Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 629 - Emperor Projection

Chapter 629 - Emperor Projection

Nang magkaroon ng interaksyon ang Void God Realms sa isa't isa..

Sou! Sou!

Mayroong tunog ng paglipad na nagmula sa labas ng Golden Mountain Sect.

"Sinong nandiyan?"

"Patayin ang lahat ng magtatangkang pumasok sa Golden Mountain Sect!"

Sigaw ng karamihan sa mga nagpapatrol na mga eksperto.

Gayon pa man, ang mga taong lumilipad ay hindi nagpakita ng kahit na anong senyales na sila'y may pakialam.

"Hmph, ang mga nasa two-star sect ay hindi man lang natatakot na mahati ang kanilang mga dila ng dahil sa hangin?"

Ang isa sa mga lumilipad na mga tao ay isang lalaki na napapalibutan ng itim na ilaw, at siya ay naglalabas ng evil aura.

"Ang King of the Demonic Dao!"

Sa harap ng demonyong puwersang ito, ang mga regulators at ang mga tagabantay na nasa palibot ng Golden Mountain Sect ay nakaramdam na tila nahaharangan ang kanilang mga pag-iisip, at bigla ay sila'y nahirapang huminga.

Weng!

Isang lalaki na nababalutan ng itim na kaliskis ang nagsimulang lumitaw sa loob ng itim na ilaw. Ang lalaki ay may itim na mga kaliskis sa buo nitong katawan, at hindi lamang siya naparobangit ngunit nakakatakot din.

"Ang Elder of the Thousand Darkness Sacred Clan – si Tu Wanli!"

Ang ekspresiyon ni Matandang si Li ay emosiyonal na nagbago nang lumapag ang kaniyang mga mata sa bagong dating na Void God Realm. Ang haring ito ay hindi lamang sikat, siya rin ay galing sa three-star clan – ang Thousand Darkness Sacred Clan.

"Lahat kayo, alis."

Sa isang asul na kislap, ang anyo ng haring naka asul na roba ay lumitaw, at lahat ng mga patrol sa Golden Mountain Sect ay mabilis na umalis.

Tanging ang mga Kings lamang ang maaaring makipaglaban sa mga Kings, maliban pa na ang bagong dating na Elder ay mula sa Thousand Darkness Sacred Clan.

"Hehe, maaari ko bang matanong kung bakit naririto si Elder Tu?"

Ang Elder na may asul na roba ay napupuno ng mga ngiti sa kaniyang mukha. Hindi siya nagtangkang magbigay ng kahit na anong pag-arte.

Sa Sacred Land, ang mga three-star forces ay mga walang katulad na mga superpowers, at karamihan sa mga two-star sects ay nasa ilalim ng mga three-star forces. Siguro ay sampung mga two-star sects na pinagsamasama ang maaaring makalaban sa isang three-star force.

Sa mga sandaling iyon, ang eksena sa himpapawid ay nagpagulat din kay Zhao Feng.

Ang robangyarihan ng Demonic Dao King ay narobagbigay ng matinding sitwasiyon sa buong Golden Mountain Sect, at hindi naiwasang mapatingin ni Zhao Feng.

Napakaraming mga pamilyar na mga anyo ang nasa paligid ni Tu Wanli.

"Death Guards!"

Napatalon ang puso ni Zhao Feng sa gulat, at ang kaniyang mukha ay namutla.

Mayroong kabuuang apat na bilang ng nga Death Guards, kagaya ng mga warm youth at isang maliit na babaeng may puting mata.

"Ang Golden Mountain Sect ba ay itinatago ang magnanakaw na si Zhao Feng?"

Malakas na tanong ni Tu Wanli nang suriin niya ang Divine Sense sa buong Spiritual Peak ng may kasamang masamang ngiti.

"Zhao Feng?"

Huminto ang Elder na naka asul na roba, at ang kaniyang ekspresiyon ay biglang naging pangit.

Ang Elder of the Thousand Darkness Sacred Clan ay pumunta sa Golden Mountain Sect uoang magdulot ng kaguluhan ng walang bakas ng takot.

