligtasan ng Mermaid Princess. Hindi lang naman sa hindi sasaktan ni Zhao Feng ang prinsesa, poprotektahan niya pa ito. Sigurado naman ang Mermaid King rito.
Bukod pa roon, ang Mermaid Princess ay sanay na s Purple Smoke Lake, at ang kanyang bloodline inheritance power ay nabigyan siya ng lakas para ipagtanggol ang sarili. Kahit na kinokontrol siya, hindi naman ibig sabihin niyon na mahina siya.
"Lahat kayo, lumayo kayo ng dalawampung milya mula sa Divine Palace."
Pag-uutos ng Mermaid King.
Kahit nakita niya na talaga sina Tu Jiuseng at ang mga kasama ito, wala talaga siyang paki.
Habang nasa daan, sina Tu Jiuseng at ang mga kasama nito ay sinubukang dumaan sa mga hindi gaanong bantay sarado upang makarating sa kailaliman ng palasyo sa pinakababa ng lawa.
"Mukhang hindi naman gaanong bantay sarado gaya ng iniisip ko."
"Mukhang naantala na ni Zhao Feng ang halos lahat ng mga sirena."
Nakaramdama ng kakaiba sina Tu Jiuseng at ang mga kasama nito.
Ano pa ang mas nakamamangha ay bukas ang tarangkahan ng palasyo.
Ano ang nangyari sa Mermaid Kingdom?
Hindi maunawaan nila Tu Jiuseng ang nangyayari, pero dahil naroon na sila, hindi na sila aatras pa.
"Hindi dinala ng Zhao Feng na iyon ang kanyang mga hukbo sa palasyo. Nangangahulugan ito na kapag nagkita tayo, makakalaban na rin tayo sa wakas."
Isang grupo ng sampung tao ang pumasok sa palasyo.
Napangisi nang malamig ang Mermaid King nang panoorin niyang pumasok sina Tu Jiuseng sa palasyo. Kung hinid niya ito hinayaan, paano naman makakarating nang ganoon kadali ang mga ito?
"Hmm? May isa pang tao? Ang kanyang lakas ay hindi naman ganoon kasama."
Ang Divine Sense ng Mermaid King ay umabot sa hangganan ng Mermaid Kingdom at may natagpuan siyang isang anyo.
Ang bagong dating ay isang nag-iinit na bata na nasa huling yugto na ng Great Origin Core Realm.
"Mukhang nakapasok na si Zhao Feng sa Mermaid Kingdom."
Naramdaman ng nag-iinit na bata ang direksyon kung nasaan si Zhao Feng sa pamamagitan ng intent of Death.
Biglaan, ang ekspresyon ng nag-iinit na bata ay nagbago, "King intent?"
Ang kanyang mga pandama ay mas matalas kaysa kay Tu Jiuseng. Nabahala ang ang nag-iinit na bata sa haring nasa loob ng Mermad Kingdom.
"Iyon siguro ang Mermaid King."
Tumayo lamang nang pirmi ang nag-iinit na bata at wala siyang ginawang padalos-dalos na mga kilos.
Mukha namang walang bakas ng galit ang King intent na ito para sa kanya at talagang sinusuri lamang siya nito.
"Zhao Feng, hahayaan muna kitang mabuhay nang sandali."
Hindi gumagalaw ang nag-iinit na bata habang naghihintay siya.
Sa Mermaid Kingdom, nakapasok na si Zhao Feng sa maalamat na Mermaid Divine Palace sa pamamagitan ng gabay ng Mermaid Princess.
Hindi nila inaasahang wala palang laman halos ang Mermaid Divine Palace.
Bukod pa sa kakaunting aytems na dekorasyon, wala nang makikita pang iba. Subalit, habang pumapasok sila sa loob, may naaamoy sila na mahinang simoy ng alak.
Miao miao!
Nagpakita ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Zhao Feng, at ang mga mata nito ay umiikot habang nakatingin sa harap.
Nang makita ito, hindi mapigilang umasa ni Zhao Feng.
Ang pakiramdam ng munting pusang magnanakaw para sa kayamanan – lalo na sa spiritual wine – ay napakalakas.
Miao!
Tumalon ang munting pusang magnanakaw sa balikat ng Mermaid Princess at pinagsalubong ang paa nito, na para bang sinasabi niya kung sino ang amo.
"Ang pusang ito…"
Hindi mapigilang mapatingin ng Mermaid Princess sa munting pusang magnanakaw.
Miao miao!
Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang pangalmot nito at tumuro sa ibaba nang may pagsinghal.
"Alam mo talagang nasa ibaba ang alak?"
Nagulat nang lubos ang Mermaid Princess, at napatingin sina Chen Yilin at ang mga kasama nito sa pusa.
Gaya ng inaasahan, dinala sila ng Mermaid Princess sa underground wine cellar.
Nasuri na ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang unang palapag at nakumpira niyang wala namang masyadong bagay bukod sa mga may kinalaman sa mga sirena ang naroon, na wala rin namang halaga sa mga tao.
Ang amoy ng alak sa underground cellar ay nakakaakit, at iilang mga disipulo ang halos mahilo.
Kung titignan nang malapit, nakita ni Zhao Feng na ang underground cellar na ito ay mas malaki kaysa sa unang palapag ng Mermaid Divine Palace, at mayroong malaking balon sa gitna nito.
Ang balong ito ay may laking 20 na yarda, at sa pinakagitna nito ay may isang kristal na nakaukit bilang isang napakagandang babaeng sirena.
Maraming mga butas sa ukit na iyon, at may mga tubig na lumalabas roon.
"Hmm?"
Napag-alaman ng lahat na kamukha nang bahagya ng Mermaid Princess ang estatwang iyon, hindi mapigilan ni Zhao Feng na magtaka.
Ang balon ay may kakaibang pagkakagawa, ang mga tubo nito ay dumadaloy sa buong underground cellar.
Mayroong mga hanay ng mga kagamitan sa mga sulok. Ang ilan ay gawa sa metal, ang iba ay sa kahoy, may porselana rin, kristal, at iba pang materyales.
Ang mga baso at bote ay 70% na puno, at ang alak na nasa loob na ito ay ilang beses na pinapalitan para masigurong presko pa ito at kakaiba.
Syempre, lahat ng mga baso at boteng ito ay nakaselyo sa loob ng mga kristal na aparador.
"Ang buong underground cellar ay winery, at sa gitna nito ay may isang sirenang patuloy na gumagawa ng alak."
Ang mga tao mula sa Mystic True Sacred Clan ay hindi mapigilang mapaurok ang dila.
Ang buong underground cellar ay isang nilalang na gumagawa ng higit pa sa isang daan na uri ng alkohol.
"Ito ang pribadong cellar ng Demigod?"
Huminga nang malalim si Zhao Feng at pinigil niya ang ligalig sa kanyang puso.