Si Zhao Feng ay naligo sa heart blood essence, hindi gumagalaw habang hinihigop ito.
Sa maikling tatlong araw lang, naramdaman niya ang kanyang katawan at kalagayan ng pag-iral na tumaas.
Sa sandaling ito, ang bawat pulgada ng kanyang katawan ay may isang makapangyarihang aura, at ang kanyang mga pandama ay mas matalim.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay sumandal kay Zhao Feng at hinigop rin ang heart blood essence.
Di! Da!
Hindi nagtagal ay ang bariles ng heart blood essence ay ganap nang nahigop.
"Napakabilis?"
Si Zhao Feng ay bahagyang nagulat. Ang isang bariles ng heart blood essence ay sapat na para sa ilang buwang paggamit ng mga mandaragat, at ang bilis ng paghigop ng skeletal Division Leader ay ikatlong bahagi ng kanyang bilis.
Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag nang tignan ang munting pusang magnanakaw.
Kahit na mas mabilis ito, halos kalahati ng heartblood essence ang nahigop nito. Dagdag pa rito, ang munting pusang magnanakaw ay hihigop rin ng kapangyarihan mula sa Ancient Dream Realm din.
Shua!
Pumunta muli si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm muli.
Sa oras na ito, nagawa niyang sirain ang kanilang tala ng sampung hininga dahil sa paglinis sa kaniya ng heart blood essence.
Kapag mas malakas ang katawan ng isang tao, mas magtatagal ito sa Ancient Dream Realm.
Siyam na hininga… sampung hininga… labing isang hininga.
Nagpatuloy si Zhao Feng sa pagpapalaki ng kanyang bagong tala.
"Anong klaseng dimensyon ba ito? Mayroon pa bang buhay dito?"
Nag-umpisang mag-isip si Zhao Feng tungkol sa mundong ito.
Bawat butil ng buhangin ay naglalaman ng napakalaking kapangyarihan, at ginamit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata para suriin ang Ancient Dream Realm.
Sa ilalim ng kanyang paa ay ang lupa, nakikita niya ang malalaking puno sa distansya, at mukhang may mga tunog ng mga ibon at dumadaloy na ilog.
"Maaari bang magkaroon ng ibang may buhay rito?"
Nagulat si Zhao Feng.
Mahirap isipin kung gaano kalakas ang mga may buhay sa Ancient Dream Realm.
Labindalawang hininga… labingtatlong hininga… labinlimang hininga.
Wah!
Nakatagal si Zhao Feng ng labinlimang hininga bago dumura ng dugo.
Pagbalik sa barko:
"Nagyabong ako nang malaki."
Si Zhao Feng ay natuwa nang punasan ang dugo sa kanyang bibig.
Kaagad niyang hinigop ang aura mula sa Ancient Dream Realm. Sa tunay na mundo, hangga't nasa Ancient Dream Realm siya, ang kanyang katawan ay napupuno ng aura nito.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay hinigop din ang Ancient Dream Realm aura.
Di! Da!
Ang tao at pusa ay lumubog sa heart blood essence at hinigop ang aura mula sa Ancient Dream Realm nang magkasama.
"Ang aking kalagayan ng pag-iral at katawan ay malakas kahit ikumpara sa mga normal na mga Sovereign. Sa totoo lang ay mas malapit sila sa isang Great Origin Core Realm Sovereign Lord."
Si Zhao Feng ay huminga nang malalim.
Nang makaubos siya ng isang bariles ng heart blood essence, dalawang mandaragat ang hindi pa tapos sa kanilang mangkok ng heart blood essence. Gayunman, kahit na ganoon, ang katawan ng mga mandaragat na ito ay nagyabong; dahil ang kanilang punto ng pag-uumpisa ay mababa, kaya malaki ang epekto ng heart blood essence sa kanila.
Ang isa sa mga mandaragat na nasa late-stage True Lord Rank na gumamit lang ng sampung porsyento ng heart blood esswnce na ginamit ni Zhao Feng, at ang kanyang kalagayan ng pag-iral at katawan ay papunta na sa peak True Lord Rank.
"Kung magpapatuloy ito, ang ilan sa kalagayan ng pag-iral ng mga mandaragat ay makakaabot na sa half-step Origin Core Realm sa loob ng isang taon."
Hindi maiwasang patunugin ni Zhao Feng ang kanyang dila.
Ang kalagayan ng pag-iral ay hindi katulad ng cultivation; itinuturing na isang uri ng pundasyon. Kapag mas malakas ang cultivation, mas maraming potensyal ang kanilang makukuha.
