Sa kabilang bahagi ng walang hanggang karagatan, mayroong idang kakaibang itim na metal na barko ang may iilang mga anyong nakasakay.
Ang isang nag-iinit na bata at isang babaeng may puting mata ay magkatabing nakaupo. Sa likod nila ay may dalawang matangkad na anyo - ang mga Death Guards.
"Ang apat na Death Spirit Lords at ang 36 na Death Guards ay kumalat sa sampung malalapit na island zones. Bawat Token of Death ay may malaking sakop ng panramdam ngunit ang paghahanap sa isang tao ay napakahirap…"
Napabuntong hininga ang nag-iinit na bata.
Hmm?
May naramdamang kakaiba ang nag-iinit na bata, at ang dalawang Death Guards sa kanilang likod ay napa-"hmm" rin.
Shua!
Bukod sa batang puti ang mata, ang Token of Death ay nasa kamay ng lahat.
"Third Prince, ang natagpuan na ng 33rd Death Guard ang kanyang pupuntiryahin."
"Napakalayo niya mula sa ating kasalukuyang posisyon. Ayon sa aura, dalawang island zones ang layo niya."
Magalang na sabi ng dalawang Death Guards.
"Haha… Napakaswerte natin! Nahanap na ng 33rd guard ang kanyang pupuntiryahin."
Tumawa ang nag-iinit na bata.
Ang sampung island zones ay napalaki para maghanap, at may iilang dosena lamang sila ng tao na naghahanap. Tila ba naghahanap ka ng isang butil ng buhangim sa isang karagatan, ngunit agad naman nilang nahanap ang pupuntiryahin nila.
Dapat lang aminin na napakaswerte ng 33rd Death Guard.
Shua! Shua! Shua!
Nagsimula nang gumuhit ang babaeng may puting mata.
"Hmm?"
Lumingon ang nag-iinit na bata at saka ito pinanood.
Hindi pa tapos ang larawan, pero makikita ang isang anyo na may hawak na maliit na patalim.
"Tama iyan, ayan nga ang 33rd guard."
Ang boses ng dalawa pang Death Guards ay puno ng ligalig.
Isang maliit na abong-pilak na puda ang may hawak na patalim sa ginuguhit niya.
"Lalala, gusto ko ang pusang ito."
Masayang wika ng batang nabae, pero ang tingin ng nag-iinit na bata at dalawa pang Death Guards ay nasa iba.
"Ang sandata ng pusa..!"
Napabulalas ang isa sa mga Death Guards.
Sa parehong pagkakataon, sa likod ng isang two-star na battlefield:
Ding!
Iniligtas ng munting pusang magnanakaw si Zhao Feng.
Shua!
Sa parehong pagkakataon, pinutol nito ang dalawa sa daliri ng Death Guard.
"Ang Death Shadow Body ko ay nakatago sa pagitan ng pisikal at kawalan na mga dimensyon. Paano ito nangyari..?"
Ang anyo ni Kamatayan ay nagtanong sapagkat hindi siya makapaniwala.
Bigla siyang nakakita ng isang munting pusang magnanakaw sa kanyang balikat gamit ang mata niya.
Isang pusa?
Parehong mga kakampi at magkalaban, kasama na ang Half-Step Void God Realm na sumusugod, ay nagulantang.
Isang pusa…? Paano ito naging imposible?
Hindi ito matanggap ng Death Guard. Kahit ang mga normal na Great Origin Core Realms ay hindi kayang pinsalaan ang kanhang Death Shadow Body sapagkat naglalaman ito ng intent ng Emperor of Death, at nasa pagitan ito ng buhay at kamatayan.
Ang katawan nito aynapakatibay sa kahit anong klase ng atake, at kaya nitong bawasan ang bawat pinsala ng 80-90%, subalt ang dalawang daliri ng isang napakamakapangyarihang tao gaya niya ay naputol ng isang pusa.
"Ang patalim na iyan…? Teka!"
Ang anyo ni Kamatayan ay napunta sa isang misteryosong patalim ng munting pusang magnanakaw.
Ang misteryosong patalim ay nagningning sa hindi maipaliwanag aura. Malamig, garalgal ang pakiramdam na nagmumula rito.
"Hindi kaya iyan ang supreme item ng Dao of Shadow Assassination - ang Shadow Imperia Dagger?"
Bumilis ang tibok ng puso ng Death Guard.
Shadow Imperial Dagger!
Ang anyo ni Kamatayan ay puno ng mangha, sakim, at pagkabahala.
Subalit, bago pa man siya makakilos:
Pa!
Iaang pangalmot ng pusa ang siyang sumampal sa kanya.
"Argh!"
Anyo ni Kamatayan ay napahiyaw at naramdaman niyang nananakit ang kanyang mukha. Kahit na may halos imortal pa siyang katawan, natulala pa rin siya.
