Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 643 - Mermaid Kingdom

Chapter 643 - Mermaid Kingdom

"Ano ba ang nasa isip ni Brother Chen?"

Nanliit ang mga mata ni Zhao Feng. Malinaw na makikita sa mga intensiyon ni Chen Yilin sa kanyang pagsisikap na tipunin ang mga kayamanan na mula sa kailaliman ng Purple Smoke Lake.

Ibig sabihin lamang nito na si Chen Yilin ay isang mapaghangad. Ang kailaliman ng Purple Smoke lake ay isang ipinagbabawal na lugar sa Demigod Forgotten Garden.

Hindi lamang kumpol-kumpol na makapangyarihang mga halimaw ang naroon. Ang pinaka-mahalaga, may mga sirena.

Ang mga Mermaids ay isang uri na nagpapakita lamang sa mga alamat, at ang kanilang katalinuhan at talento ay mas mahina pa kaysa sa mga tao.

Ayon sa intelihensya mula sa nakalipas, nagkaroon ng napakalaking bilang ng mga sirena sa loob ng lawa-sapat na maaari silang ituring na isang maliit na kaharian.

Mayroon ring Kings sa lahat ng mga sirena, na kilala bilang Mermaid Kings.

Sa tuwing binubuksan ang Demigod Forgotten Garden noon, walang gaanong tao ang sumusubok na pasukin ang Mermaid Kingdom.

Kahit na ang mga na sa Void God Realm ay nahihirapan na makipagtunggali laban sa buong Mermaid Kingdom.

"Umaasa ako na ibibigay ni Brother Zhao ang kanyang buong husay at makikipagtulungan sa amin upang mangalap ng mga mapagkukunan mula sa kailaliman ng Purple Smoke Lake. Ang halaga ng mga luha ng mga sirena ay mas mataas pa kaysa sa Purple Scaled Grass."

Malumanay na pagkasabi ni Chen Yilin.

"Luha ng sirena? Iyon lamang?"

Ngumiti si Zhao Feng.

Ang lahat ay may impormasyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden, at ang lahat ng pumunta rito ay mula sa Mystic True Sacred Clan.

Ang halaga ng mga luha ng sirena ay tunay ngang mas mataas pa kaysa sa Purple Scaled Grass.

Habang ang pangunahing pinapalakas ng Purple Scaled Grass ay ang katawan at bloodline, ang luha ng sirena naman ay nakatuon sa kaluluwa.

Gayon pa man, ang mga luha ng sirena ay kinakailangan ng mahabang panahon upang mabuo, at mayroong itong epekto na makapaglilinis ng kaluluwa at nakakatulong sa pag-intindi ng Void God Realm.

Sa isang puntos lamang na iyon ay lubos na nakatutukso sa mga nasa ibaba ng Void God Realm.

Bukod pa roon, ang luha ng mga sirena ay nakapagpapagaling rin ng pinsala sa kaluluwa at naaalis ang mga dimonyo sa puso. Ito rin ay isang Water elemental treasure na maaaring magamit sa craft protective soul items.

"Sa totoo lang." Tiningnan nang malalim ni Chen Yilin si Zhao Feng, "kapag ang oras ay handa na, mas mabuting pumasok sa palasyo sa kailaliman ng lawa.

palasyo sa kailaliman ng lawa.

Lumiwanag ang mga mata ng disciples ng Mystic True Sacred Clan

Ayon sa impormasiyon, ang palasyo ay lugar na kung saan henerasiyon nang binabantayan ng mga sirena.

"Sa ngayon, ang palasyo sa kailaliman ng lawa ay ang gawaan ng alak ng Demigod, at mayroon itong alamat na Immortal Springs Wine at alamat na Illusion God Wine. Noong unang panahon, ang mga sirena ang responsable sa paggawa ng alak para sa Demigod."

Huminto si Chen Yilin.

Naniniwala siya na alam na ni Zhao Feng ang lahat ng usap-usapan.

Maraming libong taon na ang nakalilipas, ang henyo na mula sa Sacred Land na pumasok sa Demigod Forgotten Garden at umibig sa Mermaid Princess. Samakatwid, dahil sa pagtulong ng Mermaid Princess, ang henyo ay nakakuha ng ilang Immortal Springs Wine at ilang Illusion God Wine.

