Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 603 - Pakikipaglaban sa Death Guard

Chapter 603 - Pakikipaglaban sa Death Guard

Sa walang hanggang karagatan, nakalutang pa rin si Zhao Feng habang iniisip ng hangin ang kanyang buhok. Ang kanyang kaliwang matabay kasinglalim at kasingkalmado ng karagatan.

Sa kalayuan:

Whoosh!

Ang aura of Death ay papalapit nang papalapit, at ang pakiramdam ng panganib ay lalong tumataas.

Miao! Miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nakaupo sa balikat ni Zhao Feng, at ang pares ng kanyang mga mata ay nagniningning sa misteryosong liwanag.

"Imortal na katawan. Representante ng intent of Death. Mas mabilis na opensa at mas malakas na mga kakayahan higit pa sa kahit sinong nasa Void God Realm…. Paano ko naman siya matatalo?"

Huminga nang malalim si Zhao Feng bago siya nagsimulang mag-isip.

Ang Death Guard ay hindi mapapantayan ng kahit sinong nasa ilalim ng Void God Realm sa lahat ng aspeto. Maliban kay Zhao Feng, kahit ang ilang mga Peak Origin Core Realms ay hindi kayang salagin ang isang atake nito.

"Subalit, hindi naman imposible ang manalo."

Nagpalitan ng tingin sina Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw.

Ang isang normal na Sovereign - at kahit pa ang mga Sovereign Lords - ay walang tsansa sa Death Guard pwera na lamang kung may mga alam silang pamamaraan para pagbantaan ito..

Subalit, naiiba si Zhao Feng.

"Ang pinakamalakas kong Void Space Eye Slash kasama na ng Shadow Kill Imperial Dagger ng pusa ko ay paniguradong makapagbabanta ng buhay ng Death Guard."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.

Sa pagkakataong iyon, ang anyo ni Kamatayan ay nasa looob na ng isang daang milya mula kay Zhao Feng.

"Eye of Ice Soul."

Isang malamig at hindi nakikitang intent ang dumaloy sa kamalayan ng Death Guard at agad na nabawasan ang kanyang bilis at liksi.

"Hmm? Mukhang sugatan ang Death Guard matapos ang kanyang laban sa Half-Step Void God Realm. Ang kanyang intent of Death ay humina nang higit."

Pag-aanalisa ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Ikinatuwa ni Zhao Feng ang paghina ng Death Guard. Ang maliit na tsansa niya upang manalo ay tumaas pa.

"Hmph. Ikaw na puntirya ko, kahit 40-50% lang ang lakas na mayroon ako, ang paghuli sa iyo ay kasingdali lamang ng pagpilantik ko ng kamay ko."

Ang bahagyang gula-gulanit na anyo ng Death Guard ay mabilis na tumungo kay Zhao Feng nang may nakapandudurog na presyon, habang isang mapaglaro at malamig na ngiti naman ang makikita sa mukha nito dahil alam niya na kung ano ang gagawin ni Zhao Feng.

Shua!

Biglang lumabo ang anyo ng Death Guard, at ang kanyang bilis ay tumulin lalo habang sumusugod na siya kay Zhao Feng.

"Karapat-dapat ka nga talagang sa Pursuit of Death… ang paggawa ng lock on sa isang tulad mo na may cultivation lamang ng Half-Step Origin Core Realm. Nakakamangha."

Nanatiling mabisa sa Death Guard ang Eye of Ice Soul.

Noong nasa two-star battlefield sila kanina, tanging si Zhao Feng lamang at ang Half-Step Void God Realm ang nakakakita kung paano kumilos ang Death Guard.

"Ayusin na ang array!"

Nagpakita ang Skeletal Division Leader at iwinagayway ang itim na watawat, na siyang tumulong upang maayos na ang Ghost Corpse Cursed Array."Mas magaling ang Death Guard sa asasinasyon at malapitang labanan. Kontrolin mo ang array para matuon lang ito sa kanya.

