Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 638 - Ang Paniniwala ng Mapag-isa

Chapter 638 - Ang Paniniwala ng Mapag-isa

Sa loob ng Demigod Forgotten Garden, ang lahat ng pumasok ay nakaramdam ng isang makapangyarihang puwersa na lumapag sa kanila at pumipigil sa kanilang mga kapangyarihan.

Ang ibang mga henyo ng Small Origin Core Realm ay nahirapang makagalaw at makahinga. Kailangan nilang ng oras para masanay sa puwersa dito.

Ang anyo ni Zhao Feng ay nanigas ng sandali bago siya magsimulang maglakad.

Kahit na malakas ang puwersa dito, wala ito kumpara sa puwersa sa Ancient Dream Realm.

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang bawat bulaklak at piraso ng kahoh sa Demigod Forgotten Garden at nakaramdam ito ng kakaibang sensasiyon.

Tila mayroon ditong immortal intent na kumukontrol sa kapangyarihan ng Heaven at Earth.

"Skeletal Division Leader."

Sinubukan ni Zhao Feng na kumonekta sa Skeletal Division Leader na nasa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, ngunit nalaman niya na ang skeletal Division Leader ay hindi maaaring umalis sa pearl.

Hindi na siya nagulat. Sa mga nakalipas na mga araw, siya ay nakabasa ng mga impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden.

Ang Demigod Forgotten Garden ay mayroong sariling mga batas.

Una, ang lahat ng papasok sa Demigod Forgotten Garden ay kailangang magtiwala sa kanilang mga kapangyarihan ng hindi gumagamit ng tulong sa labas.

Sa ilalim ng batas na ito, ang skeletal Division Leader ay napigilan sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl.

Sinubukan naman ni Zhao Feng na kausapin ang munting magnanakaw na pusa at ito'y naging matagumpay.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay lumitaw sa balikat ni Zhao Feng.

Dahil ang munting magnanakaw na pusa ay alagang hayop ni Zhao Feng. Ang mga alagang hayop ay wala sa ilalim ng limitasiyon, kung kaya't ang lahat ng mga beast tamer ay walang magagawa sa Demigod Forgotten Garden.

At sa ilang sandali, sa ibang parte ng Demigod Forgotten Garden, ang nag-iinit na bata ay tumitig sa kaniyang itim na pulseras na nasa palapulsuhan niya.

Weng~~

Ang itim na pulseras niya ay bahagyang nagulat nang umalon sa loob ang Void God Realm na aura.

"Third Prince, ang Demigod intent sa Demigod Forgotten Garden ang kumukontrol sa Heaven at Earth dito. Hindi kita matutulungan."

Isang boses ang narinig mula sa pulseras.

"Ang Demigod Forgotten Garden ay tunay ngang hindi madali. Unti-unti tayong magsaya sa larong ito."

Ngumiti ang nag-iinit na batang si Wen Luoan.

Sa loob ng Demigod Forgotten Garden, ang mga henyo na sumubok na mandaya ay naglabas ng mga bigong mga ekspresiyon.

Siyempre, walang bagay na tiyak.

"Nagtagumpay nga! Hindi na nakapagtataka sa isang Master, isang Mystic Light Realm Sacred Lord ang nag-iwan ng pakanang ito sa Demigod Forgotten Garden matagal na panahon na ang nakalilipas."

Ang kamay ni Meng Xi ay pumitik, at isang purple unicorn's horn ang lumitaw sa kaniyang kamay.

Ang purple unicorn's horn ay tila hindi ganoon kasimpleng gamit; hindi ito naglalaman ng kahit na anong klase ng stored entity o ng tulong sa labas. Gayon pa man, gamit ang purple unicorn's horn, si Meng Xi ay ngumiti ng may kumpiyansa sa sarili.

"Kung iyan ang kalagayan, edi ako ang mauunang pumunta sa Hundred Flower Garden, at saka magtungo sa Ten Thousand Tower o kaya naman ay sa Heart Healing Place…."

