Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 630 - Ang Seremonya ng Disciple

Chapter 630 - Ang Seremonya ng Disciple

Sa sentro ng Sacred Land, ang tatlong pangunahing Spiritual Peaksay tila konektado sa mga langit.

Ang pinakasentro na nasa Ruins ay ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak.

Ang kaliwa at kanang pangunahing Spiritual Peaks ay hawak ng dalawang three-star forces.

Ang kaliwang pangunahing Spiritual Peak ay ang Mustic True Sacred Clan.

Sa taas ng main Spiritual Peak ng Mystic True Sacred Clan, sa loob ng puro, malinis, at eleganteng kuwarto, kinabahan si Zhao Feng nang tumingin siya ng may respeto sa harap ng lalaking may puting buhok.

Ito ay si Duanmu Qing.

Ang buhok ni Duanmu Qing ay purong puti, at ang kaniyang mga mata ay kumikinang ng parang sa mga bituin. Ang kaniyang itsura ay masasabing perpekto. Ang kaniyang balat ay maputi at kasing kinis ng marmol.

Samakatuwid, ang Emperor ay mayroong mainit at kalmadong aura. Ang bawat galaw at aksiyon niya ay tila kasing lumanay ng hangin sa tagsibol.

Para sa lahat, ang taong ito ay napaka-perpekto, gayon pa man ay napakamalapit at mabait sa iba.

"Ikaw si Zhao Feng? Hindi mo na kailangang kabahan. Ito ang True Martial Sacred Land. Kahit na dumating pa Emperor of Death, hindi ka niya masasaktan."

Sinuri ni Duanmu Qing si Zhao Feng at saka nagbigay ng isang mainit na ngiti.

Ang mga emosiyon ni Zhao Feng ay nagsimulang kumalma.

Kanina, ay ginamit ni Duanmu Qing ang kaniyang Emperor Projection at nagdulot para lumuhod ang mga Death Duards. Ang kaniyang kapangyarihan ay ginulat si Zhao Feng, ngunit siya ay kumalma rin. Ang kaniyang matalim na pandama ay nakikita ang pagkabalisa sa loob ng mga mata ni Duanmu Qing.

Hindi mahirap hulaan na gustong-gustong malaman ni Duanmu Qing ang nangyari sa Purple Night Sacred Lord.

Gayon pa man, si Duanmu Qing ay pinalaking mabuti, ang kaniyang mga aksiyon ay elegante. Hindi niya minadali si Zhao Feng; sa halip ay pinakalma niya muna si Zhao Feng.

Ng walang pagtatanong, inilabas ni Zhao Feng ang Purple Saint Token at nagsimulang sabihin kung ano ang nanguari sa Purple Saint Ruins, kasama na rin ang una at pangalawa niyang pagbisita.

Nagkuwento siya ng kaunti tungkol sa pagprotekta niya sa Purple Saint Ruins, ngunit binigyan niya ng importansiya kung paano napili si Zhao Yufei bilang tagapagmana ng Purple Night Sacred Lord, kasama na ang kasalukuyang sitwasiyon ng Purple Saint Ruins.

Nang marinig ni Duanmu Qing ang kapahamakan sa loob ng Purple Saint Ruins, hindi madaling itago ang kaniyang pag-aalala.

"Hindi ako sigurado kung may secret realm pa rin si Aunt Purple Night sa mundo, o kung kaya niya pang pumili ng taong may bloodline ng Ten Thousand Ancient Races bilang tagapagmana.

Buntong hininga ni Duanmu Qing.

Matapos malaman ang relasiyon sa pagitan nina Zhao Feng at ng Purple Night Sacred Lord, ang mga titig ni Duanmu Qing kay Zhao Feng ay mas naging mainit.

Tila siya ay tumitingin sa sarili niyang descendant.

