Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 645 - Mga Luha ng Isang Sirena

Chapter 645 - Mga Luha ng Isang Sirena

Muling inayos ni Zhao Feng ang kanyang mga hukbo sapagkat nawalan siya ng napakarami sa laban ngayon.

Ang kabuuang bilang ng kanyang pwersa na napatumba ay hindi naman hihigit sa isang libo, wala naman siyang paki doon, kung kaya hindi rin siya nagmamadali na palitan sila.

Habang lumalalim ang pagsuong niya sa Purple Smoke Lake, lalong dumarami ang malalakas na halimaw na kanyang nakakaharap.

"Ang sumunod na hakbang ay tumungo sa Mermaid Kingdom. Kahit gaano pa karami ang aking hukbo, hindi ito sapat para labanan ang Mermaid Kingdom, kung kaya kailangan kong piliin ang daan ng mga elites."

Kalmado lamang ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Sa halip na paramihin lalo ang bilang ng kanyang mga kawal, pinalitan niya lamang ito ng mga mas malakakas pa na halimaw.

Gusto lamang ni Zhao Feng na magkaroon ng 300-500 na mga tagasunod. Kapag mas marami ang kanyang hukbo, mas makukuha nito ang atensyon ng mga nakatataas ng Mermaid Kingdom.

Habang mabagal na pumoprogreso si Zhao Feng:

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang tunog ng mga nagmamadaling yapak ay maririnig mula sa likod.

"Junior Martial Brother Zhao!"

Ang boses ni Chen Yilin ay nagmumula sa ilang milya.

Hindi naman nagulat si Zhao Feng. Kung kaya pinatigil niya muna ang kanyang hukbo.

Sina Chen Yilin, Jiang Fan, at ilan pa ay dumating sa harap ni Zhao Feng.

"Senior Martial Brotsher Chen, Senior Martial Brothers and Sisters, may kailangan ba kayo?"

Pagtatanong ni Zhao Feng.

Matagal na niyang napansin ang presensya nila.

"Kapatid na Zhao, magtulungan tayo papumta sa Mermaid Kingdom. Hahatiin natin ang lahat doon mismo sa palasyo ng 70-30; sa iyo ang 70% at sa amin na 30%."

Nagsalita si Chen Yilin. Sa ngayon, tapat na ang kanyang tono.

"Sige, pero may mga pamantayan ako."

Bahagyang itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

Sa tulong nila Chen Yilin, Jiang Fan at mga kasama nito, paniguradong mapapabilis ang gawain ni Zhao Feng.

Hindi naman siya nangahas na maliitin ang lakas ng sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacred Land.

Si Jiang Fan ay may bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, kung kaya hindi mo talaga siya matitignan nang mababa.

"Kapatid na Zhao, sabihin mo na ang iyon pamantayan."

Kalmado lamang ang mukha ni Chen Yilin, at wala sa mga disipulo ng Mystic True Sacred Clan ang nagpakita ng kahit anong senyas ng pagkadismaya. Pagkatapos ng lahat, kani-kanina lamang, nakatall si Zhao Feng ng isang dosenang tao, kasama na si Tu Jiuseng. Ang kanyang lakas ay pinanginig ang puso ng iba.

Ang labang iyon ang dahilan para kumalat ang pangalan ni Zhao Feng.

Bukod pa sa kanyang lakas, may sarili ring mga hukbo si Zhao Feng ng mga water beasts.

"Kailangan niyong lahat na makinig sa akin bago tayo makarating sa palasyo."

Bigkas ni Zhao Feng, at nagtinginan ang anim na Core Disciples nang marinig ito.

Gusto ni Zhao Feng ang kapangyarihan na utusan ang iba pang mga Core Disiciples.

Kung sa nakaraan ito, paniguradong hindi ito mangyayari sapagkat ang Core Disciples ng Mystic True Sacred Clan ay napakalakas at nakaparangal.

"Sige."

