Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 639 - Ang Plano ni Zhao Feng

Chapter 639 - Ang Plano ni Zhao Feng

Apat na oras ang nakalipas, ligtas na nakarating si Zhao Feng sa malamlam na kulay lila na lawa.

Ang lawa ay ilang daang milya ang lapad. Kapag ang isa ay tumingin mula sa malayo, ito ay tila isang perpektong piraso ng jade.

"Ito ang pinakamalaking lawa sa Demigod Forgotten Garden – ang Purple Smoke Lake."

Bumagal si Zhao Feng at naging maingat.

At sa mga sandaling ito, iniiwasan niya ang daan na may green jade stone at kasalukuyang papalapit sa sa bahagyang basa na putik malapit sa lawa.

May isang intent na kumukontrol sa mga batas ng Demigod Forgotten Garden, at karamihan ng mga halimaw rito ay iniiwasan ang pagpasok sa green jade stone path. Para sa mga tagalabas, ang green jade stone path ay hindi mapanganib, ngunit ngayon ay umalis sa daan si Zhao Feng at malapit nang pumasok sa Purple Smoke Lake area.

"Ang Purple Smoke Lake ay isa sa mga lugar na may pinakamahusay na yaman sa buong Demigod Forgotten Garden. Mayroon itong maraming natatanging mga kayamanan at resources."

Tumapak si Zhao Feng sa putik at nilapitan ang malalam na kulay lila na lawa.

Ang lawa na ito ay naglalaman ng spiritual power sa loob, na lumilikha ng mga pambihira at mahahalagang mga resources ngunit lumilikha rin ng mga makapangyarihang mga halimaw.

"Purple Scaled Grass!"

Ang mga mababang bulalas ay nagmula sa ilang mga henyo malapit sa baybayin.

Bam!

Isang lalaki na nababalutan ng makapal na tubig na may kakaibang scaled grass, ang lumabas mula sa tubig, at tumakbo patungo sa baybayin.

Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Dose-dosenang mga kalapit na isda habang nakalabas ang mga ngipin ang sumunod.

Ang pinakamahina sa mga isdang ito ay nasa True Lord Rank, at ang pinakamalakas naman ay naabot na ang Origin Core Realm.

Ang kapaligiran ng Demigod Forgotten Garden ay nangangahulugan lamang na ang paglago ng anumang bagay na naninirahan sa loob nito ay hindi bababa sa sampung beses hanggang sa kahit isang daang beses na mas mabilis kaysa sa labas ng mundo.

__

_Ang Purple Scaled Grass ay isang damo na nakapagpapaatibay sa katawan ng isa at nakatutulong sa mga mas mababa pa sa Void God Realm._

Ang impormasyon ay lumitaw sa isip ni Zhao Feng.

Ang Purple Scaled Grass ay halos ubos na sa labas ng mundo, ngunit marami ito sa Purple Smoke Lake.

Sa buong Cang Ocean, may halos 90% ng Purple Scaled Grass ang nagmula rito, kaya't walang supply para dito.

Bukod sa pagpapatibay ng katawan, ang Purple Scaled Grass ay nagkakaroon ng ibang kakaibang epekto; kung ang isa ay kumain ng napakaraming Purple Scaled Grass, maaaring makuha nila ang isang defensive Water bloodline.

Sa madaling salita, maaari itong magbigay sa isang tao ng Water element bloodline. Mukha mang hindi kapani-paniwala, ngunit anumang bagay na narito na hindi kapani-paniwala ay normal lamang sa Demigod Forgotten Garden.

Pagkatapos ng lahat, ang may-ari ng Demigod Forgotten Garden ay nakuha na ang kalahati ng isang hakbang sa lupain ng mga diyos.

"Tulungan ninyo ako…!"

Ang isang lalaki ay sumigaw nang atakihin siya ng daan-daang mga isda.