"Zhao Feng, paano ka nagkasala sa Emperor of Death? Ang Emperor na ito ay mayroong Eye of Death, at walang sinuman sa Mystic Light Realm ay may gustong makalaban siya."

Ang mga mata ni Duanmu Qing ay nagpakita ng kaseryosohan.

Ang bawat King at Emperor ay nag-iingat sa Emperor of Death.

At saka kinuwento ni Zhao Feng ang tungkol sa pagkikita niya sa Grandmaster Yin Kong at kung paano niya ginalit ang Token of Death nang patayin niya ito, na naging dahilan para siya ay habulin ng Pursuit of Death.

Gayon pa man, walang sinabi si Zhao Feng tungkol sa God's Eye. Ang God Eye niya ay makakadagdag lamang sa kagustuhang makuha si Zhao Feng ng Emperor of Death.

"Iyan ang lahat ng nangyari. Ginalit mo ang Pursuit of Death nang protektahan mo ang Purple Saint Ruins…."

Ang mukha ni Duanmu Qung ay napuno ng papuri at pasasalamat.

Matapos niyang makita ang Emperor, ay nagawang kumalma ni Zhao Feng. Ang kaniyang pagkakalmado ay isang bagay na wala ang mga henyo.

Gayon pa man, hindi alam ni Dianmu Qing na na kay Zhao Feng ang ninth God's Eye. Kung tutuusin, siya ay hindi isa sa descendant ng Eight Great God Eyes. Kahit na napansin niya na kakaiba ang eye bloodline ni Zhao Feng, hindi niya ito ikinumpara sa God Eye.

Ang Emperor of Death ay isang descendant ng God Eye at gayon pa man ay siya ay napakalakas. Ang mga taong may mga God Eyes ay katangi-tangi, at sila'y napakalayo kahit na sa mga Emperors.

Matapos ang ilang oras, naintindihan ni Duanmu Qing ang lahat, kasama na ang mga maliliit na mga detalye.

"Zhao Feng, kung gusto mong manatili sa Sacred Land, una ay kailangan mo ng pagkakakilanlan."

Ang mga mata ni Duanmu Qing ay napuno ng pagtanggap at pagmamahal, at ang mukha ni Zhao Feng ay nagbago.

Malinaw na bibigyan ni Emperor Duanmu ng pagkakakilanlan si Zhao Feng. Ito ay isang pangarap para sa taong gustong makapasok sa Sacred Lands, at kahit na ang mga nasa three-star force, at gayon pa man ay kayang tapusin ito ni Duanmu Qing sa isang pangungusap lamang

Ano kayang pagkakakilanlan ang ibibigay ni Duanmu Qing kay Zhao Feng? Si Zhao Feng ay nagsimulang manghula.

"Paano kung ganito? Kukunin kita bilang aking personal disciple. Makakatulong ito sa iyo sa Mystic True Sacred Clan."

Sabi ni Duanmu Qing at saka ngumiti.

_Personal disciple!_

Halos lumuwa na ang mga mata ni Zhao Feng dahil sa gulat. Hindi niya inasahan ang bagay na iyon.

Ang maging isang personal disciple ng isang Emperor ay isang dahilan para maapektuhan ang kaniyang tadhana.

"Ano… hindi ka payag?"

Ngumiti si Duanmu.

"Papayag ang disciple na ito."

Si Zhao Feng ay yumukod pababa.

Siya ngayon ay mayroon ng dalawang masters simula nang baguhin ng kaniyang cultivation ang kaniyang tadhana.

"Hehe. Zhao Feng, kukunin kita bilang aking disciple hindi dahil kay Aunt Purple Night, ngunit dahil ako'y nagtitiwala sa iyo."

Ngumiti si Duanmu Qing. Ang kaniyang mga mata ay napuno ng kaalaman. Paano ang isang Emperor na gaya niya ay hindi makita ang katawan, bloodline, at potensiyal ni Zhao Feng?

