Sinagot ni Yin Yuan ang lahat ng tinanong ni Zhao Feng.
"Ang Demigod Forgotten Garden ay isang sikretong hardin na naiwan ng isang eksperto mula sa sect na makakabot na sana ng four-stars dose-dosenang milenya nang nakakaraan. Sa kasamaang palad, ang eksperto na iyon ay isang hakbang na lamang mula sa pagiging isang God subalit namatay dahil sa God Tribulations."
Paghanga ang lumitaw sa boses ni Yin Yuan.
Ang four-star forces at ang Heavenly Divine Realm ay napakalayo kahit sa mga anak ng Heaven. Sa mga alamat lamang ito nangyayari.
Sa buong Cang Ocean, wala man lamang kahit isang anino ng isang four-star na puwersa, at ang Heavenly Divine Realm ay higit na mas malayo.
"Four-star super sect, maaari bang…?"
Ang tingin ni Zhao Feng ay napunta sa desolate main Spiritual Pea sa gitna ng Sacred Land – ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak.
"Tama."
Ang boses ni Yin Yuan ay naglalaman ng pagpupuri, "Ang Demigod Forgotten Garden ay nasa tuktok ng Ten Thousand Ancient Sacred Peak. Ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak ay mayroon ding ibang mga inheritances at sikretong dimensyon. Ang iba ay tumagal pa hanggang sa ancient at mga immemorial eras."
Ang tingin ng lahat ay napunta sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak na mayroong pag-asa at paggalang.
Sa wakas ay naintindihan na ni Zhao Feng kung bakit ganoon ang tawag sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak.
Ang True Martial Sacred Land ay matagal nang nabubuhay, at naglalaman ito ng maraming two-star at three-star forces. Mayroong hindi mabilang-bilang na mga Void God Realms, at mayroon pa ngang mga Mystic Light Realm Sacred Lords.
Subalit, hindi bawat eskperto ay nagagawang makapaghanap ng naayon na tagapagmana bago ang kanilang kamatayan. Ang mga ekspertong ito ay iniwan ang kanilang mga kayamanan o inheritance sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak, naghihintay para sa karapat-dapat na tao.
"Ang mga nagawang makapag-iwan ng inheritances ay mga nasa Void God realm. Kahit ang pinakalumang Heaven's Legacy Inheritance ay nag-iwan ng isang high-tier branch inheritance dito…"
Lahat sila ay puno ng paggalang nang napagusapan ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak.
Ang puso ni Zhao Feng ay napuno rin ng paggalang. Hindi niya inakala na mayroong ganitong ibig sabihin ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak. Nakasaki na ito ng sunod-sunod na prodigy, sunod-sunod na eksperto, sunod-sunod na era, at nagpatuloy pa rin ang alamat ng mga ito.
"Ang Demigod Forgotten Garden ay isa sa mga pinakatop-secret na realms sa loob ng Ten Thousand Ancient Sacred Peak, at ito ay naglalaman ng mga kayamanan at inheritance ng isang Demigod."
Bumuntong-hininga si Yin Yuan.
Ang Demigod Forgotten Inheritance ay bumubukas lamang isang beses sa limangdaang taon, at ang buong Golden Mountain Sect ay mayroon lamang limang puwestong nakabukas, ang isa ay nakuha na ni Yin Yuan.
Ang usapan tungkol sa Demigod Forgotten Garden ay natapos na hindi kalaunan, at ang mga core disciples ng Golden Mountain Sect ay nagsimula nang makipaglaban sa loob ng martial arts field.
Dalawang disciples ang nagsimula nang maglaban, at interesadong nanood si Zhao Feng.
Kahit ang martial arts field ay mayroon lamang lugar na isang daang yarda, mayroong isang special array na nagdulot upang lumaki ang loob nito hanggang sa sampung milya.
Dagdag pa rito, ang presyon sa loob ng Sacred Land ay napakalakas; ang mga atake ng normal na True Spirit Realms ay dose-dosenang yarda lamang ang masasakop.
Sa madaling salita, ang lahat ng kapangyarihan ay nalilimitan lamang dito.
