Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 626 - Ten Thousand Ancient Sacred Peak

Chapter 626 - Ten Thousand Ancient Sacred Peak

"Ang Spiritual Peak na ito ay ang pasukan patungo sa Golden Mountain Sect."

Tumayo ang matandang si Li sa harapan ni Zhao Feng at ipinakilala ito.

Nang sabihin niya ito, ang half-step Void God Realms mula sa Golden Mountain Sect ay mayroong matatamlay na senyales ng pagmamalaki sa kanilang mga mukha.

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng kung ano ang nangyayari sa loob ng Sacred Land.

"Sa kabuuan ay mayroong tatlong pangunahing Spiritual Peaks at tatlumpu't tatlong mas kaunting Spiritual Peaks. Kahit sinong kayang makakakuha ng mas mababang Spiritual Peak ay maituturing na isang elite two-star sect."

Pagpapatuloy ng matandang si Li

Gaya ng inaasahan.

Nakakita si Zhao Feng ng tatlumpu't tatlong lesser Spiritual Peaks sa palibot ng panlabas na hangganan ng Sacred Land. Ang bawat isa sa kanila ay parang isang batis na nagbibigay ng tuloy-tuloy na siksik na Heaven Earth Yuan Qi.

Ang bawat isa sa kanila ay nababalutan ng usok, at , kahit na hindi malinaw ang eksensa sa loob, maganda pa rin ito.

Ang bawat lesser Spiritual Peak ay kayang magpasok ng isang peak two-star sect, at ang kapaligiran dito ay labis na mas maganda kaysa sa misteryosong kuweba sa Purple Saint Ruins.

Bumuntong hininga si Zhao Feng sa loob-loob ng kaniyang puso. Ito pa lamang ang mga lesser Spiritual Peaks.

Sa sentro ng Sacred Land ay mayroong tatlong pangunahing Spiritual Peaks na parang abot sa alapaap.

Ang tatlong pangunahing Spiritual Peaks ay napapalibutan ng mga lesser Spiritual Peaks at parang sila ay nakikiisa sa Heaven and Earth. Nagpapakawala sila ng makapangyarihang aura na kahit ang mga Void God Realm Kings ay hindi maglalakas-loob na labanan.

"Ang pangunahing Spiritual Peaks ay higit sa sampung beses na mas malaki kaysa sa mga lesser Spiritual Peaks, at tanging ang mga three-star na mga dibisyon lamang ang mayroong karapatang makapasok sa isa sa mga ito."

Ang lahat ay tumingin patungo sa tatlong malalabong pangunahing Spiritual Peaks.

Ang pangunahing Spiritual Peaks ay nasa sentro ng Sacred Land.

Napansin ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang Heaven Earth Yuan Qi na lumalabas mula sa direskyong iyon; mas puro pa ito kaysa sa mga lesser Spiritual Peaks, at kumakalat ito sa lahat ng direksyon.

"Maaari bang ang lahat ng mga Spiritual Peaks na ito ay mga bukal ng Heaven Earth Yuan Qi?

Tumalon ang puso ni Zhao Feng.

Batay sa God's Spiritual Eye, ang mga hula ni Zhao Feng ay totoo. Ang pangunahing Spiritual Peaks at lesser Spiritual Peaks ay lahat Heaven Earth Fountains na nagbibigay-buhay sa Heaven Earth Yuan Qi.

Ang buong True Martial Sacred Land ay nasa sentro ng isang Heaven Earth Fountain sa loob ng limitless ocean. Dahil dito kaya ang nakapalibot na Spiritual Sea sa Sacred Land ay napakagulo at ang bilang ng mga puwersa rito ay labis na higit pa kaysa sa ibang island zones.

"Hmm? Ang pangunahing Spiritual Peak na iyon…?"

Ang isang eksperto na mayroong eye-bloodline mula sa sect ay may napansin na parang mali.

Ang tatlong pangunahing Spiritual Peaks ay nasa sentro ng Sacred Land, subalit ang pinakagitna ay parang walang kahit anong puwersang nananatili roon.

"Hmm? Ang pinakasentrong pangunahing Spiritual Peak ay parang abandonado na. Ang Heaven Earth Fountain nito ay hindi kasingganda ng sa dalawa."

Mas nakikita itong maayos ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng. Ang pinakasentrong pangunahing Spiritual Peak ay parang walang nilalang na naroroon.

"Iyon ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak. Walang nagmamay-ari rito."

Ang isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord ay bumuntong-hininga.

Ang mga nagpunta na noon sa Sacred Land ay tumingin sa pinakasentrong pangunahing Spiritual Peak na mayroong kakaibang mga emosyon, subalit lahat sila ay naglalaman ng paghanga.

Ten Thousand Ancient Sacred Land. Kahit ang pangalan nito ay hindi basta-basta.

"Dose-dosenang libung taon nang nakakaraan, mayroong isang super sect na malapit nang makaabot sa rank na four-stars sa Ten tHousand Ancient Sacred Peak."

Ang mukha ng matandang si Li ay puno ng paggalang.

Four-star super sect?

