Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 572 - Bridge of Death

Chapter 572 - Bridge of Death

Sa walang hanggang karagatan, parehong si Zhao Feng at ang skeletal Division Leader ay desperado na. Ang kapangyarihan ni Lord Hu Suo ay tila binabago ang Heaven at Earth.

"Zhao Feng! Iligtas mo ako!"

Ang skeletal Divison Leader ay babagsak na sa harapan ni Lord Hu Suo at sumigaw kay Zhao Feng. Ang kanyang natitirang pag-asa ay si Zhao Feng lang.

"Sinong makakapagligtas sa iyo? Ang ungas na iyon ay ni hindi nga mailigtas ang kanyang sarili."

Panghahamak ni Lord Hu Suo nang pinigilan ang skeletal Division Leader sa hangin.

Ang totoo, ang sitwasyon ni Zhao Feng ay hindi mas mabuti. Kung hindi lang dah sa katotohanang gusto nilang hulihin si Zhao Feng nang buhay, ang mga atakw ng mga Sovereign ay hindi magiging mahina.

"Hmm? Ang buhok ay kulay ng mata ng ungas na iyon…"

Ang black-armored giant ay nagulat. Ang buhok at kaliwang mata ng youth sa kanyang harapan ay naging asul.

"Hehe, eye bloodline?"

Ang Blue Lightning Pirate ay nanlolokong ngumit ay hindi ito isinapuso.

Sa sandaling ito, nawalan na si Zhao Feng ng proteksyon ng Ghost Corpse Cursed Array; hindi na siya isang panganib sa dalawang late-stage Small Origin Core Realm.

"Ikaw muna ang aking papatayin."

Isang nakakagulat na ragasa ng lakas ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng, at isang lilang aura ang lumitaw sa kanitang mata.

Ang kanyang kaliwang mata ay nanatili sa Bkue Lightning Pirate.

"Void Soace Eye Slash!"

Isang palihim na ragasa ng eye bloodline power ang dumugtong sa katawan ng Blue Lightning, at isang ipo-ipo any lumitaw sa gitna ng kapangyarihan nito.

Shu~~~

Isang matulis na patalim ang biglang humiwa sa puso ng Blue Lightning Pirate.

Kumalat ang dugo, at ang patalim ay patuloy na sinira ang natitirang lifeforce sa loob ng katawan ng Blue Lightninf Pirate.

Wu~

Ang katawan ng Blue Lightning ay tumigil sa paggalaw, at mababakas any kalituhan at takot sa kanyang mga mata.

Plop!

Ang kanyang katawang may dugo ay bumagsak mula sa hangin papunta sa karagatan. Nang mamatay siya, isang ngiti ng tagumpay ang nasa mukha pa rin niya.

"Number Seven!"

Sigaw ng black-armored giant, ngunit kasabay nito, ang kanyang mga mata ay puno ng kabalisaan, galit, at hindi malamang takot nang tumingin siya kay Zhao Feng. Paano namatay any Blue Lightning Pirate? Hindi rin niya alam.

Ang tanging nakita ng black-armored giant ay ang pagtingin lang ni Zhao Frnf sa Blue Lightning Pirate - isang cultivator na nasa late-stahe Small Origin Core Realm - ay napatay gamit ang patalim na lumitaw sa manipisnma hangin.

"Anong nangyayari?"

Yumihik si Lord Hu Suo nang napuwersa sa isang sulok ang skeletal Division Leader. Nang makita ang pagkamatay nt Blue Lightning Pirate, nagulat siya.

"Ungas, anong klaseng secret technique ang iyong ginamit para patayin si Number Seven?"

Ang black-armored giant ay nilamon na ng takot at poot nang iwasiwas ang kanyang black axe kay Zhao Feng.

"Void Space Eye Slash!"

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay malamig.

Shua!

Isang palim ang humiwa sa katawan ng black-armored giant.

"Ikaw… ikaw…"

Nahirapan ang black-armored giant, at ang kanyang mga mata ay puno ng takot at pagtataka.

"Ang aking baluti ay isang piraso ng isang Earth-Grade weapon at kayang pigilan ang mga atake ng mga Sovereign nang harapan…"

Abg isip ng black-armored giant ay puno ng kaguluhan bago ito namatay.

Hindi pa rin niya napagtantong ang pinakamalakas na atake ni Zhao Feng, ang Void Space Eye Slash, ay gumamit ng Laws of Soace para direktang lumitaw sa katawan ng kalaban. Kahit gaano pa kalakas ang depensa ng kalaban, wala itong silbi; ang puso ay mahalagang laman, at hindi nito kayang mapigilan ang aura ng Destruction.