Sa dalawang Golden Mountain Sect disciples, ang isa ay nasa middle-stage Small Origin Core Realm, at ang isa naman ay nasa late stage.
Ang late-stage Small Origin Core Realm ay isang batang mayroong kulay kayumangging buhok mula kanina.
"Chaos Sky Opening Palm!"
Kahit mabagal ang atake ng batang mayroong kulay kayumangging buhok, ito ay matibay, at gumawa ito ng halu-halong limang kulay nang sinira nito ang lahat ng nasa daan nito.
Ang intent sa loob ng atake ay nagdulot upang mas magliwanag pa ang mga mata ni Zhao Feng.
Gaya ng inaasahan ng isang sect mula sa Sacred Land. Ang kaniyang battle technique at bloodline ay nagdudulot upang madali siyang makatalo ng ibang mga tao na mayroong iisang cultivation gaya niya sa mundo sa labas.
Palihim na tumango si Zhao Feng.
Hindi magiging madaling talunin ang batang ito na mayroong kulay kayumangging buhok kung hindi siya nakaabot sa Origin Core Realm.
Kahit ang skeletal Division Leader ay walang masyadong pagkakataon para manalo laban sa batang ito na mayroong kulay kayumangging buhok.
Boom!
Isang liwanag na mayroong limang kulay na hugis isang bundok ang nagpatalsik sa isang core disciple.
"Brother Wan, ang intent ng iyong Chaos Sky Opening Palm ay halos nasa Great Origin Core Realm na. Sumusuko na ang isang ito."
Ang mukha ng natalong disciples ay puno ng kapaitan.
Ang cultivation, bloodline, at technique ng batang ito na mayroong kulay kayumanggi ay ang pinakamataas sa mga Small Origin Core Realm.
Matapos manalo, ang batang mayroong kulay kayumangging buhok ay ngumiti kay Zhao Feng, "Ang isang ito ay hindi talento at naipuwesto lamang sa top twenty ng Golden Mountain Sect. Nais kong manghingi ng payo kay Brother Zhao."
Ang kaniyang tono ay napakamapagkumbaba.
Top twenty?
Ang ilang mga core disciples ay nagpakita ng kakaibang mga ekspresyon.
"Hehe, masiyadong mapagkumbaba si Brother Wan."
"Masiyado namang mapagmalabis ang batang iyon kanina. Tiyak na kaya niyang makatalo ng isang disciple na nasa top twenty, diba?"
Maraming mga disciples ang naghihintay na panoorin ang palabas na ito.
Ang magandang nakasuot ng puti at ang payat na lalaki lamang ang kinakabahan at balisa. Kung tutuusin, labis ang pagpupuri nila sa lakas ni Zhao Feng kanina.
"Zhao Feng, kailangan mo siyang talunin."
Itinikom ng magandang may suot na puti ang kaniyang mga kamao na mayroong pag-asa. Hinahangaan niya si Zhao Feng mula sa kailaliman ng kaniyang puso.
Umiling at ngumiti si Zhao Feng. Hindi mahirap para sa kaniya na makita na ang batang ito na mayroong kulay kayumangging buhok ay talagang maipupuwesto sa top five ng Golden Mountain Sect dahil sa lakas na mayroon siya.
"Masiyadong mapagkumbaba si Brother Wan. Ang lakas mo ay sapat na para maipuwesto sa top five ng Golden Mountain Sect."
Matamlay na ngumiti si Zhao Feng.
Sa pagkarinig nito, ang puso ng batang mayroong kulay kayumangging buhok ay nanginig. Halata na ang mga mata ni Zhao Feng ay napakatalim.
"Tanggapin mo ang palad ko!"
Ang batang mayroong kulay kayumangging buhok ay hindi masiyadong nag-isip bago niya dali-daling ipinadala ang five-colored mountain na nakakadurog.
Ang katawan ni Zhao Feng ay nagsimulang bumigat nang harapin ang intent ng kalaban. Bihira para sa mga tao mula sa mundo sa labas na nasa ibaba ng Great Origin Core Realm ang magbigay sa kaniya ng ganitong pakiramdam.
