"Ano...!?"
Madiin na pagkakasabi ni Brother Jiu. Hindi man lang gumalaw si Zhao Feng matapos na matamaan.
Kahit na dalubhasa siya sa Soul techniques, ang kanyang close combat battle-power ay maihahambing pa rin sa isang normal na Sovereign Lord.
Weng~~
Isang patong ng madilim na lilang kaliskis ang lumitaw sa katawan ni Zhao Feng, na kung saan nadagdagan ang kanyang depensa na kahit na ang isang Great Origin Core Realm ay masisindak.
Pinapayagan ng Purple Scaled Grass si Zhao Feng na maipakita ang lakas ng kanyang state of existence sa lubos na lawak nito. Kung ito ay ibang Sovereign na may normal lamang na state of existence, ang epekto ng Purple Scaled Grass ay hindi magiging malakas.
"Seal!"
Si Zhao Feng ay hindi na nag-abala pa kay Brother Jiu. Inilabas niya ang kanyang bloodline power at ganap na sinelyohan ang golden skeleton.
Ang golden skeleton ay nawalan na nang kakayahang gumanti.
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naglabas ng kagulat-gulat na daluyong ng eye-bloodline power habang ang divine light naman ng Purple Destruction Wind Lightning flame ay kumislap sa kanyang mga mata.
Shu~~~
Isang itim na usok ang umangat mula sa golden skeleton na nasa selyo ng yelo habang nababalot nang takot ang kanyang mga mata.
Sii!
Brother Jiu, kaninong kaluluwa ang konektado sa golden skeleton, hindi ito makakatulong kundi hinagpis lamang. Ang marka ng mental energy na naiwan sa golden skeleton ay sinunog na sa pamamagitan ng Purple Destruction Wind Lightning eye-bloodline flame.
"Huwag mong subuking isipin ito!"
Nakita ni Brother Jiu ang nais gawin ni Zhao Feng. Lumitaw ang Dark flames sa paligid ng kanyang katawan na para bang isang dragon at ahas, na pagkatapos ay tumira patungo kay Zhao Feng.
Ang ekspresiyon ni Zhao Feng ay kalmado lamang habang patuloy parin sa kompletong pagtanggal ng marka ng mental energy sa golden skeleton.
Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang laki ng lawa ay umabot na sa 80-90 yarda.
Sa nakalipas na ilang buwan, nakatuon si Zhao Feng sa Ten Thousand Divine Thoughts Technique upang sanayin ang kanyang kaluluwa, habang sumisipsip ng malaking halaga ng Ancient Dream Realm aura.
Ang kanyang kaluluwa ay nakaabot sa level na nasa ibaba lamang ng half-step King's, ngunit ang aktwal na lakas ng kanyang kaluluwa ay maaaring mas malakas pa sa normal lamang na half-step King's dahil sa Ancient Dream Realm aura at ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique.
Samakatuwid, si Zhao Feng ay may lubos na kalamangan pagdating sa soul strength.
Sa itaas nito, gumamit siya ng Purple Destruction Wind Lightning eye-bloodline flame, na kung saan napigilan ang Ghost Corpse Dao.
Boom!
Ang mas malakas na pag-atake ni Brother Jiu ay tumama kay Zhao Feng, at ang ibabaw ng mga kaliskis na balat ni Zhao Feng ay bahagyang nayupi, ngunit mabilis ring gumaling.
Dapat tandaan ng isa na si Zhao Feng ay hindi lamang mayroong isang depensa sa Water bloodline, siya rin ay mayroong iba pang Water bloodline na nangunguna sa pag depensa at pagbawi upang magsimula ulit. Kaya naman, kahit na ang pag-atake ni Brother Jiu ay sapat na malakas upang bahagyang makapinsala kay Zhao Feng, sa huli ay mabilis parin itong nakakabawi.
20%… 30%… 40%….
Agad na sinimulan ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pagsira sa marka ng mental energy na nasa golden skeleton. Kasabay nito, sinimulan niya ring gamitin ang Dark Heart Seal upang subukang alipinin ang golden skeleton.
"Isang Sovereign Lord skeleton. Nangangahulugan lamang na ang Ghost Corpse Cursed Array ay malapit nang magkaroon ng isang lider."