Pag-uutos ni Zhao Feng.

Weng~~

May makapal na usok ang lumabas sa Ghost Corpse Cursed Array, at napipi ito sa loob ng 200 na yarda. Sa loob ng maiksing distansya na iyan, ang kapangyarihan ng sumpa ay napakalakas. Kahit ang isang taong nasa Great Origin Core Realm ay nasa panganib kapag pumasok siya rito.

Shua!

Ang maitim na usok ay nagmula sa paimbabaw ng katawan ng Death Guard nang pasukin niya ang Ghost Corpse Cursed Array. Hindi mabilang na mga hindi nakikita at madugong puting kamay ang patuloy na inaabot ang kanyang katawan.

"Tatapusin ko ang kalansay na iyan, at saka huhulihin ang sutil."

Kumunot ang mga kilay ng Death Guard.

Madali niya sanang masasalag ang Ghost Corpse Cursed Array kung buo ang kanyang lakas, pero sa ngayon, sugatan siya; hindi lamang dahil sa katatapos niya lang labanan ang isang Half-Step Void God Realm, kundi ang kanyang puso ay nahiwa ng Void Space Eye Slash, at ang aura of Destruction ay naroroon pa rin. Wala na siyang oras para magpahilom pa.

Ang Ghost Corpse Cursed Array ay isang malalim na uri ng array, kung kaya, kahit anong pinsala rito ay hindi gaanong malakas ang epekto.

Magaling siya sa mga malapitang kombat at isahang kalaban, hindi sa mga pangmalayuang atake. Subalit, mawawala lamang ang array kapag napatay niya ang kumokontrol rito.

"Mabuti, ang Death Guard ay sugatan, kung kaya ang epekto ng sumpa ay dalawang beses pang mabisa."

Natuwa si Zhao Feng. Nakita agad ng kanyang God's Spiritual Eye ang gagawin ng Death Guard.

"Skeletal Division Leader, mag-iingat ka!"

Agad na binalaan ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader.

"Huwag mong susubukan."

Umangat ang anyo ng Skeletal Division Leader nang ianib niya ang kanyang kapangyarihan sa Nine Deadly Yin Bone at naging isa siyang flaming bone giant. Sa loob ng flaming bone giant, napakalakas ni Skeletal Division Leader , at ang bawat galaw niya ay naglalabas ng flames of Death and Yin.

Kampante ang Skeletal Division Leader sa kanyang mga pandepensang abilidad. Sa kanyang kasalukuyang estado, kaya niya pa ngang tumanggap ng ilang atake mula sa isang Great Origin Core Realm.

"Nakakahiya naman."

Naging malamig na mga sinag ng liwanag ang Death Guard at nagtungo ang mga ito papunta sa Skeletal Division Leader.

Boom!

Ang flaming bone giant ay nababalutan ng mga liwanag, at mga tunog ng nababaling buto.

"Arghh!"

Humiyaw ang Skeletal Division Leader nang mahiwa ang kanyang makapangyarihang katawan. Kahit ang array flag ay napulbos rin.

Hu~

Nagsimula nang maglaho ang usok sa Ghost Corpse Cursed Array; nasisira na ito.

Napamura si Zhao Feng sa kanyang puso. Sa isang atake lamang, nagpirapiraso ang Skeletal Division Leader at nasira ang kanyang Ghost Corpse Cursed Array. Bukod pa roon, ni hindi pa nga ito nagmumumula sa tunay na katawan ng Death Guard.

Sa parehong pagkakataon:

Whoosh!

Naging isang malamig na sinag ang Death Guard at nagtungo ito kay Zhao Feng.

Gumamit ang Death Guard ng isang doble niya upang patayin ang Skeletal Division Leader at para mapuksa ang array. Mukhang ang totoo niyang katawan ang siyang huhuli kay Zhao Feng, at ang buong proseso ay matatapos lamang sa isang atake kapag nagtagumpay siya.