Sa Demigod Forgotten Garden, ang presyon ng langit at lupa ay lubhang napakalakas, at ang normal Origin Core Realm cultivators ay hindi magawang makalipad. Kahit na ang mga nasa Great Origin Core Realm ay maaari lamang maglakbay sa himpapawid ng ilang sandali.

Bagaman dalubhasa ang lalaki sa Water element techniques, kinakaharap niya ang mga atake ng halos daan-daang mga isda sa lawa.

Karamihan sa mga isda na nasa Purple Smoke Lake ay mga carnivores, at sila ay may mga matutulis na pandama sa pag amoy ng mga dayuhan na agad nilang aatakihin.

"Bilis! Tulong Junior Martial Brother Zhu!"

Mayroong dalawang disciples sa baybayin. Ang isa sa kanila ay humugot pana at ang isa naman ay gumamit ng soul technique na nagpadala ng mental energy sa pamamagitan ng hangin upang pigilan ang pag-atake na mula sa mga isda. Gayon pa man, kahit na sa lahat ng iyon, habang ang lalaki ay malapit nang maabot ang baybayin, ang kanyang buong katawan nababalutan ng dugo.

Sa sandaling iyon ay may isang hindi inaasahang pangyayari.

Isang maingay na daluyong na mula sa lawa ang lumabas habang isang malaking anyo ng isang maitim na kaliskis na nilalang ang makikita.

"Mag-ingat!"

"Ito ay isang ancient crocodile!"

Ang ibang dalawang disciples, na parehong na sa late-stage ng Small Origin Core Realm, naglalabas ng mga pag-atake sa buwaya.

Gayon pa man, ang kaliskis ng buwaya ay sobrang matigas. Kinuha nito ang mga pag-atake ng dalawang Origin Core Realms, at walang makikitang bakas nang pagkapinsala kahit saan.

Boom!

Ang kaliskis ng mga ancient crocodiles ay mayroong malamlam na kulay lila nang ito ay umahon patungo sa lalaki.

"Arghh!"

Ang lalaki na nagsanay ng Water techniques ay tumakbo nang mabilis hangga't sa makakaya ngunit nakagat pa rin sa binti.

Crack!

Matapos mawalan ng binti, ang lalaki ay nagawang makatakas sa danger zone sa tulong ng dalawang disciple.

"Ang bilang at lakas ng mga halimaw sa Purple Smoke Lake ay mas malaki kaysa sa ating naisip."

Hindi makapaniwala ang tatlo.

Kahit na kumuha sila ng isang piraso ng damo, isa sa kanila ay nawalan ng isang binti. Habang ang halaga ng isang Purple Scaled Grass ay mataas, ngunit ang presyong kanilang binayad ay labis-labis.

"Kailangan ng isang tao ng hindi bababa sa isang dosenang Purple Scaled Grasses upang makuha ang defensive Water bloodline."

Masaklap ang naging ekspresyon ng tatlo.

Kasabay nito, ang anyo ng iba pang mga henyo ay nagsimulang lumitaw sa Purple Smoke Lake.

Tanging ang mga nasa Great Origin Core Realm ang maaaring lamang makakuha ng ilang magagandang bagay nang walang galos.

Ang Purple Scaled Grass ay isa lamang sa mga bihirang kayamanan sa Purple Smoke Lake.

"Ang kailaliman ng lawang ito ay naglalaman ng maraming mahahalagang kayamanan. Gayon pa pam, may mga lahi ng sirena sa kailaliman ng lawa, pati narin ang isang secret palace…."

Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng; hindi siya nagmamadali.

Habang hindi sila makalipad, kahit na ang mga nasa Great Origin Core Realm ay maaari lamang subukan ang kanilang kapalaran malapit sa baybayin.

Ang pag-ensayo ni Zhao Feng sa kanyang pag-iisip ay naging mas malinaw, at siya ay nagpasiya kung ano ang gagawin.

"Hmm? Ang batang iyan na nag-iisa. Kaninong sect's Core disciple siya?"