Shua!
Biglang naging malabo ang anyo at naglaho.
"Munting pusang magnanakaw, mabuti naman."
Biglang naramdaman ni Zhao Feng na nawala ang malamig na intent ng Kamatayan. Sa pagkakataong kritikal na iyon, tanging ang munting pusang magnanakaw lamamg ang makatutulong sa kanya.
"Mukhang gusto ng Death Guard na hulihin ako ng buhay."
Kalmado lamang si Zhao Feng.
Ang pagpatay at paghuli a dalawang magkaibang bagay.
Kung gustong patayin ng Death Guard si Zhao Feng, mas madali pa iyon kaysa patayin ang maitim na elder. Pagkatapos ng lahat, ag diperensya sa kanilang lakas ay napakalaki lang naman, kay mukhang ang misyon lamang nito ay hulihin siya."Hindi nakapagtataka kung bakit niya pinatay ang elder kahit na alam niyang magkalaban kami; maaaring pagbantaan ng maitim na elder ang aking buhay."
Alam naman ito ni Zhao Feng at kung kaya nagpakawala siya ng hininga.
Mas mahirap pa ang hulihin si Zhao Feng ng Death Guard kaysa sa patayin siya.
"Wala akong pakialam kung sino ka, pinatay mo lang naman ang Sixth Junior Martial Brother ko. Mamatay ka na~~~~!"
Isang malamig na boses na tila nagmumula sa kailaliman ng impyerno ang narinig mula sa isang makapangyarihang Half-Step Void God Realm intent na siyang tumusok sa anyong nasa harap nila.
Sa pagkakataong iyon isang Half-Step Void God Realm na eksperto ang dumating, at agad niyan inatake ang Death Guard.
Ang itsura mg kadarating lamang ay tila isang matalino ito, pero ang kanyag mga mata ay namumula at puno ng pagkamuhi at lamig habang nakatingin ito sa Death Guard.
"Half-Step Good God Realm intent? Ang pinakamalaking diperensya sa isang Half-Step Void God Realm at sa isang Great Origin Core Realm ay ag kanilang kaluluwa. Ang isang Half-Step Void God Realm.na intent ay kayang gapiin ang kahit sino na nasa Great Origin Core Realm."
Ang anyo ng Kamatayan ay napangisi nang malamig. Hindi naman siya takot.
Shua! Shua!
Naging guhit ng mga labing-imahe ang Death Guard.
Kahit ang Half-Step Void God Realm na naroon ay hindi kasing-bilis ng Death Guard.
"Avalanche God Technique – Anger of the Mountains and Rivers!"
Ang matalinong kabataan ay nakatayo lamang sa harap at inilatag niya ang kanyang kamay habang isang bola ng liwanag ang nagbubuga ng isang makapangyarihang aura.
Boom!
Nagsimulang manginig ang ere, at isang aong kuryente ang nagsimulang dumaloy sa lugar sa loob ng sampu o dalawampung milya.
Napayanig ng abong kuryentebna ito ang mga bundok at mga ilog at pati na rin ang araw at buwan ay nawalan ng kulay. Ang lahat ng ito ay nagmula sa isang Half-Steo Void God Realm.
"Nakasisindak talaga ang lakas ng isang Half-Step Void God Realm."
Hindi makahinga si Zhao Feng, at halos hindi niya mapatawag amg Ghost Corpse Cursed Array upang salagin ang mga shockwaves.
Nalagay na ang katawan ni Li Yunya sa barko bago pa ito mabulok nang tuluyan.
"Pumasok ka na rin."
Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang mga kamay at saka inilagay ang Skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl.
Ang atakeng nasa antas ng Half-Step Void God Realm ay napakalakas, at kahit sinong nasa ilalim ng Great Origin Core Realm ay lalabanan ang kamatayan kapag lumapit pa sila rito.
Bo~~
Isang suson ng tubig ang biglang bumalot sa katawan ni Zhao Feng, na siyang bumawasa ng pinsalang nagmumula sa mga shockwaves.
Hindi na mga siya halos makatayo kahit malakas ang kanyang Water Bloodline at malapit na siya sa tuktok ng Great Origin Core Realm.
Boom! Boom! Boom!
Nakatagpo na rin ang Death Guard ng maaaring tumapat dito, pero umaasa pa rin siya sa kanyang halos imortal na katawan para mapalapit sa Half-Step Void God Realm kahit nag-uusok na ang kanyang katawan.
"Death God's Dancing Blade!"
Nagsimulang uminog ang maliit na patalim sa kamay ng Death Guard.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
May mga arko ng magagandang blade-light ang siyang tumama sa Half-Step Void God Realm.
"Saint Emperor's Pen!"
