Bahagayang naintindihan na ni Zhao Feng ang sitwasyon ng Golden Mountain Sect sa paliwanag ni Old Su.
Karamihan sa mga elites ng Golden Mountain Sect ay nasa True Martial Sacred Land, at ang ilang kalapit na pwersa ay nagtipon sa True Mastial Island Zone.
"Zhao Feng, magpapadala kami ng ilang mga eksperto at henyo sa True Martial Sacred Land sa susunod na dalawang buwan. Dahil mayroon kang guest token, maaari kang sumama sa amin."
Saad ni Old Li.
"Salamat, Senior."
Tumango si Zhao Feng, at may naiinggit na ekspresyon sina Li Yunya at Zhishui.
Matapos ang araw na iyon, dinala ni Old Li sila Zhao Feng sa himpilan ng Golden Mountain Sect.
Hindi na masama ang pakikitungo sa kanila; binigyan sila ng malaking bahay.
Maraming two star sect dito, at ang bawat pulgada ng island ay malaki ang halaga.
Maging ang Golden Mountain Sect ay may limitadong lugar.
"Elder Li, ano ang kwento sa batang iyan? Sapat na ba iyon upang gumastos tayo ng mahalagang token parasa kanya? Kadalasan ang mga nasa huling yugto ng Great Origin Core Realm o mga kakaibang masters na inimbitahan ng ating sekta ang may ganoong prebelehiyo.
Galit na saad ng isang Great Origin Core Realm.
Sa Golden Mountain Sect, ang mga normal Sovereign Lords ay mga Outer Elders lamang, habang ang mga true Elders naman ay mayroong kapangyarihan at katulad ni Old Li - umabot sila sa half-step Void God Realm.
"Hindi na masama ang talento ng batang iyan sa Sacred Land. Maaari natin siyang dalgin bilang disipulo."
Saad ng isang Elder, ngunit umiling si Old Li, "Sampung araw lamang ang kanyang guest token. Isa pa, kung magagamit itong maigi ng batang iyan, hindi masusukat ang halaga nito sa Golden Mountain Sect."
Ayaw nang pag-usapan ni Old Su ang nakaraan ni Zhao Feng.
Paanong hindi niya mkikirq ang potensyal at talento ni Zhao Feng? Gayunpaman, ang mga prodigies sa Spiritual Sacred Land ay nagmumula sa three-star forces.
Sa isang silid sa isang bahay, naupo si Zhao Feng at nag cultivate.
Sa mga nakaraang araw, pinapalakas niya ang kanyang Core Center.
Sa kanyang kasalukuyang existence, katawan at kaluluwa, mabilis na tumataas ang kanyang cultivation.
Hanggang napaparami niya ang bilang sa kanyang Core Center, hindi magkakaroon ng bottleneck si Zhao Feng sa Small Origin Core Realm.
Malalaking bilang ng resources na may Wind at Lightning elements ang agad na nagamit. Mabuti na lamang, siya ay lubos na mayaman matapos kumita nang lubos sa Void Ocean Spiritual Palace.
Gamit nang tulong na iyon, mas lumalakas ang Core Center ni Zhao Feng.
Siyempre, hindi siya sumuko na saliksikin ang Ancient Dream Realm. Madalas siyang pumapasok sa Ancient Dream Realm upang humigop ng aura, kadalasan ay para sa kanyang mata.
Mas tumatagal pa siya nang siyamnapung hininga sa Ancient Dream Realm, at ang bilang ng aura na kanyang nakukuha ay higit sa sampung beses na nakukuha niya noong simula.
Kung gayon, mabilis na tumataas ang eye bloodline power ni Zhao Feng araw-araw.
Isang buwan ang nakalipas, ang soul-strength ni Zhao Feng ay maikukumpara na sa late-stage Great Origin Core Realm.
Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang lawa ay umabot na sa anim napung yarda.
"Kapag umabot na sa isang daang yarda ang lawa, daranas muli nang pagbabago ang God's Spiritual Eye."
Naramdaman ni Zhao Feng na may parating sa kung saan.
Sa sandalimg ito, ang epekto ng Ancient Dream Realm aura sa kanyang kaluluwa ay bumaba. Tinatiya ni Zhao Feng na malapit na siya sa Void God Realm, pabawas nang pabawas ang epekto ng Ancient Dream Realm hanggang sa mawala na ito.
Muling pumasok si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm.
Habang lumalakas ang kanyang state of existence at kaluluwa ay mas nagtatagal siya sa dimensyong iyon.
"Pitumpung hinga… walumoung hinga… siyamnapung hinga…"
Madali na lang kay Zhao Feng na umabot sa siyamnapung hinga.