Plop!

Ang lifeforce sa loob ng katawan ng black-armored giant ay nasira, at kaagad niyang sinundan ang mga yapak ng Blue Lightning Pirate.

Sa isang kisapmata, dalawang Sovereign ang kaagad na namatay.

Si!!

Nanlamig si Lord Hu Suo. Kahit siya ay walang kakayahang pumatay ng dalawang late stage Small Origin Core Realm nang ganoon kabilis.

Sa sandaling ito, ang mukha ni Lord Hu Suo ay nabalot ng pag-aalala nang mailabas ang puwersa sa skeletal Division Leader.

Sa loob ng barko, si Loulan Zhishui at mga kasama ay napanganga. Hindi sila makapaniwala sa nangyari. Sa isang kisapmata, napatay ni Zhao Feng ang dalawang Sovereign.

"Anong klaseng eye bloodline iyon…?"

Hindi mapigilan jinLoulan Zhishui ang kaniyang gulat, ngunit hindi nagtagal ay ngumiti. Napagtanto na niya kung bakit alipin ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader.

Paano naging simple ang isang taong may patong na halaga sa ulo mula sa three sects…?

Isang kaisipan ang lumitaw sa isip ni Lord Hu Suo bago biglang nakaramdam ng mapanganib na pakiramdam.

"Void Space Eye Slash!"

Ang pinakamalakas na eye bloodline attack ni Zhao Feng ay nagamit muli.

Hindi ito maganda!

Ang makapangyarihang pandama ni Lord Hu Suo ay nakaramdam ng isang pagkagulo sa lugar.

Ang Spatial Movement Technique ay hindi gumamit ng Laws of Space, umasa itk sa kakayahan ng God's Spiritual Eye. Samakatuwid, ang galaw sa lugar ay mas palihim kaysa sa normal.

Umiwas!

Gayunman, sa huli, si Lord Hu Suo ay isa pa ring Great Origin Core Realm expert; nag-iwan siya ng afterimage nang umiwas.

Whoosh!

Kumalat ang dugo; hindi ganao na nakaiwas sa atake si Lord Hu Suo. Hindi siya tulad ni Grandmaster Yin Kong na mahusay sa Laws of Space.

"Argh~~~~!"

Sigaw ni Lord Hu Sui nang isang madugong butad ang lumitaw sa kanyang dibdib.

"Ungas, ikaw…!"

Ang mukha ni Lord Hu Suo ay maputla. Ang kanyang puso ay nasugatan ng Void Space Eye Slash, at anh ayra ng Destruction ay napakalakas.

Sa kabutihang palad, nakakilos siya sa tamang iras at ginamit ang True Force para protektahan ang kanyang puso. Gayunman, ang Void Space Eye Slash ay isang spatial attack, kaya direkta itong lumitaw sa kanyang puso. Samakatuwid, ang depensa ni Lord Hu Suo ay nabawasan lang ang pinsala nito at hindi ganap na napigilan.

"May isa pang natira."

Nagngalit ang ngipin ni Zhao Fenf at ipinalaganap anh natitira niyang eye bloodline power nang may kabaliwan. Mukha siyang nanggaling sa impyerno sa pagpatay kay Lord Hu Suo, na tila walang pakialam kung anong mangyayari sa kaniya sa proseso.

"Ungas, tumigil ka!"

"Napatalon sa takot si Lord Hu Suo at pilip na pinigilan ang kanyang pinsala.

Qui!

Isang liwanag na luntian at kulay dugo ang lumitaw sa walang hanggang karagatan.

Dahil sa katotohanang ang pagpigil sa walang hanggang karagatan ay napakahina, ang bilis ng pagliapad ng isang tao ay kayang makaabot sa nakakasindak na belosidad.

"Tumakas siya?"

"Hahaha…! Kahit ang dakilang si Lord Hu Suo ay tumatakas!"

Ang mga tao sa barko ay nagkagulo, at nagsimulang lumuha si Loulan Zhishui. Hindi nia alam kung paano ipaliwanag ang kaniyabg kasiyahan.

"Kapitan, kung umatake ka pa nang isang beses at pinatay si Lord Hu Suo, ang iyong pangalan ay kakalat sa buong walang hanggang karagatan."

"Kahit ang malubhang pagpinsala kay Lord Hu Suo ay magpapakalat na sa pangalang ito."

