Agad na nakita ng Mermaid Princess ang matamis na patibong nila Jiang Fan, at ang kanyang mga mata ay puno ng kayabangan at pakikipaglaro.
"Anong klaseng baliw ang nakaisip ng planong ito?"
Galit na galit si Jiang Fan na halos mapadura na siya ng dugo. Ilang libong beses niyang minura si Zhao Feng sa kanyang puso.
Bago sila umalis, kampanteng sinabi ni Zhao Feng kay Jiang Fan na malaki ang tsansa niyang maipanalo ang puso ng babaeng ito gamit ang Ten Thousand Ancient Races Bloodline.
"Hehe, Zhao Feng?"
Isang tusong ekspresyon ang nagpakita sa magandang mukha ng Mermaid Princess.
"Paano… Paano mo nalaman iyan!?"
Napabulalas si Jiang Fan.
Paano nakilala ng Mermaid Princess na ito si Zhao Feng?
"Hindi kaya…?"
Bumilis ang tibok ng puso ni Jiang Fan.
May naisip siyang posibilidad. Hindi kaya magkasamang pinlano ni Zhao Feng at ng Mermaid Princess ang lahat ng ito?
Kung totoo iyon, nauunawaan niya na ang lahat. Paano naman makikita agad ng Mermaid Princess ang patibong na ito?
"Zhao Feng!"
Nagngitngit ang ngipin ni Jiang Fan habang may liyab ng galit sa kanyang puso.
Weng~~
Isang makapal na suson ng maitim na balat ang sumilay sa katawan ni Jiang Fan. Tila ba isa itong kaliskis na parang kabibi at nagmukha itong mapanglaw na halimaw.
Crack!
Inilatag ni Jiang Fan ang kanyang mga braso, at sinira ng kanyang Ten Thousand Ancient Races bloodline ang mga kadenang nakatali sa kanya.
"Gaya ng inaasahan sa isang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races…"
Ang Mermaid Princess, na nakaabot na ng Great Origin Core Realm, ay nakaramdam ng isang mabigat na presyon sa kanyang kaluluwa at agad na nanginig.
Tila ba isa siyang maliit na isda na kinakaharap ang isang mapanglaw na halimaw.
"Ikaw muna ang uunahin ko."
Itinaas ni Jiang Fan ang kanyang kamay at tumalon patungo sa Mermaid Princess.
Subalit, tila ba alam ng Mermaid Princess na gagawin niya ito. Kung kaya agad niyang ipinilantik ang kanyang buntot bago pa man makagawa ng kahit ano si Jiang Fan.
Whoosh!
Agad na naiwasan ng Mermaid Princess ang pagdampot sana ni Jiang Fan.
"Saan ka naman tatakbo sa tingin mo?"
Muli na namang tumalon si Jiang Fan patungo sa kanya.
Gamit ang kanyang Ten Thousand Ancient Races Bloodline, kahit nasa panggitnang yugto ang Mermaid Princess ng Great Origin Core Realm, hindi manalo ang prinsesa.
Subalit, may nakalimutan siyang isang bagay – ang kapaligiran.
Ito ang Mermaid Kingdom, at nasa ilalim ito ng tubig.
Sa tubig, ang kanyang bilis ay naaantala. Bukod pa roon, ang bloodline ni Zhao Feng ay may espesyalisasyon sa depensa, at hind isa opensa o bilis.
"Hehehe, hindi mo akong pwedeng masaktan~~. Ayayayaya, tulong~~."
Napaka-isip bata ng Mermaid Princess.
Sa Purple Smoke Lake, siya ang mas nakakaangat sa bilis. Kahit pa pumasok ang sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacred Land, hindi sila magiging kasingbilis o liksi ng babaeng ito.
"T*** i**!"
Nawawalan na ng pag-asa si Jiang Fan ngayon. Nararamdaman niyang ang mga ekspertong sirena ay nalilipon na.
