Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 614 - Pagtalo sa Karamihan

Chapter 614 - Pagtalo sa Karamihan

"Void Sky Darkness!"

Balot ng kadiliman si Zhao Feng at hindi niya na nasundan si Ye Moyu.

Maraming nanonood ang pamilyar sa Night Shadow Booodline ni Ye Moyu. Ang bloodline na ito ay nagbibigay nang kakayahan kay Ye Moyu na sumanib sa kadiliman at lumitaw sa kung saan.

"Ang aking pandama ay hindi gumagana sa kadiliman, hindi lamang ang bilis ni Ye Moyu ang umabot sa rurok, maging ang kanyang katawan ay tila sinag ng buwan, ang lahat ng pinsala ay bababa sa kalahati."

Hindi padalus-dalos na kumilos si Zhao Feng. Ang pananatili ang pinaka magandang solusyon kapag nasa dilim ang kalaban. Kapag si Zhao Feng ay naatake, isang tsansa iyon para magwagi si Ye Moyu.

"Traceless Dark Night!"

Isang misteryosong aura ang nakita sa dilim.

Whoosh!

Mga invisible na malamig na hangin ang nararamdaman ni Zhao Feng sa kanyang balat.

"Sobrang bilis!"

Sa sandaling may naramdaman si Zhao Feng, halos tumama na ang atake ni Ye Moyu. Dahil sumanib si Ye Moyu sa kadiliman. Kagaya ito sa kakayahan ng munting kuting na magnanakaw.

Bo~~

Ang mga alon ng tubig ang lumitaw at pumalibot sa katawan ni Zhao Feng.

Boom!

Naramdaman ni Ye Moyu na ang kanyang atake ay tumama sa karagatan noong tumama ito sa alon ng tubig, at ang lakas nito ay malaki ang na bawas.

Purple Destruction Wind Lightning Claw!

Agad na umatake si Zhao Feng ngunit hindi niya ito natamaan.

"Hehe."

Narinig ang boses ni Ye Moyu sa ibang lugar.

Nanliit ang mata ni Zhao Feng. Pahirap talaga ang Ye Moyu na ito.

Sa kadiliman, tila isang isda sa tubig si Ye Moyu. Maaari siyang lumitaw kahit saan at agad na umalis matapos umatake. Sa ganitong sitwasyon, maaari niyang atakihin ang kalaban habang ang kanyang kalaban ay walang magagawa.

"Malakas talaga siya; napalabas nuya ang bloodline power ni Zhao Feng."

Bahagyang ngumiti ang Elder na nakapulang roba.

Walang may lamang sa unang salpukan.

"Ang depensa ng Water bloodline ni Zhao Feng ay mahusay. Kahit na mas malakas ang aking opensa sa dilim, hindi ko pa rin siya mapinsala."

Sumanib si Ye Moyu sa kadiliman, ngunit ang ngiti ay lumitaw sa kanyang labi. Nasa peak statebsiya, at siya ay nasa dilim habang ang kalaban ay nasa liwanag. Nasa kanya ang kakayahang umatake, habang si Zhao Feng ay gumamit ng ilang enerhiya para sa wala.

"Kawili-wili, ngunit ang aking hangarin ay isang daang panalo, kaya kailangan kong tapusin agad ang laban."

Naging matalim ang mata ni Zhao Feng kasabay nang paglabas ng kanyang Water bloodline power, na nag bigay ng katakot-takot na aura.

"Ano…!?"

Sa harap ng aura na ito, nanginig ang bloodline power ni Ye Moyu at agad na nalagpasan.

Hindi makapaniwala si Ye Moyu. Maliban sa bloodlines ng Ten Thousand Ancient Races, anong klaseng bloodline pa ang makatatalo sa Night Shadow Bloodlines.

Mabilis na nangyari ang mga kaganapan.

"Ice Imperial Seal, Ice Imperial Domain!"

Umungol si Zhao Feng kasabay nang pagbagsak ng transparent blue crystalline seal sa lupa.

Boom!

Ang ice-blue seal ay kumalat kagaya ng lotus at agad na naging dose-dosenang beses ang lamig kasabay nang paninigas nito.

Isang asul na liwanag na mayroong antigong aura ang nagbigay ng lamig na bumalot sa buong lugar.

"Ang aking Void Sky Darkness!"

Nagbago ang ekspresyon ni Ye Moyu. Nanlamig ang kanyang katawan at wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang manood dahil ang kadiliman ay nagyelo na.

Maging siya ay nagsisimula nang manigas sa Ice Imperial Domain.