Ilang taon ang nakalipas pagkatapos lisanin ang Demigod Forgotten Garden, ang disciple ay nakaalis na sa Void God Realm, at ang henyo na ito ay isa ng Emperor ngayon.

Ang lahat ng iyon ay dahil sa Immortal Springs Wine at Illusion God Wine.

Ang Immortal Springs Wine at Illusion God Wine ay parehong isang alamat na alak kahit na sa buong Fan Universe.

"Ang Immortal Springs Wine ay nakakapagpataas ng state of existence at nakakapagpataas rin ng haba ng buhay na aabot hanggang libong taon. Ang Illusion God Wine naman ay nakakapagpapasok sa profound state at ang mga na sa Origin Core Realm ay hahayaang mamahala sa pag-intindi ng intent ng Kings bago pa man lubos na maabot ang Void God Realm."

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng.

Ang impormasiyon ni Chen Yilin ay kapareho lang din ng kaniya.

Hangga't natagpuan ng isa ang Immortal Springs Wine at Illusion God Wine, ang normal lamang na Sovereign ay magkakaroon ng mataas na tiyansa na maabot ang Void God Realm.

Ang Immortal Springs Wine ay maaaring makapagpahaba ng buhay na aabot ng ilang libong taon. Ito ang kapangyarihan ng buhay at oras; sa pagkakaroon ng maraming oras, doble ang lakas ng isa pagdating sa state of existence, at wala kanang aalalahanin pa.

Sa paghahambing, mas nais ni Zhao Feng ang Illusion God Wine, ngunit mas maganda kung makukuha niya ang dalawang ito.

Siyempre, ang panganib na kaugnay sa pagpasok ng palasyo ay lubhang masaya rin.

Kahit na ang mga Kings ay nahirapan rin sa pagpasok sa Mermaid Kingdom.

Ang tanging paraan lamang ay umasa sa katalinuhan at kaunting suwerte.

"Ano ang iniisip ni Brother Zhao?"

Ngumiti si Chen Yilin.

"Walang problema sa pakikipagtulungan, ngunit paano natin hahatiin ang mga mapagkukunan?"

Si Zhao Feng ay hindi isang tanga.

Sa tulong ng top-ten na mga henyo, pati narin na si Jiang Fan na mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, ito nga ay isang tunay na makapangyarihan na koponan.

"Paano kung ibigay ni Brother Zhao sa amin ang 50 pirasong Purple Scaled Grass upang makatulong na palakasin si Brother Jiang at ako, pati narin ang pagtaas ng aming pagkakatugma sa Purple Smoke Lake. Ang mga halimaw sa loob ng kailaliman ng Purple Smoke Lake ay sadyang napakalakas. Paghahatian natin ang mga gantimpala, pati na rin ang luha ng mga sirena, 30-70."

"Makukuha ni Brother Zhao ang 30% habang ang iba naman na natira para sa ating lima ay maghahati sa 70%, at kung tayo man ay nakapasok sa palasyo sa kailaliman ng lawa, ito ay bawat isa para sa kanilang sarili."

Pagbubuod ni Chen Yilin.

"Si Brother Zhao ay isa lamang at makakakuha ng 30%, habang tayong limang tao ay makakakuha lamang ng 70%."

Tila hindi nasisiyahan si Jiang Fan.

Si Zhao Feng ang may pinakamalaking kalamangan.

"Hahaha. Kayo ay makakatanggap ng 70%? At kailangan ko pang bigyan kayong lahat ng fifty pirasong Purple Scaled Grass para sa porsyentong iyan?"

Sa pagkakarinig ng mungkahi na iyon, humalakhak si Zhao Feng.

Sa pagsasa-isantabi sa paghahati ng 30-70, ito ay lubhang napakahirap para sa mga normal na henyo na mapanatili ang maraming dosenang piraso ng Purple Scaled Grass, at kinakailangan nilang isugal ang kanilang sariling buhay para maisagawa lamang ito.

Dagdag pa dito, iminungkahi ni Chen Yilin na ang mga

gantimpala ay mahahati ayon sa kanilang sariling kakayahan.

