"Lumitaw na naman ito…"
Naramdaman ni Zhao Feng na ang aura of Death sa loob ng kaniyang katawan ay mas malakas pa kaysa noon.
Mayroon pang higit sa isa o dalawang Tokens of Death na paparating, at ang isa sa kanila ay nagdulot upang manigas ang kaluluwa ni Zhao Feng.
Kahit ang blue-robed King mulas a Golden Mountain Sect ay may naramdamang isang bagay, at labis na nagbago ang kaniyang ekspresyon.
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Halata na ang tumutugis ngayon ay hindi lamagn isang normal na Death Guard.
Shua!
Tumingin sa kalayuan ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, at hindi niya mapigilang manlamig ang kaniyang paghinga dahil sa kaniyang nakita.
Tila ba ang buong araw ay naharang ng isang kulay abong aura of Death na nagyelo ng lahat ng Heaven Earth Yuan Qi.
Sa kaniyang paningin, ang apat na Death Guards ay nakatayo na parang mga maharlikang mga anyo, na napapalibutan ng maitim na mga apoy para bang isang diyos mula sa impyerno.
Isang intent of Death na mas mataas sa kahit sinong mga nilalang ang tumagos nang ilang milya atsaka bumaba.
"Target of Death… tiyak na nagpunta ka sa Sacred Land."
Isang malamig na boses na parang nagmula sa kailaliman ng impyerno ang maririnig sa loob ng soul dimension.
Sa isang iglap, ang mga puso ng lahat ng eksperto at mga henyo mula sa Golden Mountain Sect ay nanginig, at ang kanilang mga isipan ay parang nilamon ng kadiliman. Ang kanilang mga buhay ay katiting lamang sa harapan ng taong ito.
Ang intent of Death ay tumutok kay Zhao Feng.
"Death Spirit Lord!"
Nanikip ang puso ni Zhao Feng at ang kaniyang anit ay kinilabutan nang makaramdam siya ng naglalagablab na aura of Death na nagsimulang kumalat sa kaniyang katawan.
Ang mga tauhan ng Emperor of Death ay naglalaman ng apat na Death Spirit Lords at tatlumpu't anim na Death Guards. Sa kanilang lahat, ang apat na Death Spirit Lords ay nakarating na sa Void God Realm.
Suwerte, ang katawan at bloodline ni Zhao Feng ay labis na makapangyraihan, at ang kaniyang kaluluwa ay mayroong proteksiyon ng God's Spiritual Eye, kaya't mas kaunti ang presyong nararamdaman niya kaysa sa ilang mga Sovereign Lords.
"Hmph!"
Ang ekspresyon ng blue-robed King ay madilim, at isang ragasa ng Void God intent ang kumawala mula sa kaniya at nakipagsagupaan sa intent of Death.
Ang dalawang makakapangyarihang Void God ay bilang nagkabit, at ang alapaap ay napalitan ng isang kumikinang na kulay asul at nakamamatay na itim nang maglaban ang dalawang aura.
Tila ba nahati sa dalawang piraso ang alapaap, bumubuo ng dalawang magkahiwalay na domains.
Ang Golden Dragon Scaled Ship ay napoproktektahan ng kumikinang na asul na liwanag, na pumipigil sa Void God powers ng Death Spirit Lord.
"Ito ba… ang kapangyarihan ng isang King?"
Ang mga puso ng mga nasa Golden Dragon Scaled Ship ay nanginig.
Hinarang ng dalawang kapangyarihan ang alapaap at parang walang hanggan ang kapangyarihan nila. Kahit sino sa kanila ay kayang madalign makapatay ng Great Origin Core Realm Sovereign Lords.
"Ang ganitong level ng cultivation…"
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Ang kaniyang mga pandama ay napipigilan; ang kaniyang God's Spiritual Eye ay hindi man lamang makatingin sa kapangyarihan ng dalawang nasa Void God Realms.
Ang soul-auras ng dalawang Kings ay sumanib sa alapaap, at ang kanilang bawat pagkilos ay parang lagpas sa soul dimension.
Mas mataas pa sa estruktura ng laman at dugo ang ganitong level; kaya nitong lumipad papunta sa kalawakan.
Ang isang walang kuwentang mortal ay kayang makapasok sa kalawakan.
"Base sa teorya iyon ang 'One with the Sky' level – nagiging isa sa kalangitan at kalupaan, lumalagpas sa hangganan ng isang pisikal na katawan…"
Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, nanginig ang puso ng skeletal Division Leader, subalit mahirap sabihin kung dulot ba ito ng pananabik o ng takot.
Narinig pa lamang ng skeletal Division Leader na nabanggit ng Scarlet Moon Patriarch ang Void God Realm noon. Ang Scarlet Moon Patriarch ay isang half-step Void God Realm lamang na nasa kaniyang peak, at hindi pa niya halos nahahawakan ang Void God Realm.
"Masiyado silang malakas. Hindi ito isang kapangyarihang maaaring magkaroon ang mga 'tao'… Kahit daan-daan at libu-libong Origin Core Realms ay langgam lamang sa harapan ng isang King."
