Matapos makitang malapit nang makapatay ng isa pang late-stage Small Origin Core Realm Sovereign si Zhao Feng, sumigaw nanaman ang matandang naka-sando, "Bata!"
Lumuwa ang mata ng Third Elder of the Gan Cloud Pavilion at napasigaw ito. Tatlo na sa apat na Sovereigns na dinala niya ang napatay na.
"Mystic Sky Dark Technique Slash!"
Pinasaboh ng Third Elder of the Gan Cloud Pavilion ang kaniyang True Yuan na nagpabuo ng malabo-labong maitim na berdeng patalim na para bang parusa ng langit mismo, habang naging isa ito sa kalikasan at humiwa patungo kay Zhao Feng.
Yumanig ang kalangitan at kalupaan sa nakakatakot na lakas nito. Ang ibang naroroon, kasama na ang Skeletal Division Leader at ang ibang Sovereigns ay naramdamang kumabog ang kanilang mga dibdib.
Shua!
Si Zhao Feng, na naging isang Water Spirit Giant, ay hindi nakaiwas sa atakeng ito.
Shu~~~~
Lumabo bigla ang katawan ng Water Spirit Giant. Malapit na ito g mahati sa dalawa.
Weng~~
Pagkatapos noon ay nagsimulang humilom ang mga sugat ng Water Spirit Giant. Sa estadong iyon, kinaya ng katawan ni Zhao Feng na maging kalahating-tubig. Malapit na siyang maging imortal nang dahil sa sobrang bilis ng kaniyang pag-hilom.
.
Sinalo ni Zhao Feng ang atake ng Third Elder ng harap-harapan habang tumungo siya sa late-stage Small Origin Core Realm na ito.
Bam!
Naglabas ng malakas na tulak ang Water Spirit Giant na nagpa-ubo ng dugo sa late-stage Small Origin Core Realm.
Kumpletong bersyon sa ngayon ang Water Spirit Divine Change ni Zhao Feng, hindi katulad ng siya ay nasa Purple Saint Ruins pa. Hindi lang napakalakas na depensa ang mayroon siya, kundi sa bawat galaw niya ay nakakagawa siya ng napakalakas na opensa.
Dagdag pa ang kabihasaan ni Zhao Feng sa Water Spirit Divine Change na siyang lumagpas na sa late-stage Small Origin Core Realm Elder Shui Yun. Dahil ito sa state of existence ni Zhao Feng na tumaas nang sobra mula sa nakaraang kalahating taon dahil sa heart blood essence at sa aura galing sa Ancient Dream Realm. Mas malakas pa ito sa normal Great Origin Core Realms, at ang bloodline power niya ay nagbago na ng ilang beses.
Kayang mapanatili ng solidong pundasyon ng kaniyang lifeforce at bloodline ang kaniyang Water Spirit Divine Change.
"Stop~~~!"
Umungol lamang ang Third Elder of the Gan Cloud Pavilion dahil ang panonood lamang sa pagbagsak ng late-stage Small Origin Core Realm sa mga maraming ang kaya niyang gawin .
Parehas na gumagamit ng secret techniques sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader na nagpapalakas pa sa kanila kaysa sa normal late-stage Small Origin Core Realms.
Boom!
Sumalo nanaman ng isa pang atake ang umaalong katawan ni Zhao Feng na nag-pwersa sa huling Small Origin Core Realm sa kawalan ng pag-asa.
"Arghh!"
Ang huling Small Origin Core Realm ay namatay mula sa magkahalong atake ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader. Nadurog ang katawan nito at naging lusak ng tubig at dugo sa Ghost Corpse Array.
Matapos sumipsip ng enerhuya mula sa apat na Sovereigns, umakyat muli ang sumpa sa bagong lebel.
!Si!
Nagbago muli ang ekspresyon ng Gan Cloud Pavilion Third Elder habang huminga siya ng malalim. Nagmukha siyang sobrang mapag-isa habang lumulutang sa taas ng usok.
"Ilang hinga na lamang ang natitira sa Water Spirit Divine Change ko."
Lumitaw muli ang anyo ni Zhao Feng nang tumalon siya patungo sa Third Elder of the Gan Cloud Pavilion.
Syempre, kahit sa estado na ito, hindi niya kakayaning makipaglaban sa isang Great Origin Core Realm. Kaya niya lamang takutin ito.
Shua!
Winagayway nanaman ni Zhao Feng ang bandila at nilipat ang lakas ng sumpa ng Ghost Corpse Cursed Array. Nilamon ng nakakatakot na hangin ng Death, Yin, at poot ang Third Elder of the Gan Cloud Pavilion.