"Ang bloodline power ni Zhao Feng ay mas malakas pa sa Night Shadow Bloodline ni Ye Moyu, atbang kapangyarihan ng Water and Ice na iyo ay sobrang puro."

Nagbago ang ekspresyon ng Eternally Sealed Palace Lord.

Sa labanan ng mga bloodline domains, agad na natalo si Zhao Feng si Ye Moyu.

"Ice Explosion!"

Bago pa makatakas si Ye Moyu, naunang umatake si Zhao Feng.

Boom~~~~~

Ang lugar na puno ng yelo ay agad na napalitan ng ipo-ipong yelo na bumalot sa buong arena.

Nanginigang arena noong mabalot ito ng yelo.

Ba!

Isang lukot na pigura ang napatalsik palabas ng arena gamit ang katakot-takot na aura at sumuka ito ng dugo sa himpapawid.

Plop!

Noong bumagsak si Ye Moyu sa lupa, nanigas ang kanyang buong katawan.

Ang mga nanonood ay nagdiskusyon. Maging ang katulad ni Ye Moyu ay nagalo at napatalsik ni Zhao Feng sa arena.

"Kahit na nagamit ko ang ilan sa aking bloodline power, iyon na lamang ang pinaka mabisang paraan."

Saad ni Zhao Feng sa sarili.

Nakulong siya sa domain ni Ye Moyu at hindi niya magamit ang kanyang God's Spiritual Eye, hindi siya makalaban kanina.

"Ang ika pitumpu't dalawang kalaban…"

Pag-aanunsyo ng taga paghusga.

Ang bawat kalaban matapos ang ika pitumpung laban ay hindi na simple. Ang battle power ng kalaban ay nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm o nasa peak stage Small Origin Core Realm.

Ang mga kalaban na ito ay mas malakas kay Li Yunya at Skeletal Division Leader.

Upang mapabilis ang labanan, kailangan na gamitin ni Zhao Feng ang kanyang Purple Destruction True Yuan o ang kanyang bloodine power.

72 na panalo… 73 na panalo… 74 na panalo…

patuloy na tumataas ang rekord ni Zhao Feng, ang mga nanonood ay sabik. Nakatuon lahat ang kanilang atensyon.

"Purple Lightning Wind Ring!"

Ang maliwanag na arko ng Purple Wind Lightning ay nagbigay ng aura of Destruction kasabay nang pagtama nito sa iba't-ibang direksyon.

Bam! Bam! Bam!

Tatalong eksperto mula sa huling yugto ng Small Origin Core Realm ang agad na napatalsik sa arena.

Siiii!

Ang lahat ng manonood ay huminga nang malamig.

Nakakabaliw ito. Iyon ay tatlong nasa huling yugto ng Small Origin Core Realm.

"Hindi tayo maaaring magpatuloy ng ganito. Kailangan niyong mapalabas ang kanyang True Yuan."

Nagbago ang ekspresyon ng Elder na nakapulang roba habang siya ay nag-uutos. Nakipaglaban si Zhao Feng sa dalawa o tatlong tao nang sabay sa ilang beses.

Ang ikawalumpung laban.

"Blood Wings Demonic Sovereign!"

Ang blood-robed Sovereign na mayroong nunal sa noo ay naglabas ng aura ng dugo at demonyo.

Naghiyawan ng mga tao.

Siya ang nakatalo kay Ye Moyu sa isang atake lamang, at umabot na siya sa peak stage ng Small Origin Core Realm.

"Blood Wings Demonic Light!"

Ang blood-robed Sovereugnay ngumisi kasabay ng kanyang demonic at bloody wings ay nabuo sa kanyang likod. Ang kapangyarihang mayroon ito ay maikukumpara sa Great Origin Core Realm.

Sa oras na ito, maging si Zhao Feng ay nakaramdam ng presyur.

Boom! Boom! Boom!

Ang atakeng blood-robed Sovereign aynagyataglay ng lakas ng demonic wings, na naging dahilan upang magliwag ang buong arena ng kulay dugo.

"Wings of Wind and Lightning!"

Isang pares ng pakpak ang mabuo sa likod ni Zhao Feng, at nagliwanag ang kulay lila sa kanyang source of True Yuan.

Boom!

Isang katakot-takot na Purple Destruction Wind Lightning ang kumalat sa arena, na naging dahilan upang sumabog ang kidlat at kulog na nagbigay ng ancient aura of Destruction.

Ang lightning dragon of Destruction ay umungol sa bagyo.

"Arghh!"

Sumigaw ang Blood Wing Demonic Sovereign kasabay nang pagtalsik ng kanyang katawan sa arena.