Nanginig ang puso ng bawat isa.

"Hindi ko inakalang ang Ten Thousand Ancient Sacred Peak ay isang ruin ng halos-four-star na sect."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nahaharangan ng kung ano mang kapangyarihan mula sa peak na iyon.

Hindi pangkaraniwan na walang kahit anong puwersang nakatira rito.

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang buong Sacred Land, at sunod ay binawi niya ang kaniyang tingin.

"Ang Sacred Land ay hindi kasingkalmado at kapayapa ng iniisip mo. Kayong mga baguhan, huwag kayong lalagpas ng limang daang milya rito…"

Pagbabanta ng half-step King na mayroong isang braso.

Naintindihan ni Zhao Feng. Mayroon lamang tatlumpu't tatlong lesser Spiritual Peaks, subalit ang bilang ng two-star sects sa True Martial Islands Zone pa lamang ay lagpas na sa isang daan.

Bukod sa mga Spiritual Peaks, mayroong malalaking parte ng gubat, ilog, disyerto, at iba pang lugar.

"Siyempre, mayroong pang isang importanteng bagay – huwag kayong mang-aalipusta ng kahit sino mula sa Mystic True Sacred Land o sa Thousand Darkness Sacred Clan."

Dagdag ng matandang si Li.

Nang magsimula silang magsalita tungkol sa dalawang three-star clans, ang lahat ng tatlong half-step Void God Realms ay mayroong taimtim na ekspresyon at takot sa kanilang mga mata.

Three-star clans. Mystic True Sacred Clan at ang Thousand Darkness Sacred Clan.

Naalala ito ng lahat ng mga baguhang naririto.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng bawat star ay napakalaki. Kahit ang pagkakaiba ng kalahating star ay kumakatawan sa isang malaking diperensya sa lakas.

"Zhao Feng."

Isang walang emosyong boses ang maririnig sa loob ng kaniyang kaluluwa.

Sa sumunod na sandali, isang kapangyarihan ng Void God Realm ang bumaba mula sa alapaap at pinatigas ang kamalayan ng bawat isa.

Tumingala si Zhao Feng at nakakita ng bakas ng isang blue-robed King sa alapaap.

"Pagbati, King."

Dali-daling yumukod si Zhao Feng. Ang mga normal na eksperto ay lahat makakaramdam ng kagalakan o takot kapag ang tinawag ng isang King ang kanilang pangalan.

Ang King na nakasuot ng asul ay tumitig muna sa kaniya bago nagsalita, "Sumama ka sa akin."

Sa oras na sinambit niya iyon, isang nakakapanlulang kapangyarihan ang nagtulak kay Zhao Feng sa alapaap.

Wala siyang pagkakataon para pumalag.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Gaano ba kalakas ang Void God Realm?

Ang mga Normal na Sovereigns ay wala man lang abilidad para mag-isip na lumaban.

Shua! Shua!

Muli na namang kumislap ang anyo ng blue-robed King. Sa isang kurap ng mata, nadala niya si Zhao Feng sa isang hardin.

Nasa likuran ang mga kamay ng blue-robed King habang siya ay nakatayo, subalit hindi siya dali-daling nagsalita.

Kahit si Zhao Feng ay naguguluhan:

Sou!

Lumipad sa himpapawid ang matandang si Li at nababalisang binati ang Grand Elder.

Natuklasan ni Zhao Feng na ang presyon sa loob ng dimensyon ng Sacred Land ay napakalakas, kahit ang mga bilis ng isang half-step Void God Realm ay labis na nalilimitahan.

Malamang ay hindi kayang makalipad ng mga normal na True Spirit Realms dito.

"Kayong dalawa kailangan niyo akong bigyan ng paliwanag."

Nagsalita ang blue-robed King sa dalawa habang nag kaharap ang likuran niya sa kanila.

Tumingin si Zhao Feng sa matandang si Li, at ang mukha ng nabanggit ay puno ng kapaitan.

Kung hindi para sa Pursuit of Death, ang sitwasyon ay hindi masiyadong magiging magulo.

Nakuha ni Zhao Feng ang guest token ng Golden Mountain Sect sa pamamagitan ng Eternally Sealed Palace Lord at pumasok sa True Martial Sacred Land. Ito pa lamang ay nagpapakita na ng pag-abuso sa kapangyarihan.

Kung hindi para sa Pursuit of Death, maayos ito ng matandang si Li dahil siya ay isang half-step Void God Realm. Ang mga Void God Realms ay nakatira sa alapaap at wala siyang panahong mangialam sa ganito kaliliit na mga sitwasyon.

"Grand Elder, ang lahat ng ito ay nagsimula dahil sa Eternally Sealed Palace Lord…"

Hindi naglakas-loob ang matandang si Li na magtago ng kahit ano. Hindi siya naglakas-loob na magsinungaling dahil ang Void God intent ay nakatutok sa kaniya.

Nang banggitin ang Eternally Sealed Palace Lord, hindi mapigilang magsisi ni Zhao Feng. Ang Eternally Sealed Palace Lord ay tumanggap ng isang malaking panganib upang tulungan siya.