Siyamnapu't limang hinga… siyamnapu't anim na hinga… siyamnapu't pitong hinga…
Sa wakas, noong umabot siya sa siyamnapu't pitong hinga, ang presyur na natanggap ni Zhao Feng ay masyadong malaki na halos hindi na siya maka hakbang paalis sa Ancient Dream Realm.
Ito ay tila pagpigil nang paghinga sa ilalim ng tubig: mas matagal, mas malaki ang presyur sa baga.
"Siyamnapu't pitong hinga. Ang aking layunin na isang daang hinga ay malapit na."
Hindi sugatan si Zhao Feng sa pagkakataong ito dahil hindi niya naman binigay ang lahat. Pumasok siya ngayon dahil gusto niya lamang palakasin ang kanyang pundasyon.
Sa nakalipas na buwan, gumamit siya nang malaking halaga ng readurces, at ang kanyang Core Center ay malapit na sa gitnang yugto ng Small Origin Core Realm.
Ang Core Center ni Zhao Feng ay hindi kasinglaki ng normal na Small Origin Core Realm, ngunit ang lakas ng kanyang True Yuan ay malapit na sa huling yugto ng Small Origin Core Realm.
Sa ika apatnapung araw matapos nilang makarating sa True Martial Islands Zone, papasok na sana muli si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm at aabot na sa isang daang hinga.
"Munting kaibigang Zhao Feng."
Narinig niya ang boses ni Old Lu.
Ito ang unang beses na pinuntahan niya si Zhao Feng.
"Old Li."
Lumabas si Zhao Feng at binagi si Old Li.
Hindi pumapasok si Zhao Feng sa malalim na seklusyon dahil alam niya na nalalapit na ang kanyang pagpunta sa True Martial Sacred Land.
"Parang ganito iyon; mayroon pang dalawampung araw ang natitira upang magpapadala muli ng grupo ang Golden Mountain Sect sa Spiritual Sacred Land, na kabilang ang sampu sa aming henyo."
Ngumiti si Old Su at sinabi ito.
Matapos nuya iting sabihin, tinaas niya ang kanyang kamay.
Siyam na henyo mula sa Golden Mountain Sect ang nakatayo sa tabi niya. Maganda ang kanilang potensyal upang makapasok sa True Martial Sacred Land.
"Ang pinaka mababang cultivation sa kanila ay peak True Lord Rank. Karamihan ay nasa half-step Origin Core Realm, at mayroon ding dalawang Small Origin Core Realm."
Tumingin si Zhao Feng sa kanila.
Ang talento at potensyal ng mga henyong ito ay natalo ang mga Napakahusay na mga Prodigies mula sa Azure Flower Continent.
Ang edad ng ilang half-step Origin Core Realm ay hindi lumagpas sa limampu, at ang dalawang nasa unang yugto ng Small Origin Core Realm ay hindi mas matanda sa limampung taon.
Hanggang hindi lumalagapas sa edad na limampu, kabilang pa rin sila sa batang henerasyon. Iyo ay dahil ang True Lord Rank ay umaabot sa tatlong daang taon, at ang Origin Core Realm ay umaabot sa ilang daang taon.
"Munting kaibigang Zhao Feng, ito ay mga juniors sa sekta. Maaari mo silang bigyan nang ilang paalala bago pumasok sa Spiritual Sacred Land."
Ngumiti si Old Si.
"Kayong mga juniors ay dapat na makisalamuha kay Zhao Feng kapag may oras kayo."
Kasabay nito, nagbigay siya nang hudyat gamit ang kanyang mata sa mga henyo sa Golden Mountain Sect.
"Opo, Elder."
Sabay-sabay na saad ng siyam na henyo.
Hindi sila naglakas-loob na suwayin ang utos ng Elder na makapangyarihan at mataas ang katayuan. Isa pa, hinahangaan talaga nang karamihan sa kanila si Zhao Feng dahil sa taas ng kanyang cultivation sa kanyang murang edad.
Hindi mahirap kay Zhao Feng na hulaan ang intensyon ni Old Li; gusto niya na mapalapit ang isa o dalawang tao kay Zhao Feng.
"Brother Zhao, sinong eksperto ang iyong master?"
"Ang makaabot sa Origin Core Realm sa murang edad… tanging ang Senior Mattial Brother Yin lamang na nakapasok sa Spiritual Sacred Land ang maikukumpara sa iyo."
Interesado ang siyam na henyo sa nakaraan ni Zhao Feng.
Sa kanilang lahat, isang lalaki at babae lamang ang nasa Origin Core Realm.
Ang lalaki ay payat at ang babae ay nakaputing bestida.
Sinuri ng dalawa si Zhao Feng at kahit gulat sila sa cultivation ni Zhao Feng, hindi nila ito masyadong pinansin. Nasa Origin Core Realm din sila, kaya parehas lamang ang kanilang lebel.
