Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 615 - Rekord sa Libong Taon

Chapter 615 - Rekord sa Libong Taon

"Hindi ko naisip na ang huling tatlong kalaban ay sa Great Origin Core Realm Sovereigns Lords."

"Aye, kung hindi masyadong mayabang si Zhao Feng na gustong tapusin agad ang lahat ng laban, maaring magkaroon siya ng pag-asa."

Marami sa mga nanonood ay nakitaan nang pag-sisisi at simpatya.

Sa sandaling ito, pinagpawisan si Zhao Feng at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Malaki ang tsansa ni Zhao Feng na manalo sa normal Great Origin Core Realm Sobereigns Lord; sa kabila ng lahat, marami sa kanyang nakalaban ay mayroong kapangyarihan ng normal Great Origin Core Realm Sovereign Lord.

"Nagamit ko na ang 70% ng aking bloodline power at True Yuan…"

Sinuri ni Zhao Feng ang kanyang kalaban. Ang Elder ay umabot na sa gitnang yugto ng Great Origin Core Realm; ito ang hangganan ayon sa batas.

"Mayroon pang tatlong taong natitira upang matapos ang hamon. Kailangan ko silang matapos sa lalong madaling panahon."

Kumislap ang mata ni Zhao Feng.

"Simulan na."

Kinaway ng taga paghusga ang kanyang kamay.

Iron River Mountain!

Ginalaw ng Elder ang kanyang kamay at ang bronze na bundok ay tila umusli at nagbago ang tanawin.

Boom! Boom! Peng~~!

Nagpokus ang Elder sa katatagan habang inaatake niya si Zhao Feng.

"Hmph, may hiya pa ba ang Great Origin Core Realm Sovereign Lord na iyan? Sinusubukang kalabanin ang isang Captain."

Puno nang galit at poot ang ekspresyon ni Li Yunya. Halata na ang kalaban ay gusto lamang pahirapan si Zhao Feng at hindi manalo.

"Water Spirit Divine Change!"

Isang asul na ilaw ang nagliwanag sa paligid ni Zhao Feng na naging dahilan upang mapilipit ang lugar. Ang kanyang katawan ay naging likido kasabay nang pag-alon ng tubig sa kanya.

Bo~~

Sa isang iglap, naging Water Spirit Giant si Zhao Feng.

Boom! Boom! Boom ~~~

Ang atake ng elder ay tila isang bato na lumulubog sa dagat habang direkta itong tumatagos sa katawan ni Zhao Feng. Sa ilalim ng estado ng Water Spirt Divine Change, halos walang kapantay ang depensa ni Zhao Feng, lahat ng atake ay walang epekto.

"Wasakin!"

Ang Water Spirit Giant Zhao Feng ay tumalikod upang pigain ang kanyang palad na nagpadala ng tila tsunaming alon ng tubig na tumungo paharap.

Misteryosong mga ukit at patterns ang lumitaw sa asul na liwanag na nag bugay nang makapangyarihang aura. Habang patuloy na hinihigop ni Zhao Feng ang Ancient Dream Realm aura, ang kanyang bloodline at katawan ay dumaranas nang kakaibang pagbabago.

Crack!

Ang elder ay napilitang umatras sa kanilang salpukan.

matapos ang dalawa o tatlong atake, ang elder ay sumuka ng dugo habang sinusubukan niyang lumaban.

"Isang ancient aura? Ang bloodline ba ni Zhao Feng ay mula sa Ten Thousand Ancient Races? Paano ito naging sobrang lakas?"

Nagsimulang mag isip ang Eternally Sealed Palace Lord.

Sa sandali ring iyon:

Boom!

Ang defensive array sa entablado ay umalog kasabay nang pagtalsik palayo ng elder.

"Ito ay mula sa Ten Thousand Ancient Races…"

Namutla at nagulat ang Elder. Kung natalo siya sa kahit sinong normal Small Origin Core Realm Sovereign, hindi niya ito matatanggap, ngunit kung natalo siya ng isang Small Origin Core Realm na may maalamat na bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, hindi siya masyadong mapapahiya."

Weng~~

Bumalik si Zhao Feng sa pagiging solid at walang emosyong nagsalita, "Ang bloodline nito ay malayo pa sa Ten Thousand Ancient Races."

Nasaksihan ni Zhao Feng ang totoong lakas ng Ten Thousand Ancient Races.

Sa usapin nang pagpigil, ang bloodline aura ni Zhao Feng ay kalebel lamang ng Ten Thousand Ancient Races, ngunit naisip ni Zhao Feng na mayroon pa ring kaibahan ang bloodline niya sa bloodline ni Jiang Fan.

"Kung patuloy akong hihigop ng Ancient Dream Realm Aura, ang aking bloodline ay magiging katulad na ng Ten Thousand Ancient Races."