"Mapang-lokong hazop…!"
Kumaway ang Third Elder at binasag ang usok matapos ang oras na ito. Kaya lamang ay namutla siya bigla nang magsimula siyang maging hindi komportable.
Matagal nang nagsimula ang pagka-bulok ng katawan niya, at ang lifeforce at energy niya ay pabilis nang pabilis na nauubos.
Gamit ang tiyansang ito, nagsama ang Water Spirit Giant at ang Glaming Bone Giant para labanan ang atake.
Boom! Boom! Bam~~~~
Nagtalo ang tatlong eksperto sa loob ng Ghost Corpse Cursed Array.
Makalipas ang ilang hinga, sumuko na rin ang Skeletal Division Leader dahil sa unti-unti nang nawawala na ang mga apoy niya sa katawan.
Nagsimula na ring dumilim ang Water Spirit Giant ni Zhao Feng, pero ang mukha niya ay kasing puti ng papel at nanginginig ng kaunti ang kaniyang katawan.
Daan-daan at libo-libong hindi nakikitang tuyot at putting kamay ang umaabot sa katawan niya at kumukuha sa kaniyang lifeforce at kaluluwa.
Sa simula pa lamang ng laban ay mahina na agad ang Sovereign Lord at nasugatan pa siya mula sa nakaraang labanan.
'Pag tumingin pa ng mas malapit sa kaniya ay makikitang tumatanda lalo ang balat niya. Sa ilang hinga lamang ay nagmukha siyang tumanda ng sampung taon.
"Zhe zhe zhe…. Tanda, dahil sa Ghost Corpse Cursed Array ay nabawasan ang iyong lifespan."
Mayabang na natawa ang Skeletal Division Leader nang maging kulay abo ang mukha ng Sovereign Lord at nabulok ang balat niya. Dahil dito ay lalong nagpapasok pa ito ng lakas ng sumpa sa katawan niya.
"Hayop, hindi ka basta-basta papakawalan lang ng Gan Cloud Pavilion…."
Kahit tuloy pang nagmumura ang Third Elder, meron nang malalim na takot sa mga mata niya. Matapos sabihin yoon ay pinaikot niya ang kaniyang True Yuan at tinulak paatras ang dalawa niyang kalaban.
Shua!
Sunod na nawala agad ang anyo ng Sovereign Lord.
Tumingin si Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader sa itaas at nakita nilang matisod ang Sovereign Lord at dumura ng dugo matapos lumipad ng ilang milya.
"Panginoon, ang lakas ng sumpa ay pumasok na sa matandang iyon, kaya sobrang hina na nito. Isang hakbang na lamang bago natin siya mapatay.''
Sabi ng Skeletal Division Leader na may kaunting pag-aalinlangan.
Magiging malaking pabor kung nakalamon ng essence ng Great Origin Core Realm ang Ghost Corpse Cursed Array.
"Alam ko. Pero isa pa ring Great Origin Core Realm ang ating pinag-uusapan."
Umiling nang kaunti si Zhao Feng habang bumababalik siya sa kaniyang solidong estado, sabay namutla rin siya. Sandali lamang kaya ni Zhao Feng na gamitin ang Water Spirit Divine Change dahil sobrang mahal ng halaga para gamitin ito.
Shua!
Winagayway ni Zhao Feng ang itim na bandila at masayang tinago ang Ghost Cursed Array.
Sobrang ayos na ng sunod na mga pangyayari kumpara sa laban kay Lord Hu So.
Ang pinaka-importante ay hindi ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye bloodline.
Ang kombinasyon ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader, kasama na rin ang tulong ng Ghost Corpse Cursed Array, ay nakakapagpigil ng mga normal Sovereign Lords
"Takas na."
Bumalik na muli si Zhao Feng sa Blue Lightning Sea Sky Ship at sabay na utos niya.
Sa laban lang ngayon ng ilang Sovereigns, kasama ang Sovereign Lord, ay nakaakit ng ilang mga eksperto.
"Anong laban. Ilang Sovereigns ang namatay!"
"Sino ang nasa barkong iyon? Nagawa nilang makapatay ng ilang Elders galing sa Gan Cloud Pavilion. Ang Gan Cloud Pavilion ay isa sa mga pinakamalakas na pwersa dito."
Dahil malapit lang sila sa Void Ocean Spiritual Void Ocean Spiritual Palace, maraming eksperto ang nakakita sa buong pangyayari.