Nakasisindak.

Naramdaman ni Zhao Feng na tila ba pumasok siya sa isang kawalan. Mukhang minaliit niya nga ag diperensya sa kanilang dalawa. Kahit na 40-50℅ lamang ang lakas ng Death Guard, mas malakas pa rin ito kaysa sa mga normal na Great Origin Core Realms.

"Mas mabuti kung sumuko ka na."

Ang anyo ng Death Guard ay nasa harap na ni Zhao Feng at inilatag nito ang kanyang kamay na nababalot ng itim na usok.

Sa totoo lang, kung gustong patayin ng Death Guard si Zhao Feng, matagal na sanang nangyari ito. Subalit, ang kanyang misyon ay hulihin ito nang buhay, at hindi niya pa naman ito nalilimutan.

Sa pagkakataong iyon, isang malamig na intent of Death ang bumalot sa puso ni Zhao Feng, at mga manniinipis na patong ng itim na ere ang nagsimulang tumalukbong kay Zhao Feng at sa kanyang munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Nang malapit nang mabalot sina Zhao Feng at ang munting pusang magnakakaw ng mga bugso ng itim na ere:

Ang aking katawan...

Pinilit na padaluyin ni Zhao Feng ang kanyang lakas at nanlaban sa itim na ere.

Hmm?

Bahagyang nagulat ang Death Guard. Hindi niya akalalaing ang isang Half-Step Origin Core Realm ay magagawa pang manlaban sa ganitonh klaseng sitwasyon. Kahit ang ilang mga Great Core Origin Core Realms ay hindi ito kayang gawin, pero dahil ang pag-iral ni Zhao Feng ay hindi masusukat sa mga normal na pamantayan, kung kaya hindi talaga masusukat ang lakas niya.

"Hmph!"

Ang kamay na nababalutan ng itim na usok ay dinampot ang balikat ni Zhao Feng. Sa parehong pagkakataon, binantayan niya rin ang muntinh pusang magnanakaw dahil nababalutan ito ng ere.

Sa pagkakataong iyon na may nangyaring hindi inaasahan:

Weng~

Tila ba nakahawak ng tubig ang kamay ng Death Guard.

"Water Spirit Divin Change!"

Umalon ang katawan ni Zhao Feng nang maging isang maitim na asul na likido ito.

"Estadong likido?"

Bahagyang nagulantang ang Death Guard habang ang kanyang kamay ay pumasok sa isang katawan ng Water Spirit Giant.

Ang depensa ni Zhao Feng ay hindi mapapantayan sa ganitong estado, at ang kanyang recovery speed ay umabot na sa nakasisindak na lebel. Subalit, kahiy na, napahiyaw pa rin siya sa sakit dahil sa erosyon at lamig ng air of Death.

Mula doon, makikita na kahit ang isang hindi mapantayang katawan ay may limitasyon pa rin. Sa kabutihang palad, napakabilis magpagaling ng Water Spirit Divine Change.

"Hindi nga talaga simple ang sutil na ito."

Napabulong ang Death Guard. Kukunin niya na sana ang kanyang kamay.

"From Water to Ice!"

Nakikita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lahat.

Weng~~

Sa pagkakataong iyon, ang kamay ng Death Guard ay nagyelo.

"Pinagyelo mo ang aking kamay?"

Nanliit ang mga mata ng Death Guard habang tumatawa siya nang malamig. Ang pagkakaiba ng kanyang lakas at si Zhao Feng ay napakalaki - ano naman kung kaya niyang pagyeluhin ang kamay niya nang saglit?

Ding!

Isang transparent at misteryosong patalim ang humiwa bigla sa kanyang nagyeyelong kamay.

"Paano ito nakatakas sa aking True Lines of Death…!?"

Nagbago nang higit ang ekspresyon ng Death Guard. Sa kanyang balikat ay nakaupo ang munting pusang magnanakaw habang nakangiti.