Nanliit si Zhao Feng.
Boom!
Isang malakas na pagsabog ang narinig sa taas, at ang parte ng kapangyarihan pisikal na dimensiyon.
"Gaya ng inaasahan sa isang Death Spirit Lord."
Nanginig ang katawan ng blue-robed King nang siya ay mabalot ng isang kumikinang na liwanag na nagdulot upang hindi siya makita ng iba. Subalit, dahil mayroon siyang God's Spiritual Eye, makikita ni Zhao Feng na ang blue-robed King mula sa Golden Mountain Sect ay nasa bahagyang panganib.
"Isa ako sa mga apat na Death Spirit Lords sa ilalim ng Emperor of Death- ang Black Hell Lord – at ako ay naririto upang dakpin ang batang iyon sa ilalim ng pag-uutos ng Emperor."
Ang matangkad na anyong nababalot ng kadiliman ay hindi na lumapit.
Ang dalawang Void God Realm intents ay nagsagupaan sa alaap.
Nakikita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pawis na lumilitaw sa noo ng blue-robed King. Gulat ang lumitaw sa mukha ng blue-robed King, kung saan ang tinatawag na Black Hell Lord ay mayroong isang walang pakialam na ekspresyon.
Matapos subukin ang isa't isa, nagsimula nang mag-usap ang dalawang Kings.
"Gumamit lamang ako ng 60% ng lakas ko ngayon. Kung ia-abot mo ang Target of Death, tutulungan ka ng Emperor of Death nang isang beses gamit ang lahat ng kaniyang lakas…"
Sambit ng Black Hell Lord.
"Hmph. Ang isang taga-sunod lamang ng Emperor of Death ay nais na lumuhod ang Golden Mountain Sect? Anong kalalabasan ng mga pagmumukha namin?"
Humagikhik ang blue-robed King.
Kahit na hindi marinig ng iba ang nangyayari, pakiramdam ni Zhao Feng na tila ba ang kaniyang kapalaran ay pinagdedesisyunan ng ibang tao.
Ang kaniyang kapalaran ay pinag-uusapan ng dalawang Kings.
Subalit, ang nakakagulat ay, hindi sumuko ang blue-robed King sa Death Spirit Lord.
"Umatras kayong lahat at bumalik sa Sacred Land Spiritual Peak."
Ang King na nakasuot ng asul ay mariing tumingin kay Zhao Feng bago nagbigay ng uto sa Golden Mountain Sect.
"Tara."
Ang matandang si Li, at ang dalawang half-step Void God Realms, at ang ilang daang mga nakasakay sa Golden Dragon Scaled Ship ay lumipad patungo sa malaking ilaw na umiikot sa ere, kabilang na rito si Zhao Feng.
Tumayo malapit sa pasukan ang blue-robed King at tinakpan sila, samantang ang Black Hell Lord at ang apat na Death Guards ay nakatayo nang ilang milya ang layo at hindi na sumubok pumasok.
Ang mga kapangyarihan ng dalawang Kings ay naglakbay sa alapaap nang hindi naglalaban. Sa buong proseso, malamig na nakatitig ang blue-robed King sa Black Hell Lord at sa apat na Death Guards.
"Atras."
Walang emosyon ang Black Hell Lord nang tumalikod siya at umalis kasama ang apat na Death Guards.
"Death Spirit Lord, susuko na lamang tayo nang ganito?"
"Sa lakas na mayroon ka, maaari mong malagpasan ang King na iyon."
Ang ilang mga Death Guards ay naguluhan.
"Ito ang True Martial Sacred Land, hindi ang ating Ten Thousand Woods Sacred Land. Dagdag pa rito, hindi bihira na magkaroon ng mga Emperors sa mga puwersang kayang makapasok sa isang Sacred Land."
Bumuntong-hininga ang Black Hell Lord. Kung hindi para sa katotohanan na sila ay napakalapit na sa pasukan ng Sacred Land, hindi siya basta-bastang susuko na lamang.
Sa mismong pagkakataon na ito:
Sou!
Isang malamig at itim na metal na barko ang lumipad sa ere.
"Black Hell Lord."
Mayroong ilang mga Death Guards na nakasakay sa malamig at itim na barko. Dagdag pa rito, mayroong isang warm youth at isang munting babaeng mayroong puting mga mata.
"Third Prince."
Tumango ang Black Hell Lord at binati ang warm youth.
"Napakamalas. Hindi ko inakalang mabilis na lilipas ang pakay…"
Sambit ng warm youth sa isang nagsisising tono matapos marinig ang nangyari.
Kung naging mas maaga nang kaunti ang pagdating ng Black Hell Lord, malamang ay madali lamang niyang makukuha ang pakay.
"Ang Target of Death ay nakapasok na sa True Martial Sacred Land. Magiging magulo kung mayroong isang malakas na puwersa mula sa Sacred Land na poprotekta sa kaniya."
Madilim na sinabi ng Black Hell Lord.
Kahit ang Emperor of Death ay hindi naglakas-loob gawin ang gusto niya sa Spiritual Sacred Land.
