"Nagtataka ako.. Kung ano kaya ang epekto ng isang luha ng sirena?"
Napag-alaman ni Zhao Feng na ang dalawa sa Core Disciples ay nakapasok sa isang malalim na estado ng pag-iral at nagbugat ng aura ng mental energy.
Ang mga luha ng sirena sa kanilang mga kamay ay nagningning sa liwanag na siyang bumalot sa kanilang mga katawan.
Hindi nagtagal, binuksan ng dalawang Core Disicples ang kanilang mga mata – dalisay na sila at malinaw ang kanilang pag-iisip. Nalinis ang kanilang kaluluwa, at nagbago nang bahagya ang kanilang mga aura.
Kahit hindi nagbago ang kanilang cultivation, alam ni Zhao Feng na tumatag ang kanilang mga kaluluwa.
Dapat malaman na ang pang-unawa sa intent ng Void God Realm ay nakaasa sa kaluluwa nito. Ito angd dahilan kung bakit ang mga kaluluwa ng mga sirena ay naktutulong na maunawaan ang Void God Realm.
Syempre, ang epekto nito ay hindi naman nangangahulugang ang tsansa para umangat ang antas ay tumaasna rin. Tanging ang Illuion God Wine lamang ang may epekto. Subalit, para sa mga nasa Half-Step Void God Realm, talagang magagamit ang mga luha ng sirena.
"Habang lumalakas ang kaluluwa ng isang tao, ang kabuuhang kapangyarihan niya ay tumataas rin sa hinaharap."
Napabuntong-hininga si Zhao Feng nang maalala ang isang tao – si Xin Wuheng.
Sa lahat ng mga henyong nakilal niya, si Xin Wuheng ang may pinakamababang talento, subalit ang intent at kanyang kaluluwa ay nasa antas na hindi mauunawaan.
Kahit ngayon, hindi pa rin matukoy ni Zhao Feng ang inteng ni Xin Wuheng.
"Subukan natin."
Kumuha ng iilang luha ng sirena si Zhao Feng at marahang ipinikit ang kanyang mga mata.
Ang musika ng mga ancient mermaids ay tila ba umaalingawngaw sa kanyang mga tainga.
Mayroong halo ito ng katamisan, kapaklaan, kaasiman, kaanghangan, at sakit. Ang lahat ng ito ay napakadalisay at lumitaw ito sa puso ni Zhao Feng.
Ang puso ni Zhao Feng ay tila ba nililipasan ng oras.
Sakit, lungkot, pagmamahal, at ganda ang siyang luminis sa kaluluwa ni Zhao Feng.
Ang mga sirena ay mga misteryosong ancient species na bibihira lamang umiyak. Tanging ang mga may hindi lamang masukat na pagmamahal ang nagawa ito.
Ang bawat luha ngi isang sirena ay kumakatawan sa kanilang pagmamahal.
Sa ilalim ng ganoong kapurong mental energy, naging malinaw ang kaluluwa ni Zhao Feng.
Isang alaala ang biglang gumuhit sa kanyang isipan.
Noong bata siya, isang eleganteng batang babae na nakalila at may malinaw na mga mata ang biglang nagpakita.
Isa itong lilang anyo na palaging nakatitig sa kanya mula sa likod.
Nang makita siya, nagyakapan silang dalawa. Sobrang lapit ng kanilang loob gaya ng magkapitbahay.
Shua!
Muling nagbago ang senaryo.
May mga malupit na eksena ang siya namang gumuhit sa isipan niya. Pagkaawa, kalungkutan, pagkadismaya.
Isang tahimik na babae ang nakadamit ng puti ang biglang lumitaw sa isip niya. Tila ba isa siyang diyosa sa isang kuwadro.
"Ah… Minsan ko rin pala itong naramdaman."
Naging dalisay lalo ang kaluluwa ni Zhao Feng, at ang lawa sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata ay nagningning. Ang bawat patak ay napakalinis at napakalinaw.
Sa loob lamang ng maiksing sandali, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay nalinis.
Kahit hindi lumakas ang kanyang kaluluwa, naging mas dalisay naman ito.
Ang pagpapakita ng kanyang kaluluwa ay sumilay rin sa kanyang isip.
"Ito ako?"
Nagkaroon ng mas lalong mataas na pagkaunawa si Zhao Feng sa kanyang sarili saka siya nabalik sa katotohanan.
Isang oras ang makalipas, nakagamit na si Zhao Feng nang halos sampung piraso ng luha ng sirena.
Sa huli, ang kanyang puso ay kasing kalmado ng tubig.
"Kapatid na Zhao, ang sitwasyon ay hindi maganda; mukhang natagpuan na tayo ng Mermaid Kingdom."
Maririnig ang boses ni Chen Yilin.
Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata. Isang mapusyaw na liwanag na iba-iba ang kulay ang siyang naglaho, at ang kanyang mga mata ay naging malinaw gaya ng isang kristal.