"Hehe, ayon sa aking balita, isang magnanakaw na nagngangalang Zhao Feng ang nagtatago sa teritoryo ng Golden Mountain Sect."

Nakita ni Tu Wanli ang ekspresiyon sa mga mata ng King na naka asul na roba.

Sa mga oras na iyon, ang warm youth at ang apat na Death Guards ay lumipad sa himpapawid at ginamit ang kanilang Spiritual Sense o kaya ang kanilang Divine Sense upang magmasid sa paligid.

"Doon! Nahanap ko ma siya!"

Sumigaw ang isang Death Guard nang lumapag kaniyang mga mata sa henyong malapit sa martial arts field.

"Ikaw ba si Zhao Feng?"

Ngumiti ang warm youth, na parang sumasalubong ng isang kaibigan.

Ang apat na Death Guards ay mayabang na tumingin patungo kay Zhao Feng na nasa umpok ng mga tao.

"Kunin niyo siya!"

Tumawa nag-uto si Tu Wanli.

Ang warm youth at ang apat na Death Guards lumapit na walang pag-aalinlangan patungo kay Zhao Feng.

"Tigil!"

Isang marobangyarihang puwersa mula sa King na nagmula sa kalangitan, na nagpanigas sa warm youth at sa apat na mga Death Guards.

Ang puwersang ito ay nagmula sa King na naka asul na roba.

"Ano? Gustong patigilin ng mga Golden Mountain Sects ang Thousand Darkness Sacred Clan?"

Nagdilim ang ekspresiyon ni Tu Wanli.

"Si Zhao Feng ay panauhin ng Golden Mountain Sect. Kahit na gusto siyang kunin ng Thousand Darkness Sacred Clan, kailangan mo pa ring magbigay ng eksplanasiyon.

Hindi naging masaya ang ekpresiyon ng Elder na naka asul na roba, mapait siyang umiiyak sa kaniyang puso.

Marami pang ibang mga Kings sa Golden Mountain Sect, at sila'y hindi takot kay Tu Wanli. Ang tanging problema lang ay kung maaaring nirerepresenta ni Tu Wanli ang buong Thousand Darkness Sacred Clan.

Bukid pa rito, ang estado ni Tu Wanli ay hindi simple. Ang kaniyang master ay isang ancient Emperor na mayroong mataas na estado sa Thousand Darkness Sacred Clan.

"Eksplanasiyon? Nirerepresenta ko aking master – ang Scarlet Demonic Emperor – sa panghuhuli kay Zhao Feng."

Ngumisi ng malamig si Tu Wanli nang kuhanin niya ang isang scarlet-at-itim na token.

Weng~

Isang ancient intent ng demonic Emperor ay kumislap sa buong scarlet-at-itim sa token.

Sa sandaling iyon, ang mga puso ng ibang Kings sa Golden Mountain Sect ay biglang nanginig.

Ang Void God Realm ay nahahati sa early, middle, late, at peak na mga stages.

Tanging ang mga nasa peak stages lamang ng Void God Realm – tanging ang may pag-angat sa kaluluwa – ang tanging matatawag na Emperor.

Tumayo ang Emperor na nasa peak ng Void God Realm. Hangga't hindi pa nasisira ang kanilang kaluluwa, sila ay mahirap na patayin. Samakatuwid, ang haba ng buhay ng isang Emperor ay napakahaba; silay maaaring mabuhay sa loob ng libo-libong mga taon.

"Ito ang intent ng Scarlet Demonic Emperor. Walang duda kung bakit malaki ang kumpiyansa sa sarili ni Tu Wanli."

Ang King na naka asul na roba ay huminga ng malamig.

Ang Scarlet Demonic Emperor ay napakasikat sa buong Sacred Lands. Kahit na ang Emperor na laging nag-iisa sa Golden Mountain Sect ay walang laban sa kaniya.

Ang mga Kings at Emperors ay ang forbidden-level ng kapangyarihan ng two- at three-star forces, mas malakas na mga Emperors ay makakayang makawasak ng buong two-star sect, kagaya ng Emperor of Death.

