Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 604 - Eye of Destiny

Chapter 604 - Eye of Destiny

Sa walang hanggang karagatan, isang oras bago maglaban sina Zhao Feng at ang Death Guard.

"Hehehe, ang ikatlong larawan ay malapit nang matapos."

Tinignan ng babaeng may puting mata ang munting pusang magnanakaw sa larawan.

"Patingin nga."

Nagpunta ang nag-iinit na bata, at ang dalawang Death Guards ay napapunta rin. Subalit, ang kanilang mga ekspresyon ay higit na nagbago ng makita nila ang larawan.

"Ano!?"

"Paano ito nangyari….!?"

Napabulalas ang nag-iinit na bata at ang dalawang Death Guards.

Sa larawan, punong-puno ng katusuhan ang munting pusang magnanakaw, at ang kalaban nito ay nasa isang malakalamidad na sitwasyon. Isang misteryosong patalim ang nakatusok sa puso ng Death Guard, at nagniningning ito sa aura of Destruction.

"Iginuhit mo ba iyan nang tama?"

"Kahit na ang 33rd Guard ay isa sa mga mahihina, hindi naman siya mapapatay lamang sa iisang atake ng pusa."

Naramdaman ng dalawang Death Guards na hindi ito totoo, pero dahil iginuhit ito ng isang wais at malokong batang babae, nauunawaan na nila kung kaya napangiti ang mga ito.

"Junior Martial Master Sister Bai Lin, nakikipaglaro ka ba sa amin, hindi ba?"

Ngumiti nang maamo ang nag-iinit na bata.

"Hindi nagsisinungaling si Bai Lin sa kahit sino… sniff… Gusto ko talaga ang pusang ito".

Nagsimula nang umiyak ang batang babae, at agad na lumapit ang nag-iinit na bata para aluin siya. Subalit, sa parehong pagkakataon, nangamba sila sa larawang iginuhit nito.

"Ang Shadow Kill Imperial Blade ay isang supreme item ng Dao of Assassination, at kaya nitong balewalain ang lahat ng uri ng depensa. Kaya nga rin nitong labanan ang Death Shadow Body."

Biglang may naalala ang nag-iinit na bata.

"Third Prince, may mararamdaman naman kami sakaling mamatay ang 33rd Guard."

Tumawa ang isa sa mga Death Guards, at nang marinig iyon, nagpakawala ng hininga ang nag-iinit na bata.

Sa pagkakataong iyon, ang batang babae nanmay puting mata ay ngumiti, "Hahaha, baliw, mangyayari ito sa loob ng isang oras."

Pagkatapos ng isang oras?

Hindi mapigilan ng dalawang Death Guards ma mapangiti nang marinig ito.

"Hmph! Sinabi sa akin ni Master na ako ang tagapagmana ng bloodline ng Eye of Destiny."

Galit na sabi ng batang babae.

Eye of Destiny?

Nagulantang ang lahat ng naroroon kasama na ang nag-iinit na bata.

Sa kabilang panig ng walang hanggang karagatan:

"Haha…. Mukhang sinusuyo mo ang kamatayan. Mapapasaakin kung ganoon ang Shadow Kill Imperial Dagger."

Tumawa ang Death Guard habang may mga itim na sinag ng blad-light ang siyang nilamon ang munting pusang magnanakaw.

"Spatial Movement!"

Isang kapiranggot ng eye-bloodline power ang ang binuksan at isang ipo-ipo ang biglang nagpakita at hinigop ang munting pusang magnanakaw.

Sa parehong pagkakataon:

Boom! Boom! Boom!

Isang alon ng mga itim na sinag ang humiwa sa kawalan.

Gusto kong makita kung paano mo iiwasan ang atake ko ngayon. Kaya pa naman nitong magbigay pinsala sa ere sa loob ng 100 yarda.

Tumawa nang malamig ang Death Guard sa kanyang puso, pero ang kanyang ekspresyon ay agad na nagbago. Mayroong isang pamilyar na spatial disturbance malapit sa lokasyon ng pusa.

"Nailigtas? Hindi! T*** i**~~~~!"

Agad na nagbago ang ekspresyon ng Death Guard.

Bo~~

Isang kapiranggot ng eye-bloodline power ang mararamdaman habang isang ipo-ipo naman ang direktang sumilay sa taas niya.

Whoosh!

Isang maitim na transpareny na patalim ang tumagos sa kanyang puso.

Wu~

Nanigas ang Death Guard sa takot at taranta ang naipinta sa mukha niya.