Sa madaling salita, si Zhao Feng ay mayroong kuwalipikasiyon para maging Personal disciple gamit ang kaniyang mga katangian.

Kung ito'y isang normal na henyo lamang na may relasiyon sa Purple Night Sacred Lord, sila ay kukunin ni Duanmu Qing, ngunit bilang isang in-name desciple lamang.

"Zhao Feng, maaari ka ng tumuloy dito. Ako'y maghahanda ng disciple ceremony sa susunod na mga araw."

Sabi ni Duanmu Qing.

_Disciole ceremony?_

Napatigil si Zhao Feng. Ang disciple ceremony ng Emperor ay paniguradong maganda. Ang pakiramdam na ipinakita sa kaniya ni Duanmu Qing ay mapagkumbaba at payapa, hindi mayabang.

"Malapit na aking pumunta sa Tianlu Islands Zone, at kailangang mayroon ka ng pagkakakilanlan sa publiko baho pa mangyari iyan."

Paliwanag ni Duanmu Qing.

Nang marinig niya ito, ang lahat ay naintindihan ni Zhao Feng. Ang dahilan kungbakit maghahanda ng seremonya ay para agad na magkaroon ng pagkakakilala sa pagitan nila ng Mystic True Sacred Clan at para mabigyan siyaa ng proteksiyon. Kung alam na ng lahat na si Zhao Feng ay isang disciple na ni Emperor Duanmu Qing, ang lahat ay mag-iingat sa kaniya.

Matapos ang tatling araw, si Duanmu Qing ay nagkaroon ng seremonya sa kaniyang palasiyo.

Ang disciple ceremony ay hindi isinasapubliko; ito'y limitado lamang sa upper echelon ng bawat puwersa, kasama na ang ibang Core disciples. Gayon pa man, ang bilang ng mga Kings at mga Emperors sa listahan ay hindi ganoon kakonti.

Hindi mabilang na mga Sovereign Lords at hal-step Void God Relams ang dumalo.

Sa entablado ng seremonya, si Zhao Feng ay yumukod patungo kay Duanmu Qing. Ang seremonya ay nagpagulat sa Mystic True Sacred Clan, at ang balita ay mabilis na kumalat dalawang main Spiritual Peaks at sa thirty-three na mga two-star sects.

Nakita rin ni Zhao Feng sa seremonya ang mga Kings mula sa Golden Mountain Sect.

Ang King na naka asul na roba ay naging mainit ang pagtanggap kay Zhao Feng, na parang sarili niya itong ninuno.

"Binabati kita, munting kaibigang Zhao."

Si Matandang si Li ay napuno ng mga ngiti.

Mag-isang nakipag-usap ng saglit si Zhao Feng kay Matandang si Li at saka sinabihang ibalita ito sa Eternally Sealed Palace Lord. And Eternally Sealed Palace Lord ang isa sa mga taong tumulong sa kaniya para makapasok sa Sacred Land.

"Sisiguraduhin ko ito."

Tumango si Matandang si Li. Alam niya kung gaano nakakatakot ang totoong lakas ni Zhao Feng, at ngayon ay mas lalao siyang tataas dahil sa gabay ni Emperor Duanmu.

Si Zhao Feng ay nakipagkita rin sa iba pang mga Core disciples mula sa Mystic Yrue Sacred Clan na nasa seremonya.

Ang mga Core disciples ng three-star Mystic Sacred Clan ay halos mga disciples ng mga Emperors.

Ang Mystic True Sacred Clan ay mayroong pito o walong Emperors, at si Duanmu Qing ang mayroong pinakamataas na estado sa kanilang lahat.

"Siya iyon…!?"

Ang dalawa sa mga Core disciples ay tumitig kay Zhao Feng ng nakamulat at nakanganga. Ang dalawa ay mga batang mayroong maikling buhok, matangkad, at payat.

"Junior Martial Brother Jiang, ano na? Kilala mo ba ang si Zhao Feng na ito?"