Hindi kalaunan ay sinabi na nila sa King kung paano nagawang makapasok ni Zhao Feng sa Sacred Land.

"Hindi ako interesado sa lahat ng 'yan. Kailangan niyo lang tiyakin kung ang isang bagay ba ay totoo o hindi."

Tumalikod ang blue-robed King at ang kaniyang mga mata ay lumapag kay Zhao Feng.

Sa pagkakataong ito, malinaw na siyang nakikita ni Zhao Feng. Siya ay isang edukadong lalaki na mayroong nakakapanlulang aura.

"May koneksyon ka ba talaga kay Duanmu Qing?"

Kumislap ang mga mata ng blue-robed King.

"Kilala siya ng ninuno ng junior na ito…"

Paliwanag ni Zhao Feng. Sinabi niya sa King ang iisang bersyong sinabi niya sa Eternally Sealed Palace Lord.

"Paniniwalaan kita ngayon."

Hindi naman naghihinala ang blue-robed King. Hindi sya naniniwala na mayroong isang tao na sasailalim sa napakalaking panganib para lamang makapasok sa Sacred Land kung sila ay taga-labas.

Siyempre, hindi niya inalis ang posibilidad na nais lamang ni Zhao Feng pumasok sa Sacred Land upang makatakas mula sa Pursuit of Death.

"Umalis na kayo Zhao Feng. Susubukan kong kausapin si Emperor Duanmu."

Ang King na naka-asul ay iwinagayway ang kaniyang kamay.

Tila ba nabigyan ng kapatawaran sina Zhao Feng at ang matandang si Li kaya't dali-daling umalis ng hardin.

Sa ngayon, ang pangunahing usapan ay upang tiyakin ang sitwasyon tungkol kay Duanmu Qing.

Ang tanging problema ay kung maaaring hindi ang Duanmu Qing na ito ang tinutukoy ng Senior Purple Saint.

Ang mga emosyon ni Zhao Feng ay hindi kumakalma.

Hindi nagtagal matapos umalis sa hardin ang dalawa.

Shua! Shua! Shua!

Ilang mga kumikinang na anyo ang lumitaw sa hardin. Sila ay mayroong magkakaibang kasarian, edad at hitsura.

"Kakaiba ang bloodline aura. Kahit na hindi ito mula sa Ten Thousand Ancient Races, ito ay lubhang malapit na rito…"

Isang matandang boses ang maririnig.

"Hmph, kahit na mayroong siyang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, mahihirapan siyang maputan sa Golden Mountain Sect. Ang pinakamahalagang gawain natin ngayon ay upang tiyakin ang relasyon niya kay Duanmu Qing."

"Kahit ang sect natin ay mayroon ding Emperor, ang bawat puwersa na nasa ibaba ng three stars ay nag-aalala sa Emperor of Death."

Nagsimulang magusap-usap ang ilang mga Kings.

"Hehe, hindi mahalaga. Hindi naman nila tayo malalamangan kahit anong mangyari."

Matamlay na ngumiti ang blue-robed King.

"Kung talagang may relasyon ang Zhao Feng na ito kay Duamu Qing, kung ganoon tutulungan natin siya upang magkaroon ng koneksyon sa Mystic True Sacred Clan, na makakatulong sa pagbuo ng ating posisyon sa Sacred Land. Kung hindi siya konektado kay Duanmu Qing, kung ganoon bibigyan na lamang natin siya ng mga taga-sunod ng Emperor of Death upang magkaroon siya ng utang na loob sa atin."

Sa pagkarinig nito, sumang-ayon ang mga kumikinang na liwanag.

"Subalit… si Duanmu Qing ay palaging nasa seklusyon, napakahirap para makita siya ng mga Kings."

Isang boses ng babae ang maririnig.

"Hindi natin kailangan mag-alala. Ang Demigod Forgotten Gardan na bumubukas isang beses sa kada limang daang taon ay magsisimula na. Kahit gaano pa karami ang kailangang gawin ni Duanmu Qing, malamang ay nabalitaan niya na ito."

Sambit ng matandang boses.

"Demigod Forgotten Garden? Zhe zhe, natiyak na ba natin kung sino ang mga pipiliin natin? Ito ay isang malaking kayamanan isang beses sa limang daang taon."

Noon sa lesser Spiritual Peak, si Zhao Feng ay nailagay sa silid para sa mga bisita. Mayroon siyang estado ng isang bisita dahil siya habang siya ay naririto sa Spiritual Peak ng Golden Mountain Sect.

"Duanmu Qing… Inaasahan ko na ang taong sinasabi sa'kin ng Senior Purple Saint ay walang mga problema."

Huminga ng malalim si Zhao Feng. Naramdaman niya na si Duanmu Qing ay isang taong maaaring makaapekto sa kaniyang kapalran, gaya ng kaniyang master, si Lord Guanjun. Kung wala si Lord Guanjun, malamang ay hindi makakapasok si Zhao Feng sa mundo ng cultivation.

Bo~~

Isang nagliliwanag na kulay lilang token ang lumitaw sa kaniyang kamay.