Ang skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl ay puno ng kagalakan. Kaya nitong malaman kung ano ang nangyayari sa labas sa pamamagitan ng koneksyon sa Dark Heart Seed.
"Tigil~~!"
Si Brother Jiu ay galit na galit na gaya ng isang kidlat. Tinawag niya ang kanyang mga armas at pinakawalan ang mas malalakas na pag-atake laban kay Zhao Feng.
Gayon paman, napagtanto niya na ang kanyang pagsalakay ay nagiging mahina. Ang Ghost Corpse Cursed Array ay dahan-dahang kinakain ang kanyang enerhiya at kakanyahan.
"Arghh!"
Ang bata na nilinang sa Sword Dao ay naging isang lusak ng dugo na may isang hiyawan.
Nakadama ng malamig si Brother Jiu na kumalat sa kanyang katawan.
Ang malakas na pakiramdam ng panganib ang dahilan kaya't ang kanyang mukha ay namutla. Kahit na nakikipaglaban siya gamit ang Soul techniques, ang kanyang battle-power naman bumaba ng halos 60-70%.
"Kung hindi pa ako tatakbo ngayon, hindi na magkakaroon
ng pag-asa. "
Tumaas ang balahibo ni Brother Jiu na ang asul na buhok na kabataan sa harap niya ay tila naging isang dragon-scaled beast. Kahit na siya ay isang Sovereign Lord, hindi niya nakayanan ang kanyang kalaban.
60%… 70%… 80%….
Ang pagsulong ni Zhao Feng ay pabilis nang pabilis.
Takbo!
Nawalan ng pag-asa si Brother Jiu. Sa sandaling magkaroon ng libreng oras si Zhao Feng para umatake, nawalan ng tiwala si Borther Jiu na maaari niyang maiwasan ang pagsunod sa mga yapak ng kabataan na Sword Dao.
Ang lakas ng bagong Core disciple na ito na mula sa Mystic True Sacred Clan ay maaaring maihahambing sa nangungunang top ten na mga henyo.
Boom!
Isang makapal na yarda ng maitim na usok na mula sa Ghost Corpse Cursed Array ang lumamukos papunta kay Brother Jiu.
80%… 90%… Tapos!
Ang Purple Destruction Wind Lightning eye-bloodline flame ni Zhao Feng ay ganap nang natanggal ang marka na mental energy sa golden skeleton, at ang kanyang Dark Heart Seal ay balak nang alipinin ang kalansay.
Whoosh!
Si Brother Jiy ay gumamit ng secret technique na nadagdagan ang kanyang laki, at nagawa niyang halos hindi makatakas sa sakop ng Ghost Corpse Cursed Array.
Gayon pa man, sa sunod na sandali, higit sa isang dosenang ancient crocodiles at daan-daang mga isda ang paparating sa kaniya.
Bam! Bam! Boom! Boom!
Ginawa ni Brother Jiu ang kanyang makakaya sa paglaban para makalabas.
"Hehe, Ito ay kumpleto na."
Matagumpay na naging alipin ni Zhao Feng ang golden skeleton gamit ang Dark Heart Seal. Ang kanyang Dark Heart Seal ay pwede ring magamit sa mga hindi nabubuhay na mga nilalang gaya ng mga ghost-corpse
Hu~~
Pinakawalan ng golden skeleton ang Ghost Corpse Cursed Array patungo kay Brother Jiu mula sa likuran.
"Bwisit…!"
Itiniim ni Brother Jiu ang kanyang mga ngipin, at ang kanyang mga mata ay halos sumabog sa galit. Ang ghost-corpse ng Sovereign Lord na kanyang inalagaan ng higit sa isang dosenang taon ay
ay agad lamang nanakaw ng kanyang kalaban, na nag iwan ng marka sa kanyang puso.
Sa parehong sandali:
"Arghh! Argh!"
Ang iba pang apat na Core disciples na kaharap ang mga buwaya at isda ay pinatay ang isa't isa at ang kanilang mga katawan ay itinapon sa Ghost Corpse Cursed Array.
Sa pangyayaring iyon nanlamig ang katawan ni Brother Jiu.
Mula sa umpisa, Si Zhao Feng ay nakipaglaban sa hindi bababa sa tatlong larangan:
Una, kinontrol niya ang mga ancient crocodiles at isda na palibutan ang apat na Core disciples.