Shu~~~~

Ang patalim na tumagos sa kanyang katawan ay ang Shadow Kill Imperial Dagger, at mayroong pa itong mga kasamang kapiranggot na Destruction aura sa ibabaw nito.

Ang kanyang Death Shadow Body wala masyadong depensa sa Shadow Kill Imperial Dagger, pero ano pa ang mas nakasisindak ay dahil sa tumusok ito sa kanyang puso. Ang atake ay pareho sa unang lokayson kung saan siya ng nasaksak ng unang Void Space Eye Slash, at ang pinsalang iyon ah hindi pa rin gumagaling kaya lumalala na lang ang lahat.

Miao miao!

Tumalon ang munting pusang magnanakaw sa katawan ng Death Guard pagkatapos nitong gumawa ng isang butas sa kanyang puso.

"Ikaw…!"

Nagsimula nang kumislap ang katawan ng Death Guard sa pagitan ng kanyang tunay at pekeng mga katawan. Punong-puno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata habang pinapanood niyang tumalon sa kanya ang munting pusang magnanakaw.

"Wave… Wave of Death!"

Nagawa niya pang makapagbuga ng isang Wave of Death sa loob ng ilang daang yarda.

Shua!

Isang guhit ng abo at pilak ang siyang tumagos sa ere nang maglaho bigla ang munting pusang magnanakaw.

Mia miao!

Ang boses ng munting pusang magnanakaw ah nasa loob na ng ancient metal ring ni Zhao Feng mamaya-maya.

Bo~~

Nagsimula nang mamuo at magkaroon ng maliliit na alon ang Water Spirit Giant ni Zhao Feng.

"Nakakasindak na power of Death…"

May pinsala pa rin si Zhao Feng kahit na sa ganyang estado siya.

Sa kabutihang palad, ang estado ng kanyang pag-iral at ang katawan niya ay napakalakas, at kasalukuyang nasa likidong anyo siya, kung kaua mabilis naman siyang magpagaling.

Plop!

Nahulog ang katawan ng Death Guard mula sa langit.

Patay.

Nakita ni Zhao Feng na wala ng mga bakas ng buhay sa katawan ng Death Guard gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.

Hu~~

Nagpakawala ng mahabang hininga si Zhao Feng habang nagsisimula nang malipon ang kanyang katawan.

"Munting pusang magnanakaw, napakahusay mo."

Naramdaman ni Zhao Feng na tila ba nagkaroon siya ng kasiguraduhan sa buhay.

Miao miao!

Nagpakita ang munting pusang magnanakaw sa kanyang balikat at tumawa bago ito gumawa ng mga mapang-asar na mukha sa tapat ng katawan ng Death Guard.

Malaki ang ginampanan ng munting pusang magnanakaw para mapatay ang Death Guard. Kung hindi dahil dito, hindi sana magagawan ni Zhao Feng ng paraan ang lahat.

"Ang Void Space Eye Slash at ang Shadow Kill Imperial Dagger ay parehong mga bagay na kayang pagbantaan ang buhay ng isang Death Guard. Ang munting pusang magnanakaw ay ipinasok sa loob ng katawan ng Death Guard at saka niya sinaksak ng Shadow Kill Imperial Dagger na may kasamang aura of Destruction ang kalaban. Isang perpekting kombinasyon nga."

Makikita sa mukha ni Zhao Feng ang saya. Dahil mas malaki lamang ito nang kaunti sa isang palad, madali itong mailipat ng pwesto.

Ang Spatial Movement ay isang spatial ability, at kung ang pupuntiryahin ay isang tao, hindi ito pwedeng manlaban sapagkat lalk lamang itong hihirap nang ilang beses.

Ang ginawang paglipat sa muntinh pusang magnanakaw ay isang pamatay na atake na napagplanuhan na talaga nila.

"Hindi tayong pwedeng magdala rito."

Ang mukha ni Zha Femg ay pagod na at namumutla.

Ang pakiramdam ng panganib ay naglaho nang halos kalahati, pero naroon pa rin iyo. Naunawaan niyang ang Death Guard ay isang tagagsunod lamang ng Emperor of Death.

Magpapatuloy ang Pursuit of Death hanggang sa matapos ang misyon.

Weng~

Isang intent of Death ang nagpakita sa bangkay, at mas dalisay pa ito kaysa sa dati.

May mga kapiranggot ng kapangyarihan ang siyang bumalot sa katawan ng Death Guard, at ang mga pinsala ay nagsimula nang maghilom.

Kahit wala nang mga senyas ng buhay sa bangkay, ang mga sugat nito ay nagsisimulang gumaling.