"Brother Zhao, nag-iisa ka lamang. Huwag kang masyadong sakim."

Nagsalubong ang kilay ni Chen Yilin.

"Tama iyan, mayroong napakaraming makapangyarihang halimaw at mga ekspertong sirena ang kinakailangang kaharapin."

Ang ibang Core disciples ay sumang-ayon.

Malamig na humagikhik si Zhao Feng at umiling.

"Kung gayon ano ang mungkahi ng Junior Martial Brother?"

Si Chen Yilin ay hindi nasayahan, ngunit kinakailangan niya ang tulong ng hukbo ni Zhao Feng. Ang pagsasama-sama ng kanilang maraming Purple Scaled Grass ay hindi lamang isang pagsasayang ng oras, it orin ay lubhang mahirap at delikado.

"Kailangan mong magbigay sa akin ng kayamanan na may katumbas na halaga ng Purple Scaled Grass, ang kayamanan na ating makikita ay hahatiin ayon sa ating sariling kakayanan, at lahat ng makikitang kayaman ng aking hukbo ay mapapasaakin lamang."

Tiyak na pagkakasabi ni Zhao Feng.

Si Chen Yilin at ang iba pa ay halatang hindi sang-ayon. Kung tutuusin, si Zhao Feng ay may malaking bilang ng mga halimaw na kayang-kaya niyang kontrolin, kaya't tiyak niyang makukuha ang 90% na mga kayamanan.

Sa labas ng Purple Smoke Lake, si Zhao Feng at Chen Yilin ay sandaling nag-usap, ngunit walang naging resulta.

"Kalokohan!"

Kinaway ni Chen Yilin ang kaniyang kamay at umalis kasama ang iba pang Core disciples.

Ang kalapit na disciples na mula sa ibang puwersa ay nabigla. Malinaw na bigo ang pakikipagtulungan.

Walang emosyon na naramdaman si Zhao Feng. Kinontrol niya ang kaniyang hukbo at dahan-dahang tinulak patungo sa kailaliman ng Purple Smoke Lake.

Ang bilang ng kaniyang Purple Scaled Grass ay patuloy parin sa pagtaas.

Makalipas ang ilang oras, ang bilang ng kaniyang Purple Scaled Grass ay nakaabot sa kabuoan ng ilang daang piraso. Nabawasan ng forty piraso ang ga ito dahil sa pagkain niya nito, mayroon pang nananatiling sixty piraso ang naiwan, ngunit ang Purple Grass ay wala nang epekto kay Zhao Feng, at hindi na nito napapalakas ang kanyang depensang Water bloodline.

Sa sandaling ito, mas binigyang importansiya ni Zhao Feng ang pag-atake sa kailaliman ng Purple Smoke Lake.

Sa palalim na palalim na kanyang napupuntahan, mas lumalakas ang mga halimaw na nasa lawa.

Nawawalan ng ilang mahihinang halimaw si Zhao Feng na isa sa kanyang mga hukbo, ngunit ang ilang mga malalakas ay umaaksiyon. Gayon pa man, ang progreso ni Zhao Feng ay medyo mabagal dahil ang kalaban nila ay lubos na malakas.

Mas malalim na kanyan narating sa Purple Smoke Lake, mas maraming mga halimaw ang naroon. Ang lakas ng halimaw na nakaharap ni Zhao Feng ay mas malakas pa kaysa sa sariling niyang hukbo, at ang kanyang Dark Heart Seal ay hindi niya magamit ng maayos.

Kalahating araw ang nakalipas, isang makapangyarihang aura ang lumabas sa harapan.

Boom!

Lumitaw ang isang water monster. Kasing sukat nito ang maliit na bundok at may hindi mabilang na mga tentacles, at binuksan nito ang kanyang bibig at inatake si Zhao Feng.

"Water monster!"

Si Zhao Feng ay nagulat.

Ang water monster ay sadyang napakalaki, at ang battle-power ay halos kalapit sa half-step King.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasiyon, ang kanyang hukbo ay agad na madudurog ng napakalaking water monster na ito.

"Eye of Ice Soul!"

Hindi na makayanang maitago ni Zhao Feng ang kanyang lakas. Binuksan niya na ang kanyang eye-bloodline, at napaligiran ng isang sobrang lamig na pangpakalma ang kaluluwa ng water monster, upang bumagal ito.

