Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 605 - Layunin

Chapter 605 - Layunin

Sa loob ng kubyerta ng Blue Lightning Sea Sky Ship, maputla na ang mukha ni Zhao Feng, at agad niyang isinara ang kanyang eye-bloodline.

Mayroong mga hindi matukoy at misteryosong kapangyarihan ang nakatingin sa God's Spiritual Eye niya. Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ito, pero sigurado siyanh nariyan iyon.

"Anong klaseng kapangyarihan ito? Hindi iyo nagmumula sa pisikal o kaluluwang mga dimensyon at hindi rin naman ito nakapipinsala, subalit nilalagpasan niti ang lahat ng uri ng kapangyarihan."

Kumunot ang kilay ni Zhao Feng.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Lalong lumakas ang pakiramdam ng God's Spiritual Eye, at para bang pamilyar ito, pero kakaiba. Nakaramdam na siya ng ganito bago pa man niya kaharapin ang Eye of Death.

"Hindi kaya… Isa sa mga Eight Great God Eyes na mga tagapamana?"

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng. Ang tanging tagapagmana lamang ng Eight Great God Eyes na kilala niya ay ang Emperor of Death. Kahit na may eye-bloodline si Grandmaster Yin Kong na may kinalaman sa spatial abilities, hindi naman siya ang tunay na tagapagmana ng Eye of Space, may kaugnayan lamang siya dito.

Shua!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power at isinara ang God's Spiritual Eye, pero patuloy pa ring nagmamatyag ang misteryosong pwersa sa kanya, hindi ito nawala, humina lamang.

Miao miao!

Umupo ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Zhao Feng at iwinagayway ang pangalmot nito.

Nauunawaan nilang dalawa ang isa't isa. Sa ngayon, alam na nila sa isang tingin kungano ang nais iparating ng isa.

"Sinasabi mong may kinalaman ito sa Dao natin?"

Natinag bigla ang puso ni Zhao Feng.

Bigla niyang naalala ang Master ni Liu Qinxin, isang tagapagmana ng Dao of Life. Binago pa nga nito ang pangalan ni Liu Qinxin para mabago nito ang kanyang tadhana.

Kung hindi dahil doon, hindi sana makikilala ni Zhao Feng si Liu Qinxin.

Kahit na nagalit ni Zhao Feng ang City Lord, nakaabot naman siya sa True Lord Rank. Sa kasamaang palad, hindi pa bumabalik si Liu Qinxin mula sa kanyang inheritance.

"Kay lalim talaga ng tadhana."

Hindi masalag ni Zhao Feng ang kapangyarihang ito, pero alam niyang habang lumalakas siya, mas kaya niyang kontrolin ang kanyang tadhana.

Habang lumalakas ang kanyang God's Spiritual Eye at eye-bloodline, ganoon rin ang kanyang kontrol sa mundo.

"Wasak na ang Ancient, at ang mga alaala ng Ancient Gods ay magiging ilang trilyong piraso lamang ng alikabok...

__

"Para maipagpatuloy ang aking eye-bloodline, magkaroon ka ng tiyak na kapangyarihan, pamunuan mo ang mundo, at kontrolin mo ang kalangitan."

Isang antigong boses ang umalingawngaw sa kanyang isip.

Pamunuan ang mundo at kontrolin ang kalangitan.

Biglang napuno ng kumpiyansa at lakas ng loob ang puso ni Zhao Feng.

Shua!

Muling nagbukas ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, at ang lawa sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata ay nagsimulang umalon at naglabas ng isang aura na nagmumula sa ancient era.

Ang aura ay nagsimulang bumuga kay Zhao Feng, at kumalat ito sa malaking distansya.

Sa parehong pagkakataon, sa kabilang panig ng walang hanggang karagatan:

Wah!

Ang babaeng puti ang mata ay biglang napaubo ng dugo habang ang kanyang maliit na katawan ay nagsisimulang umugoy.

"Bai Lin, anong nangyayari?"

Nagbago bigla ang ekspresyon ng nag-iinit na bata nang bigla niyang hawakan ito.

Puno ng gulat ang mga mata ng batang babae.

"Masakit ang mga mata ko. Kailangan ko munang magpahinga nang sandali, pero nahanap ko na ang landas ng tadhana."

Mahinang sabi ng batang babae.

Landas ng tadhana?

Ang mga mata ng nag-iinit na kabataan ay kumislap.

"Spiritual Sacred Lands"

Wika ng babae bago matulog.

Sa walang hanggang karagatan:

Whoosh!

Isang suson ng tubig at kidlat ang nagningning sa ibabaw ng Blue Lightning Sea Sky Ship habang lumilipad ito sa ere.

Dalawang buwan na ang nakalipas sa isang kisapmata, at lahat ng nasa barko ay nanumbalik na sa kanilang dating lakas.