Wen~~

Nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kakaibang Token of Death na ito na kapareho ng kay Grandmaster Yin Kong, at ang intent of Death nito ang siyang humawak sa kaluluwa ng Death Guard.

"Buwisit, imortal ang Death Shadow Body. Kung kaya may tsansa nang muling pagkabuhay hangga't hindi pa nasisira ang kaluluwa."

Naging taimtim ang eskspresyon ni Zhao Feng.

Sa kabutihang palad, nawasak ang katawan ng Death Guard kung kaya hindi naman agad ito mabubuo nang basta-basta lang.

"Atras na tayo."

Pag-uutos ni Zhao Feng.

Hindi n nangahas si Zhao Feng na lapitan ang Death Guard. Siya ay isang tagasunod ng Emperor of Death, at mayroonh Token of Death na pumoprotekta sa kanya.

Bukod pa roon, ayaw ni Zhao Feng na hawakan ang katawan ng Death Guard.

Shua!

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay at itinabi ang hundred cursed ghost-corpses.

"Master… Iligtas mo ako…."

Mula sa usok, may dalawang liyab ang kumislot sa loob ng mata ng isang kalansay na pinagpirapiraso.

Ang katawan ng Skeletal Division Leader ay katulad sa isang ghost-corpse, kung kaya hindi agad ito mamamatay basta nariyan pa ang kaluluwa.

Shua!

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at inilagay ang Skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl. Ang kahit anong may kinalaman sa ghost-corpses ay lalakas at bibilis ang paggaling sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl.

"Sa kasamaang palad, ang array flag ay nawasak, at ang Skeletal Division Leader ay lubhang nasaktan. Kung kaya hindi muna magagamit ang Ghost Corpse Cursed Array."

Nangangamba si Zhao Feng. Kahit nanalo sila, malaki ang binayaran nilang halaga.

Whoosh!

Nagpakita na sa ibabaw ng karagatan ang Blue Lightning Sea Sky Ship at tumalon na si Zhao Feng papunta rito.

Sa ilalim ng kontrol ni Loulan Zhishui at ng mga kasama nito, pumasok na ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa walang hanggang karagatan.

Sa parehong pagkakataon:

Whoosh!

Ang katawan ng Death Guard ay naging itim na guhit ng liwanag na siyang lumipad sa ere sa tulong ng Token of Death.

"Talagang hindi simple ang Token of Death."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.

Naglalaman ang Token of Death ng intent ng Emperor of Death, at kaya pa nga nitong pababain ang Eye of Death, pero nagulat rin si Zhao Feng kung bakit hindi ito nangyari.

Sa hindi malamang dahilan, tila ba hindi makapunta ang Emperor of Death at kinailangan pa nitong magpadala ng mga tagasunod.

Hindi alam ni Zhao Feng na ginamit ng Emperor of Death ang Bridge of Death, isang makapangyarihang uri ng malawakang sakop na skill, para mahanap siya, kung kaya kailangan muna nitong matulog ng ilang taon para makabawi.

Sa kabilang panig ng walang hanggang karagatan:

"Hmm?"

Tila ba may naramdaman ang nag-iinit na bata at ang dalawang Death Guards.

Weng~

Nanginig ang kanilang mga Token of Death, isang senyas ng impormasyon.

"Namatay na ang 33rd Guard."

Nagulantang ang puso ng nag-iinit na bata. Ayon sa mga ulat, ang cultivation ng kanyang kalaban ay wala pa nga sa Origin Core Realm.

"Kahit ang 33rd Guard ay isa isa sa mga mahihina, ang kanyang lakas ay sapat na para talunin ang kahit sinong nasa Origin Core Realm. Kahit nga ang mga normal na Great Origin Core Realms ay bata lamang sa kanya."

Pagbulong ng mga Death Guards.

Paano naman namatay ang 33rd Guard?

Hindi makapaniwal ang tatlo, pero ito ang katotohanan. Pinatunayan lamang nito ang larawang igimuhit ng batang babae na may pting mata kanina.

"Pero ang kaluluwa ng 33rd Guard ay hindi pa naman nawasak, kung kaya mababawi rin natin ito mamaya. Malalaman natin kung ano ang nangyari."

Naguhitan ang mga mata ng kabataan

Basta magising ang 33rd Guard, magkakaroon sila ng maraming impormasyon tungkol sa pinupuntirya nila, kung kaya mas magiging mataas ang tsansa nilang magtagumpay sa susunod.

"Bukod pa roon, narito ang isang taong pwedeng tumulong sa atin…"

Naipukol niya ang kanyang tingin sa babaeng may puting mata at nagkaroon siya ng kumpiyansa.