Sou~~
Sou~~
Sobrang bilis ng Blue Lightning Sea Sky Ship na kahit pa ang normal Sovereigns ay hindi makakahabol dito.
Sa isang pikit lamang ay nawala na agad ang barkong nakapatay ng ilang Elders.
Kahit pa nakaalis na ang kriminal ay nagulat pa rin ng balita ang ilang isla sa loob lamang ng kalahating buwan.
Ang Gan Cloud Pavilion ay isa sa mga peak one-star clans, at ang lakas nila ay nasa ilalim lamang ng two-star sects.
Dahil hindi ganoon katagal ang nangyaring ito, ginamit ng Gan Cloud Pavilion angkapangyarihan nila para maglagay ng kapagbigayan sa ulo ni Zhao Feng.
Isang araw, makalipas ang kalahating taon, isang madilim at tahimik na anyo ang lumipad sa taas ng dagat at. Dahil sa anyong iyon ay nanahimik ang lahat ng nadaanan nito.
Naginig lahat ng mga hayop sa loob ng isang libong milya sa takot. Para bang may God of Death ang nakahawak sa leeg nila.
"Ang taong iyon…."
Naramdaman ng malalapit na eksperto at Sovereigns ang dibdib nilang tumalon.
Pinaramdam ng anyong ito ang pakiramdam ng pagkamatay sa kanilang mga kaluluwa.
"Nanggaling ang intensyon ng Emperor of Death dito."
Lumutang ang matangkad, at madilim na anyo patungo malapit sa Void Ocean Spiritual Palace.
Shua!
Sabay na nawala rin ang anyo nito matapos niyang humakbang sa Void Ocean Spiritual Palace.
"Katakot-takot na aura."
Naramdaman ng mga Sovereigns guards sa pasukan na mmay malamig na pawis na tumulo sa likod nila.
Ang misteryosong anyo ay sunod na umalis sa Void Ocean Spiritual Palace sa ilang sandali lamang at tumungo sa isang isla.
Halos samoung beses na ang bilis nila kaysa sa normal Great Origin Core Realms.
Songheng area, sa importang grounds ng Gan Cloud Pavilion, sa loob ng malaking palasyo:
Hu~
Naglabas ng mahabang hininga ang Third Elder nang pinwersa niya palabas ang itim at nabubulok na dugo sa katawan niya.
"Buti na lang ay may methods ang clan natin para labanan ang ghost-corpse curses."
Mahina ang ekspresyon ng Third Elder pero masaya ito. Kung napatagal pa ito ng ilan pang oras ay siguradong babaon na ito sa buto niya. Pagtapos noon ay wala na silang magagawa kahit pa gamit nila ang lahat ng lakas ng Gan Cloud Pavilion.
"Ikaw ang Third Elder of the Gan Cloud Pavilion?"
May malamig at magaspang na boses ang tumunog sa abyss.
"Ikaw… ikaw ang…?"
Nanginig ang guto ng Third Elder at muntik na ring lumipad ang kaluluwa niya sa takot.
Lumitaw ang isang parang nagre-reprisinta kay Kamatayan mismo. Hinawakan ng isang kamay na nakabalot sa itim ang leeg ng Third Elder.
"Tulong… tulong…."
Nahulog sa walang katapusang takot ang Third Elder, at para bang sickle of Death ang kamay na nakabalot sa itim na usok dahil napipigil nito ang True Yuan.
"'Wag… Anong gusto mo? Ibibigay ko sa'yo lahat."
Hindi makalaban ang Third Elder of the Gan Cloud Pavilion, at nagsimula itong manginig.
"Hindi na sa'yo nararapat ang iyong buhay at kaluluwa."
Sabi ng matangkad na anyo. Ang magaspang niyang boses ay nagtulak sa Third Elder sa kawalan ng pag-asa.
Shua!
Nilagay naman ng matangkad na anyo ang isa niya pang kamay sa ulo ng Third Elder. Agad na nabura ang utak niya at bigla siyang nahimatay.
"Soul Heart Reader."
Isang iship ng 'di makitang dilim ang dumaloy sa kaluluwa ng Third Elder, pero wala itong reaksyon. Para bang napunta siya sa estado ng pagkagulay.
Ilang segundo ang nakalipas at nalglag na sa lapag ang Third Elder of the Gan Cloud Pavilion. Walang senyales sa paligid na may taong naroroon, pero may boses na bumulong sa soul-dimension, "Nagsimula pa lang ang Pursuit of Death… takbo. Tignan natin kung gaano ka kalayo makakatakas…. Magngarap na lang tayong hindi ka mahina…."