Purple Destruction Wind Lightning!
Nakatayo at hindi gumagalaw si Zhao Feng at pasimpleng hinawi ang kaniyang kamay, nagpapadala ng mga alon ng kulay lilang Wind Lightning patungo sa palad ng batang mayroong kulay kayumangging buhok.
Crack!
Ang Chaos Sky Opening Palm ay biglang nabasag sa harap ng Purple Destruction Wind Lightning.
Dagdag pa rito, isang bahagyang kulay lilang natitirang aura ng Destruction ang biglang sumunod at pinaatras ang batang may kulay kayumangging buhok.
"Ang aking Chaos Sky Opening Palm ay talagang…"
Nagpakita ng gulat ang batang mayroong kulay kayumangging buhok nang siya ay umatras.
Hindi man lamang gumamit si Zhao Feng ng isang aktwal na skill. Ang True Yuan pa lamang niya ay mayroon ng aura of Destruction.
"Chaos Mountain Opening Palm – Ninth Sky!"
Sigaw ng batang mayroong kulay kayumangging buhok nang padaluyin niya ang kaniyang True Yuan sa tugatog nito at nagpadala ng sunod-sunod na alon ng five-colored na mga liwanag sa hugis ng siyam na bundok.
Ang atake na ito ay sapat na upang manghamon ng mga nasa Great Origin Core Realm.
"Wasakin."
Bahagyang tumawa si Zhao Feng at sumuntok. Isang kulay lilang kamao ang lumakbay sa alapaap na parang isang dragon at biglang sumira sa Chaos Mountain Opening Palm Ninth Sky ng batang mayroong kulay kayumangging buhok sa simple at brutal na paraan.
Crack! Crack! Boom!
Umungol sa sakit ang batang mayroong kulay kayumangging buhok nang hawiin siya ng kulay lilang kidlat.
"Napakalakas!"
Labis na nagbago ang ekspresyon ng ibang mga henyo.
Bam!
Ang umuusok na anyo ng batang mayroong kulay kayumangging buhok ay tumilapon sa martial arts field.
"Salamat."
Magaling ang pagkontrol ni Zhao Feng sa kaniyang kapangyarihan o kung hindi malamang ay naging abo na ang batang mayroong kulay kayumangging buhok ngayon.
"Grabeng nakakagulat na Wind Lightning intent. Ang kapangyarihan ng kaniyang True Yuan ay labis na malapit na sa Great Origin Core Realm."
Kahit si Senior Martial Brother Yin Yuan ay mayroong taimtim na ekspresyon.
Ang madaling pagkapanalo ni Zhao Feng ay nagdulot upang mapalitan ng pagiging mapaglaro ang pag-aalala at takot ng mga disciples ng Golden Mountain Sect.
"Hmph, sinabi ko na sa'yo! Ang lakas ni Zhao Feng ay maikukumpara sa peak na mga henyo ng Sacred Land."
Ang magandang babaeng nakaputi at ang payat na lalaki ay gumaan ang pakiramdam.
"Hayaan mo akong lumaban."
Isang batang mayroong makakapal na kilay ang lumabas mula sa lipon ng mga tao. Ang kaniyang cultivation ay malapit nasa peak Small Origin Core Realm.
Ang kaniyang ranking sa Golden Mountain Sect ay mas mataas pa kaysa sa batang mayroong kulay kayumangging buhok.
Subalit, nagawa lamang niyang tumagal din ng isang galaw.
Boom!
Ang magulong kulay lilang Wind Lightning draconic fist ay mabilis na nakatagos sa atake ng batang mayroong makakapal na kilay.
Bam!
Ang katawan ng batang mayroong makakapal na kilay ay mas mabilis na tumalsik kaysa sa batang mayroong kulay kayumangging buhok.
Nanlamig ang paghinga ng lahat ng mga henyo, at kahit ang mukha ni Brother Yin ay nagbago.
Ang ikalawang pinakamalakas na Core disciple ng Golden Mountain Sect, na mayroong cultivation na nasa peak Small Origin Core Realm, ay ang sumunod.
