"Kapatid na Tu, ang hukbo ng sutil na iyan ay nauuna na."
Higit pa sa isang dosena ang nasa grupong ito, at ang mga henyo ng Thousand Darkness Sacred Clan ay ang mga namumuno.
Ang Kapatid na Jiu na may iisang braso lamang ay isa sa kanila.
Ang tingin ng mga tao sa malapit ay napunta sa isang malaking higante na may itim na kaliskis.
"Tu Jiuseng, isa sa sampung pinakamagagaling na henyo nh Sacred Land."
Higit sa isang dosenang milya, ang ekspresyon ni Chen Yilin, Jiang Fan, at iba pang mga disipulo ng Mystic True Sacred Clan ay nagbago.
Nagmula si Tu Jiuseng sa Thousand Darkness Sacred Clan, at ang kanyang cultivation ay umabot na sa huling yugto ng Great Origin Core Realm.
Isa siya sa sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacred Land. Dagdag pa rito, ang kanyang ama ay isang Void God Realm King na si Tu Wanli.
"Hmm? Nakahanap agad ng mga dagdag pwersa sina Jiy Motai?"
Isang Core Disciple ng Mystic True Sacred Clan ang napangisi nang malamig.
Hinahabol nila Tu Jiuseng at ng grupo nito si Zhao Feng mula sa likod. Halata namang masama ang kanilang balak.
"Kung tama ang hinala ko, susubukang patayin ni Tu Jiuseng si Zhao Feng."
Kumislap ang mga mata ni Chen Yilin.
Ilang buwan ang nakalilipas, ang ama ni Tu Jiuseng, si Tu Wanli, ah nawalan ng mukha sa harap ng Void God Protection ni Emperor Duanmu, dahil kay Zhao Feng. Ngayon, nakasakit pa si Zhao Feng ng isang disipl mula sa Thousand Darkness Clan, at marami siyang kayamanang hawak.
"Kapatid na Tu, ang Zhao Feng na iyan ay mukhang may ilang daang pulutong ng Purple Scaled Grass at ilan pang mga kakaibang kayamanan."
Dinilaan ni Kapatid na Jiu ang kanyang mga labi.
"Ako na ang pupunta para hulihin siya. Ako na rin ang magkokontrol sa hukbo niya."
Isang sakim na ngiti ang makikita sa mukha nk Tu Jiuseng.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Sa pagkakataong iyon, tila may naramdaman si Zhao Feng at napalingon siya.
Mayroong mga kakaibang halimaw si Zhao Feng sa kanyang hukbo at responsable sila sa pagmamanman.
Sa Demigod Forgotten Garden, mahigpit na nalilimitahan ang Spiritual Sense, ang normal na Great Origin Core Realms ay makakadama lamang sa loob ng isang daang yarda. Dagdag pa dito ang Purple Smoke Lake na talagang pinapangimbabawan ang kanilang pandama.
Agad na naramdaman ni Zhao Feng sila Tu Jiuseng nang makaabot sila sa sampung milya.
"Tu Jiuseng… Isa sa mga sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacres Land.Napakadominante niya at nakakapamatay…"
Pagbulong ni Zhao Feng.
Pinakilala ni Dong Wenjian ang sampung pinakamagagaling na henyo ganoon rin ang mga sampung halos na pinakamagagaling na henyo ng Scares Land sa kanya bago nagbukas ang Demigod Forgotten Garden.
"Maghanda na kayo para lumaban!"
Tumawa nang malamig si Zhao Feng. Ang kanyang pag-iisip ay nahati sa 20 o 30 para magbigay ng mga utos sa buong hukbo.
Sa ibabaw ng tubig, sa ilalim ng tubjg, at sa kalaliman ng tubig, ang mga hukbo ni Zhao Feng ay nakakalat, naghihintay sa pagdating ni Tu Jiuseng at ng mga kasama nito. Mula sa kanila, sangkatlo ng hukbo ang nasa ibabaw at nagtatago naman sa ilalim ang mga malalakas.
"Sutil na si Zhao, bigyan mo ako ng isang daang piraso ng Purple Scaled Grass."
Ang dominanteng boses ni Tu Jiuseng ay umalingawmgaw habang isang antigong malademonyong aura naman ang kumalat sa paligid.