Crack!

Nalaglag ang kamay ng Death Guard.

"Arghh!"

Napasigaw ang Death Guard habang umaatras siya, at isang layuning makapatay ang gumuhit sa kanyang mga mata, "T*** i**** pusa, pagpipira-pirasuhin kita nang ilang libong beses."

Malamig na sinag ng ilaw ang nagmula sa kanyag katawan na umabot ng kalahating milya ang sakop.

Miao miao!

Biglang naglaho ang munting pusang magnanakaw.

Bo~~

Kinaya naman ng likidong katawan ni Zhao Feng na dumepensa laban sa mga sinag ng ilaw, ganoon rin, gumagaling na ang kanyang katawan.

Mukhang naging kalmado na ulit ang karagatan pagkatapos ng ilang sandali, pero ang galit naman ng Death Guard ay hindi pa rin napapawi. Pinalaki niya ang sakop ng kanyang Spiritual Sense pero hindi niya pa rin mahanap ang munting pusang magnanakaw.

Naputol lang naman ng isang pusa ang kanyang kamay. Gaano ba naman ito ka-nakakahiya.

Ito na ang perpektong pagkakataon.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng habang nakatutok sa Death Guard at saka nagpakawala ng atake mula sa kanyang kaliwang mata.

__

Void Space Eye Slash!

Shua!

Isang manipis na patalim na nagbubuga ng aura of Destruction ang siyang humiwa sa katawan ng Death Guard.

Whoosh!

Agad na nawasak ang anyo niya.

Malas nga naman.

Napabuntong hininga si Zhao Feng. Kahit na apektado ang Death Guard ng kanyang mga emosyon, hindi pa rin tumama sa kanya ang Void Space Eye Slash.

Shua!

Muling nagpakita ang Death Guard pero napaungol lamang ito. May bumubuga na itim na usok mula sa balikat nito; mayroong maliit na butas, at ang aura of Destruction roon ay napakalala.

Sa pagkakataong iyon, hindi tumama ang Void Space Eye Slash sa kahit anong mahalagang laman sa kanyang katawan, kung kaya limitado lamang ang pinsala, ganoon pa man, lalo pa ring nagalit ang Death Guard dahil dito.

Bilang isang Death Guard, siya ang bangungot ng hindi mabilang na mga tao. At ganoon na lamang siya ipapahiya ng isang Half-Step Origin Core Realm at isang pusa?

"Isang beses ko na lamang magagamit ang Void Space Eye Slash…."

Nilipon ni Zhao Feng ang kanyang natitirang eye-bloodline power.

Ang pagkapanalo o pagkatalo ay mapagpapasyahan ng susunod na pangyayari.

Miao miao!

Isang abong pilak na guhit ang biglaang sumulat sa ere.

Shua!

Isang manipis na transparent na patalim ang siyang gumuhit sa katawan ng Death Guard.

"Napakabilis. Talagang karapat-dapat ito para maging munting pusang magnanakaw."

Napatalon ang puso ni Zhao Feng.

Tanging ang pusa lamang na ito ang may kakayahang sugurin ang Death Guard nang direktahan.

"Haha… Mukhang ikaw na ang nanunuyo sa kamatayan. Mapapasaakin ang Shadow Imperial Dagger."

Napuno ng saya ang Death Guard.

Whoosh!

Isang alon ng dark blade-lights ang umikot sa munting pusang magnanakaw, na siyang binalot ang lahat sa loob ng 100 na yarda.

"Ang pagkapanalo o pagkatalo ay dito mapagpapasyahan."

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye sa pinakamataas na antas nito, at nagpakawala ito ng isang ancieny at nakakatakot na aura.

Nang tatamaan na sana ang munting pusang magnanakaw ng pamatay na atake:

"Spatial Movement!"

Isang ipo-ipo ang nagpakita na siyang humigop sa munting pusang magnanakaw.