Pangalawa, kinontrol niya ang Ghost Corpse Cursed Array upang sugpuin ang Sword Dao na bata.
Pangatlo, pinawi niya ang marka ng mental energy sa golden skeleton habang kinakaharap ang mga atake ni Brother Jiu.
Siyempre, ang pangatlong nakaharap ni Zhao Feng na kung saan ginugol niya halos lahat ng kanyang panahon at lakas.
At ngayon, kinokontrol na ni Zhao Feng ang golden skeleton para singilin si Brother Jiu.
Sa malapit na pampang, ang ibang Core disciples na nanunuod ay napanganga at nanlaki ang mga mata.
"Ang kontrol ng isang grandmaster, at ang kanyang lakas ay halos maihahambing sa top ten na mga henyo ng Sacred Land…."
Puno nang pagkabigla ang mata ng babaeng halimaw na tamer.
Ang iba pang mga henyo ng Sacred Land ay napanuod ang pagkawala ng golden skeleton ni Brother Jiu at pagkatapos ay hinabol siya nito.
Sa isang nakatagong burol malapit sa lawa, ang ilang mga Core disciples ay nagtipon-tipon. Kung si Zhao Feng ay narito, mamumukhaan niya ang lahat ng mga Core disciples na mula sa Mystic True Sacred Clan, at ang pinuno ay isa sa mga Top ten na mga henyo - Chen Yilin.
"Brother Chen, ganito ba talaga kalakas ni Zhao Feng? Natalo niya ang Jiu Motai at ang iba pa nang solo lamang."
Sabi ni Jian Fan na hindi makapaniwala.
Dapat malaman ng isa na narating na ni Jiu Motai ang middle-stage Great Origin Core Realm at mayroon ring Sovereign Lord golden skeleton na mga tagapaglingkod. Ang kanyang lakas ay halos na sa level na ng top ten na mga henyo. Bukod pa dito, ang Sword Dao na bata ay nagmula rin sa malakas na sect ng Sacred Land na cultivated ng Dao of the Sword, at gayunpaman ang isang koponan ay natalo ni Zhao Feng sa pamamagitan lamang ng kanyang sarili.
"Minaliit natin si Zhao Feng."
Si Chen Yilin ay may malumanay na ekspresyon. Sila ay nagtatago dito upang makita ang isang magandang palabas.
""Nangangahulugan lamang ito na hindi kami makakatulong sa kanya ngayon at makakuha ng kalamangan kapag nakipag-usap sa kanya."
Isa pang sabi ng isang henyo ng early-stage Great Origin Core Realm.
Napanood nila si Zhao Feng na kontrolado ang isang hukbo ng mga halimaw, at sila ay orihinal na nagpaplano upang maghintay hanggang kailanganin na ni Zhao Feng ng suporta upang maaari na nila itong matulungan, upang mabigyan sila ng mataas na tiyansa kapag nakipag-usap na ang mga ito sa kaniya. Ang hukbo ni Zhao Feng na mga halimaw na nabubuhay sa tubig ay may malaking bahagi sa kanilang plano upang mapagtagumpayan ang Purple Smoke Lake at makuha ang lahat ng kayaman nito.
At sa mga sandaling ito:
"Arghh!"
Isa sa mga kamay ni Brother Jiu ay naputol ng golden skeleton sa patuloy na pagtakbo palayo.
Higit sa lahat ito ay dahil ang kanyang lakas ay nabawasan ng 50-60% matapos manghina dahil sa Ghost Corpse Cursed Array, at sa kabila nito siya'y ginugulo ng mga ancient crocodiles at ng mga isda.
Gayon pa man, sa wakas ay nakaligtas narin si Brother Jiu matapos pag-bayaran ng kanyang isang braso.
"Ang Zhao Feng na iyan ay masyadong malakas. Talagang pinatay niya ang napakaraming mga Core disciples."
"Siya ay nagmula sa three-star superpower at pinatay ang mga ito upang ipagtanggol ang sarili. Ang two-star sects ay walang magawang kahit ano sa kaniya."
Ang kalapit na mga henyo ay puno ng pag-iingat at paggalang kay Zhao Feng. Hindi lamang malakas at determinado si Zhao Feng, mayroon rin siyang three-star Mystic True Sacred Clan sa kanyang likuran.