"Takbo!"
Nang malamang hindi niya magawan ng paraan ang tungkol sa Mermaid Princess, sinubukan na lang naman niyang tumakas.
Whoosh!
Marahang itinulak ng Mermaid Princess ang kanyang kamay, at isang alon ng maitim na asul na sword-light ang agad na umasinta kay Jiang Fan.
Bam!
Isang maliit na galos ang makikita sa balat ni Jiang Fan, pero agad naman itong gumaling.
Anong lakas ng depensa!
Bahagyang natulala ang Mermaid Princess. Hindi man lang nasaktan ng kanyang lubusang atake si Jiang Fan.
Zhao Feng, tarantado ka. Pagpipirapirasuhin kita ng ilang libong beses.
Napamura si Jiang Fan kay Zhao Feng habang tumatakbo siya.
"Zhao Feng? Ang baliw na nakaisip na gawin ang matamis na patibong?"
Bahagyang nagulat ang Mermaid Princess, at naging interesado siya nang sobra. Nagawan lang naman ng paraan ng Zhao Feng na ito na mautusan ang isang taong may Ten Thousand Ancient Races Bloodline. Hindi siguro siya simple.
"Hmm?"
Naramdaman ni Zhao Feng na tila may mali. Paano naman nalalaman ng Mermaid Princess ang iniisip niya?
"Heart-reading technique?"
Isang bulong ang maririnig.
"Hmph, sinto-sinto. Ang mga mermaid imperials ay talentado sa Dao of the Soul. Lahat ng Mermaid Princess ay may kapangyarihang basahin ang iniisip ng iba."
Mayabang na sabi ng Mermaid Princess.
Basahin ang iniisip ng iba?
Nagulantang ang puso ni Jiang Fan. Paano naman nangyaring hindi niya alam ang ganitong impormasyon?
Kung iyan ang kaso, paanong ang henyo ng Sacred Land ay naipanalo ang puso ng nakaraang Mermaid Princess?
"Ang dahilan kung bakit naipanalo niya ang puso ng Mermaid Princess dati ay sapagkat totoo ang kanyang puso. Sa tingin mo naman paano niya iyon magagawa sa ibang paraan?"
Ang pagkutya sa mukha ng Mermaid Princess ay lalo lamang naging halata.
"Ganoon pala iyon."
Isang bulong ang maririnig sa kanyang soul-dimension, at isang daloy ng tubig ang tila walang ginagawa.
"Sino – sino ang nariyan!?"
Ang katawan ng Mermaid Princess ay nanigas at nakaramdam siya na may ibang tao roon.
Sa parehong pagkakataon, napatingin si Jiang Fan sa taas at napabulalas sa gulat, "Iyan…!"
Agad na itinaas rin ng Mermaid Princess ang kanyang ulo.
Sa itaas ng tubig, isang malamig na asul na mata ang nakatingin sa ibaba. Tila ba kaisa ito ng kalangitan, kalupaan, at ng mismong lawa.
"Zhao… Zhao Feng!"
Naramdaman ni Jiang Fan na tila ba nasasakal siya.
Ang matang ito ay espesyalidad ni Zhao Feng.
"Dark Heart Seal!"
Isang pagkutya ang makikita sa mata habang isang ipinagbabawal na malamig na intent ang naglakbay patungo sa Mermaid Princess.
"Hindi ito maganda!"
Napawagwag ang buntot ng Mermaid Princess habang sinusubukan niyang manlaban.
Bilang isang Mermaid Princess, napakatalentado niya sa Dao of the Soul. Mayroon na siyang abilidad ng heart reading technique sa mismong pagkakataon na ipinanganak siya.
Kahit gamit na ni Zhao Feng ang Dark Heart Seal sa kanyang kasalukuyang estado at naging mas malakas na siya dahil dito, malaking bahagdan pa rin ang panlalaban ng prinsesa.