Kumislap ang mga mata ni Chen Yilin nang bigyan niya si Zhao Feng ng isang malalim na tingin.

Agad na dumiretso si Zhao Feng sa Purple Smoke Lake nang makapasok siya sa Demigod Forgotten Garden at hakbang bawat hakbang ay napamunuan niya ang Purple Smoke Lake.

At ngayon, papalapit na siya sa Mermaid Kingdom.

Mula roon, makikita agad na may plano na siya mula sa simula, at baka mayroon pa nga siyang mga paraan para makakuha ng resources sa Mermaid Kingdom.

"Tara na."

Kinontrol ni Zhao Feng ang hukbo at tumungo na siya sa kailaliman ng Purple Smoke Lake kasama sina Chen Yilin, Jiang Fan, at ang iba pa.

Sa tulong nila, ang bilis ni Zhao Feng ay humigit nang ilang beses.

Habang nasa daan, may mga malalakas na halimaw, pero agad naman silang napaslang nila Chen Yilin at Jiang Fan. Wala ng halos kailangan pang gawin si Zhao Feng.

Ang lakas ni Chen Yilin ay kapantay na ng kay Tu Jiuseng. Kaya na rin niyang pumatay ng isang Sovereign Lord Beasts sa isang atake lamang.

Mas kakaiba pa nga si Jiang Fan. Nang magbuga siya ng kanyang bloodline aura ng Ten Thousand Ancient Races, ang ilang mga halimaw ay hindi na nanlaban pa.

Kahit ang aura pa lamang ng maalamat na Ten Thousand Ancient Race bloodline ay kaya nang palayuin ang mga halimaw.

Kung kaya, napakaayos ng paglalakabay nila, at ginamit ni Zhao Feng ang pagkakataon na ito para makalamon ng maraming Sovereign at Sovereign Lord Beasts ang kanyang Ghost Corpse Cursed Array.

Nakinig lamang sina Chen Yilin, Jiang Fan, at ang mga kasama nito sa utos ni Zhao Feng, at hindi niya sila ginamit nang libre. Namigay muna siya ng sampung piraso ng Purple Scaled Grass at ginawang kaugnay ang kanilang aura sa Purple Smoke Lake.

Parehong sina Chen Yilin at Jiang Fan ay gusto pa ng mas maraming Purple Scaled Grass, pero sinabihan sila ni Zhao Feng na dapat muna silang makahanap ng mga aytems na kasinghalaga nito bilang kapalit.

Ang hukbo ni Zhao Feng ay hindi tumigil sa pagkuha ng mga resources sa malapit ganoon rin sa kayamanan, at agad nila itong hinahati ng 70-30. Mag-isa lamang si Zhao Feng sa 70% ng mga kayamanan samantalang anim naman ang naghahati sa natitirang 30%.

Kalahating araw ang nakalipas, ilang sa mga nagmamanman sa hukbo ni Zhao Feng ay nakahanap na ng mga senyales kung nasaan ang mga sirena.

"Nagpakita na sila."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Kaya niyang ipakita sa iba ang mga nakikita niya kapag kontrolado sila ng Dark Heart Seed.

Ang mga sirena ay katulad ng mga alamat. Ang kanilang pantaas na bahagi at ulo ay katulad ng isang tao, pero ang kanilang pambaba ay buntot ng isang isda.

Napakaganda ng mga babaeng sirena.

"Kumalat kayo."

Inutusan ni Zhao Feng ang kanyang hukbo na kumalat sa buong paligid sa loob ng sampung milya para hindi sila agad na mapansin.

"Kapatid na Zhao, nasa Mermaid Kingdom na tayo ngayon. Subukan muna nating kumuha ng mga luha ng sirena, saka tayo magmanman kung ano sitwasyon bago tumungo sa palasyo."

Pagmumungkahi ni Chen Yilin. Kailangan pa naman nilang makinig kay Zhao Feng bago dumating sa palasyo.