"Wasakin!"
Ginamit ni Zhao Feng ang iisang atake at pinatalsik muli ang kalaban.
Ang kaniyang atake ay nakaabot na sa level ng Great Origin Core Realm. Kahit sinong mas mababa sa Great Origin Core Realm ay talagang walang tsansa laban sa kaniya.
Nang matalo ni Zhao Feng ang ikalawang pinakamalakas na core disciple, ilang mga makakapangyarihan na Divine Senses ang naglakbay sa himpapawid.
"Hindi basta-basta ang Zhao Feng na ito."
Sambit ng isang Void God Realm King.
"Kung titingnan, kaya niya ring lumaban sa Head disciple."
Sa pagkakataon na ito, ang ilang mga Kings ng Golden Mountain Sect ay nanonood ng laban mula sa baba.
Ang matandang si Li ay nagtatago sa malapit.
"Paano nila malalaman kung gaano kalakas si Zhao Feng…?"
Biglang naalala ng matandang si Li kung ano ang nangyari sa Golden Dragon Scaled Ship. Nagkaroon si Zhao Feng ng malaking parte sa laban katapat ang tatlong Death Guards.
Sa mismong pagkakataon na ito, si Head Disciple Yin at si Zhao Feng ay nagsimulang maglaban.
Boom! Boom! Boom!
Ang dalawang kapangyarihang nakaabot na sa level ng Great Origin Core Realm ay nagsimulang magsagupaan.
Si Zhao Feng ay hindi kasingkaswal gaya ng kanina. Nagsimula na siyang gumalaw-galaw sa martial arts field.
Kung tutuusin, siya ang Head disciple ng isang malaking sect.
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang True Yuan at ang isang parte ng kaniyang bloodline power upang labanan si Yin Yuan.
Kahit kakatungtong pa lamang ni Yin Yuan sa Great Origin Core Realm, ang kaniyang tunay na lakas ay maikukumpara na sa middle-stage Great Origin Core Realm o sa mas mataas pa sa mundo sa labas
"Senior Martial Brother Yin, huwag kang magpapatalo sa batang iyan!"
Ang mga nanonood na disciples ay nagkaroon ng malalamig na pawis.
Kung matatalo si Brother Yin, kung ganoon mapapahiya ang Golden Mountain Sect.
Matapos ang isang daang galaw, biglang umatras sa labanan si Zhao Feng at pinagkabit ang kaniyang mga kamao na nakangiti, "Mukhang ang labanan na ito ay magtatapos sa tabla."
Walang sinabi si Brother Yin. Napahinga lamang siya bago mariing tinitigan si Zhao Feng. Sinasabi sa kaniya ng pakiramdam niya na tinitipid pa rin ni Zhao Feng ang kaniyang lakas.
Sa himpapawid, maraming mga Void God Realm Kings ang nanahimik.
"Kung ginawa ng Zhao Feng na ito ang lahat ng kaniyang makakaya, malamang ay hindi man lamang makakatagal ng sampung paghinga si Yin Yuan."
"Sampu? Para sa akin ay tatlo."
Ang mga Void God Realm Kings ay nakaabot na sa isang kahanga-hangang taas.
Sinong nakakaalam kung ano ang iisipin ng mga disciples ng Golden Mountain Sect – lalo na si Brother Yin – kung nalaman nila ang pinag-uusapan ng mga Void God Realms na ito?
"Hmph, sinabi ko na sainyong lahat. Ang lakas ni Zhao Feng ay maikukumpara kay Brother Yin."
Mapagmataas na sinabi ng magandang babaeng nakaputi.
Sa laban kani-kanina lamang, ginulat ni Zhao Feng ang Golden Mountain Sect.
Ilang mga Void God Realm intents ang naglakbay sa ere.
"Kung ang batang iyon ay sasali sa Golden Mountain Sect at papasok sa Demigod Forgotten Garden, magiging itim na kabayo siya."
"Hindi mangyayari iyon…"
"Oh nga pala, lumabas na mula sa sekluyson si Duanmu Qing. May balita ba mula sa kaniya?"