Kung manlalaban siya ng todo, maaaring mawasak ang kaluluwa ng Mermaid Princess.
Ang Zhao Feng na ito ay may nakasisindak na Soul Eye-Bloodline. Naatake niya pa ako kahit napakalayo niya.
Naramdaman ng Mermaid Princess ang malaking agwat niya at ng lalaking umaatake sa kanya. Kung pag-uusapan lang naman ang Soul talent, ang misteryosong tao na umaatake sa kanya ay mas talentado.
"Princess!"
"Tulungan niyo ang prinsesa!"
Maraming mga hiyaw ang nanggaling sa mga Sovereign Lord Rank na mga eksperto.
"Ano pang ginagawa mo dyan?"
Umalingawngaw ang boses ni Zhao Feng sa soul-dimension.
Ang anyo ni Jiang Fan ay gumuhit nang damputin niya ang Mermaid Princess gamit ang lalamunan nito.
"Pakawalan mo ang prinsesa!"
Nanigas ang mga ekspertong ito. Tiningnan nila si Jiang Fan nang may galit.
Ang Mermaid Princess, na hawak ni Jiang Fan ang lalamunan, ay hindi na nanlalaban pa.
Isang hininga o dalawa ang makalipas, tumigil na sa panlalaban ang Mermaid Princess at nagpakita ito ng pagkamasunurin sa kanyang mga mata.
Pamilyar si Jiang Fan sa ganitong mga pagbabago.
Shua!
Nawala na ang Eye of Heaven.
"Huwag kang umalis!"
Hindi mapakali si Jiang Fan, pero nagbigay ng isang malamig na utos ang Mermaid Princess sa sumunod na pagkakataon, "Paalisin ang lahat."
"Princess!"
Ang mga nalalapit na sirena ay nagulat at nalilito, pero ang prinsesa ay nasa kamay ng kalaban, at nanggaling pa rin naman ang utos sa prinsesa mismo. Kailangan nilang sumunod.
Sa ilalim ng mga utos ng Mermaid Princess, nagbukas sila ng daan para sa kanila.
"Papatayin ko ang sarili ko kapag may umatake na kahit sino."
Isang patalim ang nagpakita sa kamay ng Mermaid Princess at manhid ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Ang mga puso ng mga ekspertong sirena ay nanlamig. Walang nangahas na pigilan sila.
Natuwa nang higit si Jiang Fan nang maayos siyang nakaalis sa palasyo ng Mermaid Princess.
"Bilis! Sabihan niyo ang hari!"
Nagsimula nang mag-usap ang mga eksperto. Masasbai ng isang Half-Step Void God Realm King na ang Mermaid Princess ay nakontrol ng isang tao. Sa kasalukuyan, isa lamang siyang manika na pinapasunod.
Sa parehong pagkakataon, sa isang sulok ng Mermaid Kingdom:
"Zhao Feng, kumusta na ang sitwasyon?"
Hindi maitago ni Chen Yilin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Nagtagumpay ba ang matamis na patibong ng ating Kapatid na si Jiang Fan?"
Naramdaman ng lahat na nagkakagulo na ang Mermaid Kingdom, at hindi na rin sila mapakali sa mga aura ng mga ekspertong sirena.
"Hehe, sino naman ang nagsabi na gagamit ako ng matamis na patibong? Ang Mermaid Princess ay napagtagumpayan nang mabihag."
Tumawa nang mahina si Zhao Feng.
Bihagin ang Mermaid Princess?
Nagulantang ang mga Core Disciples. Hindi nila mapigilang mapahinga nang malamig.
Napakapangahas talaga ni Zhao Feng. Sinubukan niyang gawing bihag ang Mermaid Princess?
Gulu~~
Ang tunog ng tubig na dumadaloy ay nagmumula sa harap.
Lumangoy sina Jiang Fan at ang Mermaid Princess, at nagpakawala ng hininga sila Chen Yilin bago bigyan ng malamig na tingin si Zhao Feng.