"Parehas tayo ng iniisip Kapatid na Chen."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Pagkatapos ng lahat, ang palasyo ay binabantayan ng mga sirena nang ilang henerasyon, kung kaya ayaw nilang mapansin agad sila ng mga nakatataas nito. Subalit, pwede naman silang magnakaw ng mga luha ng sirena nang pasimple.

"Sige na."

Ang isip ni Zhao Feng ay nahati sa ilang dosena at kinontrol niya ang mga maliliit na halimaw at pinatungo ito sa Mermaid Kingdom.

Ang mga halimaw na kanyang ipinadala ay may espesyalisasyon sa pagnanakaw, pagtatago at pagkukunwari.

Boom! Boom!

Ang tunog ng laban ay maririnig mula sa malayo.

"Mga sirena!"

Ang mga pandama ni Chen Yilin ay napakalakas, kung kaya agad niyan napansin na may mga sirenang kumakalaban sa mga tagasunod ni Zhao Feng.

Ito ang unang beses sa karamihan ng mga Core Disciples na makakita ng mga sirena.

Itinaas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at pinigil sila.

"Dark Heart Seal!"

Gumamit si Zhao Feng ng isang soul technique mula sa ilang milya, at agad na natigil ang laban.

Ilang mga sirena ang agad na dumating sa kanyang harap at yumuko kay Zhao Feng.

Ang cultivation ng mga sirenang ito ay nasa Half-Step Origin Core Realm na.

Agad na sinuri sila ni Chen Yilin at ng mga kasama nito saka sila kinausap.

"Napakatalino ng mga sirena at mayroong mga kakaibang talento sa kanilang mga kaluluwa. Kung kaya mas mahirap gamitin sa kanila ang Dark Heart Seal."

Napatalon ang puso ni Zhao Feng.

Marami siyang nakuhang impormasyon tungkol sa mga sirena.

Agad namang nakihalubilo si Zhao Feng sa mga sirena gamit ang Dark Heart Seal.

Ang mga normal na sirena ay hindi marunong makipag-usap sa mga tao, pero sa kasalukuyan, ilan sa mga nakatataas ay kaya na itong gawin.

Hindi nagtagal:

"Tumungo kayo sa hilagang-kanluran."

Biglaang sabi ni Zhao Feng.

Ang mga mata nila Chen Yilin at ng mga kasama nito ay kumislap. Mukhang nakahanap si Zhao Feng ng mga luha ng sirena.

Agad na nagtungo ang grupo sa kailaliman ng Mermaid Kingdom. Upang hindi makatawag pansin, ikinalat ni Zhao Feng ang kanyang hukbo – lalo na ang mga malalaki – sa hangganan ng Mermaid Kingdom at nagdala lamang siya ng mga maliliit na halimaw na may espesyalisasyon sa paghahanap at pagnanakaw.

May mga nakasalubong silang mga sirena sa daan, pero pinaslang lamang ito nila Chen Yilin o kaya naman inalipin ni Zhao Feng.

Sa puntong iyon, dose-dosenang sirena na ang naalipin ni Zhao Feng. Apat sa kanila ay nasa Origin Core Realm samantalang ang iba ay nasa True Spirit Realm.

Nakahanap na rin sila sa wakas ng iilang mga luha sa isang korales ilang dosenang milya ang layo sa kanila.

Ang maitim na kailaliman ng lawa ay nagningning sa dalisay na kulay ng mga luha ng sirena at naiibang mga laki nito.

Sa kadiliman, kitang-kita ang mga sirena.

Agad na nakaramdam si Zhao Feng ng isang purong source of Soul Aura and Love mula sa malayo.

"Iyan pala ang mga luha ng sirena? Ang mga luhang ito ay punong-puno ng pagmamahal, at naglalaman ito ng pinakadalisay nilang love intent. Ang kapangyarihang iyon ay kayang linisin ang kaluluwa at makatutulong upang maunawaan ang intent ng Void God Realm."