Bukod pa kay Loulan Zhishui at sa walong mandaragat, mayroon silang bagong miyembro - si Li Yunya.

Pagkatapos makatakas sa kamatayan napagpasyahan ni Li Yunya na sumali sa mga tripulante.

"Naakusahan ako ng ibang mga dispulo sa clan kahit wala naman talaga akong kasalanan at wala rin naman akong matutuluyan sa Five Mountains Islands Zone. Para mabayaran ang ating kapitan, napagpasyahan kong manatili na lamang sa Blue Lightning Sea Sky Ship."

Tila ba ang pangako ni Li Yunya ay ilang segundo lamang ang nilipas.

Mas sanay pa siya kaysa kay nila Loulan Zhishui at sa mga kasama nito. Ang pagsali ni Li Yunya sa barko ang siyang nagpahintulot upang magamit ito sa pinakamataas nitong potensyal, sapagkat kayang ayusin ni Li Yunya ang kahit anong sira sa barko. Kung kaya, ginawa na siyang pangalawang kapitan ni Zhao Feng kalahating oras lamang kanina.

"Li Yunya, gaano karami ang alam mo tungkol sa Emperor of Death?"

Pagtatanong ni Zhao Feng.

Tumahimik muna si Li Yunya bago siya sunagot, "Sa buong Cang Ocean at sa tatlong Spiritual Sacred Lands, ang mga Void God Realm Kinhs ang nakatayo sa tuktok sapakat ang mga may titulo ng Emperor ay napakabihira at hindi mapatantayan. Mula sa kanila, ang Emperor of Death lamang ang may Eye of Death, kung kaya isa siya sa mga mas malalakas kahit sa mga Emperors…"

Ang Void God Realms ay nahahati sa dalawang antas - ang King at Emperor - pero hindi alam ni Li Yunya ang saktong pagkakaiba ng dalawa.

"Ang Emperor of Death rin ay may apat na Death Spirit Lords at 36 na Death Guards. Ang apat na Death Spirit Lords ay mga Void God Realm Kings lahat."

Wika ni Li Yunya na siyang naging dahilan upang maging taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Ang Death Guard na kakakilala pa lamang niya ay isa lamang sa 36 na Death Guards sa ilalim ng Emperor of Death? Bukod pa roon ang tanging dahilan kung bakit ito natalo ay dahil sa sinusubukan nitong hulihin siya nang buhay; mas madali nang ilang beses sana kung pinatay niya na lang si Zhao Feng.

"Sa kabutihang-palad, hindi ko nakabangga ang isa sa mga Death Spirit Lords."

Nagpawis si Zhao Feng nang malamig. Kung isang Void God Realm ang ipinadala sa kanya, baka wala na siyang pag-asa.

"Sa kasalukuyan, ang 36 na Death Guards ay nakaranggo. Halimbawa, mula sa 1st Death Guard hanggang sa ikalawa…. At tungo sa 36th Death Guard."

Pagpapatuloy ni Li Yunya.

Nakaranggo sila?

Nanliit ang mga mata ni Zhao Feng, at ang kayang ekspresyon ay patuloy na nagbabago. Ano nga palang ranggo ng kinalaban nila?

"Paniguradong ang tinalo niya Kapitan ay hindi isa sa mga nakatataas sapagkat ang mga ito ay may mas mataas na cultivation na nasa Half-Step Void God Realm, at kaya pa nga nilang pagbantaan ang mga Void God Realm Kings."

Wika ni Li Yunya nang buong katotohanan.

Nang marinig ito, lalong nangamba si Zhao Feng.

"Ang Pursuit of Death ay talagang nakasisindak."

Hindi nakapagtataka kung bakit walang nakakatakas sa Pursuit of Death. Kahit na makatakas pa sila sa mga Death Guards, andyan pa rin ang mga Death Spirit Lords.

Iilang mga pinupuntirya ang nasa Void God Realm at nakakatakas sila sa apat na Death Spirit Lords, pero sa huli nariyan pa rin ang Emperor of Death.

Ang Eye of Death ay may mas mataas na kontrol sa lawa of Death. Walang kahit sino sa Cang Ocean ang nakakaunawa nito nang lubos.

Sa loob ng kubyerta ng kapitan:

"Ang Pursuit of Death… Hindi ako susuko."

Nagngitngit ang ngipin ni Zhao Feng.

Tila isa siyang nawawala na aso habang hinahabol. Hindi pa siya nakakaranas ng ganitong pagkakapahiya simula nang magcultivate siya.

"Hindi lamang ako tatakas, magpapalakas pa ako lalo at pagbabayaran nila ang pagkakapahiya na ito sa akin nang ilang beses."

Napuno ang mga mata ni Zhao Feng ng layuning makipaglaban.