"Ang mahanap nila tayo ay nakadepende lang naman sa oras."
Hindi na nagulat si Zhao Feng. Alam niyang mangyayari ito gamit ang mga tagasunod niya na nakapalibot sa malapit.
Marami silang pinatay na sirena. Kung kaya, malalaman talaga ito ng Mermaid Kingdom kahit anong mangyari.
"Kailangan nating gumalaw nang mabilis bago pa tayo mahabol ng mga nakatataas ng Mermaid Kingdom."
Nagmamadali ang boses ni Chen Yilin, pero ang ekspresyon ng kabataang kulay asul ang buhok sa kanyang harap ay hindi nagbago. Ang kanyang mga mata ay malinaw pa rin.
"Nawalan lang naman sila ng direksyon kung nasaan ba ang ilang mga sirena; wala pa namang gagawin agad ang mga nakatataas. Ayon sa nalalaman ko, ang Mermaid King ay nasa seklusyon sa loob ng nakalipas na sampung taon."
Marahang sabi ni Zhao Feng.
Sa ngayon, mayroon lamang silang dalawang pagpipilian sa kanilang harap:
Una; tumakas. Marami naman na silang nakuha. Lalo na si Zhao Feng – marami na siyang nakuhang kayamanan at mga resources.
Ikalawa; subukang pumasok sa palasyo.
Napakadelikado ng ikalawang opsyon. Maaari pa nilang kaharapin ang buong Mermaid Kingdom, o kaya ang kanilang hari.
"Zhao Feng, may mga paraan ka ba?"
Hindi mapigilang magtanong ni Jiang Fan.
Kumislap ang mga mat ni Chen Yilin. Ang kanilang progreso ay napakaayos. Tila ba kontrolado ni Zhao Feng ang lahat.
"Napakadali lang naman talaga. Isipin niyo kung ano ang nangyari sa taong matagumpay na nakapasok sa palasyo dati."
Ngumiti si Zhao Feng.
Dati?
Syempre, alam nilang lahat. Ilang libong taon ang nakalilipas, ang isang henyo ng Sacred Land ay nahulog ang loob sa isang Mermaid Princess at kaya nakapasok siya sa palasyo sa tulong nito.
"Ayon sa aking nalalaman, ang kasalukuyang prinsesa ay napakaganda, at higit sa lahat, wala pa siyang iniibig."
Wika ni Zhao Feng.
"Zhao Feng, hindi mo naman siguro sinasabi na uulitin natin ang nangyari dati, hindi ba?"
Napairap si Chen Yilin.
"Matalino ang mga sirena. Paano naman mauulit ang ganoong klaseng pakulo?"
"Noong nakaraan, nangyari lamang ito dahil sa swerte. Mahirap na itong maulit pa."
"Bukod pa roon, sino sa atin ang dapat na ibigin ng Mermaid Princess? Gaano kadelikado ang gagawin nila?"
Napailing ang lahat.
Hindi naman sinto-sinto ang mga sirena. Hindi sila maloloko sa parehong paraan.
"Hehe, sino naman ang nagsabi na hindi ito gaganang muli? Mayroon sa ating may kapasidad na gawin ito."
Tumawa nang bahagya si Zhao Feng at kampanteng nagsalita.
"Sino? Sino ang may kakayahan na paibigin agad ang Mermaid Princess?"
Napatingin ang lahat sa isa't isa. Wala naman sa kanila ang kagwapuhan talaga.
"Ang taong iyon ay ikaw."
Ngumiti si Zhao Feng at napunta ang kanyang tingin kay Jiang Fan.
"Ahhh!"
Natisod si Jiang Fan at halos mapamura.
Nakakasuka naman ito.
"Kapatid na Zhao, hindi ito isang laro. Ano ba ang nasa isip mo?"
Wika ni Chen Yilin.
Kung pag-uusapan lang naman ang itsura, si Jiang Fan ay sobrang normal. Mas malala pa nga siya kaysa kay Zhao Feng eh.
"Ganito iyon," tumigil muna si Zhao Feng bago muling nagsalita, "gusto ng mga sirena ng malalakas, at hinahangaan nila ang mga may noble bloodlines. Ang ating Kapatid na Jiang ay may Ten Thousand Ancient Races bloodline, at ayon sa mga naaliping sirena, ang kasalukuyang prinsesa ay napakaarogante; ni hindi nga niya inilalagay sa kanyang mga mata ang mga bloodline geniuses na kapareho niya ang uri."
"En… Sa madaling salita, gusto ng prinsesang ito ng mga malalakas na tao na may noble bloodlines."
Pagbubuod ni Zhao Feng.
Nang marinig ito, ang iba pang mga Core Disciples ay nagpakita ng mukhang nakaunawa.
"Hindi… Hindi, hindi, hindi!"
Nanlaban si Jiang Fan. Ang paraang ito ay hindi maganda para sa kanya.
Napakunot ang mga kilay ni Chen Yilin. Ang paraang ito ay medyo delikado nga.