"Isang tulo lamang nito ay nangangailangan ng limang daang taon para mabuo."

Napabuntong-hininga ang grupo at nanood nang tahimik.

Mula sa mga lumang tala, sinasaad na ang pagmamahal ng isang sirena ay hindi naglalaho.

Ang henyo ng Sacred Land ilang libong taon ang nakalilipas ay nahuli muna ng mga sirena bago siya nahulog sa Mermaid Princess at saka nagkaroon ng tsansa na makapasok sa palasyo.

"Magsimula na tayo."

Pinakuha lang naman ni Zhao Feng ang ibang mga sirena na kontrolado niya ng ilang mga luha ng sirena.

Kahit na kontrolado pa man sila ni Zhao Feng, biglaan na lamang na umiyak ang mga sirenang ito dahil sa kalungkutan.

Nanood lamang sina Chen Yilin at ang mga kasama nito habang hindi gumagalaw.

Una sa lahat, ang mga kayamanan naman ay mapupunta halos kay Zhao Feng, at ikalawa, mayroong isang misteryosong mental energy sa mga luha ng sirena na nagbubuga ng isang puro at inosenteng pagmamahal. Sa ilalim ng aura na ito, ang kanilang kaluluwa ay tila nalilinis, at ang pagnanasa nilang makapatay ay humihina.

"Ang mga sirena ay isang uri ng nilalang na may saktong dami ng talento sa Dao of Soul, at ang mga nakatataas nila ay kadalasang babae. Kung kaya, ang mental energy sa kanilang mga luha ay may nakamamanghang epekto."

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo.

Ang dami ng kapangyarihan na nilalaman ng isang luha ng sirena ay hindi naman sobra-sobra. Ni hindi nga ito maikukumpara sa isang High-Grade Primal Crystal Stone, pero hindi ito mahalaga dahil sa dami ng kapangyarihan nito – mahalag ito sapagkat may kakayahan itong linisin ang kaluluwa ng isang tao, at karamihan sa mga cultivators ay wala ng kapangyarihan na ito.

Isang dakot ng mga luha ng sirena ang nakuha ni Zhao Feng, at saka sila lumipat ng pupuntahan.

Ang mga sirenan sa loob ng sampung milya ay napatay o naalipin ni Zhao Feng, at biglaan, ang isang bahagi ng forbidden area ng Mermaid Kingdom ay tila ba naging teritoryo ni Zhao Feng.

Sa ganitong sitwasyon, madaling nakakuha si Zhao Feng ng ilang dosenang mga luha ng sirena.

Ang bilang na ito ay higit pa sa nakuhang mga luha ng sirena sa nakaraang apat o limang pagbubukas ng Demigod Forgotten Garden.

Sa nakaraan, tanging kakaunting bilang lamang ng mga tao ang nakakakuha nito.

Halos lahat ng mga henyo ay gustong makapunta ng Ten Thousand Treasures Tower, Hundred Flower Garden, Demigod Grave, at iba pang mga lugar.

Sa bilang ng mga kayamanan, ang Purple Smoke Lake ay walang maibubuga sa Ten Thousand Treasures Tower. Kung mga kakaibang resources naman, mas maganda kung Hundred Flower Garden ang pipiliin mo.

Bukod pa roon, napakalakas rin ng Mermaid Kingdom.

"Nakakuha ng tayo ng sapat na mga luha ng sirena."

Tumigil na si Zhao Feng sa paghahanap pa.

Marami na siyang naalipin na mga sirena, at marami na ring napatay sina Chen Yilin. Baka mahuli na sila ng mga nakatataas ng Mermaid Kingdom.

Binigyan ni Zhao Feng sina Chen Yilin at Jiang Fan ng tigdadalawang luha ng sirena, samantalang isa naman sa iba, at nagtago naman siya ng 20 para sa kanyang sarili.

Wala namang suhestiyon ang iba tungkol riyan, at iilan pa sa kanila ay ginamit na agad ang mga luha.