Ang presyon mula sa Pursuit of Death ay tila pinipiga ang kanyang potensyal.

Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl:

"Master, gumaling na ang mga sugat ko. Gagawa ako ng bagong array flag at gagawi kong perpekto ang cursed ghost-corpses."

Umalingawngaw ang boses ng Skeletal Division Leader.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyanh ulo. Sa paglalakbay na ito, ang Skeletal Division Leader at si Li Yunya ang naging kaliwa at kanan niyang mga kamay.

Bibigya niya sila ng parte sa kanyang mga resources.

Halimbaw, si Li Yunya ay makatatanggap ng dalawang bariles ng heart blood essence, at makakatulong ito sa kanya sapagkat malapit na siya sa Peak Small Origin Core Realm. Minsan na siyang naging isa-sa-mga-libong-taon na mga henyo ng Six Ring Palace two-star sect, kung kaya matagal na ring nasa kanya ang mga mata ni Zhao Feng.

Mayroon pa namang 20-30 na bariles ng heart blood easence ang natitira, pero ang epekto nito sa akin ngayon ay napakahina.

Pag-iisip ni Zhao Feng habang nilulublob ang sarili sa heart blood essence.

Mas mahina na ang epekto ng heart blood essence sa kanya kaysa dati. Dalawang bariles lang naman ang nagamit niya sa nakaraanh dalawang buwan.

Ang aura mula sa Ancient Dream Realm at ang heart blood essence ang siyang nagpahintulot sa estado ng pag-iral ni Zhao Feng para tumaas sa Peak Great Origin Core Realm.

"Kahit ang epekto ng Ancient Dream Realm aura ay humihina na rin sa ngayon."

Napabuntong hininga si Zhao Feng.

Sinubukan na niya ang bawat paraan pataasin ang kanyang lakas, at napagtanto niyang nalalapit siya sa limit ng Origin Core Realm at Void God Realm, lalong lumalaki ang agwat para hindi siya makalago.

Shua!

Ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at pumasok sa misteryosong ipo-ipo sa loob ng lawa sa kanyang kaliwang mata.

Ang Ancient Dream Realm. Muli na namang naroroon si Zhao Feng sa kontinenteng iyon.

Ang kanyang katawan at kaluluwa ay agad na nagipit ng isang nakapanlululang kapangyarihan.

Ang lahat ng nasa kanyang puso ay dalisay.

"Absorb."

Nagsimula nang higupin ni Zhao Fenh ang aura mula sa Ancient Dream Realm. Nang pasukin niya lalo ang lugar, naging mas pamilyar siya at naging mas epektibo sa paghihigop ng aura.

Ngayon ang kanyang katawan at Source of True Spirit ay pareho nang nakahigop ng kakarampot na aura mula sa Ancient Dream Realm.

Ang kanyang estado ng pag-iral ay umabot na sa hangganan ng mga tao. Kung hindi niya ito itatago, ang bawat paghinga niya at kilos ay magdudulot ng isang aura na tulad ng sa isang ancient beast.

"Kaya kong pumatay ng mga halimaw na nasa Half-Step Origin Core Realm gamit lamang ang katawan ko."

Naramdaman ni Zhao Feng ang malaking kapangyariham at potensyal sa kanyang bloodline at katawan.

Sa loob ng kanyang dantian, ang malapot na Source of True Spirit ay napalitan ng isang mahinang lilang Half-Step Yuan.

Ang Half-Step Yuan ay nabuo mula sa intent ng Purple Destruction Wind Lightning. Ang aura nito ay talagang nakasisindak.

"Malayo lamang ako nang kaunti sa pagkakaroon ng pundasyon para makaabot sa Origin Core Realm."

Napag-alaman ni Zhao Feng na kaya niya palang kontrolin ang kanyang katawan at magcultivate sa loob ng Ancient Dream Realm, at ang mga epekto nito ay ilang beses pang mas mabuti kaysa sa panlabas na mundo.

Ang ikinabuntong hininga niya ay sapagkat limitado lamang ang oras na pwede siyang manatili roon.

Ilang dosenang hininga lamang, nagsimula nag tumulo sa bibig ni Zhao Feng ang dugo.

"52 na hininga."

Isang ngiti ang sumilay sa mukha niya. Naaabot niya na unti-unti ang kanyang oras na dapat maabot.

Gamitin mo ang oras na ito nang maayos.

Madaliang hinigop ni Zhao Feng aura ng Ancient Dream Realm sa kanyang katawan.

"Ang bloodline at ang katawan ko ay hindi na lumalakas pa gaya ng dati. Bakit kaya hindi ko hayaang umanib ang mata ko sa Ancient Dream Realm na aura?"

Isang ideya ang biglang pumasok sa isip ni Zhao Feng.