Ng may plano sa isipan, ang anyo ni Meng Xi ay kumislap. Kahit na sa pagpipigil ng Demigod Forgotten Garden, ang kaniyang bilis ay napakabilis pa rin.

Kahit na mukhang hardin lamang ang Demigod Forgotten Garden, ito talaga ay isang malaking secret realm na naglalaman ng maraming gantimpala at kayamanan, ngunit ito'y may kasama ring kapahamakan.

Ang bawat henyo sa Sacred Land ay alam ang mga impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden. Ang pagkakaiba nga lang sa pagitan nito ay kung gaano karami ang nalalaman nila.

"En, ayon sa plano, kailangan ko munang pumunta sa Purple Smoke Lake. Nandodoon ang pinakamalaki kong kalamangan."

Si Zhao Feng ay may sarili ring plano.

Napag-aralan niya ang iba pang impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden.

Sou!

Ang anyo ni Zhao Feng ay gumalaw sa isnag kislap na kulay lila.

Ang daan sa ibaba niya ay gawa sa green jade atone, na katulad ng karamihan sa mga daan sa Demigod Forgotten Garden. Kahit saan ay naglalaman ng halos mga damo at kahoy.

Ayon sa mga naranasan ng mga taong nakapasok na sa lugar na ito noong mga nakalipas na mga taon, kung ang isa ay pumunta sa mga daan ng green jade stone, maliit ang tiyansa na makaranas sila ng mga atake ng makakapngyarihang mga halimaw.

Kung tutuusin, ang buong lugar ay napupuno ng mga kagubatan at mga damo, at mayroon ding mga lugar na naglalaman ng mga nakatagong patibong.

Ang Spiritual Sense ay hindi rin puwedeng gamitin sa loob ng Demigod Forgotten Garden, kaya ang mga tao ay madalas na hindi pumapasok sa labas ng green jade stone.

Sa isang tiyak na sandali:

Teng!

Ang anyo ni Zhao Feng aay tumalon sa isang malaking puno. Binuksan niya ang kaniyang God's Spiritual Eye at saka tumingin sa ibaba upang maobserbahan niya ang tanawin.

"Sa kabutihang palad, ang God's Spiritual Eye ay makakatulong ng malaki dito."

Nalaman agad ni Zhao Feng kung nasaan siya.

Bagama't ang lahat ng pumunta sa Demigod Forgotten Garden ay mayroong impormasiyon, hindi lahat ay mayroong kumpletong mapa.

Ang Demigod Forgotten Garden ay nagbubukas lamang ng isang beses sa loob ng limandaang mga taon, at ang buong True Martial Sacred Land ay mayroon lamang na nasiyasat na 60-70% ng lugar. Marami pa rin ang mga hindi kilalang ipinagbabawal na mga lugar.

Gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye, ay nakikita ni Zhao Feng ang tanawin at intindihin kung saan nababagay ang kaniyang kaalaman, na ibig sabihin ay alam na niya kung paano makapunta sa Purple Smoke Lake.

Ceng!

Tinaasan ni Zhao Feng ang kaniyang bilis, ngunit siya ay hindi lumipad. Matagal ng panahon ang nakalipas nang ginamit niya ang ganoong mga teknik.

Habang papunta na siya, ay may nakita siyang mga henyo mula sa Sacred Land.

Kapag pinasok ang Demigod Forbidden Garden, ang lahat ay ipinapadala sa isang eksaktong posisyon sa green jade stone.

Boom!

Isang tunog ng laban ang nanggaling sa bundok na nasa unahan.

Isang kumpol ng mga henyo ay nakakita ng isang kakaibang halaman na wala na sa panlabas na mundo, at maaari nitong matulungan na palakasin ang bloodline ng isang tao.

Gayon pa man, sunod sa kakaibang halaman na ito ay isang halimaw na maikukumpara sa Great Origin Core Realm, kaya ang lugar na ito ay napuno ng paglalaban-laban.