Nag-usap ang lahat nang may paghanga.

Sa ibabaw ng karagatan:

Hu~

Huminga si Zhao Feng nang pagpawisan nang malamig.

Ang totoo, kahit na magamit niya ang ikaapat na Void Space Eye Slash, magiging mapanganib din ito para sa kaniya. Samakatuwid, nagpanggap lang si Zhao Feng na gagawin niya ang lahat para manalo. Alam ito ni Zhao Feng, kung hindi naghilom si Lord Hu Suo sa tamang oras, mamamatay siya, na nangangahulugang hindi niya pipiliing harapin si Zhao Feng.

Ang hula ni Zhao Feng ay tama. Hindi nais ni Lord Hu Suo na paglaruan ang kanyang buhay, at kailangan niyang hilumin any kanyang sarili.

"Skeletal DivisonLeader."

Isinantabi na ni Zhao Feng ang Ghost Corpse Cursed Array, at inilagay ang skeletal Division Leader aa Ten Thousand Ghost Pearl.

Sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, ang katawan ng skeletal Division Leader ay may bitak, at ang ilang lugar ay nasira.

Sa kabutihang palad, nagbalik na ito sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, na nagpahintulot sa cultivation nito at panunumbalik ng lakas na bumilis at malagpasan ang panlabas na mundo.

"Halika na."

Tumalon si Zhao Feng sa Blue Lightninf Sea Sky Ship.

Gulu!

Ang barko ay pumunta muli sa kalaliman ng karagatan at tumungo sa Thousand Flowing Islands.

Sa loob ng silid ng kapitan, umupo si Zhao Feng at tumuon aa paghilom. Kasabay nito, sinuri niya ang animnapung cursed ghost-corpses. Sila ay bahagyang napinsala, kaya kailangan nito ng oras para maghilom.

Mabuting nakatulong sa Yin at Death type na pag-iral ang Ten Thousand Ghost Pearl. Kahit na hindi nila nais, kahit anong nasa Ten Thousand Ghost Pearl ay mas lalakas.

"Ang Ghost Corpse Cursed Array ay ginagawang iisa ang cursed ghost-corpses, at bawat corpse ay nakakakuha ng parehong dami ng puwersa."

Napagtanto ni Zhao Fenf na kahit amg pinakanapinsala ay nawalan lang ng mga braso at binti, na hindi mahirap ayusin.

Sa walang hanggang karagatan, ang bilis ng Blue Lightning Sea Sky Ship ay nakaabot na sa hangganan nito habang nagpatuloy sa paghila palayo sa Eight Desolate Mountain.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging itim ulit.

"Nakalagpas na rin tayo sa panganib, ngunit…"

Alam ni Zhao Feng na ang panganib mula sa three sect ay nagiging maliit, ngunit kasabay nito, isang ragasa ng pagkabalisa any nanggaling sa kanyang puso.

Ang aura ng Death ay rumaragasa na naman. Sa oras na ginamit niya ang Void Space Eye Slash, ang aura of Death ay ilang beses na mas malakas kaysa dati.

"Zhao Feng, mas mabuti kung hindi mo gagamitin ang iyong eye bloodline. Sa bawat oras na ginagawa mo ito, mapapalakas nito ang ugnayan sa pagitan mo at ng Emperor of Death."

Ang babala ng Purple Saint Partial Spirit ay umalingawngaw sa kanyang isip.

Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Zhao Feng. Hindi niya nais gamitin ang kanyang God's Spiritual Eye kung hindi niya kailangan.

Sa isang napakalayong lugar sa walang hanggang karagatan.

"Ang ikasiyam na God's Eye… lumitaw ka na rin?"

Isang misteryosong boses ang umalingawngaw sa soul dimension, at kinatawam ang will of death.

Kaagad pagkatapos:

"Bridge… of… Death!'

Isang nakakagulat na intent of Death ang nasunog sa buong kalangitan at kalupaan nang dumaan ito sa walang hanggang karagatan.

Sa sandaling iyon, ang lahat ng nasa loob ng sampung libong milya ay nabalot nf kadiliman.

Tanging ilang makapangyarihang may buhay ay kayang maramdaman ang kaguluhan nito.

Sa loob ng kadilimang ito, isang itim na ibon ang sumigaw sa isang ancient palace of death:

"Ang Emperor of Death ay nagpapadala para sa Four Death Spirit Lord at tatlumpu't anim na Death Guard."