"Siya ay mukhang bago pa lamang."

Ang titig ng tatlong-tauhan bago pa man makarating kay Zhao Feng , na dahan-dahan na lumalapit sa kanila.

Ang tatlo ay may takot na ekspresyon. Ang isa sa kanila ay naglabas ng pana, ang isa naman ay nagsimulang magpaikot ng soul technique, at ang huling lalaki na nagsanay sa element of Water, ay inilayo ang Purple Scaled Grass.

Si Zhao Feng ay hindi nag-abala pa sa tatlo. Umupo siya malapit sa kung saan lumitaw ang ancient crocodile.

"Ang ancient crocodile ay isang pambihirang lahi sa Purple Smoke Lake na kayang umatake sa lupa."

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng nang umupo ito sa harap ng tatlong maingat sa pagtingin.

Ang tatlo ay lihim na nasindak. Ang batang may kulay-asul na buhok na ito ay isang mapagmataas o mabagal lamang mag-isip? Isang ancient crocodile ang umatake roon at nangahas parin na umupo roon?

"Ang tatlo sa amin ay nagmula sa Dark Cloud Sect. Maaari ba naming malaman kung saan kayong sect nagmula?"

Nagsalita ang mamamana.

"Mystic True Sacred Clan, Zhao Feng."

Mahinahon na pagkakasabi ni Zhao Feng sa kanyang likod patungo sa tatlo.

_Mystic True Sacred Clan._

Ang tatlo na mula sa Dark Cloud Sect agad na nagsiwalat ng maingat na mga ekspresyon. Hindi sila nangahas na maliitin ito.

Ang dalawang Sacred Clans ay nakatayo sa tuktok ng Sacred Land.

Kahit sa Demigod Forgotten Garden, ang disciples ng two-star sects ay walang kalaban-laban sa mga three-star Clans.

"Bumalik ngayon na."

Ang tatlo ay bumalik sa green jade stone path at nag-bawi.

Hindi sila umalis. Sa halip, nanatili sila at pinapanood ang pag-usad ng iba pang mga henyo sa malapit.

Karamihan sa mga henyong ay hinahabol ng mga isda paalis sa lawa. Tanging isang pares lamang ng Great Origin Core Realms at female beast tamer ang makakakuha ng gantimpla.

Ang female beast tamer ay may higit na isang dosenang mga isda upang tipunin ang kayamanan sa lawa.

Ang titig ni Zhao Feng ay huminto sa female beast tamer at tumango.

At sa sandaling ito, isang maingay na daluyom ang patungo kay Zhao Feng.

_Ang ncient crocodile!_

Bumilis ang tibok ng puso ng tatlong henyo na mula sa Dark Cloud Sect.

Ang battle-power ng isang ancient crocodile ay halos na sa tugatog na ng Small Origin Core Realm, at kaya nitong depensahan ang pag atake na mula sa Great Origin Core Realms.

"Mahusay!"

Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng habang nakakandado ng God's Spiritual Eye sa mga buwaya.

_Dark Heart Seal!_

Isang malamig na intent ang lumabas mula sa kaliwa nyang mata patungo sa kaluluwa ng buwaya.

Ang katawan ng buway ay agad na nanigas ng bahagya at agad na bumagsak sa lupa.

Nanatiling nakaupo si Zhao Feng, at ang kanyang ekspresyon ay hindi nagbago.

Pagkatapos ng isang hininga o dalawa, ang ancient crocodile ay magalang na naglakad patungo sa tabi ni Zhao Feng.

"En, ito ang una."

.

Tumango si Zhao Feng. Bagaman ang kanyang pisikal na pang depensa sa buwaya ay malakas, ang kaluluwa nito ay karaniwan.

"Ito…!"

Ang ekspresyon ng tatlo na mula sa Dark Cloud Sect ay labis na nagbago.