Kapag mahina ang kalagayan ng pag-iral ng gumagamit, mas malaki ang epekto ng heart blood essence. Sa kabilang banda, kung ang kalagayan ng pag-iral ng isang tao ay napakataas, tulad ng isang peak Great Origin Core Realm, ang epekto ng heart blood essence ay magiging napakaliit. At kapag ginamit ito ng Void God Realm expert, maaaring wala ring epekto rito.
Para sa susunod na anim hanggang pitong araw, si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay gumamit ng dalawa pang bariles ng heart blood essence, at pumasok muli sila sa Ancient Dream Realm.
Sa pagkakataong ito, nakatagal si Zhao Feng ng dalawampung hininga.
Mukhang ang aking kalagayan ng pag-iral ay tumaas pa. Matapos kong makatagal ng isang daang hininga, susubukan kong maglakad-lakad.
Inisip ni Zhao Feng.
Sa kasalukuyan, halos hindi na siya makatayo sa loob ng misteryosong dimensyong ito. Ang puwersa rito ay nagpahirap sa kanyang makumpleto ang kanyang kilos.
Hindi pa siya nangahas na maglakad. Tila isa itong taong nagbubuhat ng isang malaking bato; kahit na halos hindi na niya ito mahawakan, siguradong mapapabahgsak sila ng bato kapag sinubukan nilang maglakad.
Dahil dito, gumawa ng sariling layunin niya si Zhao Feng. Kapag nakaabot na siya sa isang daang hininga, susubukan niyang maglakad sa Ancient Dream Realm.
Sou!
Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay lumipad sa limitless ocean.
Sampung araw na ang lumipas simula nang matanggap nila ang heart blood essence. Ang epekto sa mga mandaragat ay lumagpas kay Zhao Feng at sa munting pusang magnanakaw. Bukod pa rito, ang skeletal Division Leader ay humigop rin ng heart blood essence at Mystic Dark Crystal Bone, at ang lakas nito ay malaki rin ang itinaas.
"Master, siguradong kakailanganin kong pumasok sa seklusyon nang dalawa o tatlong buwan para subukang makalagpas papunta sa late-stage Small Origin Core Realm…"
Umalingawngaw ang boses ng skeletal Division Leader.
Nagulat si Zhao Feng. Hindi niya inakalang ang lakas ng skeletal Division Leader ay tataas nang ganoon kalaki na susubukan nitong makalagpas sa late-stage Small Origin Core Realm kaagad.
Hindi niya sinubukang pigilan ito. Ang totoo, binigyan niya ng skeletal Division Leader ng isang bariles ng heart blood essence.
"Kapita, ang pinsala ng barko ay lumalala, at bumabagal ito sa paglipad."
Ulat ni Loulan Zhishui.
Nang marinig ito, nagtama ang mga kilay ni Zhao Feng.
Kailangang maayos kaagad ang Blue Lightning Sea Sky Ship sa lalong madaling panahon.
"Sa kabutihang palad, kailangan lang natin ng isa o dalawang araw para makaabot sa Void Ocean Spiritual Palace."
Dagdag ni Loulan Zhishui.
"Void Ocean Spiritual Palace… huwag mo akong biguin…"
Ang mapa ng Thousand Flowing Islands zone ay lumitaw sa kanyang isip, at may iisa lang na Void Ocean Spiritual Palace sa buong island zone.
Ang Tianlu Islands zone at ang Azure Islands zone, kung saan naroon ang Azure Flower Continent, ay may iisa lang din.
Ang Void Ocean Spiritual Palace ay minarkahan ng isang kakaibang simbolo, at mas mahalaga pa ito kaysa sa ibang mga isla.
Syempre, ang parteng pinakanakakakuha ng atensyon sa Cang Ocean at ang tatlong Spiritual Sacred Lands.
"Hmm? Ang mga linyang ito…"
Nalaman ni Zhao Frng na may ilang mga linya sa mapa na nagtatagpo. Halimbawa, ang tatlong Spiritual Sacred Lands ay may linya sa pagitan nila, na nakakabuo ng tatsulok.
Bukod pa rito, may mga kakaibang lugar na mayroon ding ganitong linya.
"True Martial Sacred Land."
Nalita ni Zhao Feng na may isang maliit na malabong pulang linya na may pulang krus sa gitna sa pagitan ng Void Ocean Spiritual Palace at True Martial Sacred Land.
Habang sinusuri niya ang mapa, ang panganib sa kanyang puso ay rumagasa at naging mas malinaw kaysa noon. Ang aura mula Eye of Death sa loob ng kanyang kaluluwa ay tila tumalon.