Isang kabuuan ng apat o limang mga henyo ang pumasok sa labanan.

Si Zhao Feng ay tumingin dito at nakita na walang tao ang galing sa Mystic True Sacred Clan.

Kahit na malaki ang halaga ng kakaibang halaman na iyon, si Zhao Feng ay tinatamad na puntahan ito.

Napakaraming mga gantimpala dito. Ang kaniyang pakay ay ang Purple Smoke Lake.

Ipinagpatuloy ni Zhao Feng ang kaniyang paglalakbay, iniiwasan ang lahat ng mula sa Sacred Land. Gayon pa man, ang Demigod Forgotten Garden ay napakalaki, at ang bilis ng lahat ay limitado lamang.

Makalipas ang kalahating araw, si Zhao Feng ay nakalampas pa lang ng isa sa dalawang distansiya mula doon.

Sa sandaling iyon, isang tore na kumikislap ng ginto ang lumitaw sa kagubatan na nasa harapan.

Kahit na ito ay malayo, naramdaman ni Zhao Feng ang hangin ng kayamanan na nagniningning mula sa gintong tore.

"Hmm? Ang tore kayang iyan na nasa harapan ay ang Ten Thousand Treasures Tower?"

Ang mga hakbang ni Zhao Feng ay tumigil.

Ang Ten Thousand Treasures Tower ay naglalaman ng mga naipon ng Demigod. Ang lahat ng mga kayamanang ito ay earth-shaking at mayroong kakaibang mga abilidad.

Kung tutuusin, ay mayroong mga usap-usapan na ang kayamanan sa loob nito ay maaari nitong baguhin ang kaoalaran ng isang mortal na tao.

Sa mga nakalipas na dose-dosenang milenya, ang mga kayamanan mula sa Ten Thousand Treasures Tower ay nakabuo na ng maraming mga alamat.

Isang misteryosong singsing ang bumuo sa Void God Realm King.

Isang kakaibang token ang bumuo sa two-star super sect.

Isang misteryosong barya ang nagpabago sa kapalaran ng isang normal na tao.

Maliban dito, ang Ten Thousand Treasures Tower ay naglalaman din ng mga gamit na kaparehas ng Void God Protections na maaaring magamit sa loob ng Demigod Forgotten Garden. Dahil ang mga gamit na ito ay nanggaling mula sa Demigod Forgotten Garden sa simula pa lamang, ito'y hindi bawal sa Heaven at Earth.

Ang lahat ng mga ito ang naging dahilan para maging importanteng pakay ng lahat ng mga henyo ang Ten Thousand Treasures Tower.

Hindi na nakapagtataka, nang marating ni Zhao Feng ang Ten Thousand Treasures Tower, mayroon ng mga tao na naririto – mga nasa apatnapu o limampu.

Kailangan nilang malaman na ito pa lamang ang simula nang pangbubukas ng Demigod Forgotten Garden. Sa tuwing ito'y nagbubukas, mayroon lamang itong kahalating buwan na oras.

"Napakarami ng mga henyong nagtipon-tipon sa unang araw nito."

Hindi naiwasang bumuntong hininga ni Zhao Feng.

Inisip niya rin na sunggaban ang Ten Thousand Treasures Tower, ngunit napagdesisyunan niya nang sumuko na lamang.

Ang kompetisyon dito ay masiyadong matindi, at ang toreng ito ay napupuno ng mga delikadong pagsubok.

Mahihirapan ang isang tao na makakuha ng kahit na ano, maliban na lamang kung kasing lakas nila si Nan Gongsheng o Meng Xi.

Kung pagsasamahin ito, ay mas maganda paring bumuo ng grupo.

"Junior Martial Brother Zhao."

Isang boses ang narinig mula sa grupo ng lima o anim sa harap ng Ten Thousand Treasures Tower.

Ang boses na ito ay pag-aari ni Dong Wenjian.