"Nagawa nyang kontrolin ang ancient crocodiles nang ganon kadali?"

Ang henyo na dalubhasa sa kaluluwa ay hindi makapaniwala.

Ang lakas ng kaluluwa ng isa ay kinakailanganng hindi bababa sa Great Origin Core Realm para makontrol ang ancient crocodile, kahit na ang Sovereign Lord na dalubhasa sa kaluluwa ay hindi kayang kontrolin ang isa sa mga ito ng madali.

Pagkatapos panoodin ng tatlo si Zhao Feng habang nakaupo sa mga buwaya. Ang buwaya ay nagsimulang lumangoy patungo sa paligid ng baybayin, na kung saan ito ang kanilang teritoryo.

Si Zhao Feng ay nakaupo sa buwaya,at ang mga isda ay hindi na nangahas lumapit.

Pagkaraan ng ilang sandali, nakita ni Zhao Feng ang isang pangalawang ancient crocodile.

"Dark Heart Seal!"

Ang pinaikot ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang kanyang soul technique at matagumpay na naalipin ang pangalawang ancient crocodile.

Nangangahulugan lamang ito na si Zhao Feng ay may dalawa ng ancient crocodiles.

Ang mga mata ng tatlo na mula sa Dark Cloud Sect ay nanlaki. Dahil sa dalawang ancient crocodiles, hindi na kailangang matakot si Zhao Feng sa anumang malapit sa baybayin.

Gayon pa man, hindi ginamit ni Zhao Feng ang mga buwaya para tipunin ang mga kayamanan gaya ng inaasahan nila.

Whoosh! Whoosh!

Ang dalawang ancient crocodiles ay patuloy na lumangoy sa paligid ng baybayin.

Pagkalipas ng isang oras:

"Tatlo... apat... lima..."

Ang bilang ng mga ancient crocodiles sa na kontrolado ni Zhao Feng ay parami nang parami.

At sa sandaling ito, nakuha niya ang atensyon ng female beast tamer.

"Ang eye-bloodline power ng lalaking iyan ay kayang kontrolin ang limang ancient crocodiles nang ganun lamang kadali?"

Nasindal ang female beast tamer.

Dapat malaman ng isa na ang babaeng ito ay naglaan ng napakatagal na panahon ngunit isang ancient crocodile at higit sa isang dosenang isda lamang ang kanyang nakontrol.

Dagdag pa dito, kailangan niyang patuloy na gamitin ang kanyang secret soul technique o kung hindi sila ay makakatakas sa kanyang kontrol, samantalang ganap na naalipin ng Dark Heart Seed ni Zhao Feng ang kanyang pakay.

Ang kanyang teknik ay sadyang napakahusay.

"Nakontrol na nito ang halos lima o anim na mga ancient crocodiles at madaling natipon ang ilan sa mga mahahalagang resources na malapit sa baybayin."

Tumingin ng buo ang female beast tamer kay Zhao Feng. Naalipin na ni Zhao Feng ang halos lima o anim na ancient crocodiles, ngunit walang mga palatandaan na nakakuha na siya ng kahit ano.

Mula rito, makikita ng isa kung gaano siya kasakim, Marahil ay may mas malaki siyang layunin.

Sa wakas, pagkatapos alipinin ang sampung ancient crocodiles, si Zhao Feng ay bumuntong hininga at bahagyang napagod.

"Ang sampung ancient crocodiles. Ang battle-power nang bawat isa nito ay maihahambing sa tugatog ng Small Origin Core Realm, at ang kanilang depensa ay kayang pahintuin ang atake na mula sa Great Origin Core Realm."

Natakot ang puso ng tatlo na mula sa Dark Cloud Sect.

Ang female beast tamer ay nagbantay sa bawat kilos ni Zhao Feng na may inggit. Hindi ito mapakali kundi ang magtaka kung anong heaven-defying henyo na ito na dalubhasa sa kaluluwa at isipan.