Nagsimulang manginig Ng mga Yao fishes ni Zhao Feng.
"Nakasisindak na Demonic Dao Bloodline. Ang menyal energy ng Tu Jiuseng na ito ay hindi hihina sa isang nasa Half-Step Void God Realm."
Biglang kinabahan si Zhao Feng.
Ito ang unang kalaban niya na kaya siyang bigyan ng ganitong pakiramdam.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Sumugod si Tu Jiuseng sa harap ng ilang dosenang henyo. At tatlo sa kanila ang nakaabot na sa Sovereign True Lord Rank.
"Divine Chaotic Technique!"
Isang Sovereign Lord Genius na may espesyalisasyon sa Dao of Soul ang napahiyaw, na siyang nagpadala ng malakas na atungal sa soul-dimension.
Ang mga diyos at demonyo ay tila humihiyaw sa soul-dimension, at nataranta agad ang mga hukbo ni Zhao Feng na nasa tubig. Nasira pa nga ang isip ng ilang Yao Fishes.
"Hindi ito maganda!"
Higit na nagbago ang mukha ni Zhao Feng. Mayroong tao sa pangkat ni Tu jiuseng na may espesyalisasyon sa kaluluwa.
Sa pagkakataong iyon, nawalan si Zhao Feng ng 70% na kontrol sa kanyang hukbo.
Bukod pa roon, si Kapatid na Jiu at isa pang henyo ay kinontrol ang kanyang ghost-corpse at nagpadala ng mga lumilipad na halimaw na nasa 100-200 papunta sa kinalalagyan nila Zhao Feng.
"Hehe, ang Tu Jiuseng na iyan ay hindi lamang nakakamatay, napakatuso niya rin pala."
Sumunod sila Chen Yilin at ang mga kasama nito nang tahimik mula sa likod.
"Dapat lang tayong maghintay hanggang nasa isang desperadong sitwasyon na si Zhao Feng at humingi na siya ng tulong sa atin. Sa pagkakataong iyon, magkukusa tayo na magkaroon ng negosasyon."
Malamig ang mukha nj Jiang Fan. Ang kailangan lamang nila ngayon ay pagkatalo ni Zhao Feng.
Nagpakawala ang pangkat nila Tu Jiuseng ng mga mabibilis na atake na siyang nagoagulo sa hukbo ni Zhao Feng habang papunta naman siya rito.
Hulihin muna ang kanilang pinuno.
Ang taktika ni Tu Jiuseng ay katulad ng kay Kapatid na Jiu, pero ang kanyang lakas ay higit pa. Ganoon rin naman ang iba pang mga miyembro na sinusubukang antalain ang hukbo ni Zhao Feng, malalakas rin ang kanilang pangangatawan.
"Mabuti sana kung ngayon pa lang ay lumuhod ka na!"
Napaatungal si Tu Jiuseng habang isang makapal na malademonyong aura ang kumalat sa ilang daang yarda.
Boom!
Ang mapusyaw na anyo ng isang nagliliyan na malademonyong dragon ay makikiyang lumalabas mula sa kanyang palad. Ang mga tira-tira lamang na kapangyarihan nito ay sapat na para pumatay ng maraming mga halimaw sa malapit. Kahit ang dalawang ancient crocodiles ay agad na napatay kahit napakatatag ng kanilang mga depensa.
"Break!"
Napatalon si Zhao Feng sa ere at naglabas ng isang palm attack. May namuong kidlat at hangin nang umatungal ang dragon ng Purple Wind Lightning sa ere at nagbuga ito ng aura of Destruction.
Bam!
Ang dalawang atake ay nagkasagupaan sa ere. Ang mga malademonyong apoy ay nagkalay sa kung saan-saan habang may mga hanginat kidlat naman na sumasabog.
Ang nakapapanirang shockwave ang siyang pumulbos sa lahat ng mga nabubuhay sa malapit.
"Buti na lang at pinili kong lumaban sa ere."
Ang anyo ni Zhao Feng ay gumuhit nang umatras siya. May mga maiitim na lilang kaliskis ang lumabas sa balat niya, pero hindi naman siya nasaktan.
Sa kabilang banda, nakatayo lamang nang pirmi si Tu Jiuseng.