Ang leader ng grupo ni Dong Wenjian ay ai Brother Nan, na nanggaling sa Mystic True Sacred Clan at isa sa mga top ten na mga henyo.

Napatigil si Zhao Feng.

Mayroon siyang dalawang pagpipilian:

Una, ang sumali sa grupo ng Mystic True Sacred Clan.

Pangalawa, hindi.

"Junior Martial Brother Zhao, bakit hindi ka sumali sa grupo namin? Mas maraming taong mayroon tayo, mas magiging malakas tayo. Magagawa nating mapasok ang Ten Thousand Treasures Tower nang magkakasama.

Mainit na sabi ni Dong Wenjian.

Si Zhao Feng ay hindi madalas na napupunta sa Mystic True Sacred Clan sa loob ng matagal na panahon kaya ang nakakaalam lamang ay si Dong Wenjian, at ito'y dahil lamang sa parehas silang nasa ilalim ni Duanmu Qing.

"Hehe, ang lakas ni Junior Brothwr Zhao ay hindi na masama. Personal ko siyang nakitang tinalo si Zuo Hong.

Ang iba sa mga tao sa loob ng grupo ay nagpakita ng mga mabuting intent.

Ang kompetisyon sa loob ng Demigod Forgotten Garden ay napakatindi, at may marami ng puwersa ang naririto. Mas magandang magtulong-tulungan ang may parehong puwersa.

Walang reaksiyon si Senior Martial Brother Nan, ngunit hindi siya tumanggi.

Si Zhao Feng ay tahimik lamang. Ang kaniyang mga mata ay kumislap ng may kasiguraduhan.

"Senior Martial Brother Dong, pasensiya ka na, mayrron din akong sariling mga plano, kaya hindi ako makakasali sa inyong grupo ngayon."

Nakokonsensiyang sabi ni Zhao Feng.

Ang kaniyang unang pakay au ang Purple Smoke Lake. Ang Ten Thousand Treasures Tower ay hindi nababagay kay Zhao Feng.

Kakasali pa lamang niya sa Mystic True Sacred Clan, at hindi pa siya pamilyar sa ibang mga Core disciple.

Kahit na si Dong Wenjian ay disciple din ni Duanmu Qing, nakaramdam pa rin siya ng kaunting selos at hindi balanseng pakiramdam.

Malinaw na alam ni Zhao Feng ang lahat ng iyan.

Hindi ang Floating Crest Palace ang galing sa Broken Moon Clan. Wala siyang totoong kaibigan na maaari niyang maasahan sa Demigod Forgotten Garden. Samakatuwid, sa grupo ni Brother Nan, magagamit lamang siya ng walang kasiguruhang makakatanggap siya ng marami.

"Ang Ten Thousand Treasures Tower… ay hindi kasalukuyang nababagay sa akin."

Ang anyo ni Zhao Feng ay naging isang lilang guhit matapos niyang tumanggi.

Nakahanda na siyang mapag-isa sa Demigod Forgotten Garden, dahil siya ay may kumpiyansa siya sa kaniyang sarili.

Kahit na siya ay mag-isa, makakahanp at makakahanap siya ng landas para sa kaniyang sarili.

"Hindi sa hindi alam ni Zhao Feng ang nakabubuti sa kaniya…."

Bahagyang pumangit ang ekspression no Dong Wenjian sa naging desisyon ni Zhao Feng. Sa ilalim ng kaniyang puso, ay hindi niya talaga gusto si Zhao Feng ng dahil sa selos, ngunit hindi rin siya nagtangkang bastusin siya.

"Hmph, hayaan mo siyang mag-isa at mamatay ng mag-isa. Kung wala ang lakas ng isang isa sa mga top ten na mga henyo, ang mga nag-iisa ay mamatay.

Hindi maganda ang naging ekspresiyon ni Brother Nan. Ang pagtanggi ni Zhao Feng sa kaniyang grupo ay isang kahihiyan para sa kaniya.