Peng! Peng! Peng! Peng!
Naramdaman ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye na tumibok rin, at hindi niya maiwasang huminga nang malalim.
"Ang panganib ay mas malapit kaysa noon…"
Siguradong alam ni Zhao Feng ang ibig sabihin nito.
Sa ilalim ng normal na sitwasyon, ang mapanganib na pakiramdam ay magiging mas mahina kapag nasa kalaliman na siya ng karagatan o sa Purple Saint Ruins.
Hinulaan ni Zhao Feng na ang panganib ay may kaugnayan sa distansya. Kung nasa natatanging lugar siya, ang mapanganib na pakiramdam ay maapektuhan.
Kasabay nito, sa kabilang banda ng walang hanggang karagatan, isang malamig na itim na metal na barko ang lumalayag sa karagatan.
Sa laki, isang daang beses itong mas malaki sa Blue Lightning Sea Sky Ship, at isang daang beses ding mas mabilis.
Whoosh!
Ang itim na barko ay naglalabas ng nakakasindak na aura of Death na bumaharang sa langit.
Sa tuwing may naglalayag na ship of death, lahat ng mga halimaw, pirata, negosyante sa karagatan ay nanginginig.
"Mag-ingat kayo, ito ang Ship of Death…"
Sabi ng Void God Realm expert mula sa isang two-star sect sa paligid nang maramdaman ito.
Sa loob ng isang lumang silid sa barko:
"Aye, kahit na nakatipid tayo ng oras sa paggamit ng teleportation array ng Ten Thousand Woods Sacred Land para maabot ang True Martial Sacred Land, ang paglalakbay ay mahaba pa rin."
Isnag youth ang nagbuntong hininga. Siya ay labis na naiinip.
"Ang True Martial Sacred Land ay napakasaya. Bakit hindi muna tayo manatili at magsaya?"
Sabi ng batang babaeng may puting mata.
Ang kanilang matangkad at maliit na anyo ay lumabas sa silid at sa palapag ng barko.
"Hahayaan kitang maglaro hangga't gusto mo pagkatapos ng misyon. Kung hindi natin makukumpleto ang misyong ito, ang lahat ng pinaghirapan ni Master ay mapupunta sa wala."
Sabi ng youth.
"Mission?"
Napatigil ang batang babaeng may puting mata.
Kahit na ang kanyang cultivation ay hindi gaanong nagbago, ang kanyang kalagayan ng pag-iral ay nakaabot na sa True Lord Rank at angkop sa kapaligiran ng walang hanggang karagatan.
Ang mga mata ng masayang youth ay napunta sa batang babae nang may pagtataka.
Ang Emperor of Death ay may higit sa dalawang disipulo, ngunit ang masayang youth ay hindi pa nakakita ng isang Master na ganito hindi kahigpit sa kanyang mga disipulo, na nagbibigay ng maraming resources ngunit walang cultivation technique.
Shua! Shua! Shua!
Ang maliit na batang may puting mata ay kinagat ang kanyang labi at humawak ng isang pinsel na tila gumuguhit.
Ang masayang youth ay tumingin dito at nakita ang batang babaeng may puting mata na sinusubukang iguhit ang isang uri ng halimaw sa karagatan.
"Senior Martial Brother, kung kukumpletuhin natin ang misyon, hahayaan mo akong maglaro hindi ba?"
Sabi ng batang babaeng may puting mata nang walang muang.
"Syempre."
Ang masayang youth ay ngunit at nagbigay ng isang tapat na pakiramdam. Ginamit pa nga niya ang kanyang kamay para dahan-dahang hawakan ang maliit na ilong ng bata.
"Hmph, sana gawin mo ang iyong sinabi."
Ang batang babae ay ibinigay ang kanyang iginuhit sa youth.
"Ito ay…?"
Ang youth at tumingin sa hawak niyang iginuhit ng bata.
Ang guhit ay hindi napakaganda, ngunit masasabi pa ring isa itong namatay na balyena ng walang hanggang karagatan.
Isa pa, ang puso ng balyena ng walang hanggang karahatan ay nawawala.
"Balyena ng walang hanggang karagatan!"
Ang mga mata ng masayang youth ay nagliwanag nang tignan nang malalim ang batang babae.
"Dalhin ang mapa at ipakita sa akin kung saan may mga balyena ng walang hanggang karagatan sa loob ng ilang dosenang island zone. Pagkatapos ay hahanapin natin ang bangkay ng balyena ng walang hanggang karagatan na kinuhanan ng puso."