Una sa lahat, napakalaki ng dala nitong pahamak.
Ikalawa, ang pagkahulog ng loob ng prinsesa ay nakadepende pa rin sa swerte at pagkakataon.
"Makinig ka sa plano ko…"
Biglang bumaba ang boses ni Zhao Feng.
Biglaan, narinig na lamang nila Chen Yilin at Jiang Fan ang boses ni Zhao Feng sa kanilang mga isip.
"Ganyan ka kakampante?"
Pagtatanong ni Chen Yilin, at ang ekspresyon ni Jiang Fan ay kumalma nang bahagya.
"Mayroong 90% na pag-asang magtagumpay. Kung hindi kayo papayag, bumalik na lamang tayo."
Desididong sabi ni Zhao Feng.
"Sige."
Napagpasyahan ni Jiang Fan na ibigay na lamang ang lahat niya.
Kung hindi siya papayag, mawawalan sila ng tsansa na makapasok sa palasyo na nasa ilalim ng lawa.
Hindi nagtagal, si Jiang Fan ay "nahuli" ng iilang mga sirena.
Apat na Origin Core Realm na mga sirena ang nakabantay kay Jiang Fan, at may iba pang malapit sa kanya, kasama na ang isang magandang babaeng sirena.
"Pangahas naman ang tagalabas na ito para tawagin ang Mermaid Princess ng kung ano-ano!? Ipadala siya sa palasyo ng prinsesa."
Pag-uutos ni Zhao Feng sa isa sa kanyang mga naaliping sirena.
Kilala ng magandang sirena ang Mermaid Princess at nangako siyang ipapadala ito sa prinsesa.
Lahat ng ito ay nasa kalkulasyon ni Zhao Feng.
Naipadala si Jiang Fan sa palasyo ng Mermaid Princess.
Habang nasa daan, malaking bilang ng mga sirena ang nanonood nang may interes, pero wala namang nangyari.
Sa kanilang mga mata, ang mga tao ay tira-tira lamang sa isang laban, at wala naman silang kahit anong galit na ipapadala ito sa palasyo ng Mermaid Princess. Pagkatapos ng lahat, wala pa namang kahit anong kakaiba ang naiuulat sa nakatataas.
Sa pamamagitan ng mga naaliping sirena, nakikita at naririnig ni Zhao Feng ang mga nangyayari, pero ang iba pang mga Mystic True Sacred Clan Disciples ay hindi ito nagagawa.
Sa palasyo ng Mermaid Princess:
"Tao? Tira-tira sa laban?"
Isang nakamamangahang babae ang nakahiga sa kama, at ang kanyang mga mata ay naguhitan ng interes nang marinig ito.
Totoo nga, sa kanilang mga mata, kakaiba ang mga tao. Kahit ang Mermaid Princess ay interesado.
"Ipadala mo siya sa akin."
Puno ng interes ang Mermaid Princess.
Ang pagmamahalan ng isang tao at sirena ilang libong taon na ang nakalilipas ay isang ipinagbabawal na kuwento, pero habang lalo itong ipinagbabawal, lalong napupuno ng interes ang prinsesa.
Nakatali si Jiang Fan, at saka ipinadala na siya sa Mermaid Princess.
"Isa kang tao?"
Hinawakan ng Mermaid Princess ang katawan ni Jiang Fan mula sa itaas hanggang pababa, at nang mahawaka nito ang isang bahagi sa kanyang pambabang katawan, nanigas si Jiang Fan. Namula ang kanyang mukha at minura niya sa kanyang isip si Zhao Feng.
Subalit, umaasa rin siya nang bahagya. Hindi naman ganoon kasama na magkaroon ng isang relasyon sa ganito kagandang babae. Pagkatapos ng lahat, simula nang madiskubre ang kanyang bloodline, hindi na siya tumigil sa pagcucultivate. Kahit nasa bente anyos na siya, isa pa rin siyang birhen at hindi pa siya nagkakaroon ng kahit anong relasyon.
Nang maisip ito hanggang dito, nagpakawala siya ng bahagyang aura ng kanyang bloodline.
"Hmm? Ten Thousand Ancient Races Bloodline?"
Nanginig ang bloodline ng Mermaid Princess at nagulat siya. Ang pares ng kanyang mga mata ay napuno ng respeto at tila ba mga bituing kumikislap.
Hindi mapigilan ni Jiang Fan na makaramdam ng pagmamalaki. Ang bloodline nga ng Ten Thousand Ancient Races ay kakaiba.
Mermaid Princess? Madali lang pala.
Subalit, nahulog siya sa kawalan nang marinig ang sunod na sinabi ng Mermaid Princess:
"Haha, isa ka sigurong espiya mula sa mga tao para akitin ako."
"Hmph, gagamit na naman kayo ng parehong pakulo? Anong klaseng baliw ang nakaisip ng planong ito?"
Halos mapadura ng dugo si Jiang Fan.