"Sigh."

Nang maglabas ng isang item si Tu Wanli na nagrerepresenta sa Scarlet Demonic Emperor, ang mga Kings mula sa Golden Mountain Sect ay di naiwasang magbuntong hininga dahil sa awa.

Sa sitwasiyon na ito, ang Golden Mountain Sect ay walang magawa.

"Zhao Feng, tignan natin kung paano ka makakatakas sa oras na ito."

"Kahit na magtago ka sa Sacred Land, kaya naming puwerwasin ang isang two-star sect gamit ang aming mga koneksiyon sa mga three-star forces. Walang sinuman ang poprotekta sa iyo."

Naglabas ng tagumpay na mga ngiti ang warm youth at ang apat na mga Death Guards.

Sa sandaling iyon, matapos mawala ang kapangyarihan ng Void God Realm, si Zhao Feng ay naiwang mag-isa. Wala ng poprotekta sa kaniya.

"Mukhang malakas pa rin ang Emperor of Death. Kaya pa rin niyang maapektuhan ang three star forces sa True Martial Sacred Land."

Ngumisi ng malamig si Zhao Feng, at isang mayabang na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha.

_Hmm?_

Naramdaman ang warm youth at ang apat Death Guards na parang may mali.

Sa mga oras na iyon, si Zhao Feng ay walang proteksiyon o kahit na lugar ng pagtatakasan. Paano naman siya kakalma?

Weng~

Isang kulay lilang token ang bahagyang nanginig sa palad ni Zhao Feng.

Hmph!

Lumaki ng lumaki ang mga ngiti ni Zhao Feng.

Sa nakalipas na panahon, ang tahimik na Purple Saint Token ay nakaramdam ng kakaiba, at ang aura ay hindi nanggaling sa Purple Saint Ruins – ito'y nanggaling sa sentro ng Sacred Land.

Bahagyang nabalisa ang warm youth at ang apat na mga Death Guards, ngunit sila'y sumugod pa rin kay Zhao Feng.

"Ikaw ay nasa ilalim ng Emperor of Death?"

Isang kalmadong boses ang kanilang narinig, at tila nasa malapit lamang at malayo sa parehong oras. Parang ang pagitan nito ay nagkakabanggaan.

Sa mga sumunod na sandali, isang makapangyarihang Divine Sense ang dumaan mula sa himpapawid, at ang kapangyarihan ng Emperor ay nagdulot para yumanig ang Heaven at Earth.

Wah!

Ang apat na Death Guards ay dumura ng maraming dugo.

"Emperor!"

Ang anyo ng warm youth ay nagulat nang pigilan niya ang kaniyang kumukulong dugo at kaluluwa.

"Iyang Divine Sense, maaari kayang…!?"

Nagulat si Tu Wanli ng siya ay sumigaw.

Weng~

Ang kapangyarihan ng Emperor ay nagdulot ng pag-ugong ng Heaven Eath Yuan Qi.

Isang anyo ng lalaki ay nasa isandaang yardang laki na may puting buhok ang lumitaw, at ito'y napapalibutan ng ilaw. Siya'y nagmistula na parang Diyos.

"Isang Void God Projection!"

"Isa lamang na Void God Projection ay may ganitong lakas?"

Ang mga puso ng mga Kings sa Golden Mountain Sect ay nagulat.

"Pagbati… Emperor."

Yinuko ni Tu Wanli ang kaniyang ulo sa harap lalaking may isandaang yardang tangkad na may puting buhok. Ang kaniyang buong mukha ay pulang-pula, at ang kaniyang paghinga ay mabigat.

Plop! Plop!

Hindi kinaya ng apat na mga Death Guards ang puwersa, at sila'y biglang napaluhod.

Tanging ang warm youth lamang ang nakapigil nito. Siya ay tumingin sa Emperor's Projection habang nagngangalit ang mga ngipin nito nang magsalita ito habang nanginginig, "Kilala mo ang aking master?"