Kahit na mas nakakaangat si Tu Jiuseng nang bahagya, hindi rin naman nasaktan si Zhao Feng.
"Sutil, ang lakas mo ay hindi na rin masama. Nasasalag mo pala ang halos 60% ng aking lakas."
Ngumiti si Tu Jiuseng. Nang matapos na siyang magsalita, agad na sumugod ang kanyang malademonyong anyo.
Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Ang battle-power ni Tu Jiuseng ay sapat na para asikasuhin ang isa o dalawang normal na Death Guards.
"Lapit!"
Nang makitang papalapit si Tu Jiuseng, sumugod rin si Zhao Feng at hindi umatras.
Weng~
Ang Purple Destruction True Yuan sa Crystal Core ni Zhao Feng ay napadaloy na sa hangganan nito, at ang kanyang katawan ay naglabas na ng ancient aura. Tila ba naging isa siyang mapanglaw na halimaw nang harapin niya si Tu Jiuseng.
Boom!
May mga pagsabog na maririnig sa ere at nakagawa ito ng malalaking shockwaves.
Ang mga shockwaves mula sa atake ni Zhao Feng at Tu Jiuseng ang dahilan kung bakit hindi makalapit sina Kapatid na Jiu at ang mga kasama nito.
"Iyan pala ang lakas ng sutil na iyan?"
Nagulat si Kapatid na Jiu. Kahit siya ay walang sapat na lakas para makipaglaban nang direktahan kay Tu Jiuseng.
Bam! Bam! Bam!
Sina Zhao Feng at Tu Jiuseng ay lumaban habang umaatungal ang kanilang mga katawan at nagpalitan sila ng ilang dosenang palm attacks.
Sa isang malakas na pagsabog, ang dalawang anyo ay naghiwalay na.
Boom!
Ang anyo nu Zhao Feng ay naitulak ng ilang dosenang yarda, at ilang bahagi ng kanyang maiitim na lilang kaliskis ay nawasak, pero may maitim na asul na maliit n alon naman ng tubig ang agad na nagpahilom sa kanyang mga galos.
Sa kabilang panig:
Teng! Teng! Teng!
Ang anyo ni Tu Jiuseng ay naitulak rin, at pinigilan niyang tumagas ang dugo. Mayroonh iilang mga galls sa kanyang katawan.
"Ang lakas ng Zhao Feng na ito ay nakasisindak, at napakahirap para sa akin na sirain ang kanyang depensa."
Nagbago na nang lubusan ang ekspresyon ni Tu Jiuseng.
Ang kanyang katawan at bloodline ay may espesyalisasyon sa malapitang laban, pero mukhang nahihirapan siyang mangimbabaw.
Kung sa opensa lang naman, mas malakas siya kaysa kay Zhao Feng, pero ang depensa nga lang nito ay mas malakas kaysa sa kanya.
Dagdag pa roon, ang kanyang recovery speed ay hindi kasingbilis ng kay Zhao Feng. Ang mga pinsala na nagawa ng Purple Destruction Wind Lightning ay napakahirap pahilumin, samantalang ang Water Bloodline ni Zhao Feng ay may napakabilis na recovery speed.
"Arghh!"
"Arghhh!"
May mga paghiyaw na maririnig mula sa grupo.
Boom! Boom!
May mga makapangyarihang mga halimaw ang agad na nagpakita mula sa kailaliman ng lawa. Mula sa kanila, may dalawang malalaking water snakes na binuksan ang kanilang mga bibig at nilunok ang isang henyo nang buo at buhay.
Ang mga tunay na tagasunod ni Zhao Feng ay nagtatago talaga sa kailaliman ng lawa.
"Ang kalabanin si Tu Jiuseng at kontrolin ang kanyang hukbi nang sabay…"
Parehong nagulantang si Kapatid na Jiu at ang kasama niyang Soul Dao Genius.
Subalit, napasigaw ang lahat sa sumunod na nangyari.
Booom!
Sa isang malaking nakakadurog na alon, isang dambuhalang halimaw na may mga galamay ang lumabas mula sa ipo-ipo.
"Ano!?"
Agad na sinampal si Tu Jiuseng ng mga galamay na ito habang sinusubukan pa niyang ayusin ang kanyang sarili.
Pa! Pa! Pa!