Dumaluyong ang puso ni Zhao Feng. Naalala niya kung paano natalo ng bloodline ni Jiang Fan ang kanya, ngunit ngayon ang kanyang bloodline ay katulad na sa bloodline ni Jiang Fan, isang taon ang nakalilipas.

"Ang ika siyamnapu't siyam na laban."

Iba na ang tingin ng tagapag husga kay Zhao Feng.

Ang atmospera sa arena ay mabilis na tumaas, at ilang mga nanonood ang pinigilan ang kanilang pag hinga.

"Sinong makaka isip na maging ang Great Origin Core Realm Sovereign Lord ay matatalo ni Zhao Feng?"

Lahat sila ay minaliit ang lakas ni Zhao Feng, maging ang mga ekspertong opisyales at ang Eternally Sealed Palace Lord.

"Zhao Feng, sobrang lakas mo. Hinahangaan kita."

May galang na saad ng isang magandang babae na nakapulang roba.

"Sa kasamaang-palad, paubos na ang iyong bloodline power at True Yuan. Kahit na matalo mo ako, hindi ka mananalo ng isang daang beses."

Saad ng babaeng nakapulang roba.

Tinatiya niya na mayroon na lamang sampung porsyento si Zhao Feng sa kanyang True Yuan at bloodline power.

Tumayo si Zhao Feng na may kaparehong ekspresyon.

Ang kanyang state of existence ay sobrang lakas, kaya ang kanyang recovery speed ay maikukumpara sa ibang maalamat na bloodlines ng Ten Thousand Ancient Races.

"Flaming Phoenix Technique!"

Nakita ito ng babaeng nakapulangroba at agad na umatake. Ang kanyang katawan ay binalot nang nag-aapoy na pulang liwanag, at siya ay tila isang phoenix kasabay nang pag-atake niya kay Zhao Feng.

Sa usapin ng opensa, mas malakas pa siya sa elder kanina.

"Water Spirit Divine Change!"

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power kasabay nang pagiging Water Spirit Giant niya muli. Sa pagkakataong ito, walang naramdaman si Zhao Feng noong naging likido muli siya.

Bam!

Ang Water Spirit Giant ay hindi madadaig kasabay nang pag talo nito sa babaeng nakapulang roba.

Wu~~

Misteryosong pattern at ukit ang lumitaw sa kanyang palad na nagdala ng ancient at lumang aura.

"Maging ang aking Flaming Phoenix Bloodline ay natalo…?"

Kumulo ang dugo ng babaeng nakapulang roba.

Matapos ang sampung atake:

Boom!

Ang babaeng nakapulang roba ay napatalsik sa arena, at ang mga nanonood ay mainit na nag diskusyon.

99 na sunod-sunod na panalo! Nasabik ang puso ng maraming manonood.

Weng~~

Sa sandaling bumalik si Zhao Feng sa kanyang pisikal na katawan, ang kanyang katawan ay nawalan nang tatag.

"Captain!"

Nagbago ang ekspresyon ni Li Yunya.

Sa entablado ng arena, ang mukha ni Zhao Feng ay namumutla, at bahagya niya lamang napatayo ang kanyang sarili matapos maubos ang kanyang True Yuan at bloodline power.

"Parehong naubos na ang aking Bloodline power at True Yuan."

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang malakas na willpower upang patatagin muli ang kanyang sarili at subukang mabilis na makabawi.

Sa sandaling ito, tahimik ang buong arena. Maraming eksperto ang pinapanood si Zhao Feng, na nakaabot sa siyamnapu't siyam na panalo.

Mapupunta na lamang ba lahat sa wala?

"Zhe zhe, kung hindi ka masyadong mayabang, marahil ay nagtagumpay ka sa isang daang panalo."

Bumuntong-hininga ang Elder na nakapulang roba. Sa sandaling ito, wala ng enerhiya si Zhao Feng upang lumaban, at ang huling tao na kanyang makakalaban ay isang halimaw na nilalang.

"Nakakapang sisi…"

Isang matangkad, itim ang damit na lalaki ang lumitaw sa entablado. Ang kanyang mata ay kuminang na tila isang bituin at may perpekto itong mukha.

"Duan Tianjun!"

"Siya iyon! Ang taong nanalo isang daang tao na ang nakalilipas!"

May kaunting tao ang nakakilala sa lalaki.

Siya pala iyon!

Ilang mga mas matandang eksperto ang naalala ang kanyang kwento.

"Isang daang taon ang nakalilipas, nagtagumpay si Duan Tianjun sa hamon na isang daang panalo at ang kanyang cultivayion noong mga oras na iyon ay nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm."