Ang plano ni Zhao Feng ay kapareho ng sa henyo ng Sacred Land dati ilang libong taon na ang nakakaraan – pareho nilang pinili na gamitin ang Mermaid Princess bilang punto ng pagbabago.
Kahit na magkaiba nang bahagya ang mga detalye, pareho lang naman ang resulta.
Ilang libong taon ang nakalilipas, ang Sacred Land na henyo na ito ay naipanalo ang puso ng Mermaid Princess at nakapasok siya sa palasyo at kailaliman ng lawa, samantalang si Zhao Feng naman ay ginamit ang kanyang Soul Technique para maging alipin ang prinsesa.
"Pumunta na tayo sa palasyo."
Pag-uutos ni Zhao Feng, at ang grupo ay agad na nagtungo sa kailaliman ng Mermaid Kingdom.
Habang nasa daan, ang Mermaid Princess ay nagpakita ng tiyak na pagsunod. Ang mga eksperto ng Mermaid Kingdom ay hindi sila pinigil; nanood lamang sila.
Kalahating oras na kinakailangan sa paggawa ng tsaa ang lumipas, ang grupo ay nakarating sa kailaliman ng lawa na napapalibutan ng nagniningning na berdeng liwanag.
"Buksan ang pinto."
Wika ni Zhao Feng.
Pumunta ang Mermaid Princess sa harap ng tarangkahan ng palasyo at nagsimulang kumanta ng isang ancient song ng mga sirena.
Ang kanta ay naglalaman ng isang misteryosong Soul Signal na may kaugnayan sa palasyo.
"Ang Mermaid Princess ay may kakaibang estado sa Mermaid Kingdom. Ang Mermaid Princess ay hindi talaga kinakailangang maging anak ng hari, kundi ang taong may pinakamahusay na Soul Talent sa mga imperials."
Maraming nalamang sikreto si Zhao Feng mula sa Mermaid Princess.
Sa isang antas, ang Mermaid Princess ay tila isang Sacred Daughter ng iilang mga tribo. Napakahalaga nila.
Sa parehong pagkakataon, ang Mermaid Princess ay may tadhana na, may kinalaman ito sa kanyang Soul Talent at inheritance.
"Ang tadhana ng Mermaid Princess ay makipag-ugnayan sa Mermaid Divine Palace."
Naging mas malinaw ang isip ni Zhao Feng.
Hindi nakapagtataka kung bakit ang mga henyo sa Sacred Land dati ay agad na nakakapasok sa Divince Palace sa tulong ng Mermaid Princess at nakakakuha sila ng Immortal Springs Wine at Illusion God Wine.
Weng~~
Ang pinto sa Mermaid Divine Palace ay marahang nagbukas at naglabas ito ng isang ancient aura.
"Pasok."
Inutusan ni Zhao Feng ang Mermaid Princess na pangunahan ang daan.
Nang payapak na sana sina Zhao Feng at ang mga kasama nito sa Mermaid Divine Palace:
"Mga tao, sumuko na kayo."
Ang dominanteng boses ng hari ay maririnig sa soul-dimension. Ang mga kaluluwa at isip ng Mystic True Sacred Clan Core Disciples ay nanigas.
Ang may-ari ng boses ay ang Mermaid King.
Paano namang walang gagawin ang Mermaid King habang nakabihag ang Mermaid Princess?
Syempre, nasa palasyo niya pa talaga ang Mermaid King; Void God intent lamang niya ito.
"Mermaid King, hindi sapat ang Void God intent mo para mapatay ako sa isang isip lamang, pero sapat na ang sa akin para mapatay ang Mermaid Princess."
Kalmado pa rin si Zhao Feng. Hindi siya nangamba gaya nila Jiang Fan at ng iba pa.
Sa kanyang plano, syempre naisip niya na talaga ang tungkol sa Mermaid King.