Agad na nagbuga ng dugo si Tu Jiuseng habang ang kanyang katawan ay nanghihina na nang bahagya dahil sa mga atake ng water monster na ito.
"Hmph!"
Ngumisi nang malamig si Zhao Feng, pero hindi na siya sumali sa laban. Sa halip, inilabas niya ang kanyang Ghost Corpse Cursed Array at kinontrol ang buong hukbo para bawian ng buhay ang ibang mga henyo.
Ang pangkat ni Tu Jiuseng ay naging isang langgam mula sa pagiging halimaw sa isang sandali na napalibutan sila ng mga hukbo ni Zhao Feng.
Bilang isa sa sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacred Land, ang battle-power ni Tu Jiuseng ay napakalakas, kung kaya nakalaban pa rin siya kahit sa kanyang kasalukuyang estado na sinasampal ng galamay ng isang water monster hanggang sa dumugo na lang ang kanyang katawan at napasigaw siya sa sakit.
"Gaya ng inaasahan sa isang henyong kabilang sa pinakamagagaling na sampu ng Sacred Land."
Nang makita ito, binuksan ni Zhao Feng ang kanyang eye-bloodline power at pinorma itong matalas na pako.
"Mental Energy Spike!"
Isang malamig na yelong pako ang tumusok sa kaluluwa ni Tu Jiuseng.
"Arghh!"
Napasigaw sa sakit si Tu Jiuseng habang isang malamig na pawis ang namuo sa kanyang noo. Namilipit sa sakot ang kanyang mukha, at namula ang kanyang mga mata.
Ang Mental Energy Spike ay isang Pure Soul Attack na kakaunawa lamang ni Zhao Feng.
Kapag ang soul-strength ng dalawang tao ay magkahawig, ang may mas kabihasaan sa kaluluwa ay mas nakakaangat sa paggamit ng Mental Energy Spike. Kapag mas malakas ang soul-strength nh isang tao kaysa sa iba, ang magiging pinsala ah higit na karumal-dumal.
Hindi ito inaasahan ni Tu Jiuseng, at ang kanyang kaluluwa ay agad na nasugatan ng Mental Energy Spike.
"Atras!"
Pinigil ni Tu Jiuseng ang sakit sa kanyang kaluluwa habang tumatakas siya kasama ang pito o walong natitirang mga henyo.
Halos kalahati ng grupo ay namatay.
"Ang battle-power ng Tu Jiuseng na iyon ay napakalaki. Kahig ang water monster na may mga galamay ay hindi sapat para mapatumba siya."
Marahang nilipon ni Zhao Feng ang kanyang mga hukbo.
Nawalan siya ng dalawa hanggang tatlong daang halimaw sa laban na ito, pero halos lahat ng ito ay mga Yao Fishes lang naman at mahihinang nilalang lamang.
Halos kalahati sa kanila ay namatay dahil kay Tu Jiuseng. Mula rito, makikita talaga kung gaano kalakas ang isa sa sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacred Land. Bukod pa roon, hindi nama ganoon kataas ang ranggo nj Tu Jiuseng sa top ten.
Sa palibot ng Purple Smoke Lake, tanging kaunting bilang lamang ng mga henyo ang nakasaksi sa laban sapagkat ang lugar na pinaglalabanan ay malapit sa kailaliman ng Purple Smoke Lake.
"Kahit si Tu Jiuseng ay natalo sa kanya!?"
Iilang mga dispulo mula sa Mystic True Sacred Clan ang napabulalas sa hindi pagkapaniwala.
Hindi nila inaakalang isang malaking itim na kabayo pala si Zhao Feng.
"Ang soul-strength ng Zhao Feng na ito at ang kanyang kabihasaan sa Soul Dao ay lagpas sa sampung pinakamagagaling na henyo. Mananalo naman kami ni Tu Jiuseng sa kanyang sa isa laban sa isa na labanan, pero sa ganitong klaseng kapaligiran, hindi talaga."
Huminga nang malalim si Chen Yilin habang ang kanyang ekspresyon ay napalitan ng pagkabahala at pagiging taimtim.
Ang lakas na ipinakita ni Zhao Feng ay maikukumpara sa sampung pinakamagagaling na henyo ng Sacred Clan, at perpekto rin ang paligid na ito para sa kanya.