"Ang Emperor of Death? Nakita ko na siya ng ilang beses. Nakakainggit naman na may magaling na disciple siyang kagaya mo."

Walang emosiyong sabi ng Void God Projection.

Sa sandaling iyon, ang buong True Martial Sacred Land ay biglang nag-usap-usap, at karamihan sa Divines Senses ay pinagmasdan ang lesser Spiritual Peak ng Golden Mountain Sect.

"Iyan ang Duanmu Qing's Void God Projection!"

"Hindi pa namin nakikita ang lakas ng Duanmu Qing sa nakaraang libong mga taon. Hindi ko akalaing ganito siya kalakas."

Ang iba sa mga Kings at mga Emperors sa loob ng True Martial Sacred Land ay nagising ng dahil sa puwersa ng projection, kasama ang master ni Tu Wanli, at ang Scarlet Demonic Emperor.

"Sa itsura ng Void God Projection, tila ang lakas ng Duanmu Qing ay halos walang katulad sa mga Emperors.

Ang ekspresiyon ng Scarlet Demonic Emperor ay seryoso.

Tahimik siyang nanood at walang ginawa, ngunit siya ay nagtataka. Bakit nasangkot ang Duanmu Qing sa bagay na ito?

Sa sandaling iyon, si Zhao Feng na nasa lesser Spiritual Peak ay nagsalita na.

"Pagbati, Senior Duanmu, naparito ako dahil sa kagustuhan ng Senior Purple Saint."

Inilabas ni Zhao Feng ang Purple Saint Token at saka yumukod sa Void God Projection na nasa himpapawid.

_Senior Purple Saint… sino kayang eksperto ito?_

Ang Divine Senses ay naglibot sa buong lesser Spiritual Peak ng Golden Mountain Sect.

Ang Kings mula sa Golden Mountain Sect, si Tu Wanli, at ang iba pang Emperors ay malumanay na sinabi ang mga salitang ito.

"Purple Saint? Maaari kayang…?"

Nagulat ang old king na nasa Golden Mountain Sect.

"Purple Night Sacred Lord!"

Karamihan sa mga old Emperors na nasa loob ng True Martial Sacred Land ay napasigaw.

"Paniguradong siya ang Purple Night Sacred Lord. Kaunting tao lamang sa buong Sacred Land ang maikukumpara sa kaniya…."

"Sa natatandaan ko, ang Purple Night Sacred Lord ay ang aunt ni Duanmu Qing, at siya ay nagmula sa maalamat na pamilya sa dinastiya sa malayo."

Ang iba sa mga tao ay inalala ang nakaraan.

Sa kalangitan, ang anyo ng lalaki na may puting buhok mapigilang alalahanin ang nakaraan.

"Sumama ka sa akin."

Hinawi ng lalaki ang kaniyang kamay.

Shua!

Ang kaniyang katawan ay tila naging piraso ng papel nang hilahin siya ng imahe ng lalaki at saka biglang naglaho mula sa lesser Spiritual Peak.

Sa isang kurap ng mata, sina Zhao Feng at ang Emperor Projection ay biglang naglaho.

Hu~

Ang mga eksperto malapit sa Golden Mountain Sect, kasama na ang ibang Kings mula sa Divine Sense, ay huminga.

Ang ekspresiyon ni Tu Wanli ay patuloy na kumikislap, habang ang warm youth at ang apat na mga Death Guards ay mayroong pangit na mga ekspresiyon.

Wala sa kanila ang naka-isip na may koneksiyon si Zhao Feng sa peak Emperor sa Sacred Land.

Ang mas nakakahanga pa, ay mayroong fallen Mystic Light Realm Sacred Lord sa likod ni Zhao Feng. Kahit na mamatay ang isang Mystic Light Realm Sacred Lord, ang kanilang epekto sa hinarahap ay hindi nasusukat.

"Zhao Feng, tila mas malakas pa ang iyong nakaraan kaysa sa inaakala ko. Mukhang malaki ang halaga nito sa Eternally Sealed Palace Lord para ipadala ka pa sa Sacred Land."

Huminga ng malalim si Matandang si Li.