"Dark Heart Seal!"

Ang asul na buhok ni Zhao Feng ay humampas sa palagid habang ang makapangyarihang pinagkukunan ng kanyang eye-bloodline Soul power ay lumabas sa kanyang kaliwang mata at lumampas sa kaluluwa ng halimaw.

Sa gitna ng mga alon, ang napakalaking water monster ay naningas, at nagsimulang maghamok.

"Ang lakas ng water monster na ito ay kahalintulad ng walang limitasyon ng balyena sa karagatan noon. Kung makikipaglaban ako dito, malaki ang magiging lugi ko."

Hindi magawang umatras ni Zhao Feng, kaya't sinubukan niyang kontrolin ito.

Gayon pa man, ang state of existence ng water monster ang lubhang napakalakas, kaya't ang Dark Heart Seal ni Zhao Feng ay nakaharap ng malakas na paglaban.

Pagkatapos ng ilang hininga, ang Dark Heart Seal ni Zhao Feng ay hindi nag tagumpay, nguni hindi siya sumuko. Gumamit naman siya ng second eye-bloodline na teknik.

"Eye of Illusion!"

Ang memorya ng water monster ay lumipat. Ilang hininga ang lumipas, ang paglaban ng water monster ay naging mahina.

Sa loob ng Eye of Illusion, pinahirapan ng labis ni Zhao Feng ng ilang araw at gabi ang water monster.

"Dark Heart Seal!"

Ginamit muli ni Zhao Feng ang kanyang eye-bloodline Soul teknik.

Hu~~

Bumuntong hininga si Zhao Feng. Sa ngayon, ang tentacled water monter na ito ang pinakamalakas na halimaw na kanyang kontrolado.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasiyon, magiging mahirap para sa mga ilang Sovereign Lords na talunin ang water monster na ito, pabayaang mag-isa ito.

Dahil sa pagsama ng water monster sa kanyang hukbo, Ang bilis ni Zhao Feng ay nadagdagan nang bahagya. Ang mga normal na halimaw ay nagsisi-atrasan kapag nakita nila ang water monster. 

Siyempre, itinago ni Zhao Feng ang tentacled water monster sa ilalim ng lawa para maaari itong kumilos bilang isang alas.

Matapos magtulak nang ilan pang dosenang milya, Isinagawang alipinin ni Zhao Feng ang dalawang malaking water snakes na mayroong ancient bloodlines.

Ang battle-power ng dalawang water snakes ay maihahambing sa late-stage Great Origin Core Realm - humigit-kumulang na maihahambing kay Brother Jiu noon.

Sa mga sandaling ito, ang hukbo ni Zhao Feng ay mas lalong lumakas.

"Isang tentacled water monster, dalawang water snakes, dose-dosenang ancient crocodiles…"

Pagtatantiya ni Zhao Feng.

Sa ngayon ang bilang ng halimaw na nasa kanyang hukbo ay lagpas na sa isang-libo.

Six- o seven-hundred sa kanila ay Yao fish na ang battle-power ay maihahambing sa half-step Origin Core Realm.

Bukod sa mga ancient crocodiles, mayroon rin na ilang iba pang nilalang na may kakaibang mga kakayahan at malakas na battle-power.

"Kaya ko subukang pumunta sa Mermaid Kingdom ngayon."

Ang pangalawang parte ng plano ni Zhao Feng ay kompleto.

Bukod sa Mermaid Kingdom, ang kanyang hukbo ay walang ibang kinakatakutan.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang tunog ng pagtapak sa tubig ay tunog mula sampung milya sa likod ng hukbo.

Higit sa isang dosenang Sacred Land na mga henyo ang lumitaw, karamihan sa kanila ay may masama at mahinang mga aura. Ang isang-armadong nagngangalang Brother Jiu ang isa sa kanila.

"Brother Tu, ang batang iyan ang nangunguna."

Galit na pagkakasabi ni Brother Jiu habang nangalit ang kanyang ngipin.

Ang pinuno ay isang kalbo na lalaki na may mga itim na kulay na kaliskis. Siya ay mukhang isang demonyo na pumatay ng maraming tao.