"Dalawampung taon ang nakalilipas, umabot na sa Great Origin Core Realm si Duan Tianjun at tinalo ang mga Sovereign Lords, na gumulat sa panahong iyon."

Ang kwento ay nagmula sa mga nanonood.

Sa puntong ito, naging liwanag si Duan Gianjun na ninakaw ng tingin na dapat ay nasa bida ng hamon.

"Zhao Feng, nakita ko ang mga laban mo kanina. Kung nasa peak state ka sana, magkakatoon tayo nang maayos na laban, ngunit sa kasamaang palad..."

Umiling si Duan Tianjun. Hinahangaan niya ang battle power ni Zhao Feng. Kung hindi lamang nagmamadali na manalo si Zhao Feng, hindi siya mapupunta sa ganitong sitwasyon.

Maging si Duan Tianjun ay inabot nang apat o limang araw upang matapos ang hamon ng isang daang panalo.

Isa pa, hindi ganito kalakas ang mga kalaban niya noon.

"Duan Tianjun, wala na dapat pagdudahan sa tagumpay at kabiguan."

Ngumiti si Zhao Feng. Kahit na ubos na ang kanyang bloodline power at True Yuan, malakas pa rin ang kanyang loob.

Nagkagulo ang lahat matapos itong marinig.

"Mayroon pa kaya siyang tinatagong alas? Ngunit ubos na ang kanyang bloodline power at True Yuan."

Ang ekspresyon ng Elder na nakapulang roba ay nanigas. Maging ang Eternally Sealed Palace Lord ay nagulat.

"Walang bloodline power o True Yuan…"

Ayon sa batas, ang mga espesyal na bagay katulad ng Void God Protections ay hindi maaaring gamitin.

"Sandali, hindi pa ginagamit ni Zhao Feng ang kanyang soul power!"

Naisip ng Eternally Sealed Palace Lord.

Ang mga normal na tao ay hindi papansinin ang power of soul, ngunit ang Eternally Sealed Palace Lord na half-step King ay nasa proseso nang pag-eebolusyon ng kanyang kaluluwa.

Sa sandali ring ito:

"Eye of Illusion!"

Ang buhok ng kabataan ay hinangin at ang kanyang kaliwang mata ay naglabas nang walang hanggang lamig na nagbigay nang napakalakas na kapangyarihan.

Nagyanig ang puso ni Duan Tianjun.

Shua!

Sa sumunod na sandali, ang kanyang kamalayan ay muling nagulo.

Sa entablado, ang kali2ang mata ni Zhao Feng ay nakatingin kay Duan Tianjun, n a nagpupumiglas at pinagpapawisan.

Matapos ang dalawang segundo:

Plop!

Bumagsak sa lupa si Duan Tianjun, pagod na pagod. Ang kanyang mukha ay puno nang kahihiyan ay kawalan ng pag-asa.

Hua!

Ang buong arena ay nag-ingay.

"Ano…!"

Doon lamang napansin ng elder na nakapulang roba na ang kaluluwa ni Zhao Feng ay mas malakas sa normal Great Origin Core Realm.

__

Ang aking kaluluwa ay mas naging malakas matapos makakuha ng aura mula sa Ancient Dream Realm, at bahagyang mas malakas pa ito kay Duan Tianjun. Kung ginamit ko nang buo ang aking GodxsSpiritual Eye, kaunting tao lamang mula sa Great Origin Core Realm ang makakaharang nito.

Ang buhok at kaliwang mata ni Zhao Feng ay muling naging itim.

"Ang kanyang mata!"

Ang Eternally Sealed Palace Lord ay nagulat. Nakakita lamang siya nang ganoong kalakas na eye bloodlines sa Spiritual Sacred Lands.

"Masyadong tinahmgo nang batang iyan ang kanyang sarili."

Hindi mapigilan ng elder na nakapulang roba na huminga nang malamig.

Walang nakaisip na tinatago ni Zhao Feng ang kanyang napakalakas na eye booodline. Kung hindi pa napaka lakas ang huling kalaban, marahil ay hindi pa nila nakita ang tootong lakas ni Zhao Feng.

"Ang mahimalang nagwagi ng hamon ng isang daang panalo - si Zhao Feng!"

Ang tagabpaghusga ay nakabalik na sa ulirat at nag anunsyo sa malakas na boses.

"Hindi lamang siya nagtagumpay sa hamon ng isang daang panalo; natalo niya rin ang dating nagwagi hamon ng isang daang panalo!"

"Ang manalo sa hamon ng isang daang panalo sa loob lamang nang dalawang araw. Ito ay isang rekord sa Eternally Sealed Islands Zone na hindi masisira sa ilang libong taon."

Hindi mabilang na boses ang narinig sa arena.

"Kapanapanabik."

Tumayo ang Eternally Sealed Palace Lord at tumingin kay Zhao Feng.