Nagsimulang makisalamuha si Zhao Feng sa mga henyong ito. Matapos ang lahat, lahat sila ay mula sa peak two-star sect na Golden Mountain Sect, at ang kanilang inheritances at techniques ay tinalo ang mga normal two-star sects.
Sa soul-strength ni Zhao Feng, marami siyang natutunan sa mga iyon.
Matapos iyon, nakipaglaban si Zhao Feng sa kanilang siyam.
Ang Golden Mountain Sect ay mayroong husay sa special martial arts na maaaring pumigil sa kapangyarihan ng mga taong nasa Origin Core Realm.
Lihim na nanood ang mga eksperto mula sa Golden Mountain Sect.
Ilang mga half-step Origin Core Realm ang nakipag laban muna kay Zhao Feng.
"Subukan niyo ang kanyang lakas."
Lihim na saad ng payag na lalaki na nasa Origin Core Realm.
Halatang ang mga nasa half-step Origin Core Realm ay hindi katapat ni Zhao Feng, at lahat sila ay bumagsak sa isang hawak pa lamang.
Hindi man lamang nahawakan ng mga half-step Origin Core Realm ang damit ni Zhao Feng.
"Sobrang bilis!"
Nagtinginan ang payat na lalaki at ang magandang babaeng naka puting bestida, at bahagyang nagbago ang kanilang ekspresyon. Sila lamang ang halos nakakakita kung paano gumalaw si Zhao Feng.
Matapos matalo ang half-step Origin Core Realm, napansin ni Zhao Feng na nakakawalang gana na ito, kaya nagmungkahi siya ng laban sa payat na lalaki at magandang babaeng naka puting bestida.
Matapos itong marinig, nanliitang mga henyo mula s Golden Mountain Sect. Napabuntong hininga si ang payat na lalaki at magandang babae kasabay ng kanilang pagkagalit.
Sa bilis ni Zhao Feng, maliit lamang ang tsansa na manalo sila.
Ang resulta ng labanan ay gumulat sa lahat.
Plop! Plop!
Ang dalawang Origin Core Realm ay agad na natalo ni Zhao Feng.
Shua!
Isang malabong lilang kidlat at hangin ang tumama sa dalawa.
"Purple Destruction Wind Lightning? Ito kaya ay inheritance mula sa Wind Lightning Emperor sampung libong taon na ang nakalilipas?"
Napakagat ang mga Elders mula sa Golden Mountain Sect sa kanilang labi.
Ang lakas ni Zhao Feng na ka ilang nakita ay masyadong malaki. Kaunting tao lamang siguro mula sa Great Origin Core Realm ang kanilang katapat.
"Ang mga taong konektadong tao talaga kay Duanmu Qing ay hindi simple."
Bumuntong-hininga si Old Li, at hi di niya mapigilang magsisisi.
Malaki ang kaibahan ni Zhao Feng sa mga henyo mula sa Golden Mountain Sect. Ibig sabihin ay nabigo ang kanyang intensyon. Hindi parehas ang lebel ng dalawang grupo, kaya mahirap sa kanila na bumuo ng pagkakaibigan.
Kahit na napahiya ang mga henyo mula sa Golden Mountain Sect, nirerespeto nila ang lakas ni Zhao Feng.
"Maging ang Senior Martial Brother Yin, ang pinakamalakas sa ating sekta, ay maaaring hindi siya kaya."
Humanga ang magandang babaeng naka puting bestida kay Zhao Feng.
Sa mga sumunod na araw, dahil sa pagkakaiba sa dalawang grupo, hindi masyadong nagka salamuha sila Zhao Feng at mga henyo.
Sinubukang makipag date ng magandang babae kay Zhao Feng ng isa o dalawang beses ngunit palagi siyang nabibigo. Nakapokus si Zhao Feng sa cultivation. Gayunpaman, ang imahe ng tahimik, elegante at tila diyosang babae na nakanguso ay paminsan-minsang sumasagi sa kanyang isispan.
Nakaputing damit din noon si Liu Qinxin, at habang lumilipas ang oras, ang alaala niya sa babae ay mas nagiging malinaw.
Hu~
Huminga nang malalim si Zhao Feng kasabay nang paglitaw nang matinding emosyon na bihira lamang ay lumitaw sa mga mata ni Zhao Feng.
Sa isang iglap, pumasok siya sa Ancient Dream Realm.
Sampung hinga… tatlumpung hinga… anim napung hinga... siyamnapung hinga.
Siyamnapu't limang hinga… siyamnapu't pitong hinga… siyanmnapuxt siyam na hinga.
"Isang daang hinga."
Tila isang batong iskultura si Zhao Feng na nabuhay nang ilang libong taon na nakatayo sa lupain ng desolate island.