Kahit na nawalan si Zhao Feng sa ilang mga tauhan sa labanang ito, nakakuha din siya ng maraming kapalit.
Ang pagdaragdag ng Sovereign Lord skeleton sa Ghost Corpse Cursed Array ay parang katulad ng pagdaragdag ng mga pakpak sa isang tigre.
Matapos magpahinga ng ilang oras, kinontrol ni Zhao Feng ang kanyang hukbo ng mga halimaw at pinunan ang ilang mga hukbo.
Ang kanyang hukbo ay hindi lamang limitado sa mga buwaya at mga isda. May iba pang mga lahi, tulad ng water snakes.
May mga nilalang na dalubhasa sa pag-pinsala, depensa, pagtuklas, pagpatay...anuman ang maaaring isipin, ito ay nasa hukbo ng mga halimaw.
Kalahating araw ang lumipas, ang bilang ng hukbo ni Zhao Feng ay pito o walong daan ang kabuuan. Higit sa animnapung porsyento ng hukbo ang binubuo ng isda at ang bilang ng mga ancient crocodiles ay humigit-kumulang sa tatlumpu.
Ang mga kalapit na mga henyo ay lubhang natatakot sa hukbong ito.
"Nakakatakot!"
"Marahil nais ni Zhao Feng na mamuno sa buong Purple Smoke Lake at kunin ang lahat ng narito."
Ang mga henyo malapit sa Purple Smoke Lake ay ginaawa ang kanilang makakaya upang maiwasan si Zhao Feng. Dahil nakita nila kung ano ang nangyari kay Brother Jiu at sa iba pa.
Pinagtipon-tipon ng malaking hukbo ni Zhao Feng ang mga resources sa maayos na paraan, at ang dami ng mga kayamanan na kanyang pag-aari sa lalong madaling panahon ay madadagdagan.
Ang halaga ng mga kayamanan na natipon niya sa kalahati ng isang araw ay lumampas na sa yaman ng ilang half-step Void God Realms.
Kasabay nito, ang bilang ng Purple Scaled Grass niya ay patuloy na dumadami.
"Walumput isa… walumpu't tatlo..."
Pagbibilang ni Zhao Feng.
Nakain niya na ang tatlumpu o apatnapu't pirasong Purple Scaled Grass, at ang epekto nito ay pahina nang pahina. Gayon pa man, inaasahan na ito. Imposibleng madagdagan ang lakas ng isang walang limitasyong tulong sa labas, kabilang na ang Ancient Dream Realm aura.
Ta! Ta! Ta!
Sa tubig tumunog ang mga yapak. Si Chen Yilin at ang tatlo o apat na Core disciples ang patungo kay Zhao Feng.
"Junior Martial Brother Zhao."
Nagsalita si Chen Yilin habang nakangiti.
Kinontrol ni Zhao Feng ang kanyang hukbo na mga halimaw upang mag bigay daan para makalapit sina Chen Yilin at ang mga iba pa.
Hindi siya masyadong maingat sa iba pang mga disciples na mula sa Mystic True Sacred Clan. Bago pa man sila makapasok sa Demigod Forgotten Garden, ang Regulations Elder ay nagbigay na ng utos na ang mga disciples ng clan ay hindi dapat makipaglaban sa isa't isa.
"Brother Chen, may isang bagay ka ba na kailangan?"
Ngumiti si Zhao Feng at tumingin kay Chen Yilin at Jiang Fan.
Nakaramdam ng kaunting pagkailang ngunit hindi niya ito sinabi. Ganito ang buhay; noon sa Void Ocean Spiritual Palace, ni hindi man nila naisip na sila ay isang araw na makipagkumpetensya o magtatrabaho sa bawat isa't isa sa Demigod Forgotten Garden.
"Junior Martial Brother Zhao,"nanatiling mapagpakumbaba si Chen Yilin, bagaman ang iyong hukbo ng mga halimaw ay malalakas, hindi pa rin sasapat ito upang tipunin ang mga tunay na kayamanan sa kalaliman ng Purple Smoke Lake. Kailangan mong malaman na mayroong mga maaalamat na sirena ang nasa kalaliman ng Purple Smoke Lake, at mayroon rin sa Void God Realm…."