"Hehe, hindi naman nangangahulugan na wala na talang paraan. Si Master ay mayroong ilang koneksyon sa First Elder ng Thousand Darkness Sacred Clan, isang three-star na dibisyon sa True Martial Sacred Land. Marami tayong mga pagkakataon upang dakpin o patayin si Zhao Feng matapos nating mahanap ang First Elder ng Thousand Darkness Sacred Clan."
Bahagyang tumawa ang warm youth.
Thousand Darkness Sacred Clan.
Lumukso ang mga puso ng Death Guards.
Ang Thousand Darkness Sacred Clan ay isa sa mga pinakakilalang three-star super forces sa loob ng Cang Ocean. Ito ay isang demonic clan.
Ang Emperor of Death ay isang napakatandang Void God Realm Emperor, kaya't mayroon siyang ilang relasyon sa mga eksperto ng Sacred Lands.
"Tama, kung makakauha tayo ng tulong mula sa Thousand Darkness Sacred Clan, magiging labis na madali para mataasan natin ang isang peak two-star sect."
Kalamigan ang lumitaw sa malabong mukha ng Black Hell Lord.
Kasabay nito:
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang grupong nakasakay sa Golden Dragon Scaled Ship ay lumitaw sa taas ng isang malaking estante ng array.
Hu~
Nagpalabas si Zhao Feng ng mahabang paghinga nang pumasok siya sa panibagong dimensyon na ito.
"Hmm? Arghh!"
Mayroong mga sigawan mula sa grupo.
Ang ilang mga henyo mula sa Golden Mountain Sect ay bumigat ang pakiramdam nila at hindi sila mapalagay. Ang Heaven Earth Yuan Qi ay nagpakawala ng isang makapangyarihang presyon.
"Hmm? Ang dimensiyon na ito ay bahagyang kagaya ng Ancient Dream Realm. At ito ay bahagyang pumapalag sa aura ng mga estranghero."
Nanataling hindi gumagalaw si Zhao Feng.
Ang dimensiyon dito ay nagpapakawala ng isang puro at makapal na sinaunang aura.
Sila ay nasa tuktok ng isang Spiritual Peak ng isang berdeng bundok.
Ang alapaap ay kulay purong asul na parang nanggaling sa isang panaginip.
"Ang bawat talim ng damo at ang lahat ng bulaklak ay nagpapakawal ng aura mula sa sinaunang era."
Ang ilang mga eksperto at mga henyo ay nagpakita ng isang nagagalak na hitsura nang muli nilang bawiin ang kanilang balanse.
Ang bawat bato, damo at piraso ng kahoy sa Sacred Land ay ilang beses na mas malakas kaysa sa mundo sa labas dahil sa kakaibang Heaven Earth Yuan Qi.
"Para sa mga unang beses pa lamang nakakapunta rito, maupo muna kayo ng isang oras at sanayin ang sarili niyo sa mga lugar na ito."
Babala ng matandang si Li.
Sa pagkarinig nito, lahat sila ay ujmupo. Ang mga naririto sa unang beses ay nakaramdam ng makapangyarihang presyong nagmumula sa Heaven and Earth.
Si Zhao Feng ay umupo rin. Ang pinakanakapagpagulat sa kaniya ay ang katotohanan na kahit ang pinakamalalang lugar dito ay talagang mas maganda kaysa sa misteryosong kuweba sa Purple Saint Ruins.
Ang buong ilang daang milyang lugar na nakapalibto sa Spiritual Peak ay napuno ng makapal at siksik na Heaven Earth Yuan Qi.
Kung titingin mula sa kalayuan, tila ba ang Spiritual Peak ay napapalibutan ng isansg nakahiwalay, at parang panaginip na dimensiyon.
Siyempre, ang mga nakapasok dito sa unang beses pa lamang nila ay kailangang masanay sa presyon, subalit si Zhao Feng ay hindi na.
Kahit na ang presyon dito ay malakas, hindi man lamang ito maikukumpara mula sa Ancient Dream Realm.
Bumulong si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Talagang hindi siya nababalisa rito. Ang kaniyang katawan at kaluluwa ay nakahigop ng malaking bilang ng Ancient Dream Realm aura, at ito ay mas puro kaysa sa aura rito. Kaya naman, si Zhao Feng ay hindi kalaunan "napayagan" na ng Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng Sacred Land, at ang nagpupumiglas na aura mula sa dimensiyon ay hindi nagtagal naglaho rin.
Sinubukang suriin ni Zhao Feng ang kaniyang mga kapaligiran.
Ang Spiritual Peak ay parang isang pundasyon na nagpapakawala ng purong Heaven Earth Yuan Qi, at ang Yuan Qi rito ay nagiging usok.
Sa taas ng Spiritual Peak, sa loob ng tila isang panaginip na liwanag, mayroong mga eleganteng gusali, maliliit na ilog, at tulay. Ito ay parang isang larawan ng perkpeksiyon.
Mayroong mga makakapangyarihang auras na mararamdamang palipad-lipad sa alapaap, at paminsan-minsan may makikitang mga extinct ancient beasts.