Ang matalinong lalaki ay napangisi nang malamig habang isang misteryosong Earth-Grade Weapon ang biglang nagpakita sa kanyang kamay. Marahan niya itong tinapik, at may mga sinag ng matalim na liwanag ang siyang lumabas mula rito. Ang bawat isa sa mga sinag ay kayang makadurog ng isang bundok.
"Isang pekeng Saint Emperor's Pen? Ang tunay ay nanggagaling sa isang maalamat na dynasty ng Sainy Emperor, at naaboy na nito ang Peak Earth-Grade…."Bahagyang nagbago ang itsura ng Death Guard.
Boom!
Ang kalangitan at lupa ay puno ng mga pagsabog at mga shockwaves na siyang nagdulot ng alikabok at dumi na siyang tumakip sa lahat o kabuuan.
"Tumakas muna tayo."
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at humanap ng angkop na ruta, at saka gumamit ng isang array bilang panakip habang nagtutungo sa karagatan.
"Kahit sino pa man ang manalo, hindi tayo makakatakas."
Huminga nang malalim si Zhao Feng. Hindi siya makaabot sa ganoong antas gamit ang kanyang kasalukuyang lakas.
Miao miao!
Umupo sa balikat niya ang munting pusang magnanakaw habang nilalaro nito ang misteryosong patalim.
"Ang patalim na iyan ay ang Shadow Kill Imperial Dagger? Kahit ang mga daliri ng Death Guard ay naputol niyan."
Nagulat si Zhao Feng. Ang munting pusang magnanakaw ay may lakas pala talaga na kayang pagbantaan ang isang Death Guard. Ang tanging dahilan kung bakit ito nakatutulong kay Zhao Feng ay dahil sa Shadow Kill Imperial Dagger.
Kung babalikan, ginawa ng munting pusang magnanakaw ang lahat para makuha ito, na kahit ang Purple Saint Partial Spirit ay nataranta rin sa kanya.
Whoosh~~~
Umalis na agad ang Blue Lightning Sea Sky Ship at saka nagtungo sa walang hanggang karagatan.
Nang makaalis na ang barko:
Boom!
Naramdaman ni Zhao Feng na may dalawa pang Void God Realm auras na naglalaban sa two-star battlefield, pero sa mga mata nila, si Zhao Feng at ang mga kasama nito ay tanging mga langgam lamang.
"Ang aura of Death… Hindi kayanmay kaugnayan ito sa maalamat na Emperor of Death?"
Naramdaman ng dalawang Void God Realm Kings ang presensya ng Death Guard.
Shua!
Isa sa dalawang magarang kapangyarihan ay sinuri ang Blue Lightning Sea Sky Ship na illang daang milya ang layo.
"Nakasisindak naman ang aura nito…."
Ang lahat ng nasa loob ng barko ay hindi makahinga. Tila ba kaharap nila ang hari ng mga balyena sa kailalliman ng karagatan.
Sa kabutihang-palad, saglit lamang ito.
"Agad tayong umalisnsa two-star warzone na ito."
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang Water Bloodline at True Yuan sa kanyang katawan, at inanib niya ito sa array ng Blue Lightning Sea Sky Ship. Sapagkat ang barko ay may elemento ng tubig at kidlat, agad na umaayon ang bloodline at True Yuan ni Zhao Feng dito kung kaya bumibilis ito.
Shu~~~~
Palayo nang palayo ang Blue Lightning Sea Sky Ship mula sa two-star warzone.
Apat na oras ang makalipas:
Peng! Peng! Peng! Peng!
Nagsimulang kumislot ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng bilang babala sa papalapit na aura of Death.
"Puntirya ng Pursuit of Death, saan ka ba tatakbo? Kung hindi lamang sa gusto kong hulihin ka nang buhay, hindi na sana ako maaabala pa na pumasok sa isang two-star battlefield."
Isang matangkad at gula-gulanit na anyo ang nasa likod.
Ang Pursuit of Death ay papalapit na naman.
"Pumunta kayo sa kailaliman ng karagatan."
Umakyat si Zha Feng sa itaas na kubyerta ng barko habang inuutos ito.
"Kapitan, ikaw…"
Nag-aalala sina Loulan Zhishui at ang mga kasama nito habang lumulubog na ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa walang hanggang karagatan.
Sa ibabaw ng walang hanggang karagatan, isang mapanglaw na kabataang may asul na buhok ang nagpaiwan habang kumikislap ang mga mata nito, "Ang tanging paraan para makaligtas ay talunin ang Death Guard na ito….."
Ang bilis ng Death Guard na ito ay higit pa sa isang normal na Half-Step Void God Realms. Walang kahit sino rito ang kayang tumakas gamit ang kanilang mga sakiting katawan.