Ang ikawalumpung laban ay natapos sa isang atake.

Teng!

Ang Elder na nakapulang roba ay agad na tumayo, at ang kanyang mukha ay taimtim.

"Ito ba ang kanyang totooong lakas? Patalsikin kahit ang isang Blood Wing Demonic Sovereign sa isang atake lamang?"

Gulat ang mukha ni Ye Moyu.

Ang isang Blood Wing Demonic Sovereign ay ginamit ang kanyang secret technique na Blood Wings Demonic Light, ang kanyang bloodline power ay maikukumpara sa Sovereign Lord sa maiksing panahon.

81 na panalo… 85 na panalo… 89 na panalo…

Walang makapigil. Lumabas na ang tunay na lakas ng Purple Destruction Wind Lightning at bloodline power ni Zhao Feng.

Ang bawat kalaban matapos ang ika-siyamnapung laban ay nasa bagong lebel. Ang kanilang battle-power ay maikukumpara sa Blood Wing DemonicSovereign, at ang kanilang bloodline at kakaibang kakayahan ay sikat.

91 na panalo… 92 na panalo… 93 na panalo…

Hindi na nadalian si Zhao Feng sa pagkapanalo. Kailangan niyang ibuhos ang kanyang buong atensyon at gumamit nang kakaibang mga abilidad upang manalo.

"Ang lahat ng kanyang kalaban ay malapit na sa Great Origin Core Realm sa kanilang battle-power, at maikukumpara na sila sa normal Sovereign Lords."

Nakaramdam ng presyur si Zhao Feng. Kung mayroon lamang isa o dalawang ganito sa kanyang mga kalaban hindi niya ito masyadong papansinin. Ngunit matapos makipaglaban nang matagal, ang mental energy, bloodline power at True Yuan ni Zhao Feng ay nagamit na.

Marami sa mga sumunod na nakalaban niya ay madali lamang na matatalo si Ye Moyu.

94 na panalo… 95 na panalo… 96 na panalo…

"Zhao Feng! Zhao Feng! Zhao Feng!"

Nagsisigawan ang mga tao sa arena, at maraming nanonood ang naghihintay na makasaksi ng isang kasaysayan.

"Masyado siyang malakas. Ang bloodline power at Wind Lightning techniques ni Captain ay natatalo pa rin ang lahat matapos ang ika siyamnapung laban."

Nagulat si Li Yunya.

Gayunpaman, matapos ang siyamnapu't limang laban, pinagpawisan ang noo ni Zhao Feng. Makikita ang pagod sa kanyang mukha.

"Kahit na ang aking Purple Destruction True Yuan ay malakas, ang dami niyo ay mas kaunti pa sa normal Small Origin Core Realm."

Napagtanto ni Zhao Feng ang problema.

Noong umabot siya sa Origin Core Realm, nakuha niya ang Heaven Earth Aura mula sa Ancient Dream Realm, at lumubog ng ilang beses ang Core Center ni Zhao Feng.

"Hmph."

Kalamigan ang nakita sa mukha ng Elder na nakapulang roba.

Ang ika siyamnapu't anim ay siyamnapu't pitong kalaban ay maikukumpara sa Great Origin Core Realm na ang mga battle power.

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power habang ang kanyang Imperial Ice Spear ay kanyang iwinagayway at ginamit ang kanyang napakalakas na kapangyarihan upang matalo ang kalaban, ngunit sa oras na ito, halos kalahati sa bloodline power at True Yuan ni Zhao Feng ang nagamit na.

"Tatlo pang laban!"

"Mayroon na lamang tatling laban na natitira. Maaari ba talagang mangyari ang milagro?"

Ang mga manonood ay puno ng kasabikan.

"Ang ika siyamnapu't walong laban."

Bahagyang ngumiti ang taga paghusga.

"Bata, matatapos na ang lahat dito."

Isang malakas na daloy ng Heaven Earth Yuan Qi ang tila sumanib sa daigdig na nagmula sa langit.

Shua!

Matapos itong sabihin, isang elder ang lumitaw sa arena.

"Great Origin Core Realm!"

"Isang Sovereign Lord? Lumagpas na ito sa hamon ng Small Origin Core Realm!"

Nawala sa balanse ang arena.

"Hehe, ayon sa patakaran, ang mga eksperto na mas mataas ang antas ay maaaring lumabas sa huling tatlong laban."

Ngumiti ang Elder na nakapulang roba.

Sa sandaling ito, karamihan sa bloodline at True Yuan ni Zhao Feng ay nagamit na. Paano niya haharapin ang tatlong Great Origin Core Realm Sovereugns Lords?