Gulat na tanong ng panibagong Core disciple.

Gulat na tumingin sa isa't isa ang batang may maikling buhok at ang payat na lalaki.

Ang dalawang ito ay ang lumitaw galing sa Void Ocean Arena – sina Jiang Fan at Chen Yilin.

"Hmm?"

Habang parang may dinadama, si Zhao Feng ay tumingin sa dalawa.

Sina Jiang Fan at Chen Yilin, ang dalawang ito ay disciples ng Sacred Land, at nagbigay ng malalim na impresiyon kay Zhao Feng. Lali na si Jiang Fan, na mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races at nagpapakita ng nakakatakot na aura sa arena.

Sa mga oras na iyon, si Zhao Feng ay nasa half-step Origin Core Realm pa lamang at paniguradong hindi niya magagawang makatakas sa isang atake lamang ni Jiang Fan.

Gayon pa man, sa sandaling iyon, ang mga nagulat ay sina Jiang Fan at Chen Yilin.

"Isang taon pa lang ang nakakalipas at ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa akin, at ngayon naman ay mayroon na siyang master na Emperor."

Nagulat ang puso ni Jiang Fan. Hindi niya matanggap ang bagay na ito.

Ginugol niya ang buong taon para lamang makalampas sa middle-stage ng Origin Core Realm. Pagdating sa estado, siya ay kilala bilang Core disciple na may three-star force sa Sacred Land, at ngayon naman ay si Zhao Feng ay nasa parehong level na niya sa isang seremonya lamang.

"Senior Martial Brothers."

Ngumiti si Zhao Feng nang maglakad at batiin niya si Jiang Fan at Chen Yilin.

Ang mga ngiti nila Jiang Fan at Chen Yilin ay bahagyang pilit nang batiin nilang pabalik si Zhao Feng.

Kahit na ang kasalukuyang estado ni Zhao Feng ay kaparehas ng sa kanila, noon sila ay may mababang pagtingin kay Zhao Feng at inisip nilang hindi na sila magkakaroon ng pag-uusap muli. Samakatuwid, nang humingi sa kanila ng tulong si Zhao Feng, ito'y tinaggihan nila."

"Hehe, Emperor Gu Luo, tila kilala ng iyong disciple na mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races si Zhao Feng."

Ngumiti si Duanmu Qing nang makipag-usap siya sa iba pang Elder. Ang Elder na ito si Emperor Gu Luo, ang master ni Jiang Fan.

"Ang bloodline ni Zhao Feng na ito ay tila kaparehas ng bloodline ng normal na Ten Thousand Ancient Races. At ang mas kakaiba pa ay hindi ko makita ang kaniyang eye-bloodline."

Pagpupuri ni Emperor Gu Luo.

Ang mga normal na tao ay malalayo sa mga Emperors, ngunit ang bawat Emperor na naroon ay binati si Emperor Duanmu Qing nang makita nila si Zhao Feng.

"Jiang Fan, ang bloodline at ang potensiyal ni Zhao Feng ay hindi nalalayo sa lakas mo. Kailangan mo pa siyang kausapin at kaibiganin ng mas madalas sa hinaharap."

Ang Divine Sense ni Emperor Gu Luo ay narinig ni Jiang Fan sa kaniyang isipan.

"Naintindihan ito ng disciple."

Ang puso ni Jiang Fan ay napuno ng halo-haling emosiyon.

Una, ang lakas at estado ni Emperor Duanmu Qing ay bahagyang mas mataas kaysa sa kaniyang master.

Pangalawa, sa mga mata ng kaniyang master, ang potensiyal ni Zhao Feng ay hindi nalalayo sa kaniya.

Hindi naman nagduda si Jiang Fan sa bagay na ito, lalo na ang pangalawang punto. Sinong nakakaalam kung anong suwerte ang nakuha ni Zhao Feng para